Share

CHAPTER 6

Author: ZintraZania
last update publish date: 2026-09-29 19:26:14

PASAKIT

MIRAN’S POV

“Oh Miran, hindi ba sa ‘yo ‘to?” Tumatakbong salubong sa akin ni Rasha dala ang isang box nang makarating ako sa kompanya.

“Oo nga, dumating na pala!” Ito ang binili ko sa online shop noong nakaraan.

“Ano ba ‘yang binili mo?” usisa niya habang sinisilip ang box.

“Para kay Papa… nag-out ka na ba?” umiling siya at hinila ako.

“Hinihintay kita, ano ka ba? Nga pala kain tayo sa labas?”

“Sige, payag ako.” Malawak na ngiti ang rumehistro sa kaniyang mukha nang marinig ang aking sagot.

Wala naman sa bahay sila Auntie Myrna kaya susulitin ko na ang gabing ito.

“Ha! Akala ko tatanggihan mo na naman ako. Tara na, magpalit na muna tayo.” Nagtungo kaming pareho papunta sa locker room. Mag-aalas diyes y media na kaya tahimik na ang paligid.

“Nga pala, Miran? Anong nangyari sa bahay niyo? Nabanggit mo kanina ‘di ba?” Pagbasag ni Rasha sa katahimikan habang kumakain sa isang lomihan.

“Ah si Rina kasi, isinugod sa ospital. Hindi ako pinayagang sumama ni Auntie kaya pumasok na lang ako nang maaga.” Nangunot ang kilay niya at ibinaba ang hawak na kutsara.

“Ospital? Anyare sa maldita mong kapatid? Kinarma na siguro.” Inis niyang buwelta at nagpatuloy sa pagkain.

“Hindi ko rin alam, ang sabi ni Auntie ay inaapoy ng lagnat. Kaya ayon…”

“Lagnat?! Ha, mahina pala siya. Lagnat lang, ospital agad?!” Singhal niya na ikinatawa ko naman.

“Ganon na kasi talaga si Rina. Sakitin kaya si Auntie kapag nagkasakit si Rina ay sobra-sobra ang pag-aalala,” paliwanag ko. Hindi na siya umimik at nagpatuloy na kami sa pagkain ng lomi.

“Bye Miran! Mag-iingat ka, huh?” paalala ni Rasha at kumaway sa akin.

“Bye, Rasha. Ikaw rin… mag-iingat ka.” Paalam ko bago pinaandar ang makina ng motor.

***

“Mano po, Pa.” Salubong ko kay Papa nang madatnan ko siya sa labas.

“Oh anak, kumain ka na ba?”

“Opo, Pa. Sila Auntie po… kumusta sila?” Isinara ko ang p***o nang makapasok kami.

“Naiwan sa ospital, ayon pinauwi na muna ako. Nasa maayos na kalagayan naman na ang ate mo.” Tumango ako at may biglaang naalala.

“Pa! Heto po, buksan niyo. Para sa inyo ‘yan.” Inabot ko ang box na nasa loob ng bag pack ko.

“Oh ano ‘to anak?” Nagtatakang sinuri niya ang hawak na box.

“Basta, Pa. Buksan niyo na lang.” Nakangisi ako habang pinagmamasdan siyang buksan ito.

Nang mabuksan ay natahimik si Papa. Napakunot ang aking noo dahil nakatitig lamang siya ro’n sa loob ng box.

“P-Pa? Ayos lang po kayo? H-Hindi niyo po ba n-nagustuhan?”

Nagulat ako nang yakapin ako ni Papa.

“Salamat anak, salamat. Hindi mo naman na kailangang gumastos ng malaking halaga para lang mabili ‘to.” Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha nang makita ko ang pagluha ni Papa.

Dahan-dahan kong tinapik ang kaniyang likuran nang mapansin ko ang panginginig ng kaniyang balikat.

“Ayos lang po, regalo ko po ‘yan para sa inyo.”

Isa ‘yong jacket na matagal na niyang gustong bilhin ngunit dahil wala kaming sapat na pera ay hindi na niya nagawang bilhin pa. Kaya nang makapasok ako sa trabaho ay pinag-ipunan ko. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang ngiti ng sariling magulang.

