LOGINNgunit noong sandaling nag aalala siya, inalis ni Ethan ang kanyang tingin, sumandal sa katad ng upan at bahagyang gumalaw ang Adam’s apple niya.
“Sumakay ka na sa kotse.”
Yumuko si Celeste at sumakay sa kotse nang tahimik.
Nang sumara ang pinto ng kotse na nagpahiwalay sa kanila mula sa mainit at mahalumigmig na hangin ng hapon sa Airport.
Mulusad nang maayos ang itim na Mayback na sumasabay sa bilis ng daloy ng trapiko ng airport, habang mabilis na lumalampas ang mga karatula sa daan sa labas ng bintana.
Hindi ito dumiretso sa bahay ni Celeste at hindi na rin ito dumaan patungo sa bahay ng mga Lorenzo.
Bagamat dalawang taon siyang hindi nakabalik ng Pilipinas, malinaw pa rin sa kanyang alaala ang direksyon ng pangunahing daan.
Tumingin nang patingkayad si Celeste sa lalaking nasa tabi niya.
Nahulog si Ethan nang nakapikit ang mga mata, at ang mga guhit sa gilid ng kanyang mukha ay lalong nagiging matalas sa salit salit ng liwanag sa silid at mga anino nito. Ang kuwelyo ng kanyang polo shirt ay bahagyang tumataas at bumababa kasabay ang kanyang paghiga at isang napakababaw na peklat ang makikita sa malalim na anino ng kanyang collarbone.
“Sir Ethan” sa isip niya bago magsalita.
“Saan tayo pupunta?”
Dahan dahang idinilat ni Ethan ang kanyang mga mata.
“Sa Bureau of Civil affairs”
Natigilan sandali si Celeste at iniisip na baka nagkamali ito ng dinig.
“Ha?”
“Certificate”
Ang mga kamay ni Ethan ay kaswal na nakapatong sa gitnang sandaan sa pagitan nilang dalawa, ang mga manggas ng kanyang polo ay nakatupi hanggang siko, at ang nakalantad na buto sa pulso ay malinaw na ang linya, maputing balat at makikita ang mga mapusyaw na asul na dagat.
“Teka! Hindi ba sinabi sa iyo ng parents mo?” seryosong niya tanong.
“Ang kasunduan sa kasal sa pagitan natin alam mo naman na nakatada sa katapusan ng buwang ito. Naabisuhan na ang tungkol sa marriage certificate kaya kailangan na pirmahan as soon as possible”
Bumuka ang bibig ni Celeste pero walang boses.
Dalawang araw pa lang ang nakakalipas simula nang gumawa siya ng biglaang desisyon na maging substitute bride. Paano niya malalaman ang mga detalyeng ito?
Bumuka ang bibig ni Ruan Niannian ngunit walang nasabi.
Ngunit hindi niya kailanman inaasahan na dadalhin siya nang diretso sa civil affairs sa sandaling makarating siya ng Pinas.
Walang man lang kahit kaunting oras para makapaghanda.
“Pero….” sinubukan niyang maghanap ng dahilan.
“Kababa ko lang ng eroplano…”
“Alam kong ayaw mo” titig na titig si Ethan sa kanya gamit ang kanyang madidilim at malalim na mata, bahagyang nakabuka ang manipis na mga labi.
“Kaya naman nagkasundo tayong magpakasal”
Natigilan ito.
Inalis ni Ethan ang kanyang tingin at ang mga linya sa gilid ng kanyang mukha ay nagmukhang malamig at matigas sa liwanag na pumapasok mula sa bintana ng kotse.
“Masama ang kalusugan ni lola at gusto niyang makita akong bumuo ng pamilya” sabi niya.
“Isang taon ang taning at makukuha ng bawat isa ang kanilang kailangan”
Pinagdaop ni Celeste ang kanyang mga labi at pinag isipan ang mensahe.
“Kung ganoon… Ano pa ang kailangan kong gawin para sayo… Sir?”
Ipinatong niya ang kanyang mukha sa direksyon niya.
Ang kanyang mga mata ay nagmukhang partikular na malalim sa dilim, at ang mahigpit na anyo ng mukha ng babae ay sumasalamin sa kanyang mga balintataw.
