Home / Romance / Sweet Sinner / Chapter 5 / First long Convo./

Share

Chapter 5 / First long Convo./

Author: jess13
last update Last Updated: 2025-11-25 07:38:45

SA sala siya pinatuloy ni Erik para doon nila ituloy ang pag- uusap. Matapos siyang

paupuin ay nagtuloy sa kusina ang binata. Hindi naman ito nagtagal dahil bumalik rin

ito na may dalang is ang baso ng malamig na orange juice at isang platito ng buttered

cookies.

"Paninda iyang ng kasama ko sa trabaho. Tikman mo, masarap," alok nito sa kanya na

ang tinitukoy ay ang mga cookies sa platito.

Tumango si Mia saka nakangiting kumuha ng isa "Masarap nga," aniyang biglang

nakaramdam ng gutom kaya nang maubos niya iyon ay kumuha siya ng isa pa.

"Pasensya ka na kung gabi na ay napilitan ka pang dumaan dito para lang kausapin

ako. Kanina lang din kasi nasabi sa akin ni Mrs. Ramos ang tungkol sa iyo. Hindi ko rin

naman alam na ngayon ka pupunta," paliwanag pa ni Erik na nahuli niyang

sinusulyapan ang supot ng bigas, itlog na maalat at kamatis sa kaniyang tabi.

Tumawa ng mahina doon si Mia. "Ako nga ang dapat na humingi ng paumanhin sa iyo,

Ang totoo kasi kailangang kailangan ko lang mapagkakakitaan. Ang sabi kasi doon sa

trabaho na papasukan ko, kailangan ko munang pagalingin itong mga pasa at sugat sa

mukha at katawan ko bago ako makapagsimula," paliwanag niya kay Erik na kung

tutuusin ay kanina pa naman niya talaga nakikitang pinagmamasdan ang mga iyon na

tinutukoy niya.

Nakita rin niya na gumuhit ang awa sa mga mata ng binata at maging sa mukha nito.

Pero sandali lang naman iyon. Dahil agad na nagbago ang aura ng mukha ni Erik nang

magbuka ito ng bibig para magsalita.

"Nakapagpatingin ka na ba sa doktor?" ang mabait at concerned nitong tanong sa

kaniya.

Mula sa rim ng baso ng orange juice kung saan umiinom si Mia ay nakita niya ang

kaseryosohan sa nukha ni Eriknang sambitin nito ang mga salitang iyon. Noon

nahihiyang ibinaba ng dalaga ang baso sa center table saka nakangiting nagsalita.

"Wala kasi akong pera, iyon ang totoo kaya gusto kong maghanap ng pwedeng

ipaglinis ng bahay o ipaglaba. Hindi ko na inisip ang pumunta sa ospital at

magpatingin kasi alam kong gastos lang iyon. Idinadaan ko nalang sa mga simpleng

gamot ang lahat para kahit papaano ay mapawi ang pananakit ng katawan at mga

sugat ko,"

Noon narinig ni Mia ang malalim na buntong hininga na pinakawalan ni Erik "Huwag

mo nang intindihin ang tungkoľ sa pera. Tutal employer mo naman ako," anito sa tono

na mukhang walang balak magpapigil.

Maganda ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Mia. "'S-Sige, iawas mo nalang sa-

"Hindi na, it's okay. Para makakain narin tayo, bigla kasi akong ginutom eh," sa

huling sinabi ni Erikay muling napangiti si Mia.

"Ang alam ko nabanggit sa akin ni Mrs. Ramos na lumabas ka raw kanina para

kumain? Alam mo, hindi mo kailangang maawa sa akin, Erik. Tanggap ko naman ang

naging kapalaran ko," aniya sa tono na pilit pinatatatag ang tinig.

Pinilit rin niyang huwag haluan ng lungkot ang kaniyang pananalita at nagtagumpay

naman doon si Mia.

Tumango ang binata saka siya nito nginitan nangmay pang-unawa. "Okay, so paano,

halika na?" yakag nito sa kaniya nang mapuna nitong naubos na niya ang juice sa

kaniyang baso.

Noon tumango si Mia. "Iiwan ko nalang muna dito itong binili ko sa tindahan, okay

lang ba?"

"Oo naman, daanan mo nalang mamaya," sang-ayon ng binata.

