Share

Chapter 9

Florence's POV

Nagpaalam ako kay Manang Aida na aalis ako saglit dahil may pupuntahan ako. Wala si Joaquin at ilang araw ko na siyang hindi nakikitang umuuwi sa bahay kaya kay Manang Aida na lamang ako nagpaalam para sakaling dumating ito at hanapin ako ay may maisasagot ang mayordoma kung nasaan ako. Magkikita kami ngayon ni William dahil tinawagan ko siya kagabi. Napagpasyahan naming magkita sa isang mall.

Papasok pa lamang ako sa mall kung saan kami magkikita ni William ay agad ko na siyang nakita na naghihintay sa akin sa may entrance pa lamang ng mall. Agad siyang ngumiti sa akin nang makita niya ako.

"Sorry. Matagal ka bang naghintay?" paumanhin ko sa kanya.

"Hindi naman. Kadarating ko lang din," mabilis nitong sagot. "Tara, mag-meryenda tayo habang nag-uusap tayo," aya niya sa akin na hindi ko naman tinanggihan. Pumasok kami sa isang ice cream house at nag-order ng dalawang milkshake cookies and cream na flavor at isang family size na pizza.

"Salamat at pinagbigyan mo ako na ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status