Share

Sweet Revenge
Sweet Revenge
Author: eZymSeXy_05

Chapter One

Disclaimer:

This is just a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are just a product of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living, dead or actual event are purely co-incidental

The story has also a few mature content so read at your own risk. Thank you for understanding and enjoy reading!

            TULALA at nangingilid ang aking mga luha habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa vanity mirror na naroon sa silid ni mommy. Matapos kasi akong sampalin at bugbugin ng aking ama ay halos mapuno na naman ng latay ang buo kong katawan pati na rin ang aking pisngi.

''Jela, anak!'' dinig kong sigaw ni mom kaya't dali-dali kong pinalis ang aking mga luha.

''Mom, ba-bakit niyo po ako hinahanap?'' garalgal ang tinig na tanong ko sa kanya.

''Hmm...umiiyak ka ba?'' usisa ng aking  ina dahilan upang mapilitan akong tumalikod mgunit patuloy pa rin niya akong kinulit.. ''Sandali nga, sinaktan ka na naman ba ng daddy mo? Puro latay na naman 'yang mga binti mo ah.'' Giit pa nito.

Sunud-sunod na pag-iling ang ginawa ko, ngunit hindi ko naman napaniwala ang aking ina.

"Huwag ka ng magsinungaling. Buwisit talaga'ng ama mo 'yan! Wala ng ibang ginawa kundi ang saktan ka!" nanggagalaiti'ng singhal nito.

"Hayaan niyo na po. Okay naman na po ang pakiramdam ko."

"Anak, hindi puwede na palagi na lang gan'to ang mangyayari."

"Pero mom, kapag sinita mo po si dad ay  paniguradong ikaw naman ang sasaktan niya."

"Huwag mo akong alalahanin. Nakahanda akong gawin ang lahat para lang maipagtanggol kita sa daddy mo."

"Hayaan niyo na po mom. Kasalanan ko naman eh." Giit ko pa.

"Nahuli ka na naman ba ng ama mo na nagsusulat ng mga nobela?"

Tinanguan ko si mommy.

Niyakap ako nito kaya't kahit papa'no ay nakaramdam ako ng kaunting kaginhawahan.

"Huwag kang mag-alala, balang araw matatanggap rin ng dad mo ang propesyon na gusto mo."

"Kailan pa mom? Tila yata malabo pa sa tubig baha na mangyari 'yon." Muli ay napaiyak na naman ako. "Wala siyang ibang bukang-bibig kundi ang mamahala ako sa negosyo niya. Puro na lang pera ang iniisip niya mom." Puno ng hinanakit sa aking tinig.

"We can't blame him. Isa siyang sikat na businessman at medyo may edad na rin ang dad mo. Syempre nag-iisa ka lang na anak niya kaya't walang ibang magmamana ng kanyang negosyo kundi ikaw." Pagtatanggol ni mom sa aking ama.

Dahan-dahan akong kumalas ng yakap sa aking ina at pagkatapos ay malungkot akong nagwika.

"Pero mom, bente anyos na ako. Dapat ako na ang nagdedesisyon para sa sarili ko. Sinunod ko na ang gusto niya. Business administration ang kinuha kong kurso sa kolehiyo. Kaya sana naman ibalato niya na lang sa'kin ang pagsusulat na kinahihiligan ko. Wala naman'g masama sa pagsusulat eh."

"Anak, susubukan kong kausapin ang dad mo para-"

"Huwag na mom. Tanggap ko naman'g ayaw niya talaga sa'kin." Giit ko pa bago ko nilisan ang silid ng aking ina.

Ilang beses niya na rin kasi'ng sinubukan'g kausapin si dad ngunit wala rin naman'g nangyayari. Dahil paulit-ulit pa rin akong sinasaktan ng aking ama sa tuwing mahuhuli niya akong nagsusulat. Gusto niyang mag-focus ako sa pag-aaral nang sa gayo'n daw ay marami akong matutunan na maaari kong gamitin sa kompanya niya.