Sa isang sandali, nararamdaman ni Celeste na napakabigat ng kanyang mga mata, na naging dahilan upang mapatigil ang kanyang paghinga.
“Soon to be Mrs. Lorenzo” sabi niya.
Tumigil sandali.
Ang mahabang mg darili ay kumatok nang dalawang beses sa katad na upuan na lumikha ng isang mahinang tunog.
“Isang milyon at kalahating allowance, buwan buwan kasama na ang isang villa kapag natapos na ang kontrata” ang mga mata ni Ethan ay dumaan ng bahagyang sa nakasarang mga labi ng babae.
“Bukod pa rito, aayusin din ng pamliya Lorenzo ang mga problema ng pamliya mo”
Napakalaki ng mga kondisyon para tanggihan.
Ibinaba ni Celeste ang kanyang mga pilikmata at nanahimik nang ilang segundo.
“Habang nasa kasunduan…” Itinaas niya ang kanyang mga mata at ibinaon ang kanyang mga kuko sa kanyang mga palad.
“Kailangan ko bang gampanan ang aking tungkulin bilang asawa?”
Sa pagtatanong nito, naging intense ang kanyang mukha at ang kanyang pilikmata ay lumikha ng isang maliit na nanginginig na anino sa ilalim ng kanyang mga mata.
Diretang bumagsak ang tingin ni Ethan sa kanyang mukha, mula sa bahagyang namumulang dulo ng kanyang mga tainga hanggang sa ibabang labi na bahagyang kinakagat dahil sa kaba, at pagkatapos ay bumaba sa V neck ng kanyang manipis na polo, na naglalantad sa isang maliit at kasing puti ng niyebe na collarbone.
Nanatili doon ang kanyang tingin nang isang segundo, saka siya tumingin sa ibang direksyon at bahagyang gumalawa ang kanyang Adam’s apple.
“Hindi ako vegetarian”
Nagulat si Celeste nang mapagtanto niya ang ibig nitong sabihin, ang pamumula sa kanyang mga tainga ay kumalat hanggang sa kanyang leeg.
“Deal?”
Kinagat niya ang kanyang labi dahil pumayag na siyang magpakasal.
“Fine, deal”
Nang makitang tumango ito, muling ipinikit ang kanyang mga mata at bahagyang umangat ang sulok ng kanyang mga labi na halos hindi mapansin, ngunit mabilis din itong nawala.
Bumaybay ang itim na ulap at ang kagubatan ng mga nagtataasang gusali ay mabilis na nagdaan sa labas ng bintana.
Sa wakas ay huminto ang kotse sa tapat ng isang gusaling gawa sa kulay abo na marmol.
Tuminigin si Celeste sa— Government Affairs Department.
Isa sa mga pinakalumang rehistro ng kasal sa Cebu, matatagpuan ito sa kalagitnaan ng bundok at natatanaw ang abalang bahagi ng Central.
Sa sandaling ito, walang tao sa harap ng pinto—tanging dalawa o tatlong guard ang nakatayo naghihintay.
Malinaw na hinarangan ang daan para sa kanila.
Unang bumaba ng kotse si Ethan
Bubuksan na sana ni Celeste ang pinto na mag isa, ngunit biglang binuksan ang pinto ng kotse mula sa labas.
Nakatayo si Ethan sa labas ng pinto, hawak ang pinto ng kotse gamit ang isang kamay at nakatingin sa kanya mula sa itaas.
Ang sikat ng araw sa hapon ay nagliliwanag mula sa kanyang likuran, na nagbibigay ng manipis na gintong gilid sa kanyang paligid. Nakatayo siya nang pasalungat sa liwanag, ang kanyang mga kilay ay nakatago sa anino, ngunit ang kanyang mga mata ay nagmukhang partikular na malalim.
Bahagyang nagulat si Celeste pagkatapos ay itinungo ang kanyang ulo at bumaba ng kotse.
Sa sandaling lumapat ang kanyang mga paa sa lupa, isang kamay ang tila pumrotekta sa kanyang gilid nang hindi naman talaga humahawak. Hindi siya hinawakan ng mga dulo ng darili nito, ngunit bumuo ang mga ito ng isang tila hindi nakikitang proteksyon.
