LOGINPAGKARATING na pagkarating nila sa condo ay sa fridge kaagad dumiretso si Justin at kinuha ang pinalamig na beer in can. Parang uhaw na uhaw nito iyong binuksan at tinungga. Sunod sunod, na para bang sa beer gustong ibunton ang galit na nararamdaman. Inaantok na siya kaya pumasok na siya sa kanyang kwarto.Ngunit nang nakahiga na siya sa kama ay nawala ang antok niya. Hindi siya dapat nadidistract maawa kay Justin and yet di niya mapigilan ang nararamdaman lalo at nakikita niya kung gaano itong nasasaktan.Naalala niya ang sinabi ng Kuya Danny niya. "Now is the right time para maakit mo at mapaibig si Justin dahil very vulnerable ang damdamin nya. Paibigin mo sya, Amelia. . .paibigin mo sya hanggang maging sunod sunuran sya saiyo at maging alipin ng pagmamahal mo!"Bumangon siya at sinilip si Justin. Umiinom pa rin ito, lampas sampo na ang empty cans na nakatumba sa mesa. Naupo siya sa tabi nito. Dumapot siya ng isang beer at binuksan. Ini straight niya iyon. Mapait pero nilunok niya
"PARANG HINDI KITA ASAWA AH, kumain ka ng mag-isa ni hindi mo man lang ako tinawag," yamot na sita ni Justin kay Amelia, napairap siya nang makitang halos maubos na nito ang laman ng pinggan nito, "Baka isipin ng iba hindi kita pinapakain!""Eh ano namang gusto mong gawin ko? Mukhang bising-bisi ka sa pagmamaktol sa ex girlfriend mo, alangan namang hintayin pa kita, nagugutom na ako. Sa for sure kapag inalok kita ng pagkain susungitan mo lang ako!" Katwiran nito sa kanya.Napaismid siya saka kumunot ang nuo, "Wag kang masyadong maglalapit kay Ethan. Matinik iyon sa mga babae. Saka magaling iyong mambola kaya wag kang magpapaniwala sa mga sinasabi nya." dagdag pa niya dito."Naku, masyado ka namang paranoid. Bakit naman ako popormahan ng pinsan mo eh alam naman na niyang mag-asawa tayo?""Basta, iwasan mo sya at wag kang papabola sa kanya!" Yamot na sabi niya dito saka mabilis na siyang tumayo. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-make face ni Amelia habang sinusundan siya ng tingin.
HALATANG WALA NAMAN SA MOOD SI JUSTIN habang nasa birthday party sila. Ni hindi nga siya nito pinapansin at parang gusto na lamang magmaktol sa isang sulok habang tahimik na umiinom ng beer. "Bahala ka na nga sa buhay mo, nagugutom ako at di ko palalampasin ang mga masasarap na pagkaing ito," sa loob-loob niya habang naglalaway sa mararangyang pagkaing nakahain sa pagkahaba-habang mesa. May mga waitress na na nag-aaasist sa mga bisita ngunit hindi na niya hinintay pa iyon, sumandok na siya ng lahat ng gusto niyang mga pagkain. Kahit naman kasi ang daming pera ng Kuya Danny niya ay tipid na tipid ito sa paggastos kaya bibihira siyang makatikim ng mamahaling mga pagkain. Nuon pa nga siya curious malasahan ang caviar, pati na rin ang truffle, lobsters etc."Maalat pala ito," pabulong na sabi niya nang matikman ang caviar. Naparami ang kuha niya, nilingon niya ang dalaga sa tabi niya. Napansin niyang konti lamang ang pagkain nito sa pinggan compare sa kanya. Bigla ay na-consicous s
"DITO TAYO PUPUNTA? Invited ba tayo dito?" Tanong ni Amelia kay Justin nang bumaba sila sa isang mansion kung saan ay maraming nagkakatipon-tipon. She found out na ika-75th birthday iyon ng Lolo ni Pamela. "Hindi ba gate crasher tayo dito?""Tumahimik ka na lang, okay?" Sita ni Justin sa kanya, "Close ako kay Lolo Simon kaya hindi na kailangan ng imbitasyon para batiin ko sya sa birthday nya. Besides nuong wedding ko si Pamela lang naman ang imbitado ko pero binitbit nya si Miguel kaya. . .""So, kaya mo ako pinag-ayos ng ganito para iparating kay Pamela na masaya tayo as husband and wife? Na talagang naka-move on ka na? Iyon ba ang reason mo kaya napapayag kang magpakasal tayo?" Ewan ni Amelia pero nasasaktan siya habang nare-realize na ginagamit rin siya ni Justin. Na pareho lang naman silang naggagamitan."Hey, will you just shut your mouth!" Iritadong sagot ng lalaki sa kanya. Hinila siya nito sa birthday celebrant, automatic na nag-iba ang timpla ng katawan nito, parang bi
"ANO BA YANG TASTE MO?" Singhal sa kanya ni Justin nang lumabas siya mula sa fitting room, napasimangot siya. Nakailang fitting na siya ng damit at ni isa ay wala itong magustuhan sa mga napipili niya. Hindi naman kasi ako pasosyal na gaya ng ex mo, ano? Gusto sana niyang sabihin dito pero hindi na lamang siya nagreklamo pa. Aminado rin naman kasi siyang may kabaduyan siyang manamit. Sabi nga ng mga kaibigan niya, may pagka-manang siya sa pagpili ng kanyang susuotin. Hindi naman kasi siya komportableng may nakikitang balat sa kanya. Kung siya nga lamang ang masusunod, gusto niyang bihis ay long sleeve at at maong jeans lang. Tila naubusan na ito ng pasensya kaya tumayo ito mula sa couch at ito na ang pumili ng mga damit na isusukat niya, nilingon din nito ang babaeng nag-aasist sa kanya, "Pakitulungan na lang siya, galing kasi sa kumbento ang babaeng ito!" May sarcasm na sabi nito, tiningnan pa siya ng masama.Sinimangutan lang niya ito. Ang sales lady naman na nag-aasist sa k
GINISING SI JUSTIN ng ingay mula sa kusina. Pinasok ba siya ng magnanakaw? Nagmamadali siyang bumangon at lumabas ng kanyang kuwarto. Napabuntong hininga siya nang malalim nang makita si Amelia sa kusina, naghahanda ng almusal. Oo nga pala, hindi na niya solo ang unit na ito. He is living with this woman!Damn, hindi nya alam kung ano ang eksaktong mararamdaman. Nagpakasal siya sa babaeng hindi naman niya lubusang nakikilala, and worse, wala naman siyang nararamdamang pag-ibig para dito. Napasubo siya, hindi lamang dahil ayaw niya ng gulo kundi dahil gusto niyang ipamukha kay Pamela na kung kaya nitong basta na lamang siya ipagpalit kay Miguel, kaya rin niya itong ipagpalit sa kahit na ilan pang mga babae! Hah, ni hindi nga official ang paghihiwalay nilang dalawa ni Pamela, pagkatapos ay bigla na lamang nitong iaanunsyo sa social media nito na offically dating na ito, at sa itinuturing pa niyang isang matalik na kaibigan?Kung tutuusin, kulang pa ang suntok na ibinigay niya di