Mabibigat ang hakbang na tinungo ko ang aking silid. Kapagkuwa'y walang pakundangan na sumalampak ako sa sahig nang tuluyan na akong makapasok sa loob.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at mas lalo lamang akong nakaramdam ng lungkot.

Dalawang oras na lang ang natitira at kailangan ko na naman pa 'lang pumasok sa eksklusibong  unibersidad na kinasusuklaman ko.

Unibersidad sa Taguig City na kung saan ay para lamang sa mga mayayaman na walang ibang inisip kundi ang kanilang pera at kayamanan.

Kahit nakaupo ay pansamantala akong nakaidlip.

Nagising lamang ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa aking balikat. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ngunit gayo'n na lamang ang aking pagsisisi. Sana pala ay hindi na lang ako nagising kung ang aking ama lang din naman ang siyang unang makikita ko.

"Ano, wala ka bang balak na pumasok? " Maawtoridad na wika niya.

"Sorry dad, nakaidlip ako. May dalawang-" Pangangatwiran ko.

"Puro ka dahilan! Wala ka na talagang ginawa kundi ang kalabanin at suwayin ang kagustuhan ko!" Sigaw nito sa mismong mukha ko. Akmang sasampalin niya na naman sana ako ngunit mabilis rin akong nakailag.

"Huminahon ka na dad! Huwag kang mag-alala dahil papasok ako! May isang oras pang natitira oh." Muli ay lakas loob kong pangangatwiran.

Subalit laking gulat ko ng bigla niya akong hawakan sa panga. Dahilan upang impit akong mapaiyak.

"Siguraduhin mo lang na ga-graduate ka Jela! Dahil kong hindi ay kalimutan mo ng naging ama mo ako!" gigil na sigaw pa rin nito bago ako binitiwan. Kapagkuwa'y tinalikuran na ako nito at walang pasabi na lumabas ng aking silid.

Nahaplos ko na lamang ang namumula kong panga at lumuluhang sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto ng aking ama.

Kahit tinatamad ay pinilit ko pa rin ang tumayo at asikasuhin ang sarili ko.

Naglagay na lang ako ng makapal na make up para matakpan ang pasa sa aking mukha.

Nagsuot na lang din ako ng stocking upang hindi mahalata ang mga latay na naroon sa aking binti. Masyadong maikli ang aming skirt kaya kailangan ko talaga'ng gumawa ng paraan upang walang makakita no'n.

Matapos kong ayusin ang aking sarili at dali-dali na akong lumabas ng silid. Naabutan ko si mommy sa sala na busy manood ng telebisyon.

Hindi ko siya pinansin. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at maingat kong binuksan ang pintuan upang hindi niya na makita ang pag-alis ko.

Hindi ko kasi maiwasan ang magtampo sa mga sinabi niya sa'kin kanina. Pakiramdam ko ay kinakampihan niya na ngayon si daddy.

Nang tuluyan na akong makalabas ay sumakay agad ako sa aking kotse at mabilis kong pinaharurot iyon.

Ayaw ko rin kasi'ng ma-late sa klase lalo pa't kaibigan ng daddy ko ang isa sa mga professor ng unibersidad na iyon. Paniguradong magsusumbong na naman 'yon kay dad sa oras na may mali akong nagawa.

Maya-maya pa'y bigla na lang nagkaroon ng kaguluhan sa kalsada na naging sanhi ng trapik. Ngunit sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko ay hindi agad ako nakapagpreno dahilan upang mabangga ko ang kotse na nakahinto sa unahan ko.

Malutong akong napamura at nagmamadali akong lumabas upang usisain ang nangyari.

Labis ang kaba na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Sa totoo lang ay hindi ako natatakot sa may-ari ng kotse. Mas natatakot pa nga ako kay dad, dahil sa oras na malaman niya ang nangyari ay paniguradong sasaktan niya na naman ako.

Bahagya na lang akong napapikit sa isipin'g 'yon.

"Hey!" untag saakin ng lalaking may-ari ng kotseng nabangga ko.