SA isang pribadong hospital siya pinatingnan ni Erik. At dahil nga doktor na ang

kausap niya ay napilitan si Mia na aminin ang totoo, kahit sa harapan pa ng binata.

Well, alam naman niyang alam narin ni Erik ang totoo. Hindi lang ito nagtatanong

dahil nahihiya at syempre respeto nito iyon para sa kanya.

Sa huling naisip ay lihim na nakaramdam ng tuwa si Mia.

Napakasarap sa pakiramdam na ang isang ka tulad ni Erik ay binibigyan siya ngklase

ng respeto na hindi niya naramdaman noon sa lalaking pinili niyang makasama.

Noon muling naramdaman ni Mia ang pamilyar na lungkot na gumuhit sa kaniyang

dibdib.

"Are you okay?" tanong sa kaniya ni Erik nang mapansin nito ang kaniyang

pananahimik.

Nasa loob na sila noon ng kotse nito at dumaan ng drugstore para bilhin ang mga

gamot na inireseta sa kaniya ng doktor.

Tumango si Mia saka ang binata na noon ay mataman ang pagkakatitig sa kaniya. "

Salamat," aniya, at katulad kanina nagpigil siyang muli ng kaniyang emosyon.

"Sa isang linggo huwag mong kalilimutan ang sinabi ng doktor, babalik tayo para

matingnan ka niya ulit. So paano, saan mo gustong kumain?" ang masiglang tanong sa

kaniya ng binata saka ini-start ang engine ng kotse.

Nagkibit siya ng balikat saka tumawa ng mahina. "Ikaw ang bahala, kasi kung ako ang

tatanungin mo kahit sa karinderya lang pwede na ako, sa gutom kong ito ako pa ba ang

mamimili eh libre na nga," aniyang tumawa muli, pero sa pagkakataong iyon ay mas

malakas na.

Ilang sandali pagkatapos ay natigilan si Mia nang maramdaman niyang nakatitig sa

kaniya ang kasama.

"Erik?" untag niya rito.

Noon na pinatakbo ni Erik ang kotse nito palabas ng parking lot ng malaking ospital na

iyon. "Wala, masaya lang ako na nakita kitang tumawa ng ganiyan. Saka isa pa, mas

maganda siguro kung kumain tayo ng masarap. Isipin nalang natin na reunion natin

ito, at celebration kasi for the first time ay nagkaroon tayo ng isang long conversation

na kahit noong high school tayo ay hindi natin nagagawa," angmahabang sabi ni Erik.

Nagyuko ng ulo si Mia pero nakangiti.

Totoo iyon, totoo ang sinabi ni Erik. Iyon ang kanil ang first long conversation. Hindi

dahil wala silang chance noon, kung hindi dahil iniiwasan niya iyon, dahil sa lihim na

pagtingin niya para rito.

"Mahiyain ka kasing masyado noon Mia, at napa katahimik, bukod sa sobrang talino

mo. Nakaka-intimidate kang lapitan at kausapin kasi baka kapag ginawa ko iyon,

iniisip ko baka bigla mo akong tanungin ng isang bagay na hindi ko kayang sagutin at

mapahiya ako," ang bìnata na nanatiling focus ang nga mata sa kalsada habang

na gmamaneho ito pero hindi parin nagbabago ang tono ng pananalita, ramdam niya

ang kasiyahan ni Erik. Ramdam niya ha gusto siya nitong kausap.

"Ganoon parin naman ako hanggang ngayon, medyo nabawasan nalang siguro dahil sa

klase ng trabaho na pinasok ko."

Inaasahan ni Mia na tanong ang isasagot sa kaniya ni Erik dahil sa sinabi niyang iyon

pero hindi nangyari. Sa halip ay sinang- ayunan ng binata ang sinabi niya at humaplos

iyon ng husto sa kaniyang puso.

"Napansin ko nga," anitong sa kaniya. "kung sakali bang mag- set sila ng reunion,

gusto mong pumunta? Kasi may group ang batch natin sa F******k, ginawa ni William,

" tanong sa kaniya ni Erik kapagkuwan.

.Sa narinig ay natahimik muna si Mia bago nagsalita.

"Hindi nalang siguro, nahihiya kasi ako. Saka alam ko kapag nangyari iyon, baka

pumunta lang si Bernie, baka matunton niya ako," sa huling sinabi ay agad na

nakaramdam ng takot si Mia.

