Share

Chapter 11

Alex' s Pov

Dahil sa pagkagulat ko nang pabiglang binuksan ni Aling Lorena ang pintuan ay hindi sinasadyang naitulak ko ng malakas si Uriel. Muntik na akong mapahagalpak ng tawa nang parang palakang nalaglag si Uriel sa sahig una ang puwit. Ngunit pinigilan ko ang aking tawa dahil nakikita kong naniningkit ang mga mata ni Uriel at kung wala lamang sa paligid si Aling Lorena ay tiyak na tiniris na niya ako. Agad namang napatakbo ang matandang babae palapit kay Uriel at inalalayan itong makatayo.

"Ano ba ang ginagawa mo, Alexa? Bakit mo sinasaktan si Uriel?" nanlilisik ang mga matang sita sa akin ni Aling Lorena. Kung umakto ito ay parang anak niya ang sinaktan ko.

"Ano ba ang sinasabi mong sinasaktan ko si Uriel, Aling Lorena? Iniisip mo bang battered husband si Uriel? Hindi maganda 'yon. At saka hindi ko siya sinasaktan. Nakita mo naman kung ano ang eksenang naabutan mo pagbukas mo ng pintuan, di ba? Naglalambingan kami," nang-iinis ang boses na sabi ko sa kanya. Mainit ang dugo niya
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status