Home / Romance / THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE / Chapter 1: The Wife He Betrayed

Share

THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE
THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE
Author: HEZEKIAH_MHACKXINE

Chapter 1: The Wife He Betrayed

last update publish date: 2026-11-05 20:00:37

Tahimik ang buong mansion nang gabing iyon. Nakatayo si Chloe sa harap ng malaking bintana ng kanilang bedroom, isang kamay sa tiyan niyang walong buwan nang nagdadalang-tao, habang ang isa naman ay hawak ang picture nila ni alexander sterling noong araw ng kanilang kasal.

Napangiti siya habang tinitingnan ang larawan.

“Konting tiis na lang, baby. Soon, makikita na natin si Daddy mo,” bulong niya sa kaniyang tiyan. “I'm sure magiging good father siya sa'yo.”

Si Alexander ang lalaking minahal niya nang buong puso. Isang billionaire, influential, at sanay makuha ang lahat ng gusto sa buhay. Pero sa kabila ng pagiging cold nito sa ibang tao, naging malambing naman ito kay Chloe. At least, iyon ang pinaniwalaan niya.

Kaya naman nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa p***o, hindi niya inakalang iyon na pala ang simula ng lahat ng paghihirap niya.

Pagbukas niya ng p***o, dalawang pulis ang bumungad sa kaniya.

“Chloe?” tanong ng isa.

“Yes? May problema po ba?”

“Sumama ka sa amin. You're under arrest for the murder of your father-in-law.”

Nanlaki ang mga mata niya.

“What? No! Hindi ako pumatay!” nanginginig niyang sagot. “There's a mistake! Wala akong ginawang masama!”

Pero hindi nakinig ang mga ito. Hinawakan siya sa magkabilang braso at pilit na inilabas ng kuwarto.

Pagdating sa sala, nakita niya si Alexander kasama ang mother nito. Agad siyang nakaramdam ng ginhawa.

“Alexander!”

Sa wakas, nandito na ang asawa niya. Sigurado siyang ipagtatanggol siya nito. Kilala siya ni Alexander. Alam nitong hindi niya kayang manakit ng ibang tao, lalo na ang sariling pamilya nito.

“Baby, please! Tell them na hindi ko ginawa!” umiiyak niyang pakiusap.

Pero imbes na lumapit, malamig lang siyang tiningnan ni Alexander.

“Take her away.”

Parang may kung anong bagay na biglang nabasag sa loob ni Chloe.

“ML, please! Look at me!” sigaw niya habang hinihila siya ng mga pulis. “I'm telling the truth! Hindi ako ang pumatay sa papa mo!”

Walang sagot.

Maging ang mother ni Alexander ay nakatingin lang sa kaniya, may bahid pa ng ngiti sa labi.

“Dapat kasi pinag-isipan mo muna ang mga ginawa mo bago mo sirain ang pamilyang ito,” malamig na sabi ng matanda.

Napatingin si Chloe dito.

“Wala po akong ginawa! Bakit niyo ako inaakusahan?”

Pero walang sumagot sa kaniya.

At sa unang pagkakataon, naramdaman niyang mag-isa na lang siya.

Tatlong araw matapos siyang makulong, dumating si Alexander Sterling para bisitahin siya.

Agad na tumayo si Chloe mula sa kaniyang kinauupuan nang makita ang asawa. Kahit ilang araw na siyang walang maayos na tulog at halos wala nang ganang kumain, hindi nawala ang pag-asang baka sakaling naniwala na ito sa kaniya.

“Alexander…”

Pero hindi man lang siya nginitian nito.

“Sign these papers.”

Napatingin siya sa mga dokumentong inilapag nito sa harap niya.

“What's this?”

“Divorce papers.”

Parang biglang tumigil ang mundo ni Chloe.

“D-divorce?”

“Yes. I don't want to be married to a murderer.”

Napailing siya, hindi makapaniwala sa narinig.

“Alexander, please. Hindi ko ginawa iyon. You know me better than anyone. Bakit hindi mo man lang ako bigyan ng chance na patunayan ang sarili ko?”

“Enough, Chloe. The evidence is clear.”

“Then investigate it!” halos mapasigaw siya. “You have the money, the connections, everything! If you really wanted to know the truth, you could find it!”

Napahigpit ang hawak ni Alexander sa mga papeles.

“I'm done wasting my time on you.”

Napahawak si Chloe sa tiyan niya. Bigla niyang naalala ang batang nasa loob niya.

“What about our baby?” mahina niyang tanong. “Eight months na ako, Alexander. Anak mo rin siya.”

Saglit na natahimik ang lalaki bago sumagot.

“I've arranged medical assistance for you. Make sure the baby survives. That's all that matters now.”

