Home / Romance / TAINTED LOVE / Chapter 137-Pangumbinsi

Share

Chapter 137-Pangumbinsi

Author: Yeiron Jee
last update publish date: 2026-06-25 19:15:57

"Huwag matakot, nandito si Papa, okay?" Hinaplos-haplos niya ang buhok ng anak at itinago ang mukha nito sa kaniyang dibdib. Sininyasan niya ang doctor na hayaan muna siyang pakalmahin ang anak at mawala ang takot nito dahil sa injection. Sa ilang beses na injection kasi ay parang nagkakaroon ng trauma ang anak at nasasaktan. Kahit idinadaan na sa dextrose ang gamot ay natatakot pa rin ang anak. Ramdam nito sa braso ang sakit kapag dumaloy na ang gamot mula sa dextrose.

Kinuha ni Camela si Ralp
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
uyyyyyy mghnap k nlng miles ng iba
goodnovel comment avatar
LV Villarino
thanks sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TAINTED LOVE    Chapter 137-Pangumbinsi

    "Huwag matakot, nandito si Papa, okay?" Hinaplos-haplos niya ang buhok ng anak at itinago ang mukha nito sa kaniyang dibdib. Sininyasan niya ang doctor na hayaan muna siyang pakalmahin ang anak at mawala ang takot nito dahil sa injection. Sa ilang beses na injection kasi ay parang nagkakaroon ng trauma ang anak at nasasaktan. Kahit idinadaan na sa dextrose ang gamot ay natatakot pa rin ang anak. Ramdam nito sa braso ang sakit kapag dumaloy na ang gamot mula sa dextrose.Kinuha ni Camela si Ralph upang hindi makaabala. Ayaw niyang makaramdam din ito ng takot sa doctor dahil sa nakikita."Hindi na ako magtatagal." Hindi na nagawang magpaalam ni Clarissa sa kambal. Nagmamadaling lumabas ng silid at hindi kayang makita ang apo na natatakot at nanghihina."Tita."Tumigil sa paghakbang si Clarissa at tiningnan ang taong humarang sa kaniyang daraanan. Mabilis na pinunasan ang luha sa mga mata nang makilala si Miles."Kaya ko pong alagaan ang mga apo mo kapag naging asawa ko na si Rashed." B

  • TAINTED LOVE    Chapter 136-Pagdalaw ni Clarisa

    "Nag-usap kami kahapon. Sorry pero hindi pa ako handang patawarin siya. Sa ngayon ay puwede niyang makita at mayakap ang kambal, hanggang doon lamang."Nakakaunawang tumango si Rashed. Nagpasalamat pa rin siya sa dalaga dahil binigyan nito ng pagkakataon na mayakap ng ina niya ang anak nila. Tama lang na nailigpit na nila ang pinagkainan nang dumating ang ina.Pagkapasok ni Clarissa sa silid ay agad natuon ang tingin niya sa dalawang batang lalaki. Ang cute ng mga ito at ganoon din ang mukha ni Rashed noon bata pa ito. Pinigilan niya ang sariling maluha at baka magtaka ang kambal lalo na si Ralph na nakilala na siya kahapon. Nanatili lang si Rashed sa kinaupuan at hinayaang si Camela ang magpakilala sa ina sa kambal."Lindon, anak, may bisita ka," tawag ni Camela sa anak.Sabay na naptitig ang kambal sa ginang na bagong dating. "Hello po!" Nakangiting kumaway si Lindon sa ginang. Si Ralph at nakatingin lang sa ginang at mukhang hindi na nangilala kung sino ang bisita ng kapatid.Hin

  • TAINTED LOVE    Chapter 135-Pakiusap

    Napatiim bagang si Camela at pilit inaalis ang awa para sa ginang. Pero hindi siya natuwa sa gustong mangyari ni Rashed. Ina pa rin nito ang ginang at may edad na rin. Responsibilidad ng isang anak na samahan at alagaan ang mga magulang sa pagtanda ng mga ito."Huwag kang maaawa sa pag-alis ko. May makasama ako roon at maari pa ring bumisita dito kahit anong oras gustohin ko kung hayaan mo na makilala ako ng mga bata."Nagkunwaring walang narinig si Camela kahit nababasa ng ginang ang nasa isip niya."Makiusap lang sana ako kahit ngayon lang." Pagsusumamo ng ginang sa dalaga."Maari mo silang makita at mayakap pero hindi puwedeng malaman na ikaw ang kanilang abuela, lalo na ni Lindon." Malamig niyang tugon sa ginang.Nakakaunawang tumango si Clarissa. Bilang isang ina, ayaw ni Camela na masabik ang kambal na makasama siya kapag nakilala. Malulungkot lamang ang mga ito kapag nalaman na aalis din siya, lalo na si Lindon. Maapiktohan ang kalusugan nito. "Salamat! Hindi ako gagawa ng baga

