/ Romance / Sweet Sinner / Chapter 1 /Year book/

공유

Sweet Sinner
Sweet Sinner
작가: jess13

Chapter 1 /Year book/

작가: jess13
last update 최신 업데이트: 2025-11-25 07:16:37

"OKAY lang ako dito Tay, huwag ninyo akong intindihin," ang tumatawang sagot ni Erik habang kausap sa kabilang linya ang kaniyang ama na si Fidel na kasama ng kanyang ina na naiwan sa Canada. "Akin na nga, ibigay mo sa akin ang telepono at ako ang kakausap sa batang iyan," boses iyon ng nanay niyang si Aurora na naging dahilan kaya natawa pa ng mahina si Erik "'Nay, huwag mo nang awayin si Tatay, kayong dalawa na nga lang ang magkasama diyan," biro pa niya saka tumawa muli ng mahina habang ipinagpapatuloy ang pagbubukod ng puti at de-kolor sa mga damit na lalabhan niya.

"Ano bang ginagawa mo diyan at hindi ka na bumalik dito? Aba mag-i-isang taon na mula nang magpaalam kang uuwi, kailan ka babalik dito? Ang lolo mo hindi na magkamayaw sa katatanong kung kailan raw babalik ang paborito niyang apo. Ni hindi namin alan kung ano ang isasagot namin ng Tatay mo," ang mahabang litanya ng nanay niyang na dahilan kaya muli na naman siyang natawa ng mahina.

"Nay---," pero mabilis na nagawang putulin ng nanay niya ang lahat ng iba pa niyang gustong sabihin."Bakit mo ba ako pinagtatawanan? Hoy Enrique, baka nakakalimutan mo ang mga obligasyon mo rito? Sa negosyo ng lolo mo. Nahihirapan na ang pinsan mo na balikatin labat ng trabaho. Magpasalamat ka nga at hindi ka kagaya ng ibang tao diyan na kailangan pang magpakahirap sa paghahanap ng trabaho at magpakakuba sa pagtatrabaho magkaroon lang ng magandang buhay. Ikaw nandito na sa iyo lahat parang wala lang!" ang pagpapatuloy na sermon sa kaniya ng kaniyang ina.1

Noon nakagat ni Erik ang pang- ibaba niyang labi para mapigilan ang muling pagkawala ng isang mahinang tawa. Alam kasi niya na oras na umabot sa pandinig ng nanay niya ang tawa na iyon ay lalong hahaba ang paglilitanya nitoat sermon sa kaniya. Well, sanay na siya.

Ganoon talaga ang nanay niya mula noong bata pa siya. At kapag hindi ito nagalit at hindi siya nito sinermonan, ay alam niyang may kakaiba rito. Totoo naman ang sinabi nito, mag- i-isang taon na mula nang umalis siya nang

Canada at magbalik ng Pilipinas. Iyon ay para sana ligawan at pakasalan si Keira. Ang matalik niyang kaibigan na ngayon ay ma saya na sa buhay nito bilang may bahay ng İsang mayaman na negosyante, si Charles Salveron.

Nabuo ang plano na iyon para narin sa ikabubuti ni Nadine. Ang dati niyang nobya sa Canada, Katulad niya ay Canadian citizen rin ito. Pero hindi nagustuhan ng panilya niya lalo na ng kaniyang Lolo na si Solomon ang ginawa niyang iyon.

Si Nadine kasi ay dating nobya nang pinsan niyang si Albert na nagpakamatay nang makipaghiwalay ang una sa huli.

Alam niyang walang kasalanan si Nadine sa piniling desisyon ng pinsan niya kung tutuusin. Pero hindi rin niya masisisi ang pamilya niya na nasaktan ng labis dahil sa pagkawala ng minamahal nila sa buhay.

Ang plano niya ay pakakasalan niya si Keira para makuha na ang parte niya na

pamana sa kaniya ng kanyang Lolo Solomon.At ang pera na makukuha niya ay ang

gagamitin niyang pambayad sa utang ng ama ni Nadine sa kaibigan nito na

pinagkakautangan nito ng malaki.

Ganoon ba niya kamahal talaga si Nadine at nakahanda siyang gumawa ng hindi

maganda para rito?

Sa naisip ay napailingna lamang si Erik.

Pati ang sarili niyang matalik na kaibigan at kababata ay binalak pa niyang guluhin

mula sa tahimik nitong pamumuhay dahil sa kasakiman niya.

Muli ay naramdaman ni Erik ang matiņding kurot ng konsiyensya na parang

nananatili sa dibdib niya at nagigising lang kapag naiisip niya ang tungkol sa plano

niyang iyon sa nakalipas na taon.

