Home / Romance / Stripping for Mr. CEO / Chapter 2: Call me Scarlet

Share

Chapter 2: Call me Scarlet

Author: Crymson
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-21 09:43:23

Mikaela’s POV

“Salamat, Stella sa pagpapatira sa’kin. I promise to pay you back.”

“Naku, ano ka ba? Simula highschool tinutulungan mo na ako, this is just my way of giving back sa bestie ko”

Napangiti ako. Kahit papaano may nagmamahal pa sa akin.

Si Stella ay matagal ko ng kaibigan. Simula nung highschool pa lamang kami ay magkaibigan na kami.

Ulila na rin siya sa magulang, ang tanging kasama na lamang niya sa bahay ay ang Lola niya na may sakit na cancer.

Noong high school kami, si Stella ay laging binubully dahil sa mahirap lang ang pamilya niya. Kaya lahat ng meron ako, hinahatian ko siya. Marangya naman ang pamilya namin at kaya kong magbigay ng sobra.

Ngayong college na kami, hindi na kami gaanong nagkikita dahil ang course niya ay accountancy, ako naman ay marketing.

“Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Baka kung ano na nangyari sa’kin sa daan”

“Wala yun! Pero ano na ang plano mo niyan?”

“Syempre, maghahanap agad ako ng trabaho bukas. Hindi ako mabubuhay nitong natitira kong pera”

“Sige sabihin mo lang pag may kailangan ka ha? O siya gagayak muna ako at may raket ako” Ani niya at pumunta sa aparador para kumuha ng damit.

Naguluhan ako dahil masyadong sexy ang kinuha niyang damit.

“Umm Stella? Bat ganiyan yang damit mo?” Pagtataka ko.

“Ganto kasi suot sa raket ko bestie”

“Huh? Naka panty lang at bra? Hahahah” Pagbibiro ko.

“Oo” Sabi niya at proud na proud pang tumango

“Ano bang trabaho yan?”

“Sa strip club”

Nagulat ako. Literal na napanganga! Di ko inaasahan yung sinabi niya.

“What??”

“Oo, ano ka ba sa panahon ngayon, pagkailangan mo ng pera, wala nang arte arte”

Napaisip ako. Oo nga no? Baka magkapera agad ako. Tutal kailangan ko ng pamasahe para bukas.

“Pwede ba ako diyan?”

“Bes?? Sure ka? Hahaha Parang di mo kakayanin”

“Kailangan kong kayanin para mabuhay ako”

“Osiya sige gumayak ka, may mga masusuot naman don, dun ka na rin aayusan. Buti na lang at kulang kami sa dancers ngayon, ako bahala sayo”

“Kaso, di ba tayo mapahamak niyan? Diba bawal sa school to?” Kinakabahan kong sabi.

“Hindi yan. 2 years na ako dito, at wala namang nakakakilala sakin. At ‘wag ka mag-alala, naka mask tayo”

Nabuhayan ako nang marinig kong may takip pala ang mga mukha namin.

“Sige gagayak na ako” Masaya kong sabi.

__________________________________________________________________________________________________________________

VELVET ROOM STRIP CLUB

“Stella late ka nanaman ha? Ikakaltas ko na yan sa sahod mo” Masungit na sabi ng isang baklang mukhang manager nila.

“Mama B, wag ka na magalit. May recruit naman ako oh! Sabi mo diba maghanap kami? Oh eto na siya.” Hinarap niya ako dito.

“Meet my beautiful, fresh na fresh na BFF, Mikaela” Masayang pagpapakilala sa akin ni Stella.

Nilapitan ako ni Mama B at parang ineexamine niya ang itsura ko.

“Maganda, maputi, makinis, ang kaso, magaling ba ‘to gumiling?” Medyo nahiya ako sa mga huli niyang sinabi.

“Naku, kayang kaya niya ‘yan”

“Oh sige, paayusan mo na yan kay Spencer. Siguraduhin mong di papalpak yan ha? At meron tayong big client. Binook ba naman ng pinaka-bata at sikat na CEO yung pinaka mahal nating VIP! Kaya dapat walang papalpak”

“No worries, Mama B, hahakot tayo ng many many” masayang sabi ni Stella at naglakad na kami papunta sa dressing room.