Alam naman niya na malaki ang chance na puntahan siya ni Bernie dito sa Maynila

oras na malaman nito ang ginawa niya. Pero wala na siyang planong sumama, kahit

anong gawin nito ay hindi na siya babalik rito.

"Kunsabagay, alam ko na sasasabihan ko si William na huwag siyang i-invite!" biro

pa nito.

Natawang muling si Mia doon. "Nakakahiya, huwag nalang, ayoko," sa huling sinabi

ay hindi napigilan ng dalaga ang mahaluan ng insecurity ang kaniyang tono.

"Kasama mo naman ako, bakit ka mahihiya," si Erikna binuksan ang stereo ng kotse

nito.

Hindi matiyak ni Mia kung sinadya o nagkataon lang na saktong naka-play ang

kantang King and Queen of Hearts ni David Pomeranz sa station kung saan naka-set

ang radyo ng binata.

Agad na nagbalik sa isipan ni Mia ang kaniyang first and last dance noong high school,

walang iba kung hindi si Erik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sweet Sinner   KABANATA 10 "OLD PHOTOGRAPHS"💋

    SAKTO sa sinabing oras ni Erik nang dumating ito para sunduin siya. Hindi alintanaang mga kapitbahay niyang nakamasid sa kanya ay sumakay siya sa dalang sasakyanng binata."Tkaw na ang bahala ah," si Erik nang maikabit niya ang seatbelt.Nagsalubong ang mga kilay ni Mia sa'sinabing iyon ni Erik dahil sa pagtataka. "A-Ano?" naguguluhan niyang tanong.Tumawa ng mahina si Erik. "Ikaw ang babae, kaya mas marami kangalam kaysa saakin sa pag- aayos ng babay. Kaya ikawna ang bahala pagdating natin sa mall,"anitong pinatakbo na ang sasakyan pagkatapos.Hindi maunawaan ni Mia kung anong klaseng emosyon ang parang pakpak ng ibon nahumaplos sa puso niya dahil sa sinabing iyon ni Erik. Pero hindi niya napigilan angngumiti ng matamis."'Sige, kung iyon ang gusto mo," ang tanging isinagot niya."ANG mas maganda siguro kumain muna tayo, bago tayo mag- start mamili. What doyou think?" si Erik iyon nang nasa parking lot na sila ng mall.

  • Sweet Sinner   Chapter 9( "PANGARAP"💋)

    PRESENT DAY...KATULAD ng napagkasunduan nila kagabi, sagot niya ang kape.Hindi alam ni Mia kung excited lang siya para sa almusal na pagsasaluhan nila ni Erik.Isama pa ang katotohanan na ito ang nag-set noon kaya kanina pa magaan angpakiramdam niya.Nahírapan pa nga siyang makatulog dahil sa kakaisip ng masayang tagpo na nangyarisa pagitan nilang dalawa na noong kabataan niya ay hindi ibinigay sa kanila ngpagkakataon.Ayaw na niyang mag- isip ng masasakit at nakakalungkot na bagay na pinagdaan niyanoon. Dahil kasama naman talaga sa mga dahilan niya kaya siya tuma kas sa poder niBernie kasi gusto niyang maging masaya.Past six palang yata ay narinig na niya ang magkakasunod na katok sa gate kayanagmamadali niya iyong pinuntahan."Good morning!" ang masiglang bati sa kaniya ni Erik saka itinaas ang dala nitongsupot na alam niyang pandesal ang laman."Good morning," ang nakangiti naman niyang sagot saka nilakhan ang bukas ng gatepara makapasok ang binata. "ready na ang kape, h

  • Sweet Sinner   Chapter 8 "CROSS ROAD"💋

    "ALIS na po ako," paalam ni Mia sa nanay niya isang umaga at papasok na siya saeskwela.Tumango ang kaniyang Nanay Rosita. "Mag-iingat ka," anitong hinalikan pa siya sakaniyang noo.Ngumiti lang si Mia saka tumango at pagkatapos ay lumabas na nang gate. Hindi paman siya nakakalayo nang makarinig siya nang malalakas na yabag ng isang taongtumatakbo at alam niyang patungo iyon sa direksyon niya. Nang marinig niyangtinawag nito ang kaniyang pangalan ay agad na sumikdo ang kaba sa kaniyang dibdib.Noon wala sa loob na lumingon si Mia, kasabay ang isang nahihiyang ngiti na pumunitsa kaniyang mga labi."Erik" ang nahihiya niyang sabi nang umagapay sa paglalakad niya ang kaniyangkaklase."Pwede bang sumabay?" tanong nitong bahagya pang hiningal dahil sa ginawa nitongpagtakbo.Tumawa siya ng mahina saka tumango. "Oo naman, walang problema," aniyang hindina kumibo pagkatapos.Habang magkasabay silang naglalakad ay nanat

