Share

THE BACHELOR'S SECRETS
THE BACHELOR'S SECRETS
Author: Franz Valley

CHAPTER 1

NAGTAGIS ang mga bagang ni Redlee nang makita mula sa kinatatayuan ang tumigil na kotseng sinakyan ni Diane. Hindi niya naiwasang makadama ng galit. Pakiramdam niya ay nanginig ang buong katawan pero sinikap ding kalmahin.

"Taksil," he whispered. "Are you really not satisfied with me, Diane? Isn't my love and the things I will give you not enough?"

Gusto na niyang puntahan ang sasakyan pero pinigil niya ang sarili. Kailangan niyang magtimpi at hindi gumawa ng iskandalo ng gabing iyon, na hindi alam ni Diane na papasyalan niya ito.

I really love you, Diane, hiyaw ng utak niya. Magkasunod siyang humithit ng sigarilyo saka galit iyong itinapon. Then, he took another cigarette stick and lit it. Despite the fact that I just picked you up from the trash ay ito pa ang igaganti mo sa akin. How dare you, bitch!

Lalo pang nanggalaiti sa galit ang damdamin niya nang makita mula sa bukas na bintana ng kotse, na humalik sa pisngi ng kasamang ibang lalaki si Diane. Talagang wala itong kaalam-alam na saksi siya sa ginagawa nitong kataksilan.

Totoo, na kung tutuusin ay sobra niyang pinahalagahan ang babaing ito. Tulad nga nang nabanggit niya kanina, na pinulot lang niya ito mula sa basura. Kaya hindi niya akalaing gagawa pa ito ng kalokohan. Ni hindi sumagi sa utak niya na darating ang panahon na maghahanap pa ito ng ibang lalaki.

"Saan ako nagkulang, Diane?" bulong niya. "Ano pa ang hindi ko naibigay sa 'yo?"

Ulilang lubos na si Diane nang makilala niya. Naging tapat ito sa kanya nang magkausap sila sa isang bar at agad na ikinuwento ang tungkol sa sariling buhay, na pinaniwalaan niya. Damang-dama kasi niya ang sinsiridad nito habang nag-uusap sila. Kaya naman kinuha niya ang cellphone number nito bago sila naghiwalay ng gabing iyon at nang magkaroon siya ng pagkakataon ay muling nakipagkita. 

Wala iyon sa plano ni Redlee pero ginawa niya, bagama't maging sa sarili ay nagtaka siya kung bakit. Hanggang tinanggap na lamang niya na talagang nabighani siya sa babae. Pagpasok palang kasi nila sa bar ng gabing iyon ay natuon na ang pansin niya rito, habang nakaupo itong mag-isa sa counter at umiinom ng wine. Agad niya itong nilapitan para makilala at nagkaroon nga sila ng maayos na pag-uusap.

Maganda si Diane. Maputi. Sexy at moderna. Ito ang tipo ng babae na ang pananamit ay sunod sa uso. Ang pares ng mga mata nito ay mapang-akit, lalo na kung titigan. Kaya hindi niya masisisi ang sarili kung agad siyang na-akit dito. At higit nga sa lahat, naging tapat ito sa kanya. Walang pagkukunwari na inamin kung ano ang trabaho nito.

"Pick-up girl ako, Red," pag-amin noon ni Diane. "Dito ako kumikita. Dito nanggagaling ang perang ipinangluluho ko sa sarili. At wala akong pinagsisihan dahil sanay na ako sa ganitong buhay at masaya ako."

Napabuntonghininga siya ng tila narinig muli ang sinabi nitong iyon. Mula pa rin sa kinatatayuan ay muli niya itong tinitigan kaya nasaksihan niya ang pagbuksan ng pintuan ng kotse at lumabas ito.

Hindi ka nagbago, hiyaw ng utak niya, ikaw pa rin ang dating Diane. Sa loob lang ng apat na buwan ng ating pagsasama ay bumalik ka na sa dati mong ginagawa.