Sinimulan na nga akong ayusan ni Spencer, ang make-up artist nila na bakla rin.

“Ayan! Okay na. Ang ganda mo sister!” Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ibang iba sa itsura ko. Hindi ko makilala ang sarili ko dahil sa makapal na makeup na nilagay niya.

Mas lalong hindi ako makikilala dahil sa sobrang pulang lipstick na nilagay niya.

Pinasuot niya sakin ang pulang na lingerie, at mataas na stripper heels. Hindi nga ako sanay gumamit nito kaya medyo natatapilok ako.

Tinignan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa. Napapikit ako.

“Makakabawi rin ako” bulong ko sa sarili ko.

Lumapit naman si Spencer at sinuklay ang buhok ko.

“Tandaan mong hindi ikaw si Mikaela dito. Ikaw ay isang babaeng matapang at nakukuha lahat ng gusto niya. Isipin mong hawak mo ang mga lalake na ‘yan sa leeg at pagmamay-ari mo sila”

“Scarlet”

“Huh?” naguguluhang ani ni Spencer.

“Kikilalanin ako rito bilang si Scarlet”

The makeup artist smiled.

“Welcome to Velvet Room, Scarlet.”

“Sige na, lumabas ka na. Ipakita mo kung sino ka” Pahabol ni Spencer.

Matapos kong magpasalamat sa kaniya ay lumabas na ako sa dressing room. Inutusan na rin ako ni Mama B na sumampa sa stage dahil ako na ang susunod na sasayaw.

The music started.

Nangingibabaw ang red lights.

Kinakabahan ako dahil di ako sanay sa mga ganitong senaryo. First time kong pumasok sa isang club at pagtinginan ng maraming tao. Pero nilunok ko ang pride ko at nagsimula nang sumayaw.

Nilaro ko ang isang pole at umikot ikot dito. Mukhang gumagana ang pagsasayaw ko dahil nanahimik ang mga tao at ang tanging tinitignan lang nila ay ang mala porselana kong balat.

Sa bawat giling ko ay sinasabayan ko lang ang kantang tumutugtog. Tinititigan ko isa isa ang mga nakikita ko na para bang sila ay inaakit ng mga mata ko.

Maya maya ay nagbabato na sila ng pera sa harapan ko kaya mas lalo ko pang ginalingan.

Pagtapos ng set ko ay bumalik ako sa dressing room para magtanggal ng sapatos dahil ang sakit na ng paa ko. Binilang ko na rin ang mga nakuha kong tip.

“Five hundred, one thousan–” Natigilan ako sa pagbibilang dahil may pumasok.

“Ang galing mo ‘nak!!” Palakpak ni Mama B.

“Ngayon lang ako nakakita na napatulala ang mga customer dahil sa isang dancer” Dagdag niya.

“Salamat po”

“Eto pa! Magpabango ka at mag retouch dahil gusto ka raw makita nung  nasa VIP! OMG si Mr. CEO ata ‘yon!”

Nahihiya ako ngunit sinunod ko na lang ang gusto niya dahil ayokong mawala lahat ng pinaghihirapan ko.

Di ko alam ang mangyayari sa akin doon pero bahala na, kailangan ko ‘to.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa VIP Room at kumatok.

Pagpasok ko ay bumungad sa’kin ang isang matangkad na lalaki.

Black suit.

Expensive watch.

Sharp jaw.

Hindi siya ngumingiti.Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. Jusko, bakit naman ganito kagwapo ang lalaking ‘to?

“Come closer” malamig niyang utos.

Dahan-dahan akong lumapit habang pilit na binabalanse ang sarili ko dahil sa suot kong heels.

“First time?”

I looked at him. “H-ha?”

“Nanginginig ka.”

Agad kong itinago ang mga kamay ko sa likod.

“Hindi ah. Malamig lang dito.”

Bahagya siyang napangisi.

“Cute. You don’t know how to lie.”

Mas lumapit pa siya sa akin. Napaatras ako hanggang maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko.

“What’s your name?” Hindi ko mapigilang maamoy ang alak na galing sa bibig niya. Mukhang nakarami na ‘to.

“Scarlet” Sagot ko.

“Interesting.” Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napatingin ako sa bahagyang nakabukas niyang polo. Tangina, Mikaela.