Napakalapit nilang dalawa kaya naamoy pa niya ang amoy ng cedar na may halong kaunting tabako sa lalaki, malamig at lubhang mapang akit.
“Salamat po…”
Hindi sumagot si Ethan, binawi lang ang kanyang kamay at hinayaan siyang maglakad sa unahan nang patagilid.
“Sir Ethan…” mabilis siyang sinalubong ng isang may edad nang lalaki sa pinto ng kagawaran ng gobyerni. Nakasuot ito ng black suit at ang salitang “Registar”
Bahagyang tumango si Ethan, mukhang kalmado.
Walang tao sa bulwagan at sapat na malamig ang aircon.
Ang mga papeles ay nasa ibbabaw ng desk at ang dalawang ballpen ay magkatabing nakalagay sa isang velvet tray.
Bumagsak ang paningin ni Celeste sa “Notice of Intended Marriage” sa form ang mga salitang “Amara Celeste Lorenzo” ay partikular na nakasisilaw.
Inurong ng registar ang dalawang form at itinuro ang kanilang mga darili sa pirmahan
“Mangyaring pumira pagkatapos suriin ang impormasyon”
Kinuha ni Ethan ang ballpen, pinatigil ang dulo nito sa ibabaw ng papel nang kalahating segundo at pagkatapos ay ibinaba ito. Ang pirma ay maayos at mabilis. Ang huling guhit ay halos makaguhit sa papel, at ang tinta ay kuminang sa asul na liwanag sa ilalim ng ilaw.
Sumunod na si Celeste.
Kinuha niya ang ballpen, malamig ang kanyang mga darili.
Naroon pa rin ang init ng palad ni Ethan sa ballpen, na medyo mainit init
Ibinaba niya ang kanyang ulo at isinulat ang mga salitang Amara Celeste Lorenzo
Medyo mabagal siyang sumulat, nanginginig pa nga nang bahagya sa dulo ng kanyang huling guhit.
Kinuha na ang form, pagkatapos ay humarap sa computer at nag type sa keyboard upang kuhanin ang impormasyon.
Mukhang interesadong nito at isang larawan ng ID card ni Celeste ang lumitaw sa screen.
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso niya.
Nakita niyang bahagyang kumunot ang mga kilay ng registar na halos hindi mapansin at ang mga mata nito ay pabalik balik sa screen at sa kanyang mukha.
Parang tumigil ang hangin sa silid.
Mahigpit na ikinalatong ni Celeste ang kanyang darili at ang kanyang mga kuko ay bumabaon na sa kanyang mga palad—tapos na ang lahat.
Napakababaw ba niya para isipin na maitatago niya ito?
Ano ba ang antas ng pamilya Lorenzo, at ano ang ugali ni Ethan?
Natatakot siyang ang palpak na technique na ito ng pagpapakasal ay mabubunyag sa loob ng wala pang kalahating araw.
Ano ang gagawin niya?
Kung ang huling paraan ng pamilya Villareal para mabuhay ay masisira sa kanyang sariling mga kamay, ang galit ni Sir Ethan ay…
Dalawang tunog ng katok na hindi masyadong malakas at hindi rin masyadong mahina ang narinig.
Automatic na lumingon si Celeste na nakita si Ethan na nakasandal pa rin sa likod ng upuan. Ang kanyang postura ay mukhang napaka relax pa nga. Itinaas niya ang kanyang mga talukap ng mata at mainipin na tinapunan ng tingin sa registar.
Napakalalim ng kanyang mga mata, ang kanyang mga balintataw ay purong itim na tinta at walang emosyon sa sandaling iyon—kalmado siya na parang isang malamig na sapa, ngunit may mabigat na presyon.
Bahagyang nagbago ang mukha ng registar at ang iba pang mga salita ay tila nabara sa kanyang lalamunan.
Walang sinuman ang hindi nakakakilala sa pamilyang Lorenzo at walang gustong mapagalit kay Ethan.
Bukod dito, ang lalaking ito mismo ang nagdala ng tao rito, kaya tiyak na walang mali dito. Higit pa rito, napakarami nang nagpaparetoke ng mukha sa mga panahong ito, at ang Ms. Villareal na ito ay malamang na nagpabago ng mukha.
