LOGIN" She ran from the people chasing her. She didn't know the house ask for more."
Pahina 5.
Pahina 6.
Habang nagbabasa si Mara, pakiramdam niya ay unti-unti siyang hinihigop papasok sa mga pahina.
Hindi na lamang mga letra ang mga salita.
Naging mga daan ang mga ito.
Naging ulan.
Naging tunog ng sarili niyang mga yabag habang humahampas ang mga paa niya sa putik kanina.
Sa pahina 7, nagtago ang babae sa isang eskinita. Amoy ihi at basura roon. Pero mas ligtas pa rin iyon kaysa sa labas.
Totoo iyon.
Doon mismo siya nagtago kanina.
Sa pahina 8, narinig niya ang boses ng lalaking humahabol sa kanya.
“Lalabas ka rin.”
Iyon mismo ang sinabi sa kanya ni Roger sa telepono noong nakaraang linggo.
Mas hinigpitan ni Mara ang pagkakahawak sa libro.
Bakit?
Bakit nakasulat dito ang buhay niya?
Tumingin siya kay Nico.
Patuloy pa rin itong nagsusulat na para bang walang kakaibang nangyayari.
“Nico,” mahinang tawag ni Mara.
“Hmm?”
Hindi ito tumingala.
“Bakit... bakit nandito ang kuwento ko?”
Doon lamang tumigil si Nico.
Ipinatong niya ang panulat sa mesa.
“Dahil iyon ang ibinigay sa’yo ng bahay,” simple niyang sagot, na para bang sinabi lang niyang, ‘Tubig iyan.’
“Pero paano nito nalaman?”
Ngumiti si Nico.
Pagod ang ngiti niya, pero may kakaibang bagay sa mga mata niya.
Para bang may alam siyang hindi alam ni Mara.
“Dahil gutom ito,” sabi niya.
“At gutom ka rin. Kaya bagay kayong dalawa.”
Sa labas, lalo pang lumakas ang pagkalabog.
BANG! BANG! BANG!
“MARAAAA! ALAM NAMIN NA NASA LOOB KA!”
Napakurap si Mara.
Nanginginig ang mga tuhod niya.
Gusto niyang tumayo at tumakbo.
Pero saan siya pupunta?
Wala namang ibang p***o.
“Magpatuloy ka lang sa pagbabasa,” sabi ni Nico.
Bumalik ang atensyon niya sa sinusulat.
“Habang nagbabasa ka, hindi ka nila makikita. Nasa pagitan ka ngayon. Sa pagitan ng realidad at ng nakasulat.”
Hindi makapaniwala si Mara sa sinasabi niya.
Pero wala siyang ibang pagpipilian.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa libro.
Pahina 9.
At nang basahin niya iyon...
nangyari ito.
Biglang naglaho ang ilaw.
Pati ang amoy ng kape.
Nakatayo si Mara sa isang eskinita.
Madilim.
Basang-basa sa ulan.
Ramdam niya ang lamig na unti-unting pumapasok hanggang buto.
Ramdam niya ang takot na humihigpit sa kanyang dibdib.
Naririnig niya ang sarili niyang paghahabol ng hininga.
Siya iyon.
Ang lahat ng nangyari kanina.
Tumakbo siya sa loob ng kuwento.
Kaliwa.
Kanan.
Hanggang sa makita niya ang pader.
Ang p***o.
Kumatok siya.
Bumukas iyon.
At sa loob...naroon siya.
Nakaupo sa mesa.
Nagbabasa.
Dalawang Mara.
Nagkatitigan sila.
Umiling ang Mara na nasa loob ng libro.
Itinuro nito si Mara.
“Huwag mong tapusin,” sabi nito.
“Kapag natapos mo, mawawala ka.”
Biglang napabalikwas si Mara.
Nasa mesa pa rin siya.
Nasa kamay pa rin niya ang libro.
Basang-basa siya ng pawis.
