Share

Kabanata 20

"Lola," tawag niya na namamaos ang boses.

Hinawakan niya ang ulo niya. Medyo kumirot ang ulo at may benda ito.

Napasinghap si Pacita. Nang makita ang nakamulat na mga mata ng apo. Pag-alala ang rumehistro sa mukha niya.

"Devyn." Mangiyak-ngiyak na dinaluhan ni Pacita ang apo. Hinawakan niya ang kamay nito. "Salamat sa Diyos at gising ka na, Devyn." Bulalas pang sambit ni Pacita.

"Lola, nasaan po tayo?"

Inilinga niya ang mata sa paligid.

"Nasa ospital ka ngayon. Sandali at tatawagin ko si Doc. Nick," aniya.

Tumango si Devyn ng ulo at pinilit na ngumiti.

Nagmamadaling lumabas si Pacita ng kuwarto ni Devyn. Papunta sa nursing station.

Mayamaya ay bumukas ang pinto at pumasok ang lola, kasunod ang doktor. Nilapitan ng doktor si Devyn. Sinuri ang mata. Pati na ang ulo nito na may benda.

"Maliban sa ulo mo, may iba ka pa bang nararamdaman?" tanong ng doktor.

"Wala na po."

Sunod-sunod na tumango ng ulo si Doc. Nick.

"Kailangan mong maconfine ng dalawang araw. Tatanggalin ang benda sa ulo m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status