Share

NO LABEL

KANINA pa pinagmamasdan ni Tanya si Alvaro na abala naman sa pagbabasa ng hawak nitong dokomento. Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina nito na nasa pinakatuktok ng may limapo’t-limang palapag na Moonlight Hotel na pag-aari ng lalaking kanyang kaharap.

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Tanya na nanatiling nakatutok sa lalaking kanina lang ay tila walang pakialam sa paligid nito. Ni hindi nga siya nito gaanong kinikibo simula nang dumating siya sa opisina nito. Ngunit nang tumunog ang cellphone nitong nakapatong sa mesa ay kaagad iyong dinampot ni Alvaro.

Samantala, sumilay naman ang matamis na ngiti sa mga labi ni Alvaro nang makitang galing kay Riko ang mensahe. Mabilis niya iyong binasa.

[Hi, baby. I miss you and I love you.]

Mas lalo pang lumawak ang ngiti sa mga labi ni Alvaro dahil sa kanyang nabasa.

“You seem so happy, ha.”

Bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Alvaro nang marinig niya ang boses ni Tanya.

“Tanya?” bakas ang pagtataka sa anyo na untag ni Alvaro habang nakatitig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status