Mag-log inSa pakiusap ng iba? Si Zachary kaya?
Napatigil si Celeste, habang bitbit ang kanyang ballpen sa ere. Sa nakalipas na isang taon, nakita niya kung paano walang pagod na naghanap ng medikal na tulong si Zachary para sa kanya, pero laging walang nangyayari. Noon lang anim na buwan ang nakalipas, nang si Tyler na ang pumalit, unti-unting bumuti ang pandinig niya. Pero sa hindi malamang dahilan, naramdaman ni Celeste na may mali. Ganoon ba talaga kalapit sina Zachary at Dr. Tyler? Kung ganoon, bakit ni minsan ay hindi niya nakita si Dr. Tyler na magpakita ng kahit kaunting pagiging magiliw kay Zachary tuwing nagpapa-check up siya? Tumingala siya kay Tyler, at bakas sa kanyang mga mata ang maraming katanungan. Ngunit hindi na itinuloy ni Tyler ang usapan. "Sige, hindi ko na muna iistorbohin ang pahinga mo. Alagaan mo nang mabuti ang sarili mo," habilin ni Dr. Tyler. "Thank you, Dr. Tyler," bulong ni Celeste. Sumara ang pinto. Muling binalot ng katahimikan ang ward. Biglang nag-vibrate nang ilang beses ang phone sa tabi ng kanyang unan. Kinuha ni Celeste ang kanyang phone at tinignan ito. Karamihan sa mga message ay galing sa kanyang ina, na nagtatanong kung naka-book na ba siya ng flight at kung kailan siya babalik ng Cebu. Tinignan ni Celeste ang oras. Ipinadala ang mga message bandang alas-tres ng madaling-araw, at ang pinakahuli ay alas-siyete ng umaga. Nag-type siya ng reply. "Mom, something suddenly came up here. I'll be back in a couple of days," text niya. Kararating lang ng send nang mag-vibrate na naman ang kanyang phone. Ang huling message ay galing kay Zachary. "Celeste, were you badly hurt last night? I'll come see you in a bit. What do you want to eat? I'll bring it over," tanong sa text ni Zachary. Tinitigan ni Celeste ang linyang ito, habang may malamig na ngiti sa kanyang mga labi. Ibinaba niya ang kanyang mga mata, binuksan ang chat box, at nag-type. "Zachary, let's break up," sulat niya. Matapos itong i-send, agad niyang binalandra sa block list at tuluyang dinelete ang numero, lahat sa isang mabilis na galaw. Ibinaba niya ang phone nang nakataob sa ibabaw ng kumot, ipinikit ang kanyang mga mata, at walang ekspresyon ang kanyang mukha na tila walang anumang nangyari. ... Samantala, sa gitna ng dagsa ng trapiko tuwing umaga, dahan-dahang sumusunod ang isang itim na Mercedes sa kotse na nasa harap nito. Isang tunog ng notification ang narinig. Nakaupo si Zachary sa driver's seat, ang isang kamay ay nasa manibela, habang ang isa naman ay humahawak sa kanyang phone. Nang makita niya ang message, bigla siyang nakunot-noo. Sa pagkakadistract niya, biglang umilaw ang brake lights ng kotse sa harap niya. Nahimasmasan siya sa katotohanan at biglang napatapak sa preno. Isang matinding langitngit ng gulong ang umalingawngaw. Biglang bumanat ang kotse, at napa-groan ang pasahero sa front seat nang humigpit ang seatbelt nito, dahilan para muntik pang matapon ang kape nito. "Hoy! Zachary, anong ginagawa mo?" galit na tanong ng lalaki. Inayos ng lalaki ang upo niya at humarap para tignan ito. "Ano bang iniisip mo?" usisa niya. Hindi sumagot si Zachary, nakatitig lang siya sa screen ng phone, habang mas lalong nagkakasalubong ang kanyang mga kilay. Ang lalaki sa kaniyang