Mag-focus ka!

“Magkano ang private dance? Tanong niya.

“F-five thousand po.”

He chuckled.

“Tigilan mo nga yang pag p-po mo. I’m not that old.”

“Sorry, sir.”

Napailing sya, tila natatawa.

“20k, just stay here”

“20k??” Gulat kong pagkakasabi.

“Parang ayaw mo ata eh”

“Hindi. G-gusto ko” Nahihiyang sabi ko.

Lumapit siya sa tenga ko and he whispered,

“Then show me what you’ve got, Scarlet”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Stripping for Mr. CEO   Chapter 8: Justice

    Mikaela's POV“Uy Bes…”Lumapit si Stella sa akin habang nakatingin kay Adrian.“Ang pogi ng boss mo!” bulong ni Stella sa akin.Kahit kelan talaga.“Stella! Hindi ito ang tamang panahon!”Umiling na lang ako at nag focus sa mga nangyayari.“Miss Reyes.”Napalingon ako kay Adrian.“Yes, sir?”“Are you alright?”“Opo.”Bago pa ako makapagsalita, natigilan kaming lahat sa malakas na tawa ni Leslie.“Oh, please! Mr. Villanueva, don't waste your time on her.”Tumingin kaming lahat sa kaniya.“She's nothing but a pathetic orphan who steals from people!”“Anong sinabi mo?” Galit na tanong ko sa kaniya.“What? Totoo naman!”Ngumisi siya at dahan dahang lumapit pa sa akin.“Alam niyo ba? We took her in after her parents died. Pinakain namin, pinag-aral, binigyan ng bahay. And how did she repay us?”She smiled maliciously.“By stealing thirty thousand pesos from my parents!”Putangina.Hindi pa rin siya tumitigil.“That's a lie!” sigaw ni Stella.Umirap lang si Leslie at muling tumawa.“Shut u

  • Stripping for Mr. CEO   Chapter 7: Mr. Savior

    Mikaela's POVAdrian?Napakurap ako nang makita kong papasok sa clothing store si Adrian.Mukhang nag-palit na siya ng damit.He’s now wearing a black suit, his hair is perfectly styled, and you can smell his perfume from miles away.Tangina.Bakit ba kahit simpleng paglalakad lang, parang may background music ang lalaking to?“OH MY GOD! GIRLS! THAT’S ADRIAN VILLANUEVA!” Sigaw ng isang kaibigan ni Leslie.“THE YOUNGEST AND RICHEST CEO?!” Sagot naman ng isa.Napalingon si Leslie sa entrance at biglang inayos ang buhok niya.Ay, wow. Kanina gusto akong ipakulong, ngayon gusto nang magpa-cute.Napailing na lang ako. Pero hindi ko na siya napansin dahil mas nag-aalala ako sa mangyayari sa akin.“Ma'am, your bag, please.”Bumalik ang atensyon ko sa sales associate na kanina pa naghihintay.“Ate, wala po akong ninakaw.”“Ma'am, we just need to check.”“Then check the CCTV first,” sagot ni Stella.“Miss, kung wala naman siyang tinatago, bakit ayaw niyang ipakita ang bag niya?” Singit ni Les

  • Stripping for Mr. CEO   Chapter 6: Accused

    Mikaela’s POVAdrian VillanuevaAdrian freaking Villaneva!Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalaking nakahalikan ko sa club ay ang mismong may-ari ng kumpanyang gusto kong pag-applyan.At mas lalong hindi ako makapaniwala na tinanggap niya ako.WITHOUT EVEN LOOKING AT MY RESUME!“BESSS!!! ANO NA??”Napatalon ako nang biglang sumulpot si Stella sa harapan ko.“JUSKO KA1 GUSTO MO BA AKONG PATAYIN?”“Kanina pa talaga kita tinatawag! Ano nangyari? Bakit ang tagal mo? Natanggap ka ba?Hindi ko alam kung paano ko ikukwento sa kaniya yung nangyari kanina.“Bes…”“Ano?”“May trabaho na ako.”For three seconds, tinignan niya lang ako.“AAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH” Sobrang lakas ng sigaw niya, halos pag-tinginan na kami ng lahat.“Hoy! Tumahimik ka nga! Ang ingay mo!!!”“Oh my gossshhh! Congrats, bitchhhh!”Niyakap niya ako nang mahigpit habang halos tumatalon kami sa gitna ng mall.“Wait! Paano ka natanggap? Akala ko mag-a-apply ka pa lang?”“Mahabang kwento.”“Eh ‘di ikwento

