Home / Romance / Sweet Sinner / Chapter 3 /Broken Pieces/

Share

Chapter 3 /Broken Pieces/

Author: jess13
last update Last Updated: 2025-11-25 07:27:00

NAPANGITI si Erik habang pinagmamasdan ang picture ng babaeng may ari ng

F******k profile na kaniyang tinitingnan. Walang iba kundi si Nadine.

Noon tahimik na pinakiramdaman ng binata ang kaniyang sarili.

Nasasaktan parin ba siya?

Muli siyang napangiti saka pinatay ang kaniyang laptop.

Masaya na siya, at masaya narin siya para kay Nadine at ganoon rin naman para kay

Keira.

At sa nakikita niya ay ganoon rin naman si Nadine. Mukhang sa huli ay natutunan rin

nitong mahalin sa loob ng maikling panahon ang lalaking ginusto ng ama nito para sa

dating nobya.

Sa ngayon ay isang taon narin siyang single. Dahil katulad narin ng sinabi niya noon,

gusto niyang pagtuunan muna ng pansin ang sarili niyang career, at ganoon nga ang

ginawa niya. Sabado kaya wala siyang pasok sa trabaho.

Late na siya ng gising at ganoon talaga siya. Pahinga, kailangan rin niya iyon.

Nagtuloy si Erik sa kusina para maghanda ng makakain.

Pero wala siya sa mood para magluto kaya minabuti niyang lumabas nalang ng bahay

para bumili ng makakain niya. Sa isang eatery siya dinala ng kaniyang mga paa.

Paborito niya ang Sinigang na Bangus doon kaya iyon ang inorder niya.

Pagkatapos niyang kumain ay naglakad siyang muli pauwi.

Ganoon ang buhay niya araw-araw. Kung minsan lumalabas siya at sumasama sa mga

kasamahan niya sa trabaho para mag enjoy pero hanggang doon lang iyon. Dahil gaya

narin ng sinabi niya kanina, career ang priority niya ngayon.

Papasok na sana siya ng gate nang matanawan ang tindahan ni Mrs. Ramos na

madalas niyang tambayan. Naalala niya, nagpapahanap nga pala siya rito ng tao na

pwedeng maglaba at maglinis ng bahay niya. Hindi naman stay-in kaya hangga't

Imäaari ay gusto niya na dito rin sa village nila nakatira.

"Magandang gabi po, Mrs. Ramnos," ang bungad niyang bati sa ginang saka siya

umorder ng isang tasa ng mainit na kape.

"Mabuti at napadaan ka, may nakita na akong pwedeng irekomenda sa iyo," ang

masaya nitong bungad sa kaniya.

Napangiti doon sí Erik. Mukhang alam na nito na iyon ang totoong sadya niya roon.

Talaga ho? Maraming salamat po kung ganoon," aniyang binayaran ang inorder

niyang kape na nasa papercup.

Tumango si Mrs. Ramos. "Hindi ko alam kung natatandaan mo pa siya, ang alam ko

kaklase mo ang batang iyon simula noong nasa elementarya ka," pagbibigay

impormasyon pa nito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Erik saka nagsindi ng sigarilyo.

"Sino ho?" tanong niya.

"Si Mia. Iyong batang maganda pero mahiyain na alaga ni Ms. Sanchez," anito.

Noon inalala ni Erik ang sinasabi ng ginang. Saka napangiti nang maalala kung sino

ang tinutukoy nito.

Naaalala pa niya na ito ang itinanghal na Queen of the Night sa Prom nila noong na sa

huling taon sila sa high school habang siya naman ang King of the Night.

Paano nga ba niya makakalimutan ang mahiyain pero napakaganda at napa katalino

na si Mia?

Ito ang kanilang Class Valedictorian at madalas itong ipareha sa kaniya ng mga

teachers nila dahil nga siya ang pumapangalawa rito.

Matalino, mabait at maganda. Lahat nalang yata ng gusto ng isang lalaki sa isang

babae kay Mia mo makikita.