“Ano ’yon?” bulong niya.
“Nasa pahina 20 ka na,” sabi ni Nico nang hindi tumitingin sa kanya.
“Normal lang ’yan. Hihilahin ka ng mga eksena papasok sa kuwento. Pero huwag kang matakot. Iyan ang kapalit.”
“Kapag nagbasa ako... ano ang kapalit?”
“Isang alaala.”
Dahan-dahang hinawakan ni Mara ang kanyang ulo.
Sinubukan niyang alalahanin ang mukha ng kanyang ama habang nasa bubong sila.
Wala.
Malabo na.
Para bang isang litrato na nabasa ng ulan.
Napuno ng luha ang kanyang mga mata.
Hindi dahil sa takot.
Kundi dahil sa lungkot.
“Ang tatay ko...”
“Oo,” sabi ni Nico.
“Iyon ang una. Marami pa ang susunod.”
Matapos mamatay si Lola Celia noong 1948, iniwan niya ang bahay sa kanyang anak na si Tomas.
Ayaw ni Tomas na ipagpatuloy ang panaderya. Gusto niyang magbenta ng tela.
Pero gabi-gabi, may kumakatok sa p***o.
Mga tao.
Mga babaeng umiiyak.
Mga lalaking lasing.
“Puwede ba kaming makahingi ng tinapay?” hiling nila.
“Puwede ba kaming makahingi ng alaala?”
Hindi iyon maintindihan ni Tomas.
Hanggang isang gabi, binuksan niya ang kusina.
At nakita niya ito.
Hindi na oven ang oven.
Naging isang libro ito.
Napakalaki.
Kasingtangkad ng isang p***o.
At sa loob ng libro ay may mga kamay.
Mga kamay na nagmamasa ng kuwarta.
Mga kamay na nagluluto ng tinapay.
Natakot si Tomas.
Sinubukan niya itong sunugin.
Pero hindi ito nasunog.
Isang gabi, tuluyan na siyang sumuko sa kanyang kuryosidad.
Isang pahina lang ang binasa niya.
Isa lang.
Gusto niyang malaman kung ano ang mangyayari.
Ang kapalit ay ang alaala ng kanyang unang halik.
Kinaumagahan, hindi na niya maalala kung sino ang hinalikan niya.
Pero natutunan niyang gumawa ng pandesal na lasang pag-asa.
Mula noon, tumigil na si Tomas sa pagbebenta ng tela.
Nagbukas siya ng isang coffee shop.
Walang menu.
Iisa lang ang puwedeng i-order:
“Bigyan mo ako ng kuwento.”
“Nasa pahina 40 ka na,” sabi ni Nico.
Pakiramdam ni Mara ay isang oras na siyang nagbabasa.
Pero nang tingnan niya ang orasan sa dingding, sampung minuto pa lamang ang lumipas.
Sa pahina 41, pumasok ang babae sa bahay. Mainit sa loob. Amoy kape.
Oo.
Eksakto.
Sa pahina 42, may isang lalaking nagsusulat. Mukhang pagod ang mga mata niya.
Si Nico.
“Parang nababaliw na ako,” mahinang sabi ni Mara.
“Nandito ako ngayon, binabasa ang sarili kong pagdating dito habang aktuwal naman akong nandito.”
“Tama,” sagot ni Nico.
“Isa itong loop. Ganoon ito gumagana. Para maintindihan mong hindi ka nag-iisa. Marami nang taong dumaan dito.”
“Marami?”
Tumango si Nico.
Itinuro niya ang mga estante ng libro.
“Lahat ng iyan ay mga kuwento ng ibang tao. May mga natapos.”
Tumigil siya sandali.
“Mayroon ding... hindi.”
“Ano ang nangyari sa mga hindi natapos?”
Nanahimik si Nico.
Pagkaraan ng ilang sandali, mahina niyang sinabi,
“Kinain sila ng bahay.”