Dahil alam niyang mainipin ang lalaking ito, agad na hindi nangahas ang registar na patagalin pa. Mabilis niyang itinangal nang isang beses ang mouse gamit ang kanyang daliri at pagkatapos ay kinuha ang official seal sa sulok ng mesa.
Dahil alam niyang mainipin ang lalaking ito, agad na hindi nangahas ang registrar na patagalin pa. Mabilis niyang itiningal nang ilang beses ang mouse gamit ang kanyang daliri, at pagkatapos ay kinuha ang opisyal na tatak —— sa sulok ng mesa.
Bumaba ang bakal na tatak.
“Congrats po sa inyo Mr and Mrs. Lorenzo” inabot niya ang certificate gamit ang dalawang kamay, puno ng magalang na ngiti. “Tapos na po ang mga pamamaraan, at binabati ko kayo ng isang masayang kasal”
Kinuha ni Celeste ang marriage certificate na may mainit init pa na tinta.
Ang krisis na inakala niyang magwawasak sa kanya ay tahimik na nalutas nang ganoon na lamang? Ang swerte niya—napakaswerte naman ata niya masyado….
Ngunit noong sandaling nag aalala siya, inalis ni Ethan ang kanyang tingin, sumandal sa katad ng upan at bahagyang gumalaw ang Adam’s apple niya.“Sumakay ka na sa kotse.”Yumuko si Celeste at sumakay sa kotse nang tahimik. Nang sumara ang pinto ng kotse na nagpahiwalay sa kanila mula sa mainit at mahalumigmig na hangin ng hapon sa Airport. Mulusad nang maayos ang itim na Mayback na sumasabay sa bilis ng daloy ng trapiko ng airport, habang mabilis na lumalampas ang mga karatula sa daan sa labas ng bintana.Hindi ito dumiretso sa bahay ni Celeste at hindi na rin ito dumaan patungo sa bahay ng mga Lorenzo.Bagamat dalawang taon siyang hindi nakabalik ng Pilipinas, malinaw pa rin sa kanyang alaala ang direksyon ng pangunahing daan.Tumingin nang patingkayad si Celeste sa lalaking nasa tabi niya. Nahulog si Ethan nang nakapikit ang mga mata, at ang mga guhit sa gilid ng kanyang mukha ay lalong nagiging matalas sa salit salit ng liwanag sa silid at mga anino nito. Ang kuwelyo ng kanyang
Kadarating pa lang ni Celeste sa Manila Airport nang biglang mag-vibrate ang phone niya."Hello, Rayven?" tanong ni Celeste pagkasagot ng tawag."Celeste, tumawag lang sa akin ang JG Entertainment mula sa Montenegro. Sinabi nilang si Jerick Flores ang pinili nilang general manager," narinig ang banayad na boses ni Rayven sa kabilang linya, na may kasamang tawa na parang walang magawa.Napatigil sandali si Celeste, bago nagpatuloy sa paglalakad habang hila-hila ang kanyang suitcase. "Really?"Mukhang nagulat naman si Rayven sa kalmado niyang reaksyon. Natigilan ito ng isang segundo bago siya biniro. "Ano? Hindi mo ba ako ipagtatanggol? Ako kaya ang nirekomenda mo, tapos inagaw lang ng iba nang ganoon kadali, pero hindi ka man lang galit?"Bahagyang ngumiti si Celeste. "Rayven, tumawag ka ba para mang-kompronta tungkol dito?""Wala akong ganoong karaming oras," seryosong sumagot si Rayven habang nawawala ang tawa sa kanyang boses. "Tumawag ako para paalalahanan mo si Zachary na hindi ma
Pagkalipas ng dalawang araw, halos magaling na ang mga sugat ni Celeste, at bumalik na rin sa normal ang kanyang boses.Sa buong panahong ito, hindi man lang siya dinalaw ni Zachary kahit isang beses.Nakatanggap naman siya ng isang package mula sa kanyang ina sa Cebu. Sa loob nito ay ang ID card ni Chloe.Nakatayo siya sa tabi ng bintana ng ospital, pinapanood ang abalang trapiko sa ibaba, habang may manipis na ngiti sa kanyang mga labi, isang ngiti na tila nang-uuyam at parang walang magawa.Eksakto namang bumukas ang pinto.Pumasok si Tyler. Hindi niya suot ang kanyang white coat ngayon, kundi isang dark gray na shirt na nakatupi ang mga manggas hanggang sa braso. Mas mukha siyang madaling lapitan ngayon kumpara sa madalas niyang malamig na aura."Tapos na ang mga papeles," sabi ni Tyler, sabay abot sa kanya ng mga dokumento. "Pwede ka nang umalis."Kinuha ito ni Celeste, sinulyapan, at mahinang nagsalita."Salamat, Dr. Tyler," pasasalamat ni Celeste.Hindi sumagot si Tyler, nakata