Hindi naman sa hindi niya ito napapansin nang mga panahong iyon. Ang totoo kasi ay

okupado ni Keira ang kaniyang puso at isipan noon kaya siguro hindi niya nabigyan ng

pansin ang iba. Marami siyang naging girlfriends pero kadalasan ang mga ito ang

unang nagpapakita sa kaniya ng motibo.

"Nakakaawa ang kinahinatnan ng buhay ng batang iyon," ang sinabing iyon ni Mrs.

Ramos ang pumutol sa ginagawang pagbabalik tanaw ni Erik.

"Bakit ho? Ano po bang nangyari sa kaniya?"

ONE WEEK BEFORE

AGAD na sumikdo ang kaba sa dibdib ni Mia nang marinig ang magkakasunod na

pagtunog ng kaniyang telepono.

Sakay siya ng bus paluwas ng Maynila para takasan ang impiyernong buhay sa piling

ng kaniyang demonyong kinakaşama.

Si Bernie.

Numero lang ang rumehistro doon kaya pinili niya na huwag iyong sagutin. Hindi na

siya babalik sa kinakasama niya. Tapos na siya rito at hindi na niya kaya ang magtiis

pa. Nang huminto sa pagtunog nito ang kaniyang telepono ay saka niya iyon pinatay.

Hindi na muna siya gagamit ng telepono hangga't hindi siya nakakabili ng bago niyang

sim card. Mabilis na naramdaman niya Mia ang nagbabadya niyang mga luha nang

maalala ang lahat ng kalupitan na sinapit niya sa kaniyang asawa. Siguro hindi lang

talaga siya nito mahal.

Taliwas iyon sa madalas nitong sabihin sa kaniya mula noong high school pa lamang

sila át nanliligaw sa kaniya ang lalaki. Sa kanyang pag-iisip ay noon naisipan ni Mia

na ilabas mula sa loob ng kaniyang bag ang kaniyang pitaka.

Sa loob niyon ay ang isang litrato na nang masilayan niya ay tuluyan na ngang

nagpabalong ng kaniyang mga luha. Litrato niya iyon kasama ang kanyang Nanay

Rosita. Ang matandang babaeng umaruga sa kaniya mula pagkabata.

Mula nang iwan siya ng maraming taong umampon sa kaniya. Pero hindi naman siya

kinayangpanindigan kaya sa huli ay sinusukuan lang siya at ipinamimigay ng mga ito.

Siguro kung hindi namatay ang matanda baka hindi umabot sa ganito kasaklap ang

pangyayari sa buhay niya. Baka masaya siya ngayon kasama ito at baka, baka hindi si

Bernie ang napangasawa niya. Sa huling naisip ay impit na nga napahagulhol si Mia.

Hindi niya alam kung may pag-asa pa siyang makabangon matapos ang lahat ng

pinagdaanan niya. Lalo na ngayong alam niya at nakatitiyak siya na hindi magiging

madali ang lahat dahil tiyak siyang haharnapin siya ng asawa niya. Pero pagod na siya.

Pagod na siyang maniwala sa lahat ng kasinungalingan nito. Pagod na siyang

patawarin ito ng paulit-ulit. At pagod narin siyang mahalin ito.

Tama, sa huli ay natutunan rin naman niyang mahalin ang kinakasama niya. Pero

hindi iyon katulad ng pagmamahal na inilaan niya noon sa isang tao na kahit mins an

yata ay hindi siya nakita. Isang tao na alam niyang hindi babagay sa kaniya kailanman

kaya nagawa niya ang makuntento na lamang sa sinpleng pagtanaw niya rito.

Ang kaniyang first love.

Si Erik.

Noon mapait na napangiti si Mia.

Kahit minsan, kahit hindi naman siya napapansin ni Erik noon, kahit lumipas na ang

mahabang panahon, hindi ito nawala sa puso at isipan niya kailanman.

At sa huling prom nila sa high school kung saan siya ang nanalo na Queen of the Night

habang ito naman ang King of the Night, hindi minsang beses lamang niyang paulit-

ulit na piniplay sa kaniyang isipan kung gaano kabanayan ang naging paghawak nito

sa kamay niya. At kung paano siya nito isinayaw.

