LOGINSelena's POV
Hindi na ako nakapalag nang kaladkarin nya ako paalis. Huminto kami at gano'n na lang ang pagkamangha ko ng makita ang malaking hayop na kulay asul. Iba ang hitsura nito at medyo may kaliitan. Kalahati lang rin ang katawan nito. "Ang galing!" Mabilis kong nilapitan iyon at hinawakan. Ang kinis! "Sakay!" Sabi nito. Napatingin lang ako sa kanya. "Saan ako sasakay?" tanong ko. Kumunot na naman ang noo nito. Binuksan nya ang katawan ng hayop at doon ko nakitang may upuan pala sa loob. Ang galing! Walang ganito sa amin. "Sakay!" Nagulat ako sa sigaw nya kaya mabilis akong sumakay at umupo. "Patay na ba 'to?" tanong ko. "What?" Inis nyang tanong at bigla na lamang umandar ang hayop na sinasakyan namin. "Dahan-dahan naman! Nahihilo ako!" Sigaw ko. "What are you talking about? Ito na ang pinakamahinang takbo ko," sabi nya. Nahihilo talaga ako. Parang umiikot ang mundo ko. Bigla akong napatakip sa bibig ko dahil nasusuka na ako. Nakita iyon ni Alexander kaya naaalarma sya. "Hey! Hey! Don't! Huwag kang sumuka sa kotse...ko...." Huli na ang lahat dahil naisuka ko na ang lahat ng laman ng tyan ko. Nasukaan ko ito kaya mabilis nyang hininto ang sinasakyan namin. "What the hell is wrong with you?!" Galit na galit ito at kunti na lang ay uusok na ang tenga nya. Kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi nya ay alam kong galit ito. "Pasensya na. Hindi talaga ako sanay sa mabilis na takbo. Nahihilo pa rin ako eh," sabi ko habang napapahawak sa ulo ko. May kinuha syang bagay sa likod ng upuan namin. Pinunasan nya ang damit nyang marumi na at maya-maya ay inabot nya ito sa akin. Kinuha ko ito pero hindi ko alam kung paano gamitin kaya sinubo ko na lang. "What the?! Akin na!" Kinuha nya sa bibig ko ang bagay na iyon at ibinato. Kumuha sya ulit sa maliit na kahon at pinunasan ang bibig ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin kaya hindi ko mapigilan na titigan ito. Napakaperpekto pala ng mukha nya. Makapal ang kilay nito at mahaba ang mga pilik-mata. Doon ko rin napansin na ang ganda pala ng mga mata nya. Ang tangos ng ilong ay walang kasing tulad sa lahat ng lalakeng nakita ko sa Isla namin. Ilang sandali pa ay napansin ko na may pilik-matang natanggal at dumikit sa ilalim ng mata ni Alexander. Kinuha ko iyon pero aksidenteng natusok ko ang mata nya. "Aray! Ano bang ginagawa mo?!" Ayan na naman sya. Galit na naman. Nakangiting ipinakita ko sa kanya ang nakuha kong pilik-mata. "Kinuha ko ito. Humiling ka!" Kumunot ang noo nya nang makita ang hawak ko. Inis nyang kinuha iyon at binato sa kung saan. Pagkatapos no'n ay umandar na ulit ang hayop na sinasakyan namin. "Sayang 'yon! Sana ibinigay mo na lang sa akin!" "Tumigil ka na o ibabalibag kita sa labas," sabi nya kaya tumahimik na lang ako. Ang sungit. Sobrang tagal ng byahe kaya nakatulog ako. Nagising na lang ako nang nahulog bigla ang katawan ko sa lupa. Binuksan na pala ni Alexander ang pintuan ng hayop na sinakyan namin. "Aray naman! Pwede mo naman akong gisingin ah!" Inis kong ani at tumayo na. "Kanina pa kita ginigising. Para kang pusa kong makatulog." Pagkatapos no'n ay naglakad na sya papasok ng malaking bahay. May mga lalakeng malalaki ang katawan na biglang lumabas at yumuko nang dumaan kami. Nagulat ako dahil parang