Nanlamig si Mara.
Sa labas, biglang tumigil ang pagkalabog.
Tahimik.
At sa hindi maipaliwanag na dahilan, mas nakakatakot ang katahimikan kaysa sa ingay.
“Umalis na ba sila?” tanong ni Mara.
“O baka naghihintay lang,” sagot ni Nico.
“Depende kung gaano katagal mong kayang magpatuloy sa pagbabasa.”
Pahina 50.
Pahina 60.
Mas mabilis nang magbasa si Mara.
Dahil sa tuwing tumitigil siya, naiisip niya si Kuya Roger.
Naiisip niya ang utang.
Ang kahihiyan.
Gusto niyang mawala sa loob ng kuwento.
Sa pahina 65, nagutom ang babae. Inalok siya ng lalaki ng kape.
Biglang may tasa ng kape sa harap ni Mara.
Mainit.
Umaakyat ang singaw mula rito.
Hindi man lang niya napansin kung kailan iyon inilapag ni Nico.
“Inumin mo,” sabi ni Nico.
“Para hindi ka manghina. Kailangan ng katawan mo ng lakas.”
Tumingin siya sa libro.
“Dahil ginagamit na ng bahay ang isip mo.”
Dahan-dahang kinuha ni Mara ang tasa.
Barako coffee.
Mapait.
Pero nang ininom niya ito, pakiramdam niya ay gumaan ang katawan niya.
Sa ilang sandali, nakaramdam siya ng katahimikan.
Halos kapayapaan.
Pero nang ibaba niya ang tasa...
may isa na namang nawala.
Ang alaala ng unang araw niya sa trabaho.
Ang una niyang sahod.
Walong libong piso.
Sobrang saya niya noong araw na iyon.
Bumili siya ng cake para sa kanyang ina.
Wala na.
Naglaho.
Tahimik na umiyak si Mara.
“Masakit,” bulong niya.
“Oo,” sagot ni Nico.
“Pero iyan ang sakit na kailangan mong iwan sa labas.”
Tumingin siya kay Mara.
“Dito, kahit paano, may kapalit.”
May napansin si Mara.
Gumagalaw ang mga libro sa mga estante.
Bahagya lamang.
Pabalik-balik.
Para bang humihinga.
May mga titik ding unti-unting lumilitaw sa mga dingding.
Malabo.
Halos hindi makita.
Lilitaw...
at mawawala.
...gu...tom...
...ala...ala...
...ku...wen...to...
“Buhay ang bahay,” sabi ni Nico, na para bang nabasa niya ang iniisip ni Mara.
“Hindi na lang ito basta bahay. Naging parang isang tao dahil sa dami ng alaalang kinain nito.”
“Bakit?”
“Dahil may nangako kay Lola Celia.”
Lalong humina ang boses ni Nico.
“‘Huwag mong hayaang mamatay ang kuwento.’”
Tumingin siya sa paligid.
“Kaya buhay pa rin ito.”
“Naghahanap ito ng mga kuwento.”
“Naghahanap ito ng mga taong handang magbayad.”
Pahina 80.
Pahina 90.
Mas mabigat na ang libro ngayon.
Para bang nadaragdagan ang mga pahina habang binabasa niya ang mga ito.
Sa pahina 95, pagod na pagod na ang babae. Gusto na niyang tumigil.
Gusto na ring tumigil ni Mara.
Pero kung titigil siya, ano ang mangyayari?
Kailangan ba niyang lumabas?
Kailangan ba niyang harapin si Kuya Roger?
Hindi niya kaya.
Pahina 100.
Pahina 110.
“Malapit ka na,” sabi ni Nico.
“Dalawampung pahina na lang. Kaya mo ’yan.”
“Ano ang mangyayari kapag natapos ko?”
“Magbabayad ka.”
“At pagkatapos?”
“Pipili ka.”
“Pipili ng ano?”
“Kung aalis ka.”
