Início / Romance / Sweet Sinner / Chapter 2 /Mia/

Compartilhar

Chapter 2 /Mia/

Autor: jess13
last update Última atualização: 2025-11-25 07:22:23

"IBIGAY mo sa akin iyan," ang matandang kasama nila sa bahay na kinuha mula sa

kamay niya ang bimpo na ginagamit ni Mia para dampian ang maligamgam na tubig

ang mga pasa sa kaniyang braso.

Sinaktan na naman kasi siya kanina ni Bernie, ang kinakasama niya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo magawang iwan ang demonyong lalaking

iyan, Mia! Tingnan mo nga ang sarili mo! Humarap ka sa salamin, hindi ka ba naaawa

sa sarili mo kapag nakikita mo angrepleksyon mo? Kasi ako awang-awa na ako sa i-

iyo!" sa huli nitong sinabi ay nabasag narin ang tinig ng matanda.

Noon wala sa loob na humarap sa salamin si Mia. At kasabay noon ay ang muling

pagbalong ng kaniyang mga hula.

Oo, naaawa siya sa sarili niya. Awang- awa na siya sa sarili niya matagal na.

Pero gaya nga ng kasabihan.

Kay Bernie siya nadapa kaya kay Bernie niya kailangang magtiis.

"W-Wala po kasi akong pera, Aling Ising, kahit gustuhin kong umalis, wala akong

kahit isang kusing sa pitaka ko," pagsasabi niya ng totoo saka tuluyang napahagulgol

ng iyak

Noon siya awang-awa sa kaniya ang matanda. "Gumayak ka, ako ang bahala. Aalis

tayo dito ngayon din, habang wala pa ang asawa mo at nandoon sa kalaguyo niya.

Hindi ko narin kayang tagalan pa ang pagsilbihan siya, kaya uuwi narin ako sa

probinsya ko para doon na manirahan kasama ang mga pamangkin ko," pag-uutos sa

kaniya ng matanda.

Sandali niyang pinagmasdan ang mabait na mukha ni Aling Ising, Sa loob ng kulang

walong taon na nakasama niya ito ay masasabi niyang naging malapit na ng husto sa

puso niya ang matanda. At masasabi niyang kahit pa nawala sa piling niya ang

kaniyang Nanay Rosita ay napunan naman ni Aling Ising ang pangungulila niya para

rito.

Twenty years old siya nang mabuntis siya ni Bernie na nang mga panahong iyon ay

nagtatrabaho na bilang Sales Agent sa tindahan ng mga high end cars. Habang siya ay

waitress sa isang night club.

Kung paano siya napasok sa ganoong klase ng trabaho? Mahabang istorya. Pero isa

lang ang masasabi niya. Kahit ganoon ang trabahong napuntahan niya hindi naman

siya pumapayag na i-table siya'ng kahit sinong customer. Si Bernie lang ang

nakapagpapayag sa kaniya ng ganoon, dahil nga kilala niya ito mula pagkabata. Dahil

classmates sila noong high school.

Mula sa isang may kayang pamilya si Bernie. Naiwan sa Maynila ang pamilya nito at

kaya sila napadpad ng Laguna ay dahil narin sa tawag ng tungkulin nito. Doon kasi na

assign si Bernie kaya para makatipid sila ay mas pinili ng lalaki na doon na sila

manirahan.

Gaya nang nasabi niya. Twenty years old siya nang mabuntis siya ni Bernie.

Masayang- masaya noon ang binata dahil nga sa idea na magiging tatay na ito. Bukod

pa roon ay alam naman kasi nito na kahit ganoon ang trabaho niya ay wala namang

ibang lalaki siyang pinagbibigyan ng kaniyang sarili maliban sa binata na noon ay

kaniya nang nobyo.

Nang mga panahong iyon ay dalawang taon nang patay ang kaniyang Nanay Rosita at

mag-isa na lamang siya sa buhay. Dalawang taon narin siyang nagtatrabaho bilang

waitress sa night club at dalawang taon narin mula nang sagutin niya si Bernie at

maging nobyo niya ito.

Sa simula ay naging maayos ang lahat sa kanila ni Bernie.

Binigyan siya nito ng magandang bahay at noon nga rin nito kinuha si Aling Ising para

may makasama siya sa buhay.

Pero sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakunan siya.

Tatlong buwan na siyang buntis noon at hindi iyon madaling natanggap ni Bernie.

