ログイン"HINDI PO GANOON ang paghawak ng tinidor, Miss Fajardo."
Buong isang linggo na akong sinasabihan ng ganito ni Madame Techie, 'yung etiquette coach na kinuha nila Camille para "ihanda" ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kailangan pa ng espesyal na coach para lang sa paghawak ng kubyertos, pero ayun, ganoon na pala talaga kapag mayaman ka. May coach para sa lahat.
"Pero Ma'am, gumagana naman 'to," sabi ko, itinaas 'yung tinidor at kutsilyo ko, kahit alam kong mali 'yung hawak ko dahil masyado kong hinihigpitan, na parang gagamitin ko 'yong panlaban sa isang bulate na tatakas.
"Hindi pwede 'yung 'gumagana naman.' Kailangan tama." Umupo siya sa tapat ko, kinuha 'yung sarili niyang set ng kubyertos, at ipinakita ulit, dahan-dahan, na parang ika-sampung beses na niya 'to ginagawa (na totoo naman).
"Makinig ka, Miss Fajardo. Sa mundong papasukan mo, hindi lang ang gawa mo ang tinitignan nila. Ang paraan mo ng paggawa. Ang bawat detalye."
Bumuntong hininga ako. Alam kong tama siya, pero grabe, ang hirap pala pagsabayan ng mga taong pinanganak na may kutsara sa bibig. Literal.
Kalahating oras pa ang lumipas bago ako nakapag-master ng "tamang" paraan ng paghawak ng kubyertos, at sa oras na 'yon, halos sumasakit na 'yung ulo ko sa dami ng detalyeng kailangan kong tandaan. Ilang pulgada dapat ang layo ng plato sa gilid ng mesa. Paano bumati sa isang tao base sa ranggo nila sa lipunan. Kung kailan pwedeng tumawa nang malakas at kung kailan dapat lang ngumiti nang bahagya.
Grabe, mas mahirap pa 'to kaysa sa reviewer namin noong high school para sa college entrance exam. At ni hindi man lang ako nakapasa doon.
"Tara na," sabi ni Camille, biglang sumulpot sa pintuan, hawak ang tablet niya na parang extension na ng katawan niya. "May isa pang session tayo. Wardrobe fitting."
"Ulit po?" halos umiyak ako. "Kanina ko pa 'to sinusuot."
"Iba na 'to. Para sa event bukas ng gabi."
Kumunot ang noo ko. "Anong event po?"
"Hindi mo pa alam?" Tumingin si Camille sa direksyon ni Madame Techie, na nagkibit lang ng balikat, parang hindi rin niya alam ang kaparehong sagot. "Charity gala po. Malaking bagay 'to, Miss Fajardo. Doon mo makikilala ang buong lipunan ni Mr. Monteverde. At doon mo rin unang makikilala si Don Alfredo."
Bumagal 'yung pagtibok ng puso ko.
"Ang... ang lolo niya po?" tanong ko, boses ko halos hindi na lumabas.
"Oo. Kaya kailangan po talaga tayong mag-focus sa preparations natin." Nginitian niya ako, pero 'yung klaseng ngiti na parang hindi nakakatulong sa kaba ko, kundi lalo pang nagpapalala.
Bukas na pala. Bukas na pala kailangan kong harapin 'yung buong mundo na 'to, at higit sa lahat, 'yung lolo mismo ni Elion na kailangang kumbinsihin na totoo kaming dalawa.
Paano ko 'to gagawin?
Kinagabihan, nakaupo ako sa gilid ng kama sa kwartong pansamantala kong tinitirhan (isang guest room sa isa sa mga building nina Elion, na mas malaki pa sa buong apartment namin ni Tito Mando), tinitignan 'yung damit na inihanda nila para sa akin bukas. Isang mahabang asul na gown, may kaunting kislap sa gilid, mukhang mas mahal pa sa lahat ng ari-arian na meron ako sa buong buhay ko.
May kumatok sa pintuan.
"Come in," sabi ko, automatic, dahil nasanay na ako sa mga taong pumapasok kahit hindi ko pa sinasabing "come in" nang tama.
Pero hindi si Camille o si Madame Techie ang pumasok. Si Elion.
Nagulat ako, halos matalisod sa sarili kong paa habang tumatayo.
"Mr. Monteverde po. Ano po ang..."
"I heard you were nervous about tomorrow," sabi niya, nakasandal sa pintuan, kamay nasa bulsa. "Camille told me."
"Sinabi ko sa kanya na wag na siyang magsumbong," bulong ko, medyo nahihiya.
Napangiti siya, lumapit nang kaunti, tapos umupo sa isang upuan malapit sa bintana. "It's normal to be nervous. Even I get nervous before these things, if that makes you feel any better."
Napatingin ako sa kanya, medyo hindi naniniwala. "Kayo po? Nerbiyoso?"