Pero tapos na iyon. Alam niyang magandang alaala iyon na pwede niyang balikan sa

kaniyang isipan at hanggang doon na lamang. Dahil kung hindi siya nakita ni Erik

noong mga bata pa lamang sila.

Mas lalong higit ngayon na mistula siyang isang basag na plato na piliitin mang ibalik

sa dati ay hindi na maaari, dahil may mga bahagi na niya ang napulbos dahil sa

kaniyang pagkakabagsak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sweet Sinner   Chapter 8 "CROSS ROAD"💋

    "ALIS na po ako," paalam ni Mia sa nanay niya isang umaga at papasok na siya saeskwela.Tumango ang kaniyang Nanay Rosita. "Mag-iingat ka," anitong hinalikan pa siya sakaniyang noo.Ngumiti lang si Mia saka tumango at pagkatapos ay lumabas na nang gate. Hindi paman siya nakakalayo nang makarinig siya nang malalakas na yabag ng isang taongtumatakbo at alam niyang patungo iyon sa direksyon niya. Nang marinig niyangtinawag nito ang kaniyang pangalan ay agad na sumikdo ang kaba sa kaniyang dibdib.Noon wala sa loob na lumingon si Mia, kasabay ang isang nahihiyang ngiti na pumunitsa kaniyang mga labi."Erik" ang nahihiya niyang sabi nang umagapay sa paglalakad niya ang kaniyangkaklase."Pwede bang sumabay?" tanong nitong bahagya pang hiningal dahil sa ginawa nitongpagtakbo.Tumawa siya ng mahina saka tumango. "Oo naman, walang problema," aniyang hindina kumibo pagkatapos.Habang magkasabay silang naglalakad ay nanat

  • Sweet Sinner   Chapter 7 "NANAY ROSITA"💋

    "NAY, may good newS ako sa inyo," nang abutan ni Mia ang kaniyang Nanay Rosita naabala sa pagdidilig ng mga tanimn nitong ornamental plants sa kanilang bakuran.Katulad ng dati, itinulak ng dalaga ang bakal na gate saka nagmano sa kaniyangkinikilalang ina nang makalapit rito."Alam ko na, nabanggit na sa akin nung kaklasemo," anitong nakangiti siyang pinagmasdan.Nagsalubong ang magagandang kilay ni Mia. "Kaklase? Sino pong kaklase?" takaniyang tanong."Iyong batang gwapo? Anak ni Fidel at ni Aurora?" sagot ng kaniyang ina.Noon naunawaan ni Mia ng lubusan ang ibig sabihin ng kaniyang ina.At kasabay niyonay ang mabilis na paghangod ng isang nakakakilig na damdamin na hindi niyanagawang pigilan dahil sa magandang ngiti na pumunit sa kaniyang mga labi."Ah, si Erik po ba ang sinasabi ninyo?" kahit alam na niyang iyon ang tinutukoy ngkaniyang Nanay Rosita ay minabuti parin niyang sabihin iyon."0o," anitong ibinalik na ang hose saka siya sinabayan sa patungo sa teresa ng bahay."na

  • Sweet Sinner   Chapter 6 "TEN YEARS AGO"💋

    KATULAD ng sinabi ni Erik, kumain sila ng masarap dahil sa isang mamahalin na buffet restaurant siya nito dinała. Noon una ay alangan pa siya dahil narin sa suot niyang simpleng wallking shorts at tshirt. Pero nang sabihin sa kanya ng binata na okay ang outtit niya ay hindi na siya nagprotesta pa. "Salamat sa masarap na hapunan," aniya nang ibaba siya ni Erik sa tapat mismo ng bahay niya. Tumango ito. "Paano, see you tomorrow? Sunduin kita para hindi ka na maglakad?" tanong nito. Natawa siya ng mahina. "Ano ka ba, isang kanto lang ang layo ng mga bahay natin, maglalakad nalang alko," aniya rito saka umakmang bababa na ng ko tse pero napigil iyon nang muling magsalita ang binata. "Eh, hindi ba naiwan mo sa bahay iyong bigas at itlog na ma alat na dala mo kanina? Puntahan nalang kita dito, tapos magdadala narin ako ng mainit na pandesal at liver spread. Sagot mo ang kape ah?" si Erik sa kaniya. Hindi maunawaan ni Mia kung anong klase ng damdamin ang humaplos sa puso niya