Inisip ni Mia na baka nagluluksa lang ang kinakasama niya dahil sa pagkawala ng

dapat sana ay first baby nila. Pero hindi ganoon ang nangyari. Mabilis ang naging

pagbabago ni Bernie at hindi lang siyà ang na kapansin noon kung hindi pati narin si

Aling Ising.

Hanggang sa umabot na ito sa punto na madalas ay umuuwi ito ng lasing. May mga

pagkakataon rin na hindi ito umuuwi ng ilang araw. At kapag umuuwi ito ay palagi

itong galit at pinagbubuhatan siya ng kamay.

Hindi niya alam kung saan siya humugot ng tatag at pagtitiis kay inabot siya ng anim

na taon sa piling ng lalaking hindi naman pala siya kayang mahalin hanggang sa huli.

Iba sa sinasabi nito na hanggang pagtanda nila ay sila parin ang magsasama.

Noon napahagulhol ng iyak si Mia.

Ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang pagyakap sa kaniya ni Aling Ising,

Katulad niya ay umiiyak rin ito.

Sa loob nang napakatagal na pahahon, bakit ngayon lang siya nakaramdam nang

lubusang kapaguran?

Dahil ba iyon sa malalakas na sampal na pinadapo ni Bernie sa mukha niya kaninang

madaling araw na pinigilan niya itong umalis? O dahil narin sa dalawang traveling

bags na puno ng mga damit na inihampas ng lalaki sa kaniyang ulo?

Mapait ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Mia.

Baka nga, kaya nga siguro siya natauhan at nagising.

Kamakailan lang ay mayroong babaeng nagpunta sa bahay nila at sinabi nito sa kaniya

na girlfriend ito ni Bernie. Buntis raw.ito at si Bernie ang ama.

Parang gumuho ang mundo ni Mia dahil sa nalaman niyang iyon. At nang tanungin

niya ang babae kung gaano katagal na nitong karelasyon ang kaniyang kinakasama ay

lalo lamang siyang napaiyak. Limang taon.

Limang taon, ibig sabihin mula nang makunan siya ay noon na siya sinimulang

lokohin at pagtaksilan ni Bernie.

Nang araw ring iyon ay nasagot na ang lahat ng katanungan na matagal na ring

naglalaro sa isipan ni Mia.

Kaya pala ganoon ang pagtřato sa kaniya ng lalaki. Dahil mayroon itong

kinahuhumalingan na ibang babae.

Katulad nang gustong mangyari ni Aling Ising ay magka sama nga silang umalis nang

araw ring iyon. Dala ang sapat na halaga ng salapi na naipon ng matanda ay sumakay

sila ng jeep patungo sa sakayan ng bus pa-Maynila.

Sa terminal siya inabutan ng pera ni Aling Ising na magagamit niya para sa kaniyang

pagsisimula.

"Aalagaan mo ang sarili mo anak, heto ang pera, gamitin mo ito para sa pagbabagong

buhay mo," anito habang nag-uulap ang mga mata na nakatitig sa kaniya.

Ayaw man niyang tanggapin ang perang iyon na alam niyang pinag ipunan nang

matagal ng matanda ay napilitan parin si Mia. Katulad ng sinabi niya kanina. Wala

siya kahit isang kusing sa kaniyang pitaka.

"Heto ang numero ng telepono ng pamangkin ko, tawagan mno ako kung may kailangan

ka," anitong sunod na iniabot naman sa kaniya ang isang maliit na papel kung saan

nakasulat ang isang cellphone number.

"Tumango sí Mia saka naiiyak na niyakap ang matanda. "'Mababayaran ko rin po kayo,

pangako," ang tinutukoy niya ay ang pera na iniabot sa kaniya ni Aling Ising na sa

tantiya niya ay nasa mahigit sampung libong piso.

Umiling ang matanda. "Maging maayos ka lang, iyon lang at magiging masaya na ako.

Sige na baka maiwan ka pa ng bus," pagtataboy pa nito sa kanya saka pilit na ngumiti.

Huminga ng malalim si Mia saka minabuting tumalikod na para sumakay ng bus. Pero

hindi parin niya natiis. Si Aling lsing lamang ang naging kakampi niya sa loob ng

napakatagal na panahon. Ito ang nagsilbing nanay niya na gunagamot sa lahat ng

sugat at pasa na nakukuha niya mula kay Bernie.

Kaya naman binalikan niya ang matanda saka humahagulhol ng iyak na yumakap ng

mahigpit rito.