"Believe it or not, yes." Tumingin siya sa labas ng bintana, sa ilaw ng Makati na kumikislap sa gabi. "My grandfather has a way of making everyone in the room feel small. Even me. Especially me."
May kakaibang tono sa boses niya nang sinabi niya 'yon, parang may lumang sugat na hindi pa gumagaling. Gusto kong tanungin pa, pero pakiramdam ko, hindi pa panahon...
"Anong dapat kong gawin bukas?" tanong ko na lang sa halip, mas praktikal na tanong. "Baka mapahiya ko kayo."
"Just be yourself," sagot niya, tumingin ulit sa akin. "Well, mostly yourself. Maybe don't correct anyone's grammar in front of my grandfather."
Napatawa ako, kahit papaano, kahit na kaba pa rin ang nararamdaman ko. "Hindi naman po ako ganoon kabaduy, sir."
"I didn't mean it like that," sagot niya, pero may halong tawa sa boses niya. "What I mean to say is just be honest. That's the one thing you are good at."
Tumigil ako sandali, tinitignan siya nang mabuti. Sa unang beses, mula nang magkakilala kami, hindi ko na siya nakita bilang 'yung mayabang na billionaire na naisip ko noong una. May bahagi sa kanya na parang, sa likod ng lahat ng pera at kapangyarihan, kabado rin pala siya, katulad ko.
"Sir," tawag ko, bago pa siya makaalis. "Bakit po ba kayo nagmamadali para makuha 'yung inheritance? Hindi naman po siguro kayo mahihirapan kung hindi n'yo makuha 'yon, di ba?"
Tumigil siya, kamay niya sa hawakan ng p***o. Bumaling siya sa akin, at biglang naiba 'yung ekspresyon niya, parang nagsara 'yung isang p***o na sandaling nabuksan.
"None of your business, Miss Fajardo," sabi niya, malamig, kaiba sa tono niya kanina lang.
Napakurap ako, medyo nagulat sa biglang pagbabago ng ugali niya. "Sorry po, hindi ko po sinadyang..."
"It's fine." Hindi siya tumingin sa akin, kundi sa p***o, na parang gustong makaalis agad. "Just focus on tomorrow. That's all that matters right now."
Bago pa ako nakasagot, umalis na siya, at nag-iwan ng katahimikan na mas malamig pa kaysa sa aircon ng kwarto.
Napaupo ako ulit sa gilid ng kama, tinitignan 'yung p***o na kakasarado lang niya. Kanina pa naman, medyo nagbukas siya sa akin, kahit paano, tapos biglang nagsara ulit, na parang naalala niyang hindi dapat 'yon nangyayari.
Tama naman siguro 'yon, naisip ko.
Kontrata lang naman kami. Wala kaming dapat ipaliwanag sa isa't isa maliban sa mga bagay na kailangan para sa kasunduan namin.
Pero bakit parang may kung ano akong naramdaman nang isara niya 'yung p***o?
Hindi ko na masyadong pinansin 'yon. May mas malaking bagay akong kailangang isipin, tulad ng kung paano ako hindi mapapahiya bukas sa harap ng buong angkan ng mga Monteverde. Kung paano ko haharapin ang lolo niyang, base sa kwento ng lahat, ay istrikto at kaya kang tingnan na parang isang alikabok lang.
Humiga ako sa kama, tinitignan ang kisame, at hinayaan ang isip kong mag-drift papunta sa kaba na kinabukasan.
Kaya ko
'to, paalala ko sa sarili ko, paulit-ulit, hanggang sa naidlip ako nang hindi ko namamalayan.