‘Masaya ako para sa ‘yo Papa, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka.’

***

Maaga akong gumising at masuwerteng nadatnan ko si Papa na papaalis pa lamang.

“Magandang umaga po, Pa!” Napalingon siya sa akin at ngumiti.

“Anak Miran. Ang aga mong gumising ngayon?” Tama si Papa, sobrang aga ko nga dahil alas kuwatro y media pa lamang.

“Hindi na po kasi ako makatulog.”

Maaga si Papa sa paglalako ng pandesal at sa tanghali ay nasa palengke naman siya nakikipagporsiyentuhan sa pagtitinda ng fishball.

“Anak, mauuna na ako, ha. Maraming kakompetensya kaya mas magandang maaga akong makabenta.” Tumango na lamang ako at inihatid siya palabas.

“Mag-iingat po kayo, Pa.”

“Oh sige na anak. Huwag mong kalimutang mag-almusal,” bilin niya. Matapos ay pumara ng tricycle. Nakikiporsyento si Papa sa mga bakery at masuwerteng natanggap siya upang maglako sa umaga ng mga pandesal.

Nang makalayo ang sinasakyan ni Papa ay dumeretso ako sa kusina upang magtimpla ng kape. Araw ng biyernes kaya bukas ay buong araw ako sa trabaho. Kailngan kong kumita ng pera para sa gamot ni Papa. Masiyadong malaki ang presyo ng mga gamot niya ngunit wala naman akong magagawa dahil ‘yon ang ibinigay na reseta sa kaniya ng doctor.

Nang maubos ko ang kape ay nagluto na ako ng pang-almusal. Isang itlog at pritong saging ay okay na. Matapos kong mag-almusal ay naligo na ako, nang makita ko ang oras ay kampante akong hindi mahuhuli sa klase. Alas sais ng umaga pa lamang nang matapos akong makapaghanda para pumasok sa eskwelahan.

“Aalis ka na?” Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, hindi ko na naisara ang p***o nang makitang papalapit si Lorraine.

“Lorraine? Nakauwi na pala kayo?” mahinang bulong ko. Nakita ko sa likuran niya sina Auntie Myrna at Rina. Sa palagay ko ay ayos na si Rina dahil may matalim na tingin na naman siya. Napaatras ako nang magsimula silang lumapit sa akin, kapwa-masama ang tingin na ipinupukol sa akin.

“Mom! Si Miran ang may kasalanan kung bakit na-hospital si ate!” Sigaw ni Lorraine sa harapan ko, malapit siya sa akin kaya nakabibingi ang boses niya.

“Ikaw babae ka! Halika nga rito!” Impit na napasigaw ako nang hilahin ni Auntie Myrna ang buhok kong medyo basa dahil katatapos ko lang maligo. Wala akong nagawa nang kaladkarin niya ako nang buong pwersa papasok sa bahay.

“P-Po? Auntie wala po akong kasalanan, hindi ko alam ang sinasabi ni Lorraine!” Nabitawan ako ni Auntie nang biglaan akong itulak ni Rina. Hindi halatang kagagaling niya lang sa ospital sa lakas ng tulak niya sa akin.

“Peste ka talaga sa buhay namin, Miran!” sigaw ni Lorraine at agad akong sinugod.

“Kasalanan mo ang lahat ng malas na nangyayari sa ‘min!” bulyaw ni Rina. Napaatras ako nang sabay nila akong itinulak.

“Aray ko, tama na!” Naitulak ko si Lorraine kaya nahawakan ko ang buhok ni Rina.

“Bitawan mo ako, Miran! Peste ka talaga!”

Naramdaman kong papalapit si Lorraine at umamba ng sipa ngunit agad akong umikot dahilan para si Rina ang tamaan niya. Nabitawan ako ni Rina at napaupo siya sa sahig.

“Ano ba Lorraine?! Sisipa ka na nga lang, tatanga-tanga pa!” bulyaw niya sa kapatid.

“Si Miran kasi ate!”

