Masuk"Kilala ni Mommy ang ugali mo kaya ayaw niyang ipaalam na siya ang donor ni Lindon." Hindi na nagsinungaling si Edlyn at kahit labag sa kalooban ay kailangan niyang sabihin iyon kay Camela."So bakit mo sinasabi sa akin ngayon?" malamig na tanong ni Camela sa kapatid at hindi siya natutuwa sa paraan na pag tulong ng ina sa kaniya. Bakit kailangang itago? Gusto ba nitong makunsensya siya? Ang akala niya ay nagbago na ang ina sa kaniya pero hindi pala. Hindi pa rin nito isinasaalang alang ang damdamin niya o tinatanong bago isagawa ang isang pasya na involved siya."Dahil gusto kong magkaayos kayo ni Mommy bago ang operasyon." Nakagat bigla ni Edlyn ang ibabang labi at nahihirapan siya sa sitwasyon. Nangako siya sa ina pero hito siya at kausap si Camela.Nangunot ang noo ni Camela at nagtataka sa nakikitang reaction sa mukha ng kapatid. Ganoon ba kahirap sabihin sa kaniya ang totoo?Ikinurap kurap ni Edlyn ang mga mata at tumingala upang pigilan ang luha na nais kumawala sa kaniyang mg
Tuluyang napaluha na si Clarissa at natuwa dahil hindi nagtanim ng galit sa kaniya ang dalaga. Kahit papaano ay nabawasan ang alalahanin niya. Aalis siya na ang tanging isipin at ipag dasal ay mapatawad na siya ni Camela. "Thank you, hija!"Hinalikan ni Miles sa pisngi ang ginang bago lumayo upang makaalis na ito. Nakangiting kumaway pa siya rito habamg hinahatid ng tanaw ang papalayo ng sasakyan ngginang. Nang hindi na matanaw ang sasakyan ay lumulan na rin siya sa sariling kotse. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang nilisan ang hospital."Nauna nang pumasok si Rex sa loob ng silid nang pagbuksan sila ni Rashed ng pinto. Nahihiya pa kasi si Edlyn na makita sila ng mga ito na magkasama. Hindi pa siya sinasagot ng dalaga pero binigyan naman siya ng pag-asa na makapasok sa puso nito."Tito Rex!" Masiglang bati ni Lindon pagkakita sa kaibigan ng ina nito."Hey, kumusta ang magiting at malakas na bata?" Nakangiting ginulo ni Rex ang buhok ng bata."Gagaling na po ako
Ngumiti si Edlyn sa ina ni Rashed nang madaanan nila ito. "Kumusta po? Galing na po kayo sa loob? Bati niya sa ginang saka tinapunan ng tingin si Miles. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito dito at nag alala na baka gumawa mg eksina upang gulohin ang kapatid niya.Inirapan ni Miles si Edlyn at nababasa niya ang laman ng isip nito. Pero mas pinili niyang manahimik at aksaya ng oras ang magpaliwanag o ipagtanggol ang sarili. Sino ba ang mga ito para pag aksayahan niya ng oras? Nagpunta siya sa lugar na ito para makita sana su Rashed at maka usap ngunit ang ina nito ang nakita niya. Wala rin siyang balak manggulo o mag wala para makuha ang atensyon ni Rashed.Matipid na ngumiti si Clarissa bago tumango. "Salamat, huwag mo sanang iwan ang kapatid mo mula ngayon at damayan siya sa mga suliranin sa buhay."Tikom ang bibig na ngumiti si Edlyn sa ginang. Pagtingin niyang muli kay Miles ay hindi niya maiwasang maawa dito. Siya ay medyo matagal nang naka move on kay Rashed. Ito ay magsisimu
"Huwag matakot, nandito si Papa, okay?" Hinaplos-haplos niya ang buhok ng anak at itinago ang mukha nito sa kaniyang dibdib. Sininyasan niya ang doctor na hayaan muna siyang pakalmahin ang anak at mawala ang takot nito dahil sa injection. Sa ilang beses na injection kasi ay parang nagkakaroon ng trauma ang anak at nasasaktan. Kahit idinadaan na sa dextrose ang gamot ay natatakot pa rin ang anak. Ramdam nito sa braso ang sakit kapag dumaloy na ang gamot mula sa dextrose.Kinuha ni Camela si Ralph upang hindi makaabala. Ayaw niyang makaramdam din ito ng takot sa doctor dahil sa nakikita."Hindi na ako magtatagal." Hindi na nagawang magpaalam ni Clarissa sa kambal. Nagmamadaling lumabas ng silid at hindi kayang makita ang apo na natatakot at nanghihina."Tita."Tumigil sa paghakbang si Clarissa at tiningnan ang taong humarang sa kaniyang daraanan. Mabilis na pinunasan ang luha sa mga mata nang makilala si Miles."Kaya ko pong alagaan ang mga apo mo kapag naging asawa ko na si Rashed." B