"Magiging maayos rin ang lahat sa buhay mo. At alam ko magkikita pa tayo," anitong

umiiyak rin habang marahan na hinahaplos ang kaniyang likuran.

"Nay, nanay," anga mga salitang namutawi sa labi ni Mia.

Sabik na sabik siya sa pagmamahal at pagkalinga ng isang ina. At mula nang mawala

ang Nanay Rosita niya ay si Aling Ising na ang tumayong magulang niya.

Noon kumalas sa pagkakayakap sa niya ang matanda. Saka pagkatapos ay hinaplos

nito ang pisngi niya na hanggang ngayon ay namamaga parin dahil sa malakas na

sampal na pinadapo roon ni Bernie.

"Magkikita pa tayo, tawagan mo ako. Mahal na mahal kita anak ko. Palagi mong

tatandaan iyan," anito saka siya hinalikan sa noo.

Noon maluwag ang dibdib na sumakay na nga ng bus si Mia paluwas ng Maynila. Alam

niyang sa gagawin niyang ito ay maraming pwedeng mangyari. Pwedeng maganda,

pwedeng hindi maganda. Pero sa lahat ng iyon, isa lang ang gusto niya. Ang makuha

ang kapayapaan ng isip na matagal nang nawala sa kaniya.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Sweet Sinner   Chapter 6 "TEN YEARS AGO"💋

    KATULAD ng sinabi ni Erik, kumain sila ng masarap dahil sa isang mamahalin na buffet restaurant siya nito dinała. Noon una ay alangan pa siya dahil narin sa suot niyang simpleng wallking shorts at tshirt. Pero nang sabihin sa kanya ng binata na okay ang outtit niya ay hindi na siya nagprotesta pa. "Salamat sa masarap na hapunan," aniya nang ibaba siya ni Erik sa tapat mismo ng bahay niya. Tumango ito. "Paano, see you tomorrow? Sunduin kita para hindi ka na maglakad?" tanong nito. Natawa siya ng mahina. "Ano ka ba, isang kanto lang ang layo ng mga bahay natin, maglalakad nalang alko," aniya rito saka umakmang bababa na ng ko tse pero napigil iyon nang muling magsalita ang binata. "Eh, hindi ba naiwan mo sa bahay iyong bigas at itlog na ma alat na dala mo kanina? Puntahan nalang kita dito, tapos magdadala narin ako ng mainit na pandesal at liver spread. Sagot mo ang kape ah?" si Erik sa kaniya. Hindi maunawaan ni Mia kung anong klase ng damdamin ang humaplos sa puso niya

  • Sweet Sinner   Chapter 5 / First long Convo./

    SA sala siya pinatuloy ni Erik para doon nila ituloy ang pag- uusap. Matapos siyangpaupuin ay nagtuloy sa kusina ang binata. Hindi naman ito nagtagal dahil bumalik rinito na may dalang is ang baso ng malamig na orange juice at isang platito ng butteredcookies."Paninda iyang ng kasama ko sa trabaho. Tikman mo, masarap," alok nito sa kanya naang tinitukoy ay ang mga cookies sa platito.Tumango si Mia saka nakangiting kumuha ng isa "Masarap nga," aniyang biglangnakaramdam ng gutom kaya nang maubos niya iyon ay kumuha siya ng isa pa."Pasensya ka na kung gabi na ay napilitan ka pang dumaan dito para lang kausapinako. Kanina lang din kasi nasabi sa akin ni Mrs. Ramos ang tungkol sa iyo. Hindi ko rinnaman alam na ngayon ka pupunta," paliwanag pa ni Erik na nahuli niyangsinusulyapan ang supot ng bigas, itlog na maalat at kamatis sa kaniyang tabi.Tumawa ng mahina doon si Mia. "Ako nga ang dapat na humingi ng paumanhin sa iyo,Ang totoo kasi kailangang kailangan ko lang mapagkakakita

  • Sweet Sinner   Chapter 4/Long time no see/

    MALAPIT nang dumilim nang makarating ng Maynila si Mia. Kung hindi sana siyanaipit sa traffic, marahil hindi siya inabot ng ganitong oras sa byahe. SA labas nglumang bahay nanatiling nakatayo si Mia habang tahimik na nakamasid doon.Matagal na panahon narin ang lumipas pero nararamdaman parin niya ang tila malitna kurot sa kaniyang puso habang na katingala sa kung tutuusin ay malaking bahay nanakatayo sa kaniyang harapan.Noon kumilos si Mia saka itinulak pabukas ang kinakalawang na gate ng bahay. Alamniyang bukas marami sa mga kapitbahay niya ang magtatanong kung bakit biglaanang kaniyang pagbabalik? At kung ano ang nangyari sa kaniya?Mapait ang ngiti na pumunit sa kaniyang mga labi.Sa ayos niya, baka wala nang magtanong. Baka pag-usapan nalang siya nang ibangtaong mapanghusga.Tama.Dahil mula nang magkasakit si Nanay Rosita at napilitan siyang kumapit sa patalimpara maipagamot ito, wala naman yata kahit isa sa mga tao sa paligid niya angnakaunawa sa kaniya maliban sa yum