  • Stripping for Mr. CEO   Chapter 3: Mr. CEO's Kiss

    Mikaela’s POV“Then show me what you’ve got, Scarlet”Napalunok ako.Tangina. Bakit ba kasi ang gwapo niya?Kung hindi lang ako nangangailangan ng pera, baka ako pa mismo ang magbabayad makatitig lang sa mukha niya.“Are you nervous?” tanong niya habang pabalik sa mamahaling sofa.“Hindi ah.” Naiwan akong naka tayo sa may pader.He raised an eyebrow.“Talaga?”“O-oo”“Then why are your hand shaking?”Agad kong itinago ang kamay ko sa likod.“Aircon”Napailing lang siya habang nakangiti.“Come here” Ika nya habang tinapik ang sofa upang maupo ako.I hesitated. Pero sinunod ko pa rin.“Why?”“I want to ask you something.”Magkatabi na kami ngayon sa sofa.He looked at me.“Are you comfortable with me touching you?”Natigilan ako. Medyo lasing na siya pero maayos pa rin kausap. “Depends” Panloloko kong sabi“On what?’“Kung saan”“Fair answer” He gave a quiet laugh.Tinitigan niya ako. Onti onti kong nararamdaman na bumabagal ang paligid at bumibilis ang tibok ng puso ko. Lumapit siya

  • Stripping for Mr. CEO   Chapter 5: You're Hired

    Mikaela’s POV“SHIT! SIR, I’M SO SORRY!”Agad akong kumuha ng tissue sa bag ko at sinubukang punasan ang dibdib niya.“Sorry po talaga! Hindi ko kayo nakita!”Bigla niyang hinawakan ang pulso ko.“Stop.”Napatingala ako.And holy shit.Ang gwapo niya pa rin. Ang gwapo niya talaga. Ang gwapo niya-Pero mukhang gusto niya akong patayin.“Do you have any idea what you've just done?” malamig niyang tanong.“Opo! Natapunan ko po kayo ng kape!”He stared at me. Gusto kong magpakain sa lupa, kaso walang lupa dito, tiles lang. Gusto kong magpakain sa tiles.“I can see that.”“Sorry po talaga!”Sinubukan kong punasan ulit ang damit niya pero hindi niya ako pinayagan.“Will you stop touching me?”Agad kong binawi ang kamay ko.“Sorry!”He took a deep breath.“Do you always walk around without looking where you're going?”Napakurap ako.Ay wow.“Sir, nag-sorry na po ako.”“And does apologizing remove the stain?”“Hindi naman po, pero—”“Then what's the point?”Napatingin ako sa kaniya.Grabe nam

  • Stripping for Mr. CEO   Chapter 2: Call me Scarlet

    Mikaela’s POV“Salamat, Stella sa pagpapatira sa’kin. I promise to pay you back.”“Naku, ano ka ba? Simula highschool tinutulungan mo na ako, this is just my way of giving back sa bestie ko”Napangiti ako. Kahit papaano may nagmamahal pa sa akin.Si Stella ay matagal ko ng kaibigan. Simula nung highschool pa lamang kami ay magkaibigan na kami.Ulila na rin siya sa magulang, ang tanging kasama na lamang niya sa bahay ay ang Lola niya na may sakit na cancer.Noong high school kami, si Stella ay laging binubully dahil sa mahirap lang ang pamilya niya. Kaya lahat ng meron ako, hinahatian ko siya. Marangya naman ang pamilya namin at kaya kong magbigay ng sobra.Ngayong college na kami, hindi na kami gaanong nagkikita dahil ang course niya ay accountancy, ako naman ay marketing.“Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Baka kung ano na nangyari sa’kin sa daan”“Wala yun! Pero ano na ang plano mo niyan?”“Syempre, maghahanap agad ako ng trabaho bukas. Hindi ako mabubuhay nitong natitira kong

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status