Dahan-dahan akong dumilat at ang kaba na kaninang nararamdaman ko ay tila ba mas nadoble pa nang magtama na ang paningin namin ng lalaki iyon.

Pakiwari ko ay tumigil sa pag-ikot ang aking mundo habang mariin akong nakatitig sa mala- adonis niyang pangangatawan. Nakadamit naman ito, pero pakiwari ko ay nababakat pa rin ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Kaya naman nakalimutan ko na ang tunay kong pakay kung bakit ako bumaba ng sasakyan.

Nanatili lang akong nakatayo habang bahagyang nakaawang ang labi.

"Are you okay miss?" muli niyang untag saakin, na sinabayan pa ng pagkaway sa mismong mukha ko.

"Huh? Ah, oo o-okay lang a-ako."  Nauutal kong tugon. "Siya nga pala, so-sorry. Hi-hindi agad ako nakapagpreno kaya nabangga ko ang kotse mo."

Ngumiti muna ito bago sumagot kaya naman mas lalo lamang akong napahanga nang makita ko ang ang mga ngipin niya na pantay-pantay at ubod ng puti.

"It's okay. May kaunting yupi lang naman ang ang likuran ng kotse ko at kaya ko ng ipaayos 'yon. Kawawa ka naman, estudyante ka pa at paniguradong malalagot ka sa parents mo kapag nalaman nila 'to."

Bigla akong nakaramdam ng kaginhawahan matapos niyang sabihin 'yon.

Biglang nagdiwang ang aking puso dahil na-solved na agad ang problemang kanina ko pang iniisip kung paano ko malulusutan.

Ngunit mas higit itong nagdiwang nang tanggalin ng lalaki ang kanyang sunglasses at tuluyan na ngang tumambad saakin ang tunay niyang kaguwapuhan.

"My god! Thank you so much Mr. Massimo!"  namimilog ang matang naibulalas ko.

"Ma-Massimo?" natatawang pag-ulit niya sa pangalan'g binaggit ko.

"Ah, eh ka-kasi...kamukha mo kasi si Michelle Morrone. 'Yong gumanap na Massimo sa 365-"

"Yeah, i know him. Infairness huh, nanonood ka pala ng gano'ng movie."

"Yeah. No'ng nakaraang buwan ay pinanood ko ''yon." Nahihiyang pagkukuwento ko sa kanya.

"Nice! By the way, my name is Dr. Alastair Hernandez." Nakangiti niyang pagpapakilala. "Hindi Massimo!" pabulong niyang sambit dahilan upang sabay kaming matawa.

"Sorry. Kamukha mo kasi siya eh. Uhm, ako nga pala si Jela...Jela Anderson." Nakangiti ko rin'g pagpapakilala.

"Nice name huh! Siya nga pala, next time ay mag-iingat ka na lang sa pagmamaneho mo. Palalampasin ko na muna 'tong ginawa mo ngayon dahil minor lang naman 'yon sira sa sasakyan ko."

"Thank you so much doc. Bukod sa guwapo ka na ay mabait ka pa. Sana marami pang tao ang kagaya mo." Hindi ko maiwasan'g mapatakip sa aking bibig habang pinupuri siya.

"Salamat sa papuri. Ikaw rin naman eh, ang ganda mo. Sana magkita pa ulit tayo." Nakangiti pa rin'g sambit nito bago nagpaalam sa'kin.

Nakabalik na ito sa loob ng kanyang sasakyan at nagsimula na rin itong magmaneho.

Maluwag na ulit ang kalsada kaya naman matapos nitong bumusina ay umalis na nga ito.

Nakatayo pa rin ako roon sa gilid ng aking kotse habang paulit-ulit kong binanggit sa aking isip ang huling mga katagang binitiwan niya.

Ngayon lang din ako nakaramdam ng gano'n katinding paghanga sa isang lalaki. Ni-minsan kasi ay hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend dahil natatakot akong malaman ni dad at baka itakwil pa ako. Kaya naman nang mga sandaling iyon ay ipinagdarasal ko rin na sana nga ay magkatagpo pang muli ang landas namin ni Dr. Hernandez.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status