Sa pakiusap ng iba? Si Zachary kaya?Napatigil si Celeste, habang bitbit ang kanyang ballpen sa ere.Sa nakalipas na isang taon, nakita niya kung paano walang pagod na naghanap ng medikal na tulong si Zachary para sa kanya, pero laging walang nangyayari.Noon lang anim na buwan ang nakalipas, nang si Tyler na ang pumalit, unti-unting bumuti ang pandinig niya.Pero sa hindi malamang dahilan, naramdaman ni Celeste na may mali.Ganoon ba talaga kalapit sina Zachary at Dr. Tyler?Kung ganoon, bakit ni minsan ay hindi niya nakita si Dr. Tyler na magpakita ng kahit kaunting pagiging magiliw kay Zachary tuwing nagpapa-check up siya?Tumingala siya kay Tyler, at bakas sa kanyang mga mata ang maraming katanungan.Ngunit hindi na itinuloy ni Tyler ang usapan."Sige, hindi ko na muna iistorbohin ang pahinga mo. Alagaan mo nang mabuti ang sarili mo," habilin ni Dr. Tyler."Thank you, Dr. Tyler," bulong ni Celeste.Sumara ang pinto.Muling binalot ng katahimikan ang ward.Biglang nag-vibrate nang
Mabilis na gumuhit ang limang bakas ng daliri sa mukha ni Franchesca.Nanlaki ang mga mata niya sa hindi kapani-paniwalang pangyayari habang hawak ang nagbabaga niyang pisngi, at matagal bago siya nakapagsalita."Ikaw... ang lakas ng loob mong saktan ako!" sigaw ni Franchesca.Tinaas niya ang kamay niya para gumanti ng sampal, pero mas mabilis na hinawakan ni Celeste ang wrist niya.Sa sumunod na segundo, isa pang sampal ang lumanding.Isang malakas na tunog ng sampal ang umalingawngaw.Napabaling ang ulo ni Franchesca sa gilid, at ang maayos niyang kulot na buhok ay nagulo at humarang sa kanyang pisngi.Nanlaki ang mga mata niya, na tila hindi pa rin nag-sisink-in sa kanya na dalawang beses na siyang nasampal.Tahimik ang buong private room.Lahat ng mata ay nakatitig sa kanilang dalawa.Si Zachary ang unang nakabawi sa gulat, pero napatigil siya at nanlaki ang kaniyang mga mata.Naririnig siya ni Celeste?Bahagyang tumigil ang tibok ng puso ni Zachary, at ang kanyang tingin ay awtom
"Zachary, dinala mo talaga pabalik sa Pilipinas ang adopted sister mo? Hindi ka ba natatakot na magalit si Celeste?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Zachary. Nakatayo si Celeste sa labas ng private room ng club. Isang taon siyang naging bingi at kakabalik lang ng pandinig niya, kaya biglang naging estatwa ang ngiti niya at nanigas ang buong katawan niya sa narinig. Bumalik na si Franchesca sa Pilipinas? "Basta hindi kayo magsasalita, wala siyang malalaman. Saka higit isang taon na rin ang nakalipas, namimiss na ni Franchesca ang bahay," malamig at walang emosyong sagot ni Zachary. "Sa tingin ko hindi bahay ang namimiss niya, kundi ikaw," hirit ng isa pa niyang kaibigan. Agad na nagtawanan ang mga tao sa loob ng private room dahil doon. "Anong pinagsasabi niyo? Kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya," pagtatanggol ni Zachary. "Zachary, nakita ko kaya na hinalikan ka ni Franchesca, tsk tsk tsk... anong kapatid, parang little sister mo na may lihim na pagtingin!" panggatong p