  • Sweet Sinner   Chapter 3 /Broken Pieces/

    NAPANGITI si Erik habang pinagmamasdan ang picture ng babaeng may ari ngFacebook profile na kaniyang tinitingnan. Walang iba kundi si Nadine.Noon tahimik na pinakiramdaman ng binata ang kaniyang sarili.Nasasaktan parin ba siya?Muli siyang napangiti saka pinatay ang kaniyang laptop.Masaya na siya, at masaya narin siya para kay Nadine at ganoon rin naman para kayKeira.At sa nakikita niya ay ganoon rin naman si Nadine. Mukhang sa huli ay natutunan rinnitong mahalin sa loob ng maikling panahon ang lalaking ginusto ng ama nito para sadating nobya.Sa ngayon ay isang taon narin siyang single. Dahil katulad narin ng sinabi niya noon,gusto niyang pagtuunan muna ng pansin ang sarili niyang career, at ganoon nga angginawa niya. Sabado kaya wala siyang pasok sa trabaho.Late na siya ng gising at ganoon talaga siya. Pahinga, kailangan rin niya iyon.Nagtuloy si Erik sa kusina para maghanda ng makakain.Pero wala siya sa mood para magluto kaya minabuti niyang lumabas nalang ng bahaypar

  • Sweet Sinner   Chapter 2 /Mia/

    "IBIGAY mo sa akin iyan," ang matandang kasama nila sa bahay na kinuha mula sakamay niya ang bimpo na ginagamit ni Mia para dampian ang maligamgam na tubigang mga pasa sa kaniyang braso.Sinaktan na naman kasi siya kanina ni Bernie, ang kinakasama niya."Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo magawang iwan ang demonyong lalakingiyan, Mia! Tingnan mo nga ang sarili mo! Humarap ka sa salamin, hindi ka ba naaawasa sarili mo kapag nakikita mo angrepleksyon mo? Kasi ako awang-awa na ako sa i-iyo!" sa huli nitong sinabi ay nabasag narin ang tinig ng matanda.Noon wala sa loob na humarap sa salamin si Mia. At kasabay noon ay ang mulingpagbalong ng kaniyang mga hula.Oo, naaawa siya sa sarili niya. Awang- awa na siya sa sarili niya matagal na.Pero gaya nga ng kasabihan.Kay Bernie siya nadapa kaya kay Bernie niya kailangang magtiis."W-Wala po kasi akong pera, Aling Ising, kahit gustuhin kong umalis, wala akongkahit isang kusing sa pitaka ko," pagsasabi niya ng totoo saka tuluyang

  • Sweet Sinner   Chapter 1 /Year book/

    "OKAY lang ako dito Tay, huwag ninyo akong intindihin," ang tumatawang sagot ni Erik habang kausap sa kabilang linya ang kaniyang ama na si Fidel na kasama ng kanyang ina na naiwan sa Canada. "Akin na nga, ibigay mo sa akin ang telepono at ako ang kakausap sa batang iyan," boses iyon ng nanay niyang si Aurora na naging dahilan kaya natawa pa ng mahina si Erik "'Nay, huwag mo nang awayin si Tatay, kayong dalawa na nga lang ang magkasama diyan," biro pa niya saka tumawa muli ng mahina habang ipinagpapatuloy ang pagbubukod ng puti at de-kolor sa mga damit na lalabhan niya. "Ano bang ginagawa mo diyan at hindi ka na bumalik dito? Aba mag-i-isang taon na mula nang magpaalam kang uuwi, kailan ka babalik dito? Ang lolo mo hindi na magkamayaw sa katatanong kung kailan raw babalik ang paborito niyang apo. Ni hindi namin alan kung ano ang isasagot namin ng Tatay mo," ang mahabang litanya ng nanay niyang na dahilan kaya muli na naman siyang natawa ng mahina. "Nay---," pero mabilis na naga

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status