"Nag-usap kami kahapon. Sorry pero hindi pa ako handang patawarin siya. Sa ngayon ay puwede niyang makita at mayakap ang kambal, hanggang doon lamang."Nakakaunawang tumango si Rashed. Nagpasalamat pa rin siya sa dalaga dahil binigyan nito ng pagkakataon na mayakap ng ina niya ang anak nila. Tama lang na nailigpit na nila ang pinagkainan nang dumating ang ina.Pagkapasok ni Clarissa sa silid ay agad natuon ang tingin niya sa dalawang batang lalaki. Ang cute ng mga ito at ganoon din ang mukha ni Rashed noon bata pa ito. Pinigilan niya ang sariling maluha at baka magtaka ang kambal lalo na si Ralph na nakilala na siya kahapon. Nanatili lang si Rashed sa kinaupuan at hinayaang si Camela ang magpakilala sa ina sa kambal."Lindon, anak, may bisita ka," tawag ni Camela sa anak.Sabay na naptitig ang kambal sa ginang na bagong dating. "Hello po!" Nakangiting kumaway si Lindon sa ginang. Si Ralph at nakatingin lang sa ginang at mukhang hindi na nangilala kung sino ang bisita ng kapatid.Hin
Napatiim bagang si Camela at pilit inaalis ang awa para sa ginang. Pero hindi siya natuwa sa gustong mangyari ni Rashed. Ina pa rin nito ang ginang at may edad na rin. Responsibilidad ng isang anak na samahan at alagaan ang mga magulang sa pagtanda ng mga ito."Huwag kang maaawa sa pag-alis ko. May makasama ako roon at maari pa ring bumisita dito kahit anong oras gustohin ko kung hayaan mo na makilala ako ng mga bata."Nagkunwaring walang narinig si Camela kahit nababasa ng ginang ang nasa isip niya."Makiusap lang sana ako kahit ngayon lang." Pagsusumamo ng ginang sa dalaga."Maari mo silang makita at mayakap pero hindi puwedeng malaman na ikaw ang kanilang abuela, lalo na ni Lindon." Malamig niyang tugon sa ginang.Nakakaunawang tumango si Clarissa. Bilang isang ina, ayaw ni Camela na masabik ang kambal na makasama siya kapag nakilala. Malulungkot lamang ang mga ito kapag nalaman na aalis din siya, lalo na si Lindon. Maapiktohan ang kalusugan nito. "Salamat! Hindi ako gagawa ng baga
"Hindi mo ba ako pananagutan?" Pabirong tanong niya sa dalaga nang ayaw siyang pansinin. Alam niyang magkukunwari itong walang nangyari kagabi sa pag aakalang wala siyang maalala.Nangunot ang noo ni Camela sa pabirong tanong ni Rashed. Hindi pa niya gusto ang ngiting nakapaskil sa labi nito. "Wala
Sinundan ni Rashed ng tingin ang tumalikod na dalaga. Nang masigurong nakalayo na ito ay hiranap niya si Rex. "Sigurado ka ba na sa ganitong paraan ko makukuha muli ang loob niya?" Duda niyang tanong sa lalaki."Duda ka ba sa intension kong matulungan ka?" aroganteng sagot ni Rex sa lalaki at ilang
"Tita,"Luhaang nag angat ng tingin si Clarissa at nagmamakaawa ang titig na ipinukol kay Edlyn."Tita, halika po." Tinulungan ni Edlyn ang ginang na makatayo at inakay itong makaupo sa sofa."I'm sorry!" Hilam na sa luha ang mukha habang nakatitig kay Edlyn.Napaluha na rin si Edlyn at awang awa s
"Ano na ang mukhang ihaharap ko sa aking mga anak ngayon?" Paano ko isasalba ang buhay ng isa kong anak kung tanging bone marrow lang ang paraan upang madugtungan ang buhay niya?" Tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ni Rashed at bagsak ang mga balikat. Larawan siya ngayon ng isang amang walang