tabi ay si Rhun Jimenez, ang kababata ni Zachary, na nandoon din sa private room kagabi. Nang makita ang ekspresyon ni Zachary, hindi niya napigilang magtanong. "Anong problema? Nag-text ba si Celeste?" tanong ni Rhun. Hindi sumagot si Zachary, basta niya lang inihagis ang kanyang phone sa center console at muling pinaandar ang kotse. Dahil nakitang hindi naman ito kumontra, nalaman ni Rhun na tama ang hinala niya. Sumandal siya sa kanyang upuan at nagbuntong-hininga. "Zachary, huwag mong sisihin si Celeste kung galit siya. Kahit sino naman magagalit matapos ang nangyari kagabi," sabi ni Rhun. Hinigpitan ni Zachary ang hawak sa manibela, pero hindi siya nagsalita. Ipinagpatuloy ni Rhun ang pagsasalita. "Pero huwag kang masyadong mag-alala. Mabait na babae si Celeste, at totoong mahal na mahal ka niya. Pumunta ka na lang sa ospital mamaya at amuin mo nang kaunti, bilhan mo ng bulaklak, magsabi ka ng ilang matatamis na salita, at matatapos din ang lahat ng 'to," payo ni Rhun. Nanatiling tahimik si Zachary. Hindi napansin ni Rhun ang kakaiba niyang ikinikilos at patuloy lang ito sa pagsasalita. "Kung tutuusin, medyo kaawa-awa din naman talaga si Celeste. Lumuwas pa siya mula Cebu papuntang Manila para sa'yo, mag-isa lang siya doon, at hindi pa siya nakakarinig. Kaya naman tinitiis niya na lang ang lahat ng sakit na nararanasan niya. Sobra siyang inapi ni Franchesca noon, di ba? Pero tiniis niya pa rin ang lahat. Bakit? Di ba dahil mahal ka niya? Ang babaeng ganyan, hindi mahirap suyuin," kwento pa ni Rhun. "Sinabi niyang gusto na niyang makipag-break," biglang sabi ni Zachary. "Ano?" parang hindi mapaniwalaan ni Rhun ang narinig ng sarili niyang mga tainga. Nakatitig si Zachary sa trapiko sa unahan, gumalaw ang kanyang Adam's apple, at inulit ang sinabi. "Nag-text siya sa akin na gusto na niyang makipag-break," ulit ni Zachary. "Break?" napatigil si Rhun ng isang segundo, saka siya tumawa. "Zachary, huwag ka ngang magbiro. Nakipag-break sa'yo si Celeste? Paanong mangyayari 'yun?" "Mahal na mahal ka nun. Kahit nga nung grabe ang pang-aapi sa kanya ni Franchesca noon, hindi niya pa rin nakuha na iwan ka. Paano siya makikipag-break sa'yo dahil lang sa maliit na bagay na 'to? Imposible, sadyang imposible," dagdag pa ni Rhun. Hindi nagsalita si Zachary. Tinapik ni Rhun ang kanyang balikat. "Huwag kang mag-alala, nagagalit lang 'yan sa ngayon, nagtatampo lang nang kaunti. Pumunta ka na lang sa ospital mamaya at amuin mo nang mabuti, magiging okay din 'yan," pagpapakalma niya. Napatigil siya sandali, saka muling nagsalita. "At saka, bingi siya, at wala naman siyang kamag-anak o kaibigan dito sa Manila. Bukod sa'yo, sino pa bang maaasahan niya?" pagtatapos ni Rhun. Hindi pa rin nagsalita si Zachary, nakatitig lang ang kanyang tingin sa trapiko sa unahan, habang may kung anong kumikislap sa kanyang mga mata. Pagkalipas ng kalahating oras, huminto ang kotse sa ibaba ng ospital. Tinanggal ni Zachary ang kanyang seatbelt at bababa na sana nang isang pulang anino ang biglang sumugod mula sa gilid at humarang sa pinto ng kotse. "Zachary!" tawag ni Franchesca. Nakatayo si Franchesca sa labas ng pinto ng kotse, perpekto ang pagkaka-make-up sa kanyang mukha. Suot niya ang isang maluwag na