sinusunod nila si Xander. Mga katulong ba sila? Ang lalaki ng katawan at puro pare-pareho ang suot. Sobrang seryuso rin ng mga mukha nila. "Pwede bang bilisan mo ang paglalakad?" Inis na namang ani ni Xander. Mabilis naman akong sumunod sa kanya. Napanganga ako dahil sobrang laki nito. Napakaganda pa ng kulay at desinyo. "Bahay mo 'to?" tanong ko ng nasa pintuan na kami. "Malamang," pabalang nyang sagot. Pumasok kami at hindi pa rin tumitikom ang bibig ko. "Good Afternoon, Mr. Sebastian." Nagulat ako dahil may mga babaeng lumitaw sa daanan namin. Pareho rin ang suot nila. Iisa lang seguro ang tumahi. Mga babae sila at may mga edad na rin. Sabay-sabay ang pagyuko nila. Grabe naman itong si Xander ang dami ng katulong. Dumeritso lang kami sa paglalakad at hindi manlang binibigyang pansin ni Xander ang mga tao sa paligid nya. Ngumiti ako sa kanilang lahat pero nakakunot na noo lang ang ibinigay nila kaya mabilis akong sumunod sa likuran ni Xander. Halos lahat ng sulok ay bago sa paningin ko at nakakamangha. Paglingon ko ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita. May mga isdang lumalangoy kaya mabilis akong tumakbo papunta doon. Pagkain! Akmang dadakmain ko na ang isda sa loob ng kahon nang sumigaw bigla si Alexander. "Don't you dare! Umalis ka dyan." Napanguso ako at lumingon sa kanya. "Pero nagugutom na ako!" Reklamo ko. "Kakakain mo lang ah." "Nagugutom ulit ako eh." Akmang dadakmain ko na ulit pero nagsalita na naman sya. "Buhay 'yan for goodness sake, Selena. Paano mo kakainin 'yan?" Kumunot naman ang noo ko. "Ah...isusubo?" Patanong na sagot ko. Nagtatanong kasi sya kung paano ko kakainin 'yong isda. Inis na napahawak ito sa dulo ng ilong nya. "Ghad! I can't stand you." Huminga ito nang malalim at lumapit sa akin. Hinila nya ako at pinaupo sa malambot na upuan. Sobrang lambot noon at ngayon ko lang naranasan kaya nagtatalon-talon ako. "Sit down!" Hindi ko sya pinansin kasi natutuwa ako sa upuang ito. Inis na inis na ito at napansin kong matalim na ang titig nya sa akin kaya bumalik ako sa pag-upo. "Huwag kang aalis dyan. Naintindihan mo ba? I will ask the chef to cook something." Ano daw? "Ano?" "Pagkain." Simple nyang sagot. Natuwa kaagad ako kaya sinunod ko ang sinabi nya. Umalis sya at hindi ko alam kung saan pumunta pero nagtiis akong hindi gumawa ng kahit ano. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Grabe, ang ganda at ang laki talaga ng bahay nya. Sya lang yata ang nakatira dito kasi wala manlang akong nakitang ibang tao. Hindi ba sya nalulungkot? Malungkot kaya na ikaw lang ang nakatira sa malaking bahay na ito. Nasa gitna ako ng gano'ng isipin nang biglang may bagay na bumunggo sa paa ko. Pabilog ito at may umiilaw sa gitna. Inusog ko ang paa ko pero nakasunod ito. Tumayo ako at umupo sa ibang upuan pero sinusundan parin nito ako. Natakot na ako dahil panay ang sunod sa akin ng bagay na iyon kaya napasigaw na ako at umakyat sa upuan. "Sho! Sho! Alis!" May mga unan sa upuan kaya ibinato ko iyon sa bagay na kanina pa ako sinusundan. "Ano na naman bang ginagawa mo?" Lumingon ako kay Alexander na may kasamang lalakeng nakaputi ay may dala-dalang bagay na tinutulak nya. May takip itong puting tela kaya hindi ko makita ang laman. "Hinahabol kasi ako nyan!" Turo ko sa bagay