  • Sweet Sinner   Chapter 5 / First long Convo./

    SA sala siya pinatuloy ni Erik para doon nila ituloy ang pag- uusap. Matapos siyangpaupuin ay nagtuloy sa kusina ang binata. Hindi naman ito nagtagal dahil bumalik rinito na may dalang is ang baso ng malamig na orange juice at isang platito ng butteredcookies."Paninda iyang ng kasama ko sa trabaho. Tikman mo, masarap," alok nito sa kanya naang tinitukoy ay ang mga cookies sa platito.Tumango si Mia saka nakangiting kumuha ng isa "Masarap nga," aniyang biglangnakaramdam ng gutom kaya nang maubos niya iyon ay kumuha siya ng isa pa."Pasensya ka na kung gabi na ay napilitan ka pang dumaan dito para lang kausapinako. Kanina lang din kasi nasabi sa akin ni Mrs. Ramos ang tungkol sa iyo. Hindi ko rinnaman alam na ngayon ka pupunta," paliwanag pa ni Erik na nahuli niyangsinusulyapan ang supot ng bigas, itlog na maalat at kamatis sa kaniyang tabi.Tumawa ng mahina doon si Mia. "Ako nga ang dapat na humingi ng paumanhin sa iyo,Ang totoo kasi kailangang kailangan ko lang mapagkakakita

  • Sweet Sinner   Chapter 4/Long time no see/

    MALAPIT nang dumilim nang makarating ng Maynila si Mia. Kung hindi sana siyanaipit sa traffic, marahil hindi siya inabot ng ganitong oras sa byahe. SA labas nglumang bahay nanatiling nakatayo si Mia habang tahimik na nakamasid doon.Matagal na panahon narin ang lumipas pero nararamdaman parin niya ang tila malitna kurot sa kaniyang puso habang na katingala sa kung tutuusin ay malaking bahay nanakatayo sa kaniyang harapan.Noon kumilos si Mia saka itinulak pabukas ang kinakalawang na gate ng bahay. Alamniyang bukas marami sa mga kapitbahay niya ang magtatanong kung bakit biglaanang kaniyang pagbabalik? At kung ano ang nangyari sa kaniya?Mapait ang ngiti na pumunit sa kaniyang mga labi.Sa ayos niya, baka wala nang magtanong. Baka pag-usapan nalang siya nang ibangtaong mapanghusga.Tama.Dahil mula nang magkasakit si Nanay Rosita at napilitan siyang kumapit sa patalimpara maipagamot ito, wala naman yata kahit isa sa mga tao sa paligid niya angnakaunawa sa kaniya maliban sa yum

  • Sweet Sinner   Chapter 3 /Broken Pieces/

    NAPANGITI si Erik habang pinagmamasdan ang picture ng babaeng may ari ngFacebook profile na kaniyang tinitingnan. Walang iba kundi si Nadine.Noon tahimik na pinakiramdaman ng binata ang kaniyang sarili.Nasasaktan parin ba siya?Muli siyang napangiti saka pinatay ang kaniyang laptop.Masaya na siya, at masaya narin siya para kay Nadine at ganoon rin naman para kayKeira.At sa nakikita niya ay ganoon rin naman si Nadine. Mukhang sa huli ay natutunan rinnitong mahalin sa loob ng maikling panahon ang lalaking ginusto ng ama nito para sadating nobya.Sa ngayon ay isang taon narin siyang single. Dahil katulad narin ng sinabi niya noon,gusto niyang pagtuunan muna ng pansin ang sarili niyang career, at ganoon nga angginawa niya. Sabado kaya wala siyang pasok sa trabaho.Late na siya ng gising at ganoon talaga siya. Pahinga, kailangan rin niya iyon.Nagtuloy si Erik sa kusina para maghanda ng makakain.Pero wala siya sa mood para magluto kaya minabuti niyang lumabas nalang ng bahaypar

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status