Teilen

Kabanata 6

last update Veröffentlichungsdatum: 21.05.2026 23:21:55

Walang iba kundi si Hendrick Monteverde, ang susunod na head master ng mga Monteverde sa oras na maikasal na ito.

“Are you Bianca Valencia?” Mababa at paos ang boses nito.

Biglang dinaga ang dibdib ni Venice, ganun ang epekto ng lalaki sa kanya, mabilis siyang natauhan at bahagyang tumango.

“Ako nga.” Tanging naisagot ni Venice.

Tahimik siyang pinagmasdan ni Hendrick mula ulo hanggang paa, napakabagal ng tingin nito na para bang sinusuri ang bawat detalye ng pagkatao niya.

Dahil doon, hindi maiwasang mailang ni Venice, pakiramdam niya ay para siyang babasagin sa harap nito na kayang basahin ng lalaki lahat ng iniisip niya kahit wala siyang sabihin.

Hindi komportable si Venice kaya akma siyang iiwas ng tingin nang mauna itong magsalita.

“Dala mo ba ang Id mo?”

At doon natigilan si Venice bago sumagot. “A-ah oo, dala ko.”

Saka lang niya narealize kung gaano kakaiba ang tanong nito. First meet up pa lang nila, hinihingi na agad ang ID niya?

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Venice, tahimik niyang inilabas ang wallet bago iniabot ang identification card.

Kinuha iyon ni Hendrick gamit ang mahahaba nitong daliri bago tahimik na tiningnan ang ID.

Walang nagsalita sa kanilang dalawa at tanging mahinang ugong lang ng aircon ang maririnig.

Mas lalong kinabahan si Venice habang pinagmamasdan ang seryosong mukha ng lalaki, pagkalipas ng ilang segundo, dahan-dahang ibinalik ni Hendrick ang ID.

“Bianca Valencia,” mababang boses na bigkas nito sa pekeng pangalan niya. “Twenty-four years old.”

Bahagyang natigilan si Venice sa sinabi nito, unti-unting nag-angat ng tingin si Hendrick hanggang sa magtama ulit ang mga mata nila.

At sa pagkakataong iyon, pakiramdam ni Venice ay parang may malamig na bagay ang dumampi sa kanya. Kakaiba talaga ang presensya ng lalaking ‘to.

Hindi nito kailangang magtaas ng boses para manindak, natural na nakakatakot ito.

Nang biglang umangat ng bahagya ang sulok ng labi ni Hendrick. “Bakit parang kinakabahan ka?”

Agad na umiwas ng tingin si Venice. “Hindi,” sagot niya bago napailing.

Tila natutuwa namang napasandal si Hendrick sa upuan dahilan para mas lalo lang siyang kabahan at biglang bumalik ang tingin ng lalaki sa kaniya.

“At bakit parang gusto mong takasan ako?” malamig na boses nitong tanong.

Natigilan si Venice, hiindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay nahuhuli siya sa bawat tingin ni Hendrick.

Mas lalo siyang napahigpit sa hawak niya sa bag, dahil sa totoo lang—natatakot siya. Hindi siya ang tunay na Bianca Valencia, isa lamang siyang substitute bride.

At kung sakaling malaman iyon ni Hendrick Monteverde hindi niya alam kung ano ang maaaring mangyari sa kaniya.

Habang hindi mapakali si Venice, dahan-dahang binawi naman ni Hendrick Monteverde ang tingin sa kaniya bago sumandal sa leather seat.

Bahagyang gumalaw ang Adam’s apple nito bago nagsalita. “Sumakay ka na.”

Bahagyang nakahinga nang maluwag si Venice, maingat siyang yumuko at tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.

Pagkasara ng pinto, tahimik na umandar ang itim na Maybach at mabilis na sumabay sa daloy ng mga sasakyan sa airport expressway habang sunod-sunod nilang nadaraanan ang mga road signs.

Ilang minuto pa lang ang lumilipas nang mapansin ni Venice na hindi iyon ang daan papunta sa bahay ng pamilya Valencia, at sa tingin niya’s hindi rin iyon papunta sa Monteverde residence.

Kahit dalawang taon siyang nawala sa Hong Kong, kabisado pa rin niya ang mga pangunahing kalsada rito.

Bahagya siyang napalingon sa lalaking nasa tabi niya, nakapikit si Hendrick na tila nagpapahinga, sa tulong mula sa liwanag mula sa labas, maayos niyang nakita ang mukha nito. Bahagyang gumagalaw ang kuwelyo ng itim nitong polo sa bawat paghinga, at sa ilalim ng collarbone nito ay tila may manipis na peklat na bahagyang sumisilip.

“Mr. Hendrick,” hindi mapigilang tawag ni Venice. “Saan tayo papunta?”

Dahan-dahang iminulat ni Hendrick ang mga mata nito. “Civil Affairs Bureau.”

Natigilan si Venice. “Ha?”

“Kukuha tayo ng marriage certificate.” Malamig at walang kasing seryosong sagot nito.