  • TAINTED LOVE    Chapter 134-Muling paghaharap

    Kinabukasan ay maagang umalis si Camela ng hospital at nagkaroon ng ubo si Ralph. Kailangan niyang personal na makita ang kalagayan ng anak kahit pa inaalagaan ito nila Edlyn. Dala marahil na magkasundo na paglabas at punta sa hospital kaya nagkaroon din ito ng sakit."Huwag kang mag alala kay Lindon at narito ako." Niyakap ni Rashed ang dalaga. Kung puwede lang na hatiin ang katawan niya at siya lahat ang kumilos ay ginagawa na niya. Napabuntonghininga si Camela at malungkot na tumango. Kahit papaano ay napagaan ang mga alalahanin niya dahil may katuwang na sa pag alaga sa mga anak. Alam niyang hindi matatakot si Lindon na iwan niya roon dahil kasama ang ama. "Salamat, tawagan mo ako kung may problema dito." Gumanti siya ng yakap sa binata. Kailangan nila ang isa't isa ngayon at magkasundo sa lahat ng bagay. Tumango si Rashed at hinatid ang dalaga hanggang labas lang ng pintuan. Ayaw nitong ihatid niya hanggang sasakyan at baka umano magising bigla si Lindon at walang maiwan sa si

  • TAINTED LOVE    Chapter 133-Pagkahabag

    Naluluha na ngumiti si Tanya sa isa pang apo habang hawak ang munti nitong mga daliri. "Kumusta ang pakiramdam mo, apo? May mmasakit ba sa iyo.""A little po but I'm fine kaya huwag na po kayong malungkot." Lalo lamang naiiyak si Tanya sa naging sagot ng bata. Ang brave nito at mana sa ina na hindi basta sumusuko kahit inaayawan ng lahat noon. "Good boy! Pangako ni lola na you'll be ok soon!"Nangunot ang noo ni Camela nang marinig ang sinabi ng ina. Naitanong niya sa sarili kung alam na ba ng ina na may donor si Lindon?""Lindon, maraming pinamili sina lola na laruan at ipinili na rin kita ng paborito mong laruan." Pagbibida ni Ralph sa kapatid."Kuya, ang dami na po nating laruan na binili ni daddy kaya huwag ka puro pabili at sayang ang pera."Napangiti si Rashed at nanermon pa ang anak sa kapatid nito. Tama naman ito at tambak ang laruan ng mga ito sa play room. Ang mga luma ay naipamigay na nila sa bahay ampunan ng mga bata para lang mapagkasya ang laruan sa room na iyon. Ilang

  • TAINTED LOVE    Chapter 132-Guilt

    "MOM, bakit ayaw niyong sabihin kay Daddy itong gagawin mong pag donate ng bone marrow kay Lindon?" Tila hirap ang kalooban na tanong ni Edlyn sa ina. Ang pamangkin ay may suot na headset kaya alam niyang hindi sila naririnig."Kilala mo ang daddy mo, tiyak na hadlangan niya ang gagawin ko dahil maapiktohan ang kalusugan ko." Nagpapaunawa ang mga titig ni Tanya sa anak. Alam niyang maaring sisihin ang anak niya ng lahat dahil sa gagawin niya pero buo na ang pasya niya at mas mahalaga ang buhay ng apo niya ngayon.Malungkot na napabuntonghininga si Edlyn at ginagap ang palad ng ina. Masaya siya na magkaroon na ng donor ang pamangkin. Pero kapalit naman niyon ay maaring malagay sa piligro ang buhay ng ina nila ni Camela. Ayaw niyang mawala ang ina pero may punto naman ito na mas mahalaga ang buhay ng batang inosinte kaysa matanda. Ang hirap mamili dahil parehong mahal ni Edlyn sa buhay ang involved. Isa pa ay hindi lalo kakayanin ng kunsesnya ng ina niya kapag hindi nito nailigtas ang

  • TAINTED LOVE    Chapter 47-Hospital

    NANLULUMONG napasandal si Camela sa hamba ng pintuan pagkasara niyon. Bagsak ang mga balikat habang hawak ang result ng medical ng isang anak. Naroon sila ngayon sa hospital at kahapon ng hapon ay sinugod nila sa hospital ang anak. Biglang taas kasi ang lagnat nito at mabuti na lang ay sinamahan si

  • TAINTED LOVE    Chapter 44-Shock

    Muling tinalikuran ni Camela ang kapatid at tinanaw ang mga manggagawa na abala sa kani kanilang ginagawa."Si Tyler ba ang bago mong mahal ngayon?" Pangungulit ni Edlyn sa kapatid.Muling nilingon ni Camela ang kapatid at nagkibit balikat. "Bumalik ka na sa opisina mo at mainit dito." Sa halip ay

  • TAINTED LOVE    Chapter 40-Pagka pikon

    SANDALING nagpaalam si Camela kay Tyler na gagamit muna ng restroom. Alam niyang susundan siya ni Miles pero iba ang nabungaran niya pagkalabas ng cubicle. "Well, matalino ka rin pala." Umangat ang isang sulok ng labi ni Camela at kilay. Hindi niya alam kung puri ba iyon mula kay Aprilyn o nang-

  • TAINTED LOVE    Chapter 37-Paghanga

    MUKHANG inosinteng nagpalipat lipat ang tingin ni Camela sa tatlong naroon. Hindi niya alam tuloy ngayon kung sino ang kakampihan sa dalawang panig. Mukhang hindi siya ang kontrabida ngayon sa buhay ng mga ito. Pagtingin niya kay Miles ay naghalo ang inis at pagtataka sa aura ng mukha nito. Kay Apr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status