Napatingin siya rito nang may halong sakit at pagtataka.

“That's all that matters?” ulit niya. “Paano naman ako? Paano naman tayo?”

Hindi sumagot si Alexander.

“May iba ka na ba?” tanong niya, halos pabulong.

Tumingin ito sa kaniya.

“That's none of your business anymore.”

Napangiti si Chloe, pero kasabay niyon ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

“Wow. Ganito lang pala kadali para sa'yo na kalimutan ako.”

Tumayo si Alexander at inayos ang suot nitong coat.

“Sign the papers, Chloe. Let's end this.”

Tiningnan niya ang lalaking minsang nangakong hinding-hindi siya iiwan.

“Someday, Alexander, malalaman mo rin ang totoo. And when that day comes, I hope you remember how you treated me today.”

Hindi na sumagot ang lalaki. Tumalikod ito at tuluyang lumabas ng visiting room.

Naiwang mag-isa si Chloe, umiiyak habang hawak ang tiyan.

“I'm sorry, baby,” bulong niya. “I'm so sorry na ganito ang pamilyang naghihintay sa'yo.”

Makalipas ang dalawang araw, inilipat si Chloe sa isang private medical facility. Ayon sa mga sinabi sa kaniya, arrangement iyon ni Alexander para matiyak ang kaligtasan ng kanilang anak.

Kahit galit siya sa asawa, umaasa pa rin siyang kahit papaano ay iniisip nito ang kapakanan ng baby nila.

Pero habang nasa loob siya ng transport vehicle, may kakaibang kaba siyang naramdaman.

“Officer, malapit na po ba tayo?” tanong niya.

“Konti na lang.”

Hindi pa man natatapos ang lalaki sa pagsagot ay biglang may isang itim na SUV na humarang sa kanilang daan.

Napadiin ang paa ng driver sa preno.

“What's happening?!” sigaw ni Chloe.

Isang malakas na impact ang yumanig sa sasakyan. Tumama ang katawan niya sa upuan habang nabasag ang mga salamin sa paligid.

May narinig siyang mga putok ng baril.

“Help!” sigaw niya.

Sa gitna ng kaguluhan, nakita niya ang ilang lalaking papalapit sa kanilang sasakyan. Hindi niya maintindihan kung sino ang mga ito o kung bakit sila inaatake.

Ang alam lang niya, kailangan niyang iligtas ang sarili niya at ang kaniyang anak.

Sinubukan niyang buksan ang p***o, pero naipit ang isa niyang paa. Ilang beses siyang nagpumiglas bago niya tuluyang naitulak ang sirang p***o.

Paglabas niya, ramdam na niya ang init ng apoy mula sa sasakyan.

“My baby…” umiiyak niyang bulong habang hawak ang tiyan.

Ilang segundo lang, isang malakas na pagsabog ang narinig niya.

Napahiga siya sa lupa at nawalan ng malay.

Pagmulat ni Chloe, puting kisame ang una niyang nakita. Masakit ang buong katawan niya, at halos hindi niya maigalaw ang mga kamay niyang may benda.

Pero nang maalala niya ang nangyari, agad siyang napabangon.

“My baby! Nasaan ang baby ko?!”

Mabilis na lumapit ang nurse sa kaniyang tabi.

“Ma'am, please calm down. You need to rest.”

“Nasaan ang anak ko?! Please, sabihin niyo sa akin!”

Hindi agad nakasagot ang nurse. Ilang sandali pa, pumasok ang doktor sa silid.

Sa itsura pa lang nito, alam na ni Chloe na may masamang nangyari.

“I'm sorry,” mahinang sabi ng doktor. “We did everything we could.”

Umiling si Chloe.

“No… please, no…”

“I'm sorry for your loss.”

Parang may humigpit sa dibdib niya. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang pag-iyak. Hinawakan niya ang tiyan niyang wala nang buhay na sanggol sa loob.

Ang anak na walong buwan niyang inalagaan. Ang batang pinangarap niyang yakapin at tawaging kaniyang mundo.

Wala na.

At sa pinakamahirap na sandali ng buhay niya, wala si Alexander sa tabi niya.

Wala ang lalaking nangakong poprotektahan siya.

Wala ang lalaking ama ng kaniyang anak.

Ilang araw ang lumipas bago siya natagpuan ng kaniyang matalik na kaibigan.

Pagpasok nito sa kuwarto, agad itong napaluha nang makita ang kalagayan ni Chloe.

“Oh my God, Chloe…”

Lumapit ito sa kama at hinawakan ang kamay niya.

Pero hindi agad nagsalita si Chloe. Nakatingin lang siya sa kawalan, para bang wala nang natitirang dahilan para magpatuloy.

“Chloe, please. Talk to me.”

Maya-maya, dahan-dahan siyang lumingon.