knitted sweater at maikling palda, na nagpapakita sa bahagi ng kanyang mapuputing binti, habang ang kanyang bukung-bukong naman ay nakabalot sa gasa kaya mukha siyang kaawa-awa. "Bakit ka lumabas?" kunot-noong tanong ni Zachary. "Hindi na ba masakit ang paa mo?" "Masakit..." sagot ni Franchesca habang kinakagat ang kanyang labi. Magsasalita pa lang sana siya nang biglang mag-vibrate ang phone sa loob ng kanyang bulsa. Nang makita kung sino ang tumatawag, agad siyang tumingala na may halong takot. "Si Dad! Anong gagawin ko? Siguradong papagalitan na naman niya ako. Zachary, pwede bang ikaw muna ang sumagot para sa akin?" pakiusap ni Franchesca. Mas lalong nagkasalubong ang mga kilay ni Zachary, pero kinuha niya pa rin ang phone at pinindot ang answer button. "Hello, Dad..." bati ni Zachary. "Zachary?" napatigil ang nasa kabilang linya bago sumunod ang isang medyo malalim na boses. "Nasaan si Franchesca? Gaano kalala ang sugat niya?" Napakuyom si Zachary sa cellphone. Hindi niya inaasahang ganito kabilis makakarating sa ama niya ang balita. "Wala lang 'to, galos lang at walang malalang nangyari," sagot ni Zachary. "Mabuti naman kung ganoon," pagpapatuloy ng ama ni nito habang naging seryoso ang tono nito. "Nabalitaan ko ang nangyari kagabi. Tinulak ba ni Celeste si Franchesca? At sinampal pa niya ito ng dalawang beses?" Hinigpitan ni Zachary ang hawak sa phone. "Pa, hindi ganoon ang nangyari..." pagtatanggol ni Zachary. "Wala akong pakialam kung anong tingin mo," pagputol sa kanya ng ama nito. "Kapatid mo si Franchesca. Iniligtas ng ama niya ang buhay ko noon. Si Franchesca lang ang nag-iisa niyang anak na babae. Hindi mo pwedeng hayaan na maapi siya!" Nang marinig ang paulit-ulit na linya ng kanyang ama, bahagyang nakunot ang noo ni Zachary, at bakas ang kaunting inis sa kanyang mukha. "At saka, sa wakas ay nakabalik na ng bansa si Franchesca. Huwag mo siyang laging dinadala sa kung saan-saan para gumala. Iuwi mo na siya agad. Miss na miss na siya ng Mama mo at ako..." sabi pa ng ama. Binuka ni Zachary ang kanyang bibig para magsabi sana ng isang bagay, pero naputol na pala ang tawag. Nakatitig siya sa screen ng phone, habang ang kanyang mga kilay ay nakakunot nang malalim. Hinila ni Franchesca ang manggas ng kanyang damit. "Zachary, please huwag ka nang magalit sa akin, okay? Alam kong nagkamali ako..." pag-amin ni Franchesca. Nang makitang nakakunot pa rin ang mga kilay ni Zachary, mabilis niyang itinaas ang tatlo niyang daliri. "Promise, susunod na ako sa'yo mula ngayon, at gagawin ko ang kahit anong iutos mo sa akin..." panunuyo niya. Napanguso si Zachary at nagsalita gamit ang malalim na boses. "Huwag mo nang aawayin si Celeste, siya ang magiging hipag mo sa hinaharap," paalala ni Zachary. Nagmaktol sandali si Franchesca, pero agad ding ngumiti at kumapit sa braso nito para ibahin ang usapan. "Miss na ako nina Mama at Papa, di ba? Uuwi na ba tayo?" tanong ni Franchesca. Sumulyap si Zachary sa direksyon ng ospital, naalala ang breakup text message na kararating lang galing kay Celeste. Hayaan na muna. Palipasin muna ang galit niya. Para hindi na siya mag-inarte o magtantrums. Nang maisip ito, huminga siya nang malalim at ibinalik ang phone kay Franchesca. "Tara na," aya ni