“Miran! Walang hiya ka, bagay lang sa ‘yong mawalan ng magulang!” Nandilim ang paningin ko nang marinig ‘yon.

Agad akong tumayo at sinugod si Lorraine kasabay ng paghawak ko sa kaniyang buhok. Wala na akong pakialam kung malaman ito ni Papa, wala silang karapatang idamay si Mama.

“Mom! Ate, tulong!” sigaw nang sigaw si Lorraine ngunit patuloy pa rin ako sa paghila sa kulot niyang buhok.

“Huwag na ‘wag mong idadamay ang magulang ko! Wala kang karapatan!”

“Itigil mo na ‘yan, Miran! Nasasaktan ang anak ko!” Tinabig ko si Auntie Myrna nang hawakan niya ang aking braso.

“Ang ayoko sa lahat ay dinadamay niyo pa ang magulang ko! Wala kayong karapatang banggitin si Mama!” Binitawan ko si Lorraine nang malakas.

Nagsimula akong humakbang ngunit hinarangan ako ni Rina.

“Saan ka pupunta, ha?!” Napapikit ako nang madiin niyang hinablot ang aking buhok. Hindi pa man ako nakakabawi ay isang sipa ang nakapagpaluhod sa akin. Sa malakas na sipa ni Lorraine ay napapilipit ako sa sakit.

“Bagay sa ‘yo. Mayabang ka kasi!” sigaw nila at humalakhak nang nakabibingi.

“Hawakan niyo siya!” Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak nila sa aking braso.

Nang maiharap ako kay Auntie ay tinignan ko lamang siya nang masama. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

“Bitawan niyo ‘ko!” Nagsimula akong magpumiglas ngunit naramdaman ko na lang ang kamay ni Auntie sa aking mukha.

“Alam mo? Mas mabuti kung umalis ka na lang dito sa pamamahay ko. Ikaw ang nagdadala ng malas sa buhay namin. Ikaw!”

“Hindi ako aalis!” tugon ko nang hindi bumibitaw ng tingin.

“Ang lakas mong sigawan ako, ha!” Napapikit ako nang maramdaman ko ang malutong na pag-landing ng palad ni Auntie sa kaliwang pisngi ko. Napabuga ako ng hangin sa hapdi na dulot nito. Dinig na dinig ko pa rin ang halakhak nila na walang tigil.

“Ano bang nagawa ko?! Bakit palagi ninyo akong ginaganito?!”

“Tinatanong pa ba ‘yan? Simple lang dahil ikaw ang malas. Alam mo, sana mawala ka na, sa ‘yo na lang lahat napupunta ang atensyon ni Romil at ‘yon ang ayoko!” Muli niya akong hinawakan sa pisngi at ramdam ko ang matatalim niyang kuko na unti-unting bumabaon sa aking balat.

“Ano bang sinasabi mo, Auntie?” Ano pa bang gusto nila, nasa kanila na ang bahay pati ba naman ang makasama ko ang Papa ko, ay hahadlangan nila?

“Maang-maangan ka pa! Kung wala ka sana ay matagal na naming na-solo si Romil, pero nang dahil sa ‘yo lagi ka na lang niyang iniintindi! Puro na lang para kay Miran, para sa kaniya ‘to! Nakakainit ng ulo!”

“Dahil mahal ako ni Papa!” Matalim ko silang tinignan isa-isa. Nang maramdaman ko ang pagluwag ng hawak nila sa akin ay agad ko nang binawi ang aking braso.

Kita ko ang pananahimik nila at nanlalaking mata ni Auntie Myrna. Bahagya siyang umismid at agad ding napalitan ng matalim na titig.

“I-Ikaw... halika rito. Sumusobra ka na, sumasagot ka pa!” Mabilis kong tinungo ang aking bag na nasa sahig at lumabas na.