Hindi pa niya naihihingi ng personal na kapatawaran ang tungkol roon kay Keira. Pero

sa Panginoon Diyos? Walang gabi na hindi niya iyon sinambit sa kaniyangmga

panalangin.

"Enrique!" ang muli ay mataray na untagna naman sa kaniya ng nanay niya mula sa

kabilang linya. "nakikinig ka ba sa akin? Ano bang ginagawa mo at parang hindi ka

interesado sa sinasabi ko?" pagpapatuloy ni Aurora sa kapareho parin nitong tono.

"'Nay, nag-aayos kasi ako ng mga lalabhan kong damit kaya hindi ko kayo maasikaso

ng mabuti," sagot niya saka tumawa. "pakisabi sa Lolo babalik ako diyan sa tamang

panahon. Sa ngayon kasi ay busy pa ako dito at ine-enjoy ko pa ang pagiging Arkitekto

ko," dugtong pa niya.

Narinig niya ang malalim na buntong hininga ng kaniyang ina mula sa kabilang linya.

Pagkatapos ay ang muli nitong pagsasalita. Pero sa pagkakataong ito ay sa mabait na

tono.

"O siya sige, pasensya ka na rin kung napagalitan na naman kita. Alam ko naman na

mula pagka bata ay iyan ang talagang gusto mo. Nasasayangan lang naman kasi kami

ng Tatay mo sa magandang buhay na naghihintay sa iyo rito anak Kasi iyang pagiging

Arkitekto ay pwede mo namangi-practice kahit kailan mo gusto. Ang negosyo ng Lolo

mo ang kailangan mong mas higit na pagtuunan ng pansin sa ngayon, ang kailangan

mong mas higit na pag-aralan," patuloy na pangaral ng nanay niya sa kaniya.

Napangiti si Erik sa narinig. "Alam ko iyon Nay. At huwag kayong mag-alala, kahit

nandito ako nakakagawa naman ako ngparaan para matulungan si Robert sa

pagpapatakbo ng business at farm.

Totoo iyon, gamit ang internet ay nagagawa parin niyang makipag- usap sa pinsan

niyang si Robert tungkol sa pagpapatakbo nila ng Dairy Factory ng kanilang Lolo. Pati

narin ang tungkol sa farm kung saan nila kinukuha ang gatas na ginagamit nila sa

pagpo-produce ng mga dairy products katulad na lamang ng mga kes o, yogurt, butter

at marami pang iba.

"Nay, kailangan ko na pong ibaba ito, maglalaba na kasi ako at mamaya naman ay

maglilinis ako ng bahay. Wala kasi akong ibarng libreng araw maliban ngayong araw ng

Sabado," pagbibigay alam niya sa kaniyang ina.

"O sige, ang mabuti pa humanap ka ng pwedeng taga-linis at taga-laba mo anak, para

naman hindi mo na kailangang gawin ang mga bagay na iyan. Aba eh, pagod ka na

nang isang linggo sa pagtatrabaho, pati ba naman ang mga ganiyan ay ikawpa ang

gagawa?" ngayon ay naramdaman niya ang concern sa tono ng kaniyang ina.1

"Hay, ang nanay ko talaga. Kaya mahal na mahal ko kayo at siguro iyon rin ang

dahilan kaya mahal na mahal kayo ni Tatay," totoo iyon sa loob niya.

"'Nambola ka pa, sige na. Mag-iingat ka diyan at huwag mong pababayaan ang sarili

mo," bilin pa nito bago tuluyang naputol ang linya.

Naiiling habang nakangiting ibinaba ni Erik ang kaniyang telepono sa ibabaw ng

kaniyang kama saka ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Ilang sandali pa at

minabuti niyang isalang na ang mga puti niyang damit sa kaniyang automatic na

washing machine.

Binili talaga niya iyon kahit kung tutuusin ay okay pa naman ang luma nilang washing

machine na gamit pa nila noong bago sila nag migrate pa-Canada.

Mas mainam kasi kapag automatic, habang nakasalang iyon ay may oras pa siya para

makapagluto at maglinis ng babay. Mas nakakatipid siya sa oras.

Katulad nang dati ay minabuti niyang isabay na ang paglilinis ng bahay at pagluluto

habang nakasalang ang kaniyang labada. Tutal kapag tumunog iyon ay isasampay

nalang niya.

Sinimulan niya angpagwawalis sa kaniyang silid nang mamataan ang lumang kabinet

na nasa sulok ng kaniyang kwarto. Natatandaan niya, doon inilagay ng nanay niya

noon ang lahat ng abubot niya kasama na ang kaniyang mga lumang libro at pati narin

ang kaniyang high school year book.

Sa huling naisip ay bigla ang sikdo ng kakaibang klase ng damdamin sa puso ni Erik.