  • Sweet Sinner   Chapter 7 "NANAY ROSITA"💋

    "NAY, may good newS ako sa inyo," nang abutan ni Mia ang kaniyang Nanay Rosita naabala sa pagdidilig ng mga tanimn nitong ornamental plants sa kanilang bakuran.Katulad ng dati, itinulak ng dalaga ang bakal na gate saka nagmano sa kaniyangkinikilalang ina nang makalapit rito."Alam ko na, nabanggit na sa akin nung kaklasemo," anitong nakangiti siyang pinagmasdan.Nagsalubong ang magagandang kilay ni Mia. "Kaklase? Sino pong kaklase?" takaniyang tanong."Iyong batang gwapo? Anak ni Fidel at ni Aurora?" sagot ng kaniyang ina.Noon naunawaan ni Mia ng lubusan ang ibig sabihin ng kaniyang ina.At kasabay niyonay ang mabilis na paghangod ng isang nakakakilig na damdamin na hindi niyanagawang pigilan dahil sa magandang ngiti na pumunit sa kaniyang mga labi."Ah, si Erik po ba ang sinasabi ninyo?" kahit alam na niyang iyon ang tinutukoy ngkaniyang Nanay Rosita ay minabuti parin niyang sabihin iyon."0o," anitong ibinalik na ang hose saka siya sinabayan sa patungo sa teresa ng bahay."na

  • Sweet Sinner   Chapter 6 "TEN YEARS AGO"💋

    KATULAD ng sinabi ni Erik, kumain sila ng masarap dahil sa isang mamahalin na buffet restaurant siya nito dinała. Noon una ay alangan pa siya dahil narin sa suot niyang simpleng wallking shorts at tshirt. Pero nang sabihin sa kanya ng binata na okay ang outtit niya ay hindi na siya nagprotesta pa. "Salamat sa masarap na hapunan," aniya nang ibaba siya ni Erik sa tapat mismo ng bahay niya. Tumango ito. "Paano, see you tomorrow? Sunduin kita para hindi ka na maglakad?" tanong nito. Natawa siya ng mahina. "Ano ka ba, isang kanto lang ang layo ng mga bahay natin, maglalakad nalang alko," aniya rito saka umakmang bababa na ng ko tse pero napigil iyon nang muling magsalita ang binata. "Eh, hindi ba naiwan mo sa bahay iyong bigas at itlog na ma alat na dala mo kanina? Puntahan nalang kita dito, tapos magdadala narin ako ng mainit na pandesal at liver spread. Sagot mo ang kape ah?" si Erik sa kaniya. Hindi maunawaan ni Mia kung anong klase ng damdamin ang humaplos sa puso niya

  • Sweet Sinner   Chapter 5 / First long Convo./

    SA sala siya pinatuloy ni Erik para doon nila ituloy ang pag- uusap. Matapos siyangpaupuin ay nagtuloy sa kusina ang binata. Hindi naman ito nagtagal dahil bumalik rinito na may dalang is ang baso ng malamig na orange juice at isang platito ng butteredcookies."Paninda iyang ng kasama ko sa trabaho. Tikman mo, masarap," alok nito sa kanya naang tinitukoy ay ang mga cookies sa platito.Tumango si Mia saka nakangiting kumuha ng isa "Masarap nga," aniyang biglangnakaramdam ng gutom kaya nang maubos niya iyon ay kumuha siya ng isa pa."Pasensya ka na kung gabi na ay napilitan ka pang dumaan dito para lang kausapinako. Kanina lang din kasi nasabi sa akin ni Mrs. Ramos ang tungkol sa iyo. Hindi ko rinnaman alam na ngayon ka pupunta," paliwanag pa ni Erik na nahuli niyangsinusulyapan ang supot ng bigas, itlog na maalat at kamatis sa kaniyang tabi.Tumawa ng mahina doon si Mia. "Ako nga ang dapat na humingi ng paumanhin sa iyo,Ang totoo kasi kailangang kailangan ko lang mapagkakakita

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status