KUNG MAY sasabihin akong pinaka-nakakakaba sa buong buhay ko, hindi 'yon 'yung unang beses kong nag-apply sa trabaho, hindi rin 'yung unang beses kong nag-drive (na, sa totoo lang, halos bumangga ako sa poste), kundi 'to. Ang paglabas ng elevator papunta sa isang grand ballroom na puno ng mga taong ang bihis nila mismo ay mas mahal pa sa buong buwan kong sahod."Relax," bulong ni Elion sa tabi ko, kamay niya nakapatong sa likod ko habang naglalakad kami papunta sa entrance. "You look terrified.""Kasi terrified nga po ako," sagot ko, mahina, nakangiti pa rin kasi baka may nakatingin. "Alam n'yo namang hindi ako sanay sa ganito.""You don't have to be used to it You just have to survive tonight."Ngumiti siya sa 'kin, 'yung ngiti niyang parang laging may kalaro sa likod ng utak niya. "And maybe don't call me 'po' the entire night. We're supposed to be a couple, remember? Couples don't do that."Napanguso ako. "Paano ko po kayo tatawagin?""My name would be a good start."Kinurot niya
"HINDI PO GANOON ang paghawak ng tinidor, Miss Fajardo."Buong isang linggo na akong sinasabihan ng ganito ni Madame Techie, 'yung etiquette coach na kinuha nila Camille para "ihanda" ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kailangan pa ng espesyal na coach para lang sa paghawak ng kubyertos, pero ayun, ganoon na pala talaga kapag mayaman ka. May coach para sa lahat."Pero Ma'am, gumagana naman 'to," sabi ko, itinaas 'yung tinidor at kutsilyo ko, kahit alam kong mali 'yung hawak ko dahil masyado kong hinihigpitan, na parang gagamitin ko 'yong panlaban sa isang bulate na tatakas."Hindi pwede 'yung 'gumagana naman.' Kailangan tama." Umupo siya sa tapat ko, kinuha 'yung sarili niyang set ng kubyertos, at ipinakita ulit, dahan-dahan, na parang ika-sampung beses na niya 'to ginagawa (na totoo naman)."Makinig ka, Miss Fajardo. Sa mundong papasukan mo, hindi lang ang gawa mo ang tinitignan nila. Ang paraan mo ng paggawa. Ang bawat detalye."Bumuntong hininga ako. Alam kong tama siya,
"ANO?!"Halos mabingi ako sa sigaw ni Tito Mando. Buti na lang wala nang customer sa bar nang oras na 'yon, dahil kung meron pa, malamang ay na-viral na naman ako, pangalawang beses sa loob ng isang linggo."Tito, wag kang sumigaw, pakiusap."Hinawakan ko 'yung braso niya, sinusubukang patahimikin siya kahit alam kong imposible 'yon. Si Tito Mando kasi, pag na-shock, hindi na kayang kontrolin 'yung boses niya. Minsan pa nga, natatandaan ko, may narinig siyang balita tungkol sa presyo ng bigas na tumaas, at sumigaw siya nang ganito rin kalakas."Paano ako hindi sisigaw? Sinabi mo, pumirma ka na ng kontrata na kailangan mong... kailangan mong..."Hindi na niya natapos 'yung sinasabi niya, parang ayaw niyang sabihin nang buo, na parang kapag sinabi niya 'yon nang malakas, magiging mas totoo 'to."Magpanggap na asawa niya," tapos ko para sa kanya. "Tapos... magkaroon ng anak."Napaupo si Tito Mando sa bangkong malapit sa kanya, parang biglang nawalan ng lakas 'yung mga tuhod niya. Tumingi
TATLONG ARAW na akong hindi maka-focus sa trabaho.Tatlong araw mula nang iwan niya sa akin 'yung folder na 'yon, at hanggang ngayon, nandito pa rin 'yon sa ilalim ng unan ko, hindi ko pa nabubuksan, parang isang bomba na baka pumutok kapag hinawakan ko.Kailangan ko ng asawa. Temporarily.Grabe. Sino ba talaga naiisip ng ganyan? Parang order sa Jollibee."Isang asawa po, temporary lang, extra rice na rin po."Pero ang katawa-tawa, hindi ko rin maalis sa isip ko. Buong maghapon, habang naglalampaso, habang nagse-serve ng inumin, habang pinagagalitan ako ng manager namin dahil nakalimutan kong isulat 'yung order ng table 5... nandoon pa rin sa likod ng utak ko 'yung mukha niya. 'Yung kumpiyansa niya. 'Yung parang alam niyang sasabihin kong "oo" sa huli, kaya lang binibigyan lang niya ako ng panahon para maramdamang may choice ako.May choice naman talaga ako, di ba? Di ba?Ang nakakalungkot lang, alam kong pag inisip ko nang mabuti... 'yung pera na 'yon, kahit gaano man kalaking insult
BAKIT BA KASI ganito kasikip itong sapatos na 'to? Grabe, kanina ko pa 'to sinusuot tapos ngayon ko lang na-realize na parang isang size na mas maliit sa akin. Sayang lang binili ko na, hindi ko na naman babalikan. Tamad kasi ako, charot.Anyway. Focus, Lizzy. May kausap ka.Sampung minuto na akong nakatayo dito sa likod ng bar, nagpapanggap na naglilinis ng mga baso kahit malinaw namang tapos na 'yong ginagawa ko kanina pa. Sinusundan ko lang ng tingin 'yung mesa sa sulok, 'yung VIP area na hindi dapat pinapansin ng mga tulad kong waitress dahil baka ma-fire ako sa kakatitig. May sign pa nga kami sa loob ng crew room na nagsasabing "Do not stare at guests," na parang kailangan pa nila 'yon isulat dahil siguro may kasama akong dati na masyadong lantaran.Pero paano ko naman iiwasang mapansin 'yung lalaking pinaguusapan ng buong bar mula kanina?Si Elion Franco Monteverde.Pangalang parang chant sa dami ng beses na nasabi ng mga katrabaho ko ngayong gabi. "Nandito raw siya!" "Nakita mo