na umiikot sa upuan kong nasaan ako. Huminga ito nang malalim na para bang pagod na pagod na sa akin. "That's a robot vacuum cleaner for goodness sake. Hindi ka nya sasaktan kaya halika na," sabi nya at nauna ng umalis. Nang akmang bababa na ako nang habulin ulit nito ako. Napunta kami sa kusina at nagtago ako sa likuran ni Alexander. "Bakit ba kasi nya ako hinahabol?" Takot na tanong ko. "Obviously, kasi ang dumi-dumi ng paa mo." Bumaba naman ang tingin ko sa paa ko. Oo nga pala. Ang dumi-dumi na nito. Kaya nya ba hinahabol ako? "Upo," utos ni Alexander sa akin pero nasa bagay na iyon ang atensyon ko. "Ano ba 'yan?" Tanong ko sabay turo sa bagay na iyon. Ngayon lang ako nakakita ng gano'n. Para syang hayop pero nangangagat naman yata. "Taga-linis ng bahay ko." "Parang utusan mo?" Natigilan ito at huminga nang malalim. "Yeah. Parang gano'n na nga." Kaso ang liit nya. Paano nya malilinis ang sobrang laking bahay na ito? Hinawakan ko ito at hinimas. Mabait naman pala. "Nagugutom ka ba?" Tanong ko dito. Kinuha ko ang manok na ulam at inilapag sa katawan nyang pabilog. "Ano na naman ba 'yan?" Naiinis na ani ni Alexander. "Baka kasi gutom sya--" "That's a robot! Hindi 'yan kumakain---" Hindi nya halos maituloy ang sinasabi. Huminga ito nang malalim bago tumingin ulit sa akin. "You know what? Stress na stress na ako sa'yo so please kumain ka na lang. Ikaw yata ang papatay sa akin." "Ha? Hindi ah. Hindi ko 'yan magagawa--" "Just eat!" Galit na naman ito kaya kumain na lang ako. Bakit ba ang sungit-sungit ng lalakeng ito?Selena's POV"Miss? Gising na!"Nagising ako bigla nang may sumigaw sa pintuan. Bumukas iyon at pumasok ang babaeng kaagad akong nilapitan."Miss, anong nangyari sa'yo?" Mabilis nya akong tinulungan na makatayo. "Bakit dito ka sa sahig natulog?" Alalang tanong nya sa akin. Napakamot naman ako sa ulo."Hindi kasi ako sanay matulog sa malambot na kama pakiramdam ko nalulunod ako," sabi ko. Kagabi ay sa malamig na sahig lang talaga ako natulog at kumuha lang ng isang unan. Mas gusto at komportable ako doon kesa mahiga sa sobrang lambot na kama na paghiga ko pa lang ay lumulubog na ako.Hindi ako makahinga.Kumunot naman ang noo ng babae pero hindi na lang pinansin ang sinabi ko. Inayos nya ang kama at binalik ang unan doon tsaka ako itinulak nang mahina papunta sa panibagong pintuan."Miss, kailangan mo ng maligo dahil kanina ka pa pinabababa ni Mr. Sebastian." Binuksan nya ang pintuan at tumambad sa akin ang banyo. May gano'n sa amin pero hindi kasing laki no'n."Sige na, Miss. Mapapaga
Selena's POVHindi na ako nakapalag nang kaladkarin nya ako paalis. Huminto kami at gano'n na lang ang pagkamangha ko ng makita ang malaking hayop na kulay asul. Iba ang hitsura nito at medyo may kaliitan. Kalahati lang rin ang katawan nito."Ang galing!" Mabilis kong nilapitan iyon at hinawakan. Ang kinis!"Sakay!" Sabi nito. Napatingin lang ako sa kanya. "Saan ako sasakay?" tanong ko.Kumunot na naman ang noo nito. Binuksan nya ang katawan ng hayop at doon ko nakitang may upuan pala sa loob. Ang galing! Walang ganito sa amin."Sakay!"Nagulat ako sa sigaw nya kaya mabilis akong sumakay at umupo."Patay na ba 'to?" tanong ko. "What?" Inis nyang tanong at bigla na lamang umandar ang hayop na sinasakyan namin."Dahan-dahan naman! Nahihilo ako!" Sigaw ko. "What are you talking about? Ito na ang pinakamahinang takbo ko," sabi nya.Nahihilo talaga ako. Parang umiikot ang mundo ko. Bigla akong napatakip sa bibig ko dahil nasusuka na ako. Nakita iyon ni Alexander kaya naaalarma sya."Hey! H
