LOGINNatigilan siya. Naramdaman niyang agad na naging tensyunado ang kaniyang ina. Sinubukan nitong humakbang palapit, ngunit napigilan ni Christian. “Where did you get this bruise?” Palaging malamig ang mga mata ni Aeros. Palaging may pagbabanta. Ngunit sa sandaling ito, lumambot iyon ng ilang segundo bago naging matigas at sumungaw ang nagbabadyang galit. “Wala 'to.“ Aniya at ipinilig bahagya ang ulo para maitago ang kaniyang pisngi. “Kanina sa kuwarto, no’ng k-kumuha kami ng mga damit niya, may nahulog na box. Hindi namin napansin kaya... kaya tumama sa may pisngi niya.“ Ani Lorna, halata ang pagkataranta sa boses. Hindi man lang nag-abalang lingunin ni Aeros ang babae. Nanatili ang tingin nito sa kaniya, nanantiya. “Does it hurt?” Mahina nitong tanong. There's strain in his eyes. Para bang nahahati ito, hindi niya alam kung sa anong bagay. Umiling siya bilang tugon. “Ayos lang ako...“ Kailangan na ayos lang siya. Palaging ayos lang. “Hija, gusto mo bang magpakuha ng cold com
Gusto niyang maging mabuting tao— maging disente— at hindi niya iyon magagawa kung magsisinungaling siya. Kung magpapanggap siya. Kung sakaling malupit si Aeros, hindi ba't mas dapat silang mag-ingat? Itama na nila ang kanilang pagkakamali nang hindi sila tuluyang kamuhian ng lalaki. Baka sakaling mapatawad pa sila ni Aeros kung aaminin sila ngayon pa lang. Ngunit sadyang magkaiba ang kanilang paniniwala. Iba ang gustong mangyari ng kaniyang ina.Ayaw niyang mag-isip ng masama, ngunit malinaw na hindi siya isang 'substitute bride'. Isa siyang tau-tauhan na ginagamit para maisakatuparan ang mga plano ni Lorna at ni Christian.Like a pawn to a chess game.Hangga't wala pa ang totoong reyna ay magpapanggap siya. Kapag makabalik na si Wenona ay saka pa lamang siya ididispatya.“Kailangan ko ba talaga 'tong gawin?”Mula sa pagtutupi ng mga damit, unti-unting napatingin sa kaniya si Lorna.Ibinaba nito ang telang natupi saka nagbuntong-hininga.“Kailangan, Rory. This is not just for the c
“Nakapag-impake ka na ba, hija?”Mula kay Aeros, naibaling niya ang tingin kay Christian na siyang nagtanong.Nakatayo ito sa gilid ng pinto, ito ang nagbukas ng silid, ngunit hindi ito ang una niyang napansin.Saglit pa siyang napasulyap kay Aeros at nakitang nakatitig ito sa kaniya. Malamig ang mga mata, at kahit na medyo malayo pa naman ito sa kaniya, pakiramdam niya'y nasa tabi lamang niya ito at kitang-kita ng malinaw ang kaniyang hitsura.Napaiwas siya ng tingin at bahagyang tumungo. Ramdam niya pa ang pananakit ng kaniyang pisngi. Posibleng nag-iwan iyon ng marka o namumula. Ayaw niyang mapansin iyon ni Aeros. “Hindi pa siya nakakapag-impake, Daddy.” Si Lorna ang sumagot sa masuyong boses nang hindi niya tinugon ang tanong ng tiyuhin.Nanlalamig ang kaniyang sikmura. Marahil ay tapos nang kumain ng almusal si Lawrence at Christian kaya nagpasyang samahan si Aeros na tingnan kung tapos na siyang mag-impake. Ngunit dahil sa kanilang pag-uusap ni Lorna, hindi pa siya nakakapag-i
Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mapagpaumanhing mga mata ni Lorna. Dumaan ang pagsisisi roon, ngunit sandali lamang iyon bago napalitan ng takot at awa.Wala siyang ibang maramdaman kung hindi poot kaya malamig niyang tiningnan ang babae.Hindi pa rin pala talaga ito nagbabago. Saka lamang siya nagiging importante kapag kailangan siya nito. Saka lamang ito hihingi ng paumanhin kapag kailangan nitong magpakumbaba dahil hindi siya maaaring mawala. Saka lamang siya tatawaging anak kapag kailangan na pukawin ang kaniyang damdamin.“I’m sorry. I’m just desperate, anak… hindi ko na alam ang gagawin kung aatras ka pa sa kasal.”Namula ang mga mata nito at nakita niya ang mabilis na pagtipon ng mga luha. Bumagsak ang isang malaking butil ng luha sa kaliwa nitong mata.Ngayon, ito pa ang naunang umiyak sa kanilang dalawa.“We couldn't find Wenona. Walang ibang malalapitan si Christian para tulungan kami. Our best shots are the Elizondo. Ang kasal ang tanging magbibigay sa amin ng ka
“I don’t understand… sinadya niyo ba na gamitin ang dokumento ni Wenona? Sinadya niyong paniwalain sila na ako si Wenona?”Unti-unting binitawan ni Lorna ang kaniyang siko at bigong napailing. May kaunting awa sa tingin nito, ngunit mas lamang ang pagkabigo.“Hindi ka nila matatanggap, Rory… si Wenona ang anak ni Christian. Siya lamang ang gusto ng mga Elizondo. Magiging mabait sila sa’yo kung ikaw si Wenona, kung isa kang Rodrigo, kung… hindi ka anak sa labas.”Hindi niya alam kung ano ang nagpabigat sa kaniyang dibdib, kung ang katotohanan na nililinlang nila ang pamilyang Elizondo, kung ang kumpirmasyon na kaya lamang sa kaniya mabait ang pamilya ni Aeros ay dahil iniisip ng mga ito na siya si Wenona, o ang salitang binanggit ni Lorna… na isa siyang anak sa labas.Hindi siya isang bastardo. Kasal ang kaniyang Mommy sa kaniyang Daddy, kasal ang dalawa noong pinagbubuntis siya, produkto siya ng pagmamahalan at legal na pagsasama ng dalawa! Bakit… itinuturing siya ngayong anak sa lab
Buong buhay niya, pakiramdam niya’y sampid lamang siya sa pamilyang ito. Simula nang mamatay ang kaniyang ama, si Lorna na lamang ang natira niyang pamilya. Ngunit nang makapag-asawa itong muli, unti-unting lumayo ang loob nila sa isa’t isa. Lalo pa noong naramdaman niyang mas priority ni Lorna ang bago nitong pamilya, tuluyang nagkaroon ng pader sa pagitan nila ng kaniyang ina. Dahil pangalawang asawa lamang ito, ramdam niya noon ang kagustuhan ng kaniyang ina na matanggap ng buo ng anak ni Christian Rodrigo— si Wenona. Noong una'y ayaw ni Wenona na makapag-asawa ng bago si Christian. Tutol ang babae sa pagpapakasal ni Christian kay Lorna. Ngunit wala rin naman nagawa si Wenona. Maliban sa mga tantrums nito noong bata pa, ay hindi rin naman napigilan ang pagsasama ng dalawang matatanda.Naging pokus si Lorna sa pag-aalaga kay Wenona upang makuha ang loob nito. Ngunit kapalit no’n, unti-unti naman siya nitong napabayaan. Mas naging anak pa nga ang turing nito kay Wenona, kumpara sa