Tumigil si Nico.
“O mananatili.”
Biglang nagtanong si Mara.
“Ano ang pinili mo?”
Tumigil sa pagsusulat si Nico.
Sa mahabang sandali, hindi siya nagsalita.
Pagkatapos, mahina niyang sinabi,
“Nanatili ako.”
“Dahil wala nang natira para sa akin sa labas.”
Walang emosyon ang boses niya.
Pero nanginginig ang kamay niya.
Pahina 115.
Pahina 118.
Sa pahina 118, tumayo ang babae.
Isinara niya ang libro.
Huminga siya nang malalim.
Ganoon din ang ginawa ni Mara.
Isinara niya ang libro.
At nang gawin niya iyon... may isang bagay na nawala. Isang bagay na mahalaga. Ang alaala ng libing ng kanyang ina. Limang taon na ang nakalipas. Ang buong araw. Ang kabaong.Ang pag-iyak niya.
Lahat.
Nawala.
Para bang may kamay na humila ng isang bahagi ng puso niya mula sa kanyang dibdib. Gumaan ang pakiramdam niya. Pero may lungkot. Napakalaking lungkot.
“Bakit mo ito ginawa sa akin?” sigaw ni Mara.
Punô ng galit ang kanyang boses.
Takot.
Pagod.
Sa wakas, humarap sa kanya si Nico.
Sa unang pagkakataon, diretso siyang tumingin sa mga mata ni Mara.
“Dahil kung hindi ka pumunta rito, baka namatay ka sa labas,” sabi niya.
“Kahit papaano, dito, buhay ka pa.”
Sandali siyang tumahimik.
“At may dahilan ang sakit na dala mo.” Tumayo si Nico. Lumapit siya sa mga estante at kumuha ng isa pang libro. Blangko ito.
“Ang huling pahina,” sabi niya.
“Pahina 120.”
Inilagay niya ang libro sa harap ni Mara.
“Ikaw ang susulat.”
“Ako?”
“Oo. Dahil hindi pa tapos ang kuwento mo. Ikaw ang pipili kung paano ito magtatapos.” Iniabot ni Nico sa kanya ang panulat. Nanginginig ang kamay ni Mara habang tinatanggap iyon.
Sa labas, muling may narinig na boses. Pero mas malayo na ito ngayon. Mas mahina. Para bang unti-unti itong naglalaho.
“LAST CHANCE, MARA!” sigaw ni Roger. Pero paos na ang boses niya. Pagod din siya.
Pahina 120.
Blangko.
Matagal itong tinitigan ni Mara. Nanginginig ang kamay niya. Ano ang dapat niyang isulat?
Umalis siya at hindi na kailanman bumalik.
Nanatili siya at tuluyang nakalimutan ang lahat.
Tumulo ang mga luha sa kanyang mukha.
Tahimik siyang umiiyak, pero nanginginig ang buong katawan niya.
“Walang tamang sagot,” sabi ni Nico. Umupo siya sa tabi ni Mara. Hindi niya ito hinawakan. Nanatili lang siya roon.
“Lahat tayo rito, may ipinambabayad.” Tumingin siya sa kanyang mga kamay.
“Ang ipinambayad ko ay ang asawa ko.”
“Ano ang nangyari sa asawa mo?” tanong ni Mara.
“Nasunog siya.” Simple ang sagot niya.
“Hindi ko siya nailigtas.” Tumingin siya sa mga estante ng libro.
“Kaya nanatili ako rito. Para magluto ng mga kuwento para sa ibang tao. Siguro... para hindi na ito maulit.”
Tumango si Mara. Dahan-dahan niyang idinikit ang dulo ng panulat sa blangkong pahina. At nagsimula siyang magsulat.
At doon, pinili ng babae na...
Tumigil siya. Hindi niya kayang tapusin ang pangungusap.
“Kung hindi mo kayang tapusin ngayong gabi, ayos lang,” sabi ni Nico.