“‘Wag ka nang babalik dito! Peste ka, Miran!” dinig ko ang matinis na boses ni Lorraine. Dire-diretso lamang ako sa pagtakbo hanggang sa makaabot ako sa daan. Nang makapara ng taxi ay agad akong pumasok. Nakahinga ako nang maluwag nang makalayo na ito sa bahay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TEARS OF A MAJESTIC WIFE    CHAPTER 6

    PASAKITMIRAN’S POV“Oh Miran, hindi ba sa ‘yo ‘to?” Tumatakbong salubong sa akin ni Rasha dala ang isang box nang makarating ako sa kompanya.“Oo nga, dumating na pala!” Ito ang binili ko sa online shop noong nakaraan.“Ano ba ‘yang binili mo?” usisa niya habang sinisilip ang box.“Para kay Papa… nag-out ka na ba?” umiling siya at hinila ako.“Hinihintay kita, ano ka ba? Nga pala kain tayo sa labas?”“Sige, payag ako.” Malawak na ngiti ang rumehistro sa kaniyang mukha nang marinig ang aking sagot.Wala naman sa bahay sila Auntie Myrna kaya susulitin ko na ang gabing ito.“Ha! Akala ko tatanggihan mo na naman ako. Tara na, magpalit na muna tayo.” Nagtungo kaming pareho papunta sa locker room. Mag-aalas diyes y media na kaya tahimik na ang paligid.“Nga pala, Miran? Anong nangyari sa bahay niyo? Nabanggit mo kanina ‘di ba?” Pagbasag ni Rasha sa katahimikan habang kumakain sa isang lomihan.“Ah si Rina kasi, isinugod sa ospital. Hindi ako pinayagang sumama ni Auntie kaya pumasok na lang

  • TEARS OF A MAJESTIC WIFE    CHAPTER 5

    BLAMEMIRAN’S POV“Ow, dumating na pala ang peste sa bahay.” Hindi ko pinansin si Lorraine na nanunuod sa sala. Mabilis akong umakyat at isinara ang pinto ng kuwarto. Nasanay na ako sa mga parinig niya sa tuwing umuuwi ako. Ako na ang umiiwas dahil ayoko ng gulo.Matapos makapagbihis ay agad din akong bumaba. Pauwi na rin si Papa kaya makakasabay ko siyang kumain.“Mom!” Napunta ang aking atensyon sa pinto, naroon na si Papa at si Auntie Myrna.“Mano po, Pa… Aun­­—“ Agad akong lumapit kay Papa ngunit pagdating kay Auntie Myrna ay tinabig niya lamang ako.“Hay! Nakakapagod talaga!” Mistulang naiinitan siya at pinaypayan ang sarili.Matapos akong titigan ay nilagpasan na niya ako. Alam kong napansin ‘yon ni Papa kaya agad niya akong nilapitan.“Anak, halika… may uwi akong ulam. Tulungan mo na lang akong ihain ‘to.” Pilit akong ngumiti kay Papa na halatang pinapagaan ang loob ko.Tao rin ako kaya nasasaktan din ako sa mga kilos ma ipinapakita nila Auntie Myrna.“S-Sige, Pa.” Sumunod na a

  • TEARS OF A MAJESTIC WIFE    CHAPTER 4

    PALAISIPANMIRAN’S POV“K-Kasal?!” Naisigaw ko at kandaugagang naibaba ang hawak kong baso.“Yes.” Tumango ito at sumimsip sa kaniyang tea.“Po? Ano po bang sinasabi ninyo?!”“Marry my son, hija. Simple as that.” Nanliit ang mga matang tinitigan ko siya.“Ma’am, hindi ko kayo kilala kaya please lang, kung mang-s-scam kayo, mamili kayo. Huwag ako.” Napapaypay ako dahil sa init na dulot ng kape.“I already told you, hija. Hindi ito scam. Ikaw ang matagal ko nang hinahanap.” Lalo lamang akong naguluhan sa mga sinasabi niya.“A-Ah ma’am, sorry pero hindi ko talaga kayo maintindihan. Gusto ko lang pong linawin na hindi po ako magpapakasal, wala pa po ‘yan sa bokabularyo ko.” Bahagya akong pumikit at napailing.Maya’t maya ay nagmulat na ako’t tumingin nang diretso sa kaniya. “Hindi po ako magpapakasal sa hindi ko naman kilala at lalong hindi sa taong hindi ko naman mahal.” Tumayo na ako sa kinauupuan at tinalikuran siya upang makalabas na. Ngunit sandali akong napatigil sa paghakbang nang