Zachary. Nagliwanag ang mga mata ni Franchesca, at sumunod sa kanya papasok sa loob ng kotse. Sumara ang pinto ng kotse. Ibinaba ni Zachary ang kanyang tingin at nagpadala ng message. "Celeste, my dad has something urgent to discuss with me, I'll come see you later, you get some rest," text niya. Matapos pindutin ang send, ibinulsa niya ang kanyang phone nang tuluyan, na walang kaalam-alam sa pulang exclamation mark na hudyat ng failed to send na nakabalandra sa harap ng message.Ngunit noong sandaling nag aalala siya, inalis ni Ethan ang kanyang tingin, sumandal sa katad ng upan at bahagyang gumalaw ang Adam’s apple niya.“Sumakay ka na sa kotse.”Yumuko si Celeste at sumakay sa kotse nang tahimik. Nang sumara ang pinto ng kotse na nagpahiwalay sa kanila mula sa mainit at mahalumigmig na hangin ng hapon sa Airport. Mulusad nang maayos ang itim na Mayback na sumasabay sa bilis ng daloy ng trapiko ng airport, habang mabilis na lumalampas ang mga karatula sa daan sa labas ng bintana.Hindi ito dumiretso sa bahay ni Celeste at hindi na rin ito dumaan patungo sa bahay ng mga Lorenzo.Bagamat dalawang taon siyang hindi nakabalik ng Pilipinas, malinaw pa rin sa kanyang alaala ang direksyon ng pangunahing daan.Tumingin nang patingkayad si Celeste sa lalaking nasa tabi niya. Nahulog si Ethan nang nakapikit ang mga mata, at ang mga guhit sa gilid ng kanyang mukha ay lalong nagiging matalas sa salit salit ng liwanag sa silid at mga anino nito. Ang kuwelyo ng kanyang
Kadarating pa lang ni Celeste sa Manila Airport nang biglang mag-vibrate ang phone niya."Hello, Rayven?" tanong ni Celeste pagkasagot ng tawag."Celeste, tumawag lang sa akin ang JG Entertainment mula sa Montenegro. Sinabi nilang si Jerick Flores ang pinili nilang general manager," narinig ang banayad na boses ni Rayven sa kabilang linya, na may kasamang tawa na parang walang magawa.Napatigil sandali si Celeste, bago nagpatuloy sa paglalakad habang hila-hila ang kanyang suitcase. "Really?"Mukhang nagulat naman si Rayven sa kalmado niyang reaksyon. Natigilan ito ng isang segundo bago siya biniro. "Ano? Hindi mo ba ako ipagtatanggol? Ako kaya ang nirekomenda mo, tapos inagaw lang ng iba nang ganoon kadali, pero hindi ka man lang galit?"Bahagyang ngumiti si Celeste. "Rayven, tumawag ka ba para mang-kompronta tungkol dito?""Wala akong ganoong karaming oras," seryosong sumagot si Rayven habang nawawala ang tawa sa kanyang boses. "Tumawag ako para paalalahanan mo si Zachary na hindi ma
Pagkalipas ng dalawang araw, halos magaling na ang mga sugat ni Celeste, at bumalik na rin sa normal ang kanyang boses.Sa buong panahong ito, hindi man lang siya dinalaw ni Zachary kahit isang beses.Nakatanggap naman siya ng isang package mula sa kanyang ina sa Cebu. Sa loob nito ay ang ID card ni Chloe.Nakatayo siya sa tabi ng bintana ng ospital, pinapanood ang abalang trapiko sa ibaba, habang may manipis na ngiti sa kanyang mga labi, isang ngiti na tila nang-uuyam at parang walang magawa.Eksakto namang bumukas ang pinto.Pumasok si Tyler. Hindi niya suot ang kanyang white coat ngayon, kundi isang dark gray na shirt na nakatupi ang mga manggas hanggang sa braso. Mas mukha siyang madaling lapitan ngayon kumpara sa madalas niyang malamig na aura."Tapos na ang mga papeles," sabi ni Tyler, sabay abot sa kanya ng mga dokumento. "Pwede ka nang umalis."Kinuha ito ni Celeste, sinulyapan, at mahinang nagsalita."Salamat, Dr. Tyler," pasasalamat ni Celeste.Hindi sumagot si Tyler, nakata