Kaya naman nilapitan niya iyon at binuksan. 1

Mga libro at mga lumang notebooks, pati narin posters na dating nakadikit sa

dingding ng kaniyang kwarto ang na sa loob ng kabinet. Pero iba ang pakay niya kaya

hindi binigyang pansin ng binata ang lahat ng kaniyang unang nakita.

Agad niyang dinampot ang isang may kakapalan na libro na matigas ang cover.

Iyon ang kanilang high school year book.

Binuklat iyon ni Erik saka hinanap ang pahina kung saan siya naroroon at ang

kaniyang Salutatory Speech.

Natawa pa siya ng mahina habang pinagmamasdan ang batang version ng kaniyang

sarili na para bang iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng lumang litrato

niya noong high school.

Gaya ng inaasahan, ang ambition na nakasulat doon ay To be an Architect.

No regrets dahil natupad niya ang kaniyang ambisyon sa buhay.

Nang magawi ang paningin niya kung saan isang magandang mukha naman ang

bumati sa kaniya ay napangiti si Erik.

Si Mia Licerio, ang kanilang Class Valedictorian.

Ang babaeng kahit anong gawin niya ay hindi niya kinayang talunin sa lahat ng

asignatura. Dahil totoong napakatalino nito.

Ambition: To be a Veterinarian.

Hindi maunawaanni Erik.

Nasaan na kaya si Mia?

Nasaan na kaya ang nag- isang babaeng kahit minsan ay hindi niya kinakitaan ng

kahit kaunting paghanga sa mga mata sa tuwing tititigan niya ito.

Totoo iyon. Dahil sa tingin niya, ito lang ang nag- iisang babaeng immune at walang

pakialamn sa charm niya.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Sweet Sinner   KABANATA 10 "OLD PHOTOGRAPHS"💋

    SAKTO sa sinabing oras ni Erik nang dumating ito para sunduin siya. Hindi alintanaang mga kapitbahay niyang nakamasid sa kanya ay sumakay siya sa dalang sasakyanng binata."Tkaw na ang bahala ah," si Erik nang maikabit niya ang seatbelt.Nagsalubong ang mga kilay ni Mia sa'sinabing iyon ni Erik dahil sa pagtataka. "A-Ano?" naguguluhan niyang tanong.Tumawa ng mahina si Erik. "Ikaw ang babae, kaya mas marami kangalam kaysa saakin sa pag- aayos ng babay. Kaya ikawna ang bahala pagdating natin sa mall,"anitong pinatakbo na ang sasakyan pagkatapos.Hindi maunawaan ni Mia kung anong klaseng emosyon ang parang pakpak ng ibon nahumaplos sa puso niya dahil sa sinabing iyon ni Erik. Pero hindi niya napigilan angngumiti ng matamis."'Sige, kung iyon ang gusto mo," ang tanging isinagot niya."ANG mas maganda siguro kumain muna tayo, bago tayo mag- start mamili. What doyou think?" si Erik iyon nang nasa parking lot na sila ng mall.

  • Sweet Sinner   Chapter 9( "PANGARAP"💋)

    PRESENT DAY...KATULAD ng napagkasunduan nila kagabi, sagot niya ang kape.Hindi alam ni Mia kung excited lang siya para sa almusal na pagsasaluhan nila ni Erik.Isama pa ang katotohanan na ito ang nag-set noon kaya kanina pa magaan angpakiramdam niya.Nahírapan pa nga siyang makatulog dahil sa kakaisip ng masayang tagpo na nangyarisa pagitan nilang dalawa na noong kabataan niya ay hindi ibinigay sa kanila ngpagkakataon.Ayaw na niyang mag- isip ng masasakit at nakakalungkot na bagay na pinagdaan niyanoon. Dahil kasama naman talaga sa mga dahilan niya kaya siya tuma kas sa poder niBernie kasi gusto niyang maging masaya.Past six palang yata ay narinig na niya ang magkakasunod na katok sa gate kayanagmamadali niya iyong pinuntahan."Good morning!" ang masiglang bati sa kaniya ni Erik saka itinaas ang dala nitongsupot na alam niyang pandesal ang laman."Good morning," ang nakangiti naman niyang sagot saka nilakhan ang bukas ng gatepara makapasok ang binata. "ready na ang kape, h

