Share

CHAPTER 7

Malamang sa malamang ay ihahatid pa ni Grantt ang babae kaya hindi na kami magkikita pa. Hindi rin naman kami makakauwi ng Tagaytay ngayon dahil sobrang aga pa nga ng lakad namin bukas. Sa kanya-kanyang condo muna kami matutulog at magkikita na lang kami sa port.

Napabuntong-hininga na lang ako. Makalipas ang ilang minuto pa ay napagdesisyonan ko na ring lumabas ng RR at pumanhik sa aking opisina.

Pabagsak akong naupo at tinapos na lang ang mga dapat kong i-submit na proposal at report.

Nang makaramdam ako nang pangangalay sa batok ay saglit akong napatingala at hinilot-hilot ang sarili kong batok.

"Buhay is life," saad ko sabay hikab.

Mukhang dadalawin pa ako ng antok. Akmang tatayo na ako para sana pahinaan ang aircon nang bumukas ang pintuan. Napakunot-noo pa ako nang si Grantt ang iniluwal niyon.

"Bakit nandito ka?" takang tanong ko. Saglit niya naman akong tinapunan ng tingin at pabagsak na naupo.

"Dahil nandito ka pa," tipid niyang sagot at pumikit pa. "I lock the door so c
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status