Tuluyang nanigas si Venice, kaswal namang ipinatong ni Hendrick ang isang braso nito sa gitnang armrest. Nakataas hanggang siko ang manggas nito kaya litaw ang maputlang balat, at ang maugat nitong kamay.

“Hindi ba sinabi ng parents mo?” walang emosyon nitong tanong. “Sa katapusan ng buwan na ang kasal natin, naihanda na ang lahat ng requirements, kailangan mo na lang ngayon.”

Bahagyang bumukas ang bibig ni Venice pero walang salitang lumabas, halos dalawang araw pa lang mula nang mapilitan siyang pumayag bilang substitute bride. Kaya wala siyang alam sa mga detalye.

Pero hindi niya inasahan na pagdating pa lang niya sa Hong Kong, diretso agad siya sa pagpapakasal.

Ni wala man lang kahit kaunting oras para mag-isip.

“Pero kakababa ko lang ng eroplano,” pilit niyang dahilan.

“I know you don’t want this.” Diretsong tumingin si Hendrick sa kaniya, madilim ang mga matang tumitig sa kanya. “Kaya agreement marriage lang ito.”

Bahagyang natigilan si Venice, tahimik na umiwas ng tingin si Hendrick habang tinatamaan ng liwanag mula sa bintana ang kanyang mukha.

“Mahina na ang kalusugan ng lola ko,” marahan nitong sabi. “Gusto niyang makita akong magpakasal.”

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 181

    Umiiyak pa rin si Camille Reyes, nanlalambot ang mga pilikmata habang nakatayo siyang tulala. Maingat niyang pinagmasdan ang mukha ng lalaking nasa harapan niya. Magkaparehong-magkapareho ang kilay at mata nila ni Adrian Cruz—makapal at matalim ang hugis ng kilay, maliwanag ang mga mata, matangos

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 180

    --- “Law will handle it.” --- A pause. --- “But they won’t be comfortable.” --- Ruan Ze swallowed. “…That sounds worse.” --- Ruan Niannian immediately smacked his arm lightly. “Serves you right.” --- But her voice softened again a second later. “Don’t get involved in fights again, unde

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 179

    Huo Lin had left her. As if she hadn’t moved at all. --- Her back was straight, but there was a slight tremor in her shoulders that she couldn’t hide. --- The fluorescent lights above flickered faintly, making her face look even paler. --- When she saw him return, her eyes immediately lifted.

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 178

    --- "Tungkol doon sa mga batang nakasakit kay Ruan Ze..." --- Napatingin ito sa kanya. --- "Ano tungkol sa kanila?" --- Hindi alam ni Venice kung bakit. Pero may kutob siyang may ginawa na ang asawa niya. --- "Wala ka namang ginawa, hindi ba?" --- Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni He

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 177

    --- Hindi na hinintay ni Venice na pagbuksan siya ng pinto. Pagkahinto pa lamang ng sasakyan ay agad na siyang bumaba at tumakbo papasok. --- "Miss!" Sigaw ni A-Yao. --- Ngunit hindi siya huminto. --- Tanging si Ruan Ze lamang ang nasa isip niya. --- Sa dulo ng hallway ay nakita niya ang

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 176

    Nanlaki ang mga mata ni Venice. "Si Ruan Ze!" Halos manginig ang boses niya habang pilit niyang hinihigpitan ang sintas ng sapatos. "May nangyaring gulo sa school niya. May narinig akong sigawan at may nag-aaway. Hindi na siya sumasagot!" Agad na nagdilim ang mukha ni Hendrick. Sa loob ng ilang

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 7

    Saglit na tumigil si Hendrick sa pagsasalita bago muling nagpatuloy. “One year agreement.” Madiing sabi nito. “Pareho tayong makikinabang, dahil pareho nating makukuha ang kailangan natin.”Tahimik na pinroseso ni Venice ang mga sinabi nito bago maingat na nagtanong.“Anong kailangan mo sa akin?”Da

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 5

    Kararating lang ni Venice sa North City Airport nang marinig niya ang sunod-sunod na boarding announcements mula sa malalaking speakers sa paligid. Tahimik siyang naglakad habang hinihila ang maleta, ngunit halatang mabigat ang bawat hakbang niya.Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa cellphone, n

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 4

    Pagkalipas ng dalawang araw, ang mga sugat ni Venice ay unti-unti na ring gumagaling at bumalik na rin sa normal ang boses niya. Sa loob ng dalawang araw na iyon, ni minsan ay hindi siya dinalaw ni Asher. Ang tanging natanggap niya ay isang package mula sa mommy niya sa Hong Kong.Tahimik siyang nak

  • Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire   Kabanata 3

    Bahagyang natigilan si Venice sa narinig.Sa loob ng isang taon, nakita niya kung paano halos mabaliw si Asher sa paghahanap ng paraan para gumaling ang pandinig niya, pero walang naging epekto. Hanggang anim na buwan na ang nakalipas, nang si Dr. Lucas mismo ang humawak sa gamutan niya saka lamang

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status