“Magpahinga ka muna. Bukas na natin ituloy.” Kinuha ni Nico ang libro mula sa kanya. Inilagay niya ito sa estante. Eksaktong nasa gitna ng iba pang mga libro.
“Welcome home, Mara.”
At sa unang pagkakataon mula nang magsimula siyang tumakbo, nakatulog si Mara. Doon mismo sa upuan. Sa tabi ng hindi pa tapos na libro. Sa loob ng bahay na kumakain ng mga alaala.
Pero sa labas... may isang aninong nanatili.
Nakatingin sa bintana.
Naghihintay.
"Not every memories needs to be erased. Sometimes, we simply need to learn how to live without being afraid of them."[DAY 4 — 9:00 A.M. — GINGOOG CITY]Hindi na umulan pero basa pa rin ang kalsada. Nakasabit pa sa mga bubong ang tubig-ulan, at paminsan-minsan ay may patak na nahuhulog sa lupa.Nakaupo si Mara sa kusina, abala sa pagsusulat sa kanyang libro. Nasa Pahina 4 na siya.Naglingkod.Nagluto.Hindi para kalimutan.Para maalala nang tama.Nagbago.Matagal niyang tinitigan ang huling salitang isinulat niya.Nagbago.Hindi pa niya alam kung tunay ngang nagbago ang bahay o kung sandali lamang itong nagpapanggap na maamo. Pero matapos ang nangyari kagabi, alam niyang hindi na niya kayang bumalik sa dati.Sa tapat niya, tahimik na nagbabalat ng bawang si Nico.Hindi ito nagsasalita.Mula nang baguhin ni Mara ang recipe, parang may kung anong nagbago sa kanilang dalawa. Mas madalas nang mapatingin si Nico sa mga dingding. Paminsan-minsan, napapatigil din ito sa ginagawa, na para ban
“Not forgetting anymore. Healing.”10:43 P.M. — KUSINAPatay na ang kalan.Pero mainit pa rin ang kawali.Nakasandal si Mara sa pader, nakaupo sa sahig. Nakatingin siya sa kamay niyang may itim na guhit, parang bakas ng isang paso.Hindi naman masakit pero naroon pa rin.Umupo si Nico sa tapat niya. May dala siyang dalawang tasa ng kape.Parehong itim.Walang asukal.“Hindi ka pa matutulog?” tanong ni Nico.Napailing si Mara.“Paano ako matutulog? Paulit-ulit pa rin sa isip ko ang boses ni Andrei.”Napapikit siya.Ma’am... lapis ko po.Muling umalingawngaw sa isip niya ang mahinang boses ng bata.Huminga siya nang malalim, pero hindi sapat iyon para mawala ang bigat sa dibdib niya.Tumango si Nico bago humigop ng kape.“Ganoon din ang nangyari sa akin noong una kong customer,” sabi niya. “Isang matandang babae. Gusto niyang kalimutan ang asawa niya. Limampung taon silang nagsama.”Sandali siyang natahimik, para bang may alaala siyang ayaw nang balikan pero hindi pa rin tuluyang makali
"Here, we don't erase what happened. We just cook it. So, it stop hurting every time you remember."It was morning.But there was no sunlight.Last night’s rain still clung to the roof, dripping steadily, over and over, as if someone inside the house were counting the seconds.Mara was awake before the lights had fully come on.She still wasn’t used to the bed.For three nights, she had been sleeping in the armchair, and somehow, her body had learned that it was the only place where she was safe.Nico was already in the kitchen.He always was.Apron. White shirt. Old burn scars across his hands as he chopped onions that didn’t seem to make him cry.“Good morning,” Nico said without looking back. “We have a customer later. Ten o’clock.”Mara walked toward the stove.The smell of coffee filled the kitchen.Not the kind of coffee you simply drank.This was the kind you only had to smell to feel, for a moment, that maybe you didn’t have to cry.“What’s hurting her?” Mara asked.Nico washe