Totoong umasam siya na magbabago ang babae at hindi na babalikan ang dating trabaho. Kaya nga nagdesisyon siya na ibahay ito. Isang maganda at mamahaling apartment ang inupahan niya para dito. Kung kailan niya gusto itong puntahan ay saka pinapasyalan. At buong akala niya ay naging masaya ito sa piling niya dahil ni minsan ay hindi naman siya nakarinig ng reklamo mula dito. In fact, when he visits her, she's always fun and lively.

Pero bakit? Ano ang nangyari at nauwi sa ganito ang sitwasyon?

THE night that Redlee met Diane, he was accompanied by two friends, who both held high positions in their company. Si Rex, na finance manager at ang assistance nitong si David, na kahit kapalagayang-loob na niya ay mataas pa rin ang pagtrato sa kanya bilang administrative manager. Kaya naman tumutol ang mga ito at humadlang sa plano niya.

"Sir, you're obviously attracted to that woman." He suddenly remembered the conversation between them that night. At that moment, they were still inside the bar and drinking wine. "You never left her until she got home."

"Yes, Rex," he replied. "I was really attracted to Diane and I really admired her. She's a different kind of woman."

"Sir, wala siya sa kalingkingan ni Ma'm Kriza," sabad ni David. "That woman is absolutely cheap. Halata siyang bayaran kaya hindi siya bagay sa iyo, sir."

Umiling siya. "Wala kang karapatang manghusga, David. Hindi porke ganoon si Diane ay mamaliitin mo. Hindi mo pa siya kilala."

"Tama si David, sir. Obvious naman sa Diane na iyon kung ano talaga siyang uri ng babae."

"Diane is an honest woman. We just met but she didn't keep anything secret from me. Kaya hinangaan ko siya. And to tell you frankly, plano kong makipagkitang muli sa kanya."

"What..?" duweto nina Rex at David. Nagkatinginan pa ang mga ito saka muling tumingin sa kanya na nanlalaki ang mga mata. "Sir..!"

"You heard me right, men," tugon niyang pinaglipat-lipat sa mga ito ang mga mata. "Sinisiguro kong masusundan pa ang pagkikita namin ni Diane..."

"Seryoso ka, sir?"

"Yes, David," he replied. "I'm serious about that. And nothing can stop me."

"But sir..."

"Rex, hayaan mo na ako. I'm sure, I'll be happy in Diane's company. I'm ready wherever our relationship goes."

"Paano si Ma'm Kriza, sir?"

"She's my live-in partner at walang mababago roon," natatawa niyang tugon. "Ano ba kayong dalawa? Bakit pinuproblema ninyo ang bagay na iyan?"

Umiling-iling si David. Talagang hindi ito sang-ayon sa magiging relasyon nila ni Diane kung sakali. Nalagok nito lahat ang iniinom na wine mula sa hawak na kopita.

Hindi niya ito masisi dahil alam niyang nagmamalasakit ito sa kanya. Batid naman niya na hanggang maaari ay gusto nitong itama ang bagay na ikasisira niya. Pero para sa kanya ay walang mali sa plano niyang gawin. Ano pa at natitiyak niyang magiging masaya talaga siya sa piling ng babaing bagong kakilala. 

"Salamat sa pagmamalasakit ninyong dalawa, David at Rex," sabi niya pagkatapos inumin ang wine sa sariling kopita. "Pero desidido na akong maugnay sa buhay ko si Diane."

Talagang sineryoso niya ang pakikipag-ugnayan kay Diane at dumating na nga sa puntong nagkaroon sila ng relasyon, na ngayon ay gusto niyang pagsisihan dahil siya mismo ang nakasaksi ng pagtataksil nito.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Josie Vinuya Dayo
Yaph. It was. ...
goodnovel comment avatar
Franz Valley
Interesting story ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status