  • Sweet Sinner   Chapter 8 "CROSS ROAD"💋

    "ALIS na po ako," paalam ni Mia sa nanay niya isang umaga at papasok na siya saeskwela.Tumango ang kaniyang Nanay Rosita. "Mag-iingat ka," anitong hinalikan pa siya sakaniyang noo.Ngumiti lang si Mia saka tumango at pagkatapos ay lumabas na nang gate. Hindi paman siya nakakalayo nang makarinig siya nang malalakas na yabag ng isang taongtumatakbo at alam niyang patungo iyon sa direksyon niya. Nang marinig niyangtinawag nito ang kaniyang pangalan ay agad na sumikdo ang kaba sa kaniyang dibdib.Noon wala sa loob na lumingon si Mia, kasabay ang isang nahihiyang ngiti na pumunitsa kaniyang mga labi."Erik" ang nahihiya niyang sabi nang umagapay sa paglalakad niya ang kaniyangkaklase."Pwede bang sumabay?" tanong nitong bahagya pang hiningal dahil sa ginawa nitongpagtakbo.Tumawa siya ng mahina saka tumango. "Oo naman, walang problema," aniyang hindina kumibo pagkatapos.Habang magkasabay silang naglalakad ay nanat

  • Sweet Sinner   Chapter 7 "NANAY ROSITA"💋

    "NAY, may good newS ako sa inyo," nang abutan ni Mia ang kaniyang Nanay Rosita naabala sa pagdidilig ng mga tanimn nitong ornamental plants sa kanilang bakuran.Katulad ng dati, itinulak ng dalaga ang bakal na gate saka nagmano sa kaniyangkinikilalang ina nang makalapit rito."Alam ko na, nabanggit na sa akin nung kaklasemo," anitong nakangiti siyang pinagmasdan.Nagsalubong ang magagandang kilay ni Mia. "Kaklase? Sino pong kaklase?" takaniyang tanong."Iyong batang gwapo? Anak ni Fidel at ni Aurora?" sagot ng kaniyang ina.Noon naunawaan ni Mia ng lubusan ang ibig sabihin ng kaniyang ina.At kasabay niyonay ang mabilis na paghangod ng isang nakakakilig na damdamin na hindi niyanagawang pigilan dahil sa magandang ngiti na pumunit sa kaniyang mga labi."Ah, si Erik po ba ang sinasabi ninyo?" kahit alam na niyang iyon ang tinutukoy ngkaniyang Nanay Rosita ay minabuti parin niyang sabihin iyon."0o," anitong ibinalik na ang hose saka siya sinabayan sa patungo sa teresa ng bahay."na

  • Sweet Sinner   Chapter 6 "TEN YEARS AGO"💋

    KATULAD ng sinabi ni Erik, kumain sila ng masarap dahil sa isang mamahalin na buffet restaurant siya nito dinała. Noon una ay alangan pa siya dahil narin sa suot niyang simpleng wallking shorts at tshirt. Pero nang sabihin sa kanya ng binata na okay ang outtit niya ay hindi na siya nagprotesta pa. "Salamat sa masarap na hapunan," aniya nang ibaba siya ni Erik sa tapat mismo ng bahay niya. Tumango ito. "Paano, see you tomorrow? Sunduin kita para hindi ka na maglakad?" tanong nito. Natawa siya ng mahina. "Ano ka ba, isang kanto lang ang layo ng mga bahay natin, maglalakad nalang alko," aniya rito saka umakmang bababa na ng ko tse pero napigil iyon nang muling magsalita ang binata. "Eh, hindi ba naiwan mo sa bahay iyong bigas at itlog na ma alat na dala mo kanina? Puntahan nalang kita dito, tapos magdadala narin ako ng mainit na pandesal at liver spread. Sagot mo ang kape ah?" si Erik sa kaniya. Hindi maunawaan ni Mia kung anong klase ng damdamin ang humaplos sa puso niya

  • Sweet Sinner   Chapter 5 / First long Convo./

    SA sala siya pinatuloy ni Erik para doon nila ituloy ang pag- uusap. Matapos siyangpaupuin ay nagtuloy sa kusina ang binata. Hindi naman ito nagtagal dahil bumalik rinito na may dalang is ang baso ng malamig na orange juice at isang platito ng butteredcookies."Paninda iyang ng kasama ko sa trabaho. Tikman mo, masarap," alok nito sa kanya naang tinitukoy ay ang mga cookies sa platito.Tumango si Mia saka nakangiting kumuha ng isa "Masarap nga," aniyang biglangnakaramdam ng gutom kaya nang maubos niya iyon ay kumuha siya ng isa pa."Pasensya ka na kung gabi na ay napilitan ka pang dumaan dito para lang kausapinako. Kanina lang din kasi nasabi sa akin ni Mrs. Ramos ang tungkol sa iyo. Hindi ko rinnaman alam na ngayon ka pupunta," paliwanag pa ni Erik na nahuli niyangsinusulyapan ang supot ng bigas, itlog na maalat at kamatis sa kaniyang tabi.Tumawa ng mahina doon si Mia. "Ako nga ang dapat na humingi ng paumanhin sa iyo,Ang totoo kasi kailangang kailangan ko lang mapagkakakita

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status