Share

Chapter 33: Encounter [1]

Tinahak namin ang isang masukal na daan, matataas na kahoy at maraming matataas na damo ang nasa palagid. Tumila naman ang malakas na ulan at naging kalmado na ang hangin. Nasa loob na kami ng kagubatan, at tanging huni ng kuliglig ang naririnig namin. Tila isang tahimik na lugar ang gubat pero nakakatakot.

“Mag-ingat ka sa mga ahas na nagmumukhang sanga ng kahoy; delikado ito at makamandag,” babala ni Emory.

Nang tumingin ako sa kanya ay nakita kong nakatingin din ito sa akin. Ako lang ang sinasabihan niya dahil ako lang naman ang hindi pamilyar sa lugar ng Don Salvador. Tumango ako bilang tugon sa sinabi niya. At sa unang pagkakataon ay nakita ko ang ngiti ni Emory. Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa ngiting ‘yon. Parang nagbibigay pag-asa at ginhawa.

“Agustus!” biglang sigaw ni Emory.

“Alam ko Em, tigil muna tayo,” maawtoridad na sabi ni Agustus.

&nbs

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status