  • TEARS OF A MAJESTIC WIFE    CHAPTER 3

    OFFERMIRAN’S POVHindi ako kumibo hanggang sa makalapit siya. Humigpit ang aking hawak sa box nang dumako ang kaniyang mga mata mula sa aking paa paakyat sa ulo. Tila ba pinag-aaralan niya.“What did she do to you?” Nilingon niya ang babae na agad namang lumapit sa kaniya. Muntik ako mapaubo nang lumingkis ito sa braso niya. They related to each other, huh?“Zair, that stupid girl hurt me bad!” Ngumuso ito na parang ako ang may kasalanan ng lahat.“Merriz, let’s go. Students, go back to your respective rooms, now!”“What? No, Zair. I want you to punish her, right away!” Nagpupumilit na pakiusap ng babaeng nagngangalang Merriz.“No, she’s not student here and ayokong nakikipag-away ka.” Natutop ni Merriz ang kaniyang bibig at muling tumingin sa akin nang masama. Kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha at tulad ng kay Lorraine ay alam kong galit na ‘to.“Leave before I do something to you!” Diin niyang tugon sa akin.Napangisi ako at napabuga ng hangin. “Tumiklop ka ‘ata at nagtatago sa

  • TEARS OF A MAJESTIC WIFE    CHAPTER 2

    UNANG TAGPOMIRAN’S POVMatapos kong lutuin ang pang-almusal ay nilabhan ko na ang mga damit. Iniiwasan kong ma-late dahil baka mawala sa akin ang scholarship.“Lorraine, Rina! Tara na, bumaba na kayo d’yan!” dinig na dinig ko ang boses ni Auntie Myrna sa labas habang narito ako sa banyo. Tapos na akong maglaba kaya maliligo na ako.“Hoy Miran, i-lock mo ang pinto, ha? Aalis na kami,” bilin ni Auntie at sunod-sunod na yapak ang aking narinig palabas ng bahay. Malakas na bumusina ang taxi, hudyat na nakaalis na sila.Hindi rin naman ako nagtagal sa banyo dahil ilang minuto na lang ay masasaraduhan na ako ng gate sa school.“Ayan ayos na!” Napangiti ako sa harap ng salamin nang matapos kong suklayin ang aking kayumangging buhok.“Sa school po, manong.” Agad akong sumakay sa taxi nang pumarada na ito sa harapan ko. May kamahalan nga lang ang pamasahe kaya minsan ay sa tricycle lang ako sumasakay. Pero dahil malayo-layo at late na ako ay kailangan ko nang mag-taxi.“Salamat po!” Tarantang

  • TEARS OF A MAJESTIC WIFE    CHAPTER 1

    MIRAN’S POVNakatingin ako sa mga sasakyang mabilis na umaandar. Narito ako sa itaas ng building kung saan ako nagta-trabaho. Gabi na at tanaw na tanaw ko ang mga bituing nagkukuminang sa kalangitan. Napagdesisyunan kong pumunta rito na araw-araw namang ginagawa upang magpahangin. Tapos na rin ang oras ng trabaho ko kaya p’wede na rin akong umuwi.“Miran!” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Rasha. Siya ang unang naging kaibigan ko rito. Kami ang nagde-deliver sa mga gamit na ino-order mula sa iba’t ibang online shop. Mag-aapat na buwan na ako rito kaya kahit papaano ay nasanay na ako sa trabahong ito.“Oh Rasha, uuwi ka na ba?” Ngumiti siya sa akin at naglakad papalapit sa kinatatayuan ko.“Alam mo Miran, samahan mo na lang ako. Kumain tayo sa labas,” saad niya.“A-Ah Rasha, hindi muna ako makakasama. Alam mo na?” tinignan ko siyang diretso at kita ko ang pag-irap niya sa ere.“Miran, saglit lang naman tayo. Kung nag-aalala ka sa sasabihin na naman ng nanay-nanayan mo, p’we

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status