“Why am I still alive?” mahina niyang tanong.

Napailing ang kaibigan niya at mahigpit siyang niyakap.

“Don't say that. Please. You still have me.”

Doon tuluyang bumigay si Chloe. Umiyak siya sa balikat ng kaibigan niya, inilabas ang lahat ng sakit na ilang araw niyang kinikimkim.

Pero nang maubos ang kaniyang mga luha, may kakaibang katahimikan na bumalot sa kaniya.

Hindi ibig sabihin na wala na siyang nararamdaman.

Sadyang napagod na lang siyang masaktan.

“Promise me something,” sabi niya.

“Ano iyon?”

“Find out who did this to me. Gusto kong malaman kung sino ang nasa likod ng lahat. Sino ang nag-frame sa akin, at sino ang nagtangkang pumatay sa akin.”

Tumango ang kaibigan niya.

“I promise.”

Dahan-dahang tumingin si Chloe sa bintana. Sa labas, patuloy na gumagalaw ang mundo na para bang walang nangyari sa kaniya.

Pero para sa kaniya, wala nang babalik sa dati.

Nawala ang anak niya. Nawala ang asawa niya. At ang buhay na pinangarap niya ay tuluyan nang nawasak.

“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ulit ang buhay ko,” sabi niya. “Pero isang bagay ang sigurado ako.”

Humigpit ang hawak niya sa kumot.

“Hindi ko hahayaang makalusot ang taong gumawa nito sa akin.”

Napatingin siya sa kaibigan niya, at sa unang pagkakataon matapos ang lahat, nagkaroon ng buhay ang kaniyang mga mata.

“And Alexander…”

Natigilan siya bago nagpatuloy.

“Kapag nalaman niya ang katotohanan, sana hindi pa huli ang lahat para pagsisihan niya ang ginawa niya sa akin.”

Hindi na siya ang dating Chloe na handang magpatawad dahil lang mahal niya ang isang tao.

Sa pagkakataong ito, pipiliin na niyang protektahan ang sarili niya.

At habang unti-unti siyang nagpapagaling, isang tanong ang paulit-ulit na bumabagabag sa kaniyang isip.

Kung hindi siya ang pumatay sa ama ni Alexander, sino ang tunay na salarin?

At higit sa lahat, bakit pakiramdam niya ay may mas malaking sikreto sa likod ng lahat ng nangyari?

Hindi pa niya alam ang sagot.

Pero isang araw, malalaman din niya.

At kapag dumating ang araw na iyon, hindi na siya ang babaeng iniwan ni Alexander sa kulungan.

Siya na ang babaeng kinatatakutan ng mga taong minsang sumira sa kaniyang buhay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE   Chapter 10: The Man Behind the Secret

    Hindi makatulog si Chloe Owen matapos makita ang pangalan ni Richard sa lumang dokumentong ibinigay ni Daniel.Paulit-ulit niyang tinitigan ang pirma nito. Hindi niya maintindihan kung bakit may kinalaman ang isang taong malapit kay Alexander sa imbestigasyong sumira sa buhay niya limang taon na ang nakalipas.Kung totoo ang lahat ng nasa dokumento, ibig sabihin, may mga taong alam ang katotohanan noon pa man.At pinili nilang manahimik.“Mom, I need to talk to Richard.”Napatingin si Madam Elena mula sa hawak niyang libro.“Are you sure that's a good idea?”“He signed the statement. I want to know why.”“Chloe, you can't just confront him without knowing what you're dealing with.”“But how long am I supposed to wait? Five years na akong naghihintay ng sagot.”Lumapit si Madam Elena at umupo sa tabi niya.“I understand, anak. But remember, the people involved may be more dangerous than you think.”Napayuko si Chloe.“I just want to know why they did this to me.”Hinawakan ni Madam Ele

  • THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE   Chapter 9: The Hidden Truth

    Hindi mapakali si Chloe Owen matapos matanggap ang mensahe mula kay Mia.Paulit-ulit niyang binasa ang dokumentong ipinadala nito. Nandoon ang pangalan ni Adrian Sterling at ang ilang detalye tungkol sa property transfer na nangyari ilang araw bago namatay ang ama ni Alexander.Hindi niya alam kung ano ang eksaktong ibig sabihin ng mga dokumentong iyon, pero sigurado siyang may hindi tama.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Mia.“Hello, ma'am?”“Mia, I need you to do something for me.”“What is it, ma'am?”“Find out who handled that transaction. I want the name of the person who approved the transfer and the company involved.”“Okay, ma'am. I'll look into it.”“And Mia, keep everything confidential. I don't want anyone from Sterling Group to know that we're investigating.”“Understood.”Pagkababa ng tawag, napasandal si Chloe sa kaniyang upuan.Hindi niya akalaing ang planong paghihiganti niya ay magdadala sa kaniya sa mas malalim na problemang hindi niya pa lubusang naiintindi

  • THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE   Chapter 8: The Name in the Photograph

    Hindi maalis ni Chloe Owen ang tingin sa pangalang nakasulat sa lumang dokumento.Adrian Sterling.Ilang beses niya iyong binasa, umaasang nagkakamali lamang siya. Si Adrian ang pinsan ni Alexander na nakilala niya sa mga nakaraang business meeting. Isa ito sa mga taong malapit sa pamilya Sterling at may malaking papel sa kanilang mga negosyo.Pero bakit naroon ang pangalan nito sa dokumentong may kaugnayan sa pagkamatay ng ama ni Alexander?“Mom,” tawag niya habang hawak ang papel. “I need to ask you something.”Lumapit si Madam Elena at napatingin sa dokumentong hawak niya.“Where did you get that?”“Sa lumang envelope na itinago ninyo. Why is Adrian Sterling's name here?”Saglit na natahimik ang babae.“Chloe, I think there's something you need to know.”Umupo si Chloe sa sofa at hinintay ang sasabihin nito.“Before you came into my life, I had someone who helped me look into your case. He discovered that there were people who might have benefited from your husband's father's death

  • THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE   Chapter 7: Secrets Begin to Unfold

    “Find out everything about her. I don't care how long it takes.”Iyon ang huling sinabi ni Alexander Sterling bago tuluyang ibaba ang tawag.Nasa loob siya ng kaniyang private office, nakatingin sa litrato ni Chloe Owen na ipinadala ni Richard. Ilang minuto na niyang pinag-aaralan ang mukha nito, umaasang may makikita siyang sagot sa mga tanong na gumugulo sa isip niya.Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pakiramdam niyang may koneksiyon siya sa babaeng iyon.The way she speaks, the way she looks at him, and the sadness in her eyes.Lahat ng iyon ay nagpapaalala sa kaniya ng isang taong matagal na niyang hinahanap.“Don't tell me it's really you,” bulong niya.Napahawak siya sa noo at napapikit.Kung si Chloe nga ang dati niyang asawa, bakit hindi nito sinabi sa kaniya? At kung bumalik ito, ano ang tunay nitong pakay?Hindi siya mapakali sa posibilidad na maaaring may dahilan ang pagbabalik nito.At kailangan niyang malaman iyon bago pa maging huli ang lahat.Saman

  • THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE   Chapter 6: The Woman Behind the Name

    Hindi mapakali si Alexander Sterling mula nang matapos ang gabing iyon.Ilang beses niyang sinubukang ibaling ang atensiyon sa trabaho, pero paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mukha ni Chloe Owen. Lalo na ang mga mata nito.May kung anong pamilyar sa mga iyon.Parang matagal na niyang nakita. Parang minsan na niyang tinitigan habang puno ng pagmamahal, bago niya tuluyang sinira ang lahat.Napabuntong-hininga siya at muling tiningnan ang litrato ng dati niyang asawa na nasa ibabaw ng desk.“Could it really be you?” mahinang tanong niya sa sarili.Alam niyang imposible. Limang taon na ang nakalipas. At kung talagang siya iyon, bakit ibang pangalan ang ginagamit nito? Bakit ngayon lang ito muling nagpakita?Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.“Richard, I need you to do something for me.”“What's that?”“I want you to investigate someone. Chloe Owen.”Sandaling natahimik si Richard sa kabilang linya.“Your business partner?”“Yes. I w

  • THE BILLIONAIRES SECOND CHANCE WIFE   Chapter 5: The Past He Couldn't Forget

    “Are you sure about this, Chloe?”Napatingin siChloe kay Madam Elena na nakatayo sa harap ng kaniyang desk. Nasa ibabaw ng mesa ang mga dokumentong may kinalaman sa bagong project ni Alexander., kasama ang listahan ng mga investors na inaasahang tutulong para matuloy ang expansion ng kumpanya nito.“Yes, Mom. This is the perfect opportunity.”“Once you invest in his company, mas magiging malapit ka sa kaniya. You'll have access to important information, and you'll be dealing with people who have known him for years.”“I know.”“Then you also know that there's a possibility he'll discover who you really are.”Saglit na natahimik siChloebago isinara ang folder.“Let him discover it when I'm ready.”Hindi na nagsalita si Madam Elena. Kilala na niya ang dalaga. Kapag may desisyon na si Chloe, mahirap na itong baguhin, lalo na kung may kinalaman iyon sa mga taong naging dahilan ng kaniyang paghihirap.Pero bilang isang ina, hindi niya maiwasang mag-alala.“Just promise me one thing, anak.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status