"To forget your pain, you must first cook it.""Anong pangalan niyo, Lola?" tanong ni Nico. Iyong magalang na tono at professional."Aling Rosa," sagot ng matanda. Hinawakan niya yung payong niya. Mahigpit."60 years na akong may dala-dala.""Ano pong gusto niyong kalimutan?"Umiyak si Aling Rosa. Iyong iyak na walang tunog at patak lang ng luha ang makikita sa mga mata nito."Yung anak ko," bulong niya. "Namatay sya twenty years ago. Naaksidente siya. Pero tuwing Pasko, hinahanap ko siya sa palengke. At tuwing birthday niya, nagluluto ako ng paborito niyang pagkain. Pagod na ko, anak. Pagod na kong maalala sya."Lumapit si Nico sa estante. Kumuha siya ng isang libro. Asul. Manipis. At may pamagat na Uwi."Inyo na po to," sabi niya. Inilapag sa harap ni Aling Rosa. "120 pages. Basahin niyo. Hanggang dulo.""Magkano 'to?" tanong niya."Wala pong bayad ito pero kailangan niyo pong magbahagi ng isang alaala," sabi ni Nico. "Yung pinakamasaya. Iyon po ang magiging kapalit."Napapikit si A
"She woke up in a house that cooks memories fo breakfast"Nagising si Mara sa tunog ng kutsara na dumadampi sa tasa.Clink. Clink. Clink.Mabagal. Parang metronome. Parang binibilang yung paghinga niya.Dilaw pa rin yung ilaw. Yung amoy ng kape mas malakas na ngayon. Hindi barako. Hindi 3-in-1. Ito yung amoy ng kape na may gatas, may konting asukal, at may... lungkot?Nakaupo pa rin siya sa tabi ng bintana. Nakatungo sa dibdib niya yung ulo.Sa kandungan niya, wala na yung libro. Takas. Nasa estante na ulit. Sa gitna. Parang naka-display."Gising ka na," sabi ni Nico.Nasa kusina siya. Likod lang yung nakikita ni Mara. Naka-white shirt pa rin. Nagbubuhos ng mainit na tubig sa isang tasa."Anong oras na?" tanong ni Mara. Puno ng laway at pagod yung boses niya."Umaga na sa labas," sabi ni Nico. "Pero dito... dito walang oras."Tumayo si Mara. Masakit yung batok. Masakit yung dibdib. Hindi dahil sa puyat. Dahil sa mga alaala nawala.Sinubukan niyang alalahanin ulit yung tatay niya sa bu
" She ran from the people chasing her. She didn't know the house ask for more."Pahina 5.Pahina 6.Habang nagbabasa si Mara, pakiramdam niya ay unti-unti siyang hinihigop papasok sa mga pahina.Hindi na lamang mga letra ang mga salita.Naging mga daan ang mga ito.Naging ulan.Naging tunog ng sarili niyang mga yabag habang humahampas ang mga paa niya sa putik kanina.Sa pahina 7, nagtago ang babae sa isang eskinita. Amoy ihi at basura roon. Pero mas ligtas pa rin iyon kaysa sa labas.Totoo iyon.Doon mismo siya nagtago kanina.Sa pahina 8, narinig niya ang boses ng lalaking humahabol sa kanya.“Lalabas ka rin.”Iyon mismo ang sinabi sa kanya ni Roger sa telepono noong nakaraang linggo.Mas hinigpitan ni Mara ang pagkakahawak sa libro.Bakit?Bakit nakasulat dito ang buhay niya?Tumingin siya kay Nico.Patuloy pa rin itong nagsusulat na para bang walang kakaibang nangyayari.“Nico,” mahinang tawag ni Mara.“Hmm?”Hindi ito tumingala.“Bakit... bakit nandito ang kuwento ko?”Doon lama







