Share

Chapter 6

Florence's POV

Pagpasok ko sa loob ng kotse ni Joaquin ay agad ko siyang sinimangutan ngunit nang makita ko na nasa likurang upuan nakaupo ang mayordoma niyang si Manang Aida ay agad na nabura ang pagkakasimangot ko. Pinilit kong ngumiti para naman hindi masabi ng matanda na kabago-bago pa lamang naming mag-asawa ni Joaquin ay nag-aaway agad kami.

"Hindi mo naman kailangang sumama, Ma'am Feelin. Tiyak na hindi mo magugustuhan ang amoy ng palengke," kausap sa akin ni Manang Aida.

"Ayoko sanang sumama kasi inaantok pa ako, Manang Aida. Kaso may isa riyan na maagang nambulahaw sa akin," nakangiting pilit na sagot ko pagkatapos ay palihim n tinapunan ko ng tingin si Joaquin na tumaas lamang ang isang kilay.

"Mabaho ng palengke, Ma'am. Baka masuka ka lang," sabi ni Manang Aida na mukhang makakasundo ko kasi mabait naman.

"Sadyang ipinasama ko siya Manang para naman magkaroon siya ng silbi nanghindi na siya magkulong sa kuwarto niya. Nagmumukha na siyang bampira dahil hindi nasisikatan ng araw," sagot naman ni Joaquin kay Manang Aida na bahagyang napangiti at napailing sa isinagot ng amo nito.

"Anong walang silbi ang pinagsasasabi mo diyan? For your information, marunong akong magluto," nakairap na tugon ko sa kanya.

"Oh, really? As far as I remember  ay kahit itlog hindi ka marunong magluto," tila nang-iinis na sabi niya sa akin.

"Umaarte lang ako noon kaya sinabi kong hindi ako marunong magluto ng itlog," mabilis kong bawi. My gosh, Feelin. Ano ba ang mga bagay na hindi mo alam at kaya mo lang gawin? Sobrang yaman mo ba na kahit itlog ay ka marunong magluto? napapabuntong-hininga na sabi ko sa aking isip. Mukhang magkabaliktad yata kami ni Feelin sa lahat ng bagay maliban lamang sa aming mukha. At natitiyak ko na hindi magtatagal ay mahahalata ni Joaquin ang pagkakaiba namin ni Feelin lalo pa at wala akong ideya sa ugali at pagkatao ng babae. Mukhang ngayon pa lang ay kailangan ko nang ihanda ang aking sarili. Pero okay lang din na malaman na ni Joaquin na hindi ako si Feelin. Atleast makakaalis na ako sa bahay niya at hindi na ako mag-aalala na baka mahalata niyang hindi naman talaga ako si Feelin. Kung dati naisip kong hintayin ang pagbabalik ni Feelin para malaman ko kung bakit kami magkamukha ngayon ay nagbago na ang isip ko. Ayoko nang maghintay. Aalis ako sa bahay ni Joaquin kapag nakahanap na ako ng aking matutuluyan.

"Lagi ka namang umaarte," nakaismid na wika ni Joaquin. Inirapan ko na lamang siya at hindi na ako kumibo pa. Itinuon ko na lamang ang aking paningin sa labas ng kotse. Hindi maiwasang mapabuntong-hininga ng palihim. Naiisip ko kasi sila tiyang at ang mga pinsan ko. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanila. Kumusta na kaya sila? Hindi kaya sila ginawan ng masama ng lalaking pakakasalan ko sana?

"Hey. Wala ka bang balak na bumaba? O baka naman gusto mong buhatin pa kita?"

Naudlot ang aking pag-iisip ang marinig ko ang boses na iyon ni Joaquin na tila naiinis. Nang tingnan ko siya ay nakababa na pala sila ni Manang Aida ng kotse at ako na lamang ang hinihintay nila. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa Farmers Cubao. Walang imik na umibis ako sa kotse.

Sa mga isda kami unang nagtungo. Natural na mabaho at malansa ang paligid dahil puro seafoods ang narito sa area na ito ngunit hindi ko iyon alintana dahil sanay naman akong makaamoy ng ganito. Ako naman kasi ang madalas na inuutusan ni Tiyang na mamalengke kaya nasanay na ako sa amoy ng palengke. Marunong din akong pumili ng mga preskong isda at iba pang seafoods.

"Ang fresh pa ng isda na ito, Manang. Masarap iprito ito sa butter," nakangiting kausap ko kay Manang Aida pagkatapos ay namili ako ng ilang piraso na mamula-mula pa ang laman. Hinarap ko si Joaquin para humingi ng pambayad ngunit natigilan ako nang makitang titig na titig siya sa akin. At hindi lang siya ang nakatitig sa akin ng may pagtataka sa mukha kundi maging si Manang Aida rin. "Bakit para kayong nakakita ng multo? May multo ba sa likuran ko?" hindi nakatiis na tanong sa kanilang dalawa.

Natawa si Manang Aida at napakamot sa batok bago sinagot ang aking tanong. "Walang multo sa likuran mo, Ma'am Feelin. Kaya kami natigilan ni Joaquin dahil hindi kami sanay na makitang hindi ka nandidiri sa palengke. Dati kasi noong isinama ka namin ni Joaquin dito ay puro reklamo lamang ang ginawa mo. Kesyo mabaho ang paligid, malansa ang amoy at saka hindi mo kayang humawak sa isda dahil nga malansa," mahabang paliwanag niAnang Aida. "Pero ngayon ay mukhang sanay kang pumasok sa palengke."