Sa pakiusap ng iba? Si Zachary kaya?Napatigil si Celeste, habang bitbit ang kanyang ballpen sa ere.Sa nakalipas na isang taon, nakita niya kung paano walang pagod na naghanap ng medikal na tulong si Zachary para sa kanya, pero laging walang nangyayari.Noon lang anim na buwan ang nakalipas, nang si Tyler na ang pumalit, unti-unting bumuti ang pandinig niya.Pero sa hindi malamang dahilan, naramdaman ni Celeste na may mali.Ganoon ba talaga kalapit sina Zachary at Dr. Tyler?Kung ganoon, bakit ni minsan ay hindi niya nakita si Dr. Tyler na magpakita ng kahit kaunting pagiging magiliw kay Zachary tuwing nagpapa-check up siya?Tumingala siya kay Tyler, at bakas sa kanyang mga mata ang maraming katanungan.Ngunit hindi na itinuloy ni Tyler ang usapan."Sige, hindi ko na muna iistorbohin ang pahinga mo. Alagaan mo nang mabuti ang sarili mo," habilin ni Dr. Tyler."Thank you, Dr. Tyler," bulong ni Celeste.Sumara ang pinto.Muling binalot ng katahimikan ang ward.Biglang nag-vibrate nang
Mabilis na gumuhit ang limang bakas ng daliri sa mukha ni Franchesca.Nanlaki ang mga mata niya sa hindi kapani-paniwalang pangyayari habang hawak ang nagbabaga niyang pisngi, at matagal bago siya nakapagsalita."Ikaw... ang lakas ng loob mong saktan ako!" sigaw ni Franchesca.Tinaas niya ang kamay niya para gumanti ng sampal, pero mas mabilis na hinawakan ni Celeste ang wrist niya.Sa sumunod na segundo, isa pang sampal ang lumanding.Isang malakas na tunog ng sampal ang umalingawngaw.Napabaling ang ulo ni Franchesca sa gilid, at ang maayos niyang kulot na buhok ay nagulo at humarang sa kanyang pisngi.Nanlaki ang mga mata niya, na tila hindi pa rin nag-sisink-in sa kanya na dalawang beses na siyang nasampal.Tahimik ang buong private room.Lahat ng mata ay nakatitig sa kanilang dalawa.Si Zachary ang unang nakabawi sa gulat, pero napatigil siya at nanlaki ang kaniyang mga mata.Naririnig siya ni Celeste?Bahagyang tumigil ang tibok ng puso ni Zachary, at ang kanyang tingin ay awtom
"Zachary, dinala mo talaga pabalik sa Pilipinas ang adopted sister mo? Hindi ka ba natatakot na magalit si Celeste?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Zachary. Nakatayo si Celeste sa labas ng private room ng club. Isang taon siyang naging bingi at kakabalik lang ng pandinig niya, kaya biglang naging estatwa ang ngiti niya at nanigas ang buong katawan niya sa narinig. Bumalik na si Franchesca sa Pilipinas? "Basta hindi kayo magsasalita, wala siyang malalaman. Saka higit isang taon na rin ang nakalipas, namimiss na ni Franchesca ang bahay," malamig at walang emosyong sagot ni Zachary. "Sa tingin ko hindi bahay ang namimiss niya, kundi ikaw," hirit ng isa pa niyang kaibigan. Agad na nagtawanan ang mga tao sa loob ng private room dahil doon. "Anong pinagsasabi niyo? Kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya," pagtatanggol ni Zachary. "Zachary, nakita ko kaya na hinalikan ka ni Franchesca, tsk tsk tsk... anong kapatid, parang little sister mo na may lihim na pagtingin!" panggatong p