Selena's POVParang nahihilo ako sa laki ng mga bahay dito sa Manila. Ngayon ko lang nakita ang mga ito at halos malula ako sa taas. Ilang tao kaya ang nakatira dito? Bakit kaya sila nakatira dyan embes na sa normal na bahay lang? Madami ba silang pera? Ilang ginto kaya ang kailangan para tumira dyan?Nagugutom na ako. Kahapon pa ang huling kain ko ng isda at muntikan pang mawala sa akin. Mas lalo tuloy akong nainis ng maalala ang lalakeng dumukot ng bracelet na bigay ni Ate Seve.Gagawin ko ang lahat para maibalik iyon. Malaki itong Manila pero hahanapin ko ang lalakeng iyon. Pero ngayon mas uunahin ko muna ang tyan kong kanina pa nagrereklamo.Alam kong naliligaw na ako at hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung saan ako tirira o kakain manlang. Sinubukan kong manghuli ulit ng isda pero pinagalitan ako ng mga mamang nakaitim na may dalang kahoy."Umalis ka nga dito! Hindi pagkain 'yang mga gold fish!" Ito 'yong sinabi nila sa akin. Natulog naman ako sa sementadong upuan per
Nakangiti ang mga labi ni Selena nang sa wakas ay makaapak na sya sa Manila. Dala-dala ang maliit na bag na may kakaunting gamit at ginto ay naglakad na sya papalabas ng barko. Halos malaglag ang panga nito sa mga matataas na gusali na ngayon nya lang nakita."Ang laking bahay," komento nito habang namamangha.Galing si Selena sa Isla Portobello. Islang tago sa civilisasyon kaya naman gano'n na lamang ang kanyang pagkamangha at pagtataka sa lahat nang makikita nya sa paligid. Wala ang mga iyon sa Isla nila.Mayroon silang katangi-tanging batas sa Isla Portobello at iyon ay kapag tumungtong ka ng ika-walumpo't taong gulang ay nasa sa iyo na ang desisyon kung aalis ka na ba ng Isla o mananatili na habang buhay. Para naman kay Selene ay mas pinili nyang umalis para hanapin ang nakakatanda nitong kapatid na si Seve na sampung taon ng umalis ng Isla. Ito na lamang ang pamilyang natitira sa kanya kaya kahit ang pumasok sa mundong ngayon nya lang mararanasan ay gagawin nya mahanap lamang ang
Third person's POVKatulad ng kinaugalian ay nagising si Alexander ng maaga. 5 AM pa lang ay nagkakape na ito habang kaharap ang nakatambak na mga papel na kailangan nyang suriin at pirmahan. Ito halos ang nagiging routine nya sa umaga hanggang gabi. Wala ng bago, 'yon at 'yon na lang.Pagkatapos kumain ng umagahan ay tinawagan nya ang secretary nyang si June na sunduin sya dahil may pupuntahan silang importante. Pagkatapos nito ay pumunta na sya ng banyo para maligo. Nasa kalagitnaan ito nang pagbabasa sa sarili ng ilang beses syang umubo. Mabigat at may dalang butil ng mga dugo.Pinasadahan nya ng tubig ang may dugo nyang mga kamay habang seryuso ang titig nito doon. Hindi nya alam kung tatagal paba sya sa kanyang sakit o kung ilang buwan na lang ba ang bibilangin nya.Ilang minuto syang nanatili doon bago lumabas at nagbihis. Pormal ang suot nito at talaga namang bumagay sa misteryuso at malamig nyang awra. Napaharap ito bigla nang tumunog na ang busina ng sasakyan na sya ring hudy