"Manang Aida was right," sng-ayon nito sa sinabi ng matanda. "Nakakapagtaka lamang ang mga ikinikilos mo. Hindi lang ngayon kundi noong araw mismo ng kasal natin. You seems a different person. May kaluluwa bang sumapi sa katawan mo?"

Hindi ako nagpahalata na biglang kinabahan sa mga napansin nila sa akin sa halip ay inirapn ko si Joaquin. "Siyempre dati iyon. Bago tayo magpakasal ay nag-praktis muna ako dahil natitiyak ko na isasama mo ako sa palengke. At tama ako, di ba? Isinama mo nga ako sa palengke. Mabuti nga at sinanay ko muna ang sarili ko bago tayo nagpakasal dahil kung hindi ay tiyak na puro reklamo na naman ang maririnig ninyo sa akin."

Lihim akong nagpasalamat at mabilis akong nakaisip ng palusot kung bakit tila sanay na akong pumasok sa palengke. Halatadong natuwa si Manang Aida sa kanyang narinig samantalang hindi ko naman alam kung naniwala ba si Joaquin sa mga sinabi ko dahil nanatili lamang siyang nakatingin sa akinhabang blangko ang kanyang expression.

Para hindi ako mailnang na kumilos ay humingi ako ng pera kay Joaquin at humiwalay ako sa kanila. Baka kapag hindi ako humiwalay sa kanila ay mabuko nila na hindi ako si Feelin bago pa kami matapos mamalengke. Nagtungo ako sa bilihan ng hipon't alimango at bumili ng tig isang kilo. Magpi-prinsinta akong magluto para sa tanghalian namin at butter shrimp ang lulutuin ko at ginataang alimango. Favorite ko ang dalawang ito kaya hindi maaaring hindi ko sila lutuin. Sa bahay ni tiyang ay ilang piraso lamang ng hipon ang nakakain ko pati na rin ang ginataang alimango kapag nagluluto ako. Mga tira-tira na nga lang ang akin at malas pa kung walang matira. Pabibilhin na lamang ako ni tiyang ng sampung pisong pakbet sa karinderya na malapit sa amin kapag naubusn nila ako ng ulam. Minsan masakit sa dibdib. Masarap ang ulam nila na ako pa ang nagluto pagkatapos uubusan ako at pabibilhin na lamang ng gulay.

"Okay lang. Hindi rin naman kasi

Pagkatapos kong makabili ng hipon at alimango ay naglakad ako para hanapin ang dalawa. At dahil palingon-lingon ako sa aking paligid kaya hindi ko nakita ang isang lalaking naglalakad pasalubong sa akin. Pareho kaming nagkagulatan nang magkabanggaan kami.

I'm sorry, Miss. Hindi ko sinasadya," mabilis na paumanhin sa akin ng lalaki.

"Okay lang. Hindi rin naman kasi ako nakatingin sa nilalakaran—"

"Florence? Ikaw ba iyan?"

Napahinto ako sa pagpagpag ng laylayan ng aking damit na nabasa dahil dumikit ang plastik ng hipon at umangat ang aking mukha para tingnan kung sino ang lalaking nakabangga ko at nakilala niya ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino siya. Si William na anak ng aking amo sa aking part-time na paglalabada. Malapit sa akin si William dahil kahit na may kaya ito ay hindi ito nangingiming makipagkaibigan sa akin.

"W-William? Ano ang ginagawa mo rito?"

Napangiti ito sa aking tanong. "Siyempre namamalengke. Sinamahan ko si Mommy na mamalengke para may tagabuhat siya. Day off kasi ng driver namin kaya wala siyang kasama," paliwanag nito. Halatadong tuwang-tuwa ito sa pagkikita namin. Ngunit mayamaya ay biglang kumunot ang noo nito sa pagkakatingin sa akin. "Ano ang nangyari sa'yo? Alam mo bang galit na galit ang tiyang mo sa hindi mo pagsipot sa kasal mo? Huwag ka raw magpapakita sa kanya at malilintikan ka raw."

"Mahabang istorya, William. Pero ipapaliwanag ko sa'yo kapag magkita tayong muli. At saka sana ay huwag mong mabanggit kay tiyang na nagkita tayo," pakiusap ko sa kanya.

"Makakaasa ka, Florence. Hindi ko sasabihin sa tiyang mo na nagkita tayo," may dinukot itong gusot na papel sa bulsa nito na mukhang listahan ng kanilang mga bibilhin. Pumunit ito ng maliit na bahagi pagkatapos magsulat at ibinigay sa akin. "Siyanga pala, heto ang number ko at baka kailangan mo ng tulong."

Nakangiting tinanggap ko ang papel. Kapag umalis ako s abahay ni Joaquin ay may mahihingan na ako ng tulong kahit paano. Kapit lang ako sa patalim kaya tatanggapin ko ang tulong na iaalok niya.

"Maraming sala—

"Feelin!" matigas ang boses na tawag sa akin ni Joaquin. Nang lingunin ko siya ay madilim ang mukha niya habang nakatingin sa amin ni William.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalang itinawag sa akin ni Joaquin sa harapan ni William. Mukhang ngayon pa yata ako mabubuko sa aking pagpapanggap bilang Feelin.

"Feelin? Bakit ka niya tinawag na Feelin, Florence?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status