Share

YOU

Eksaktong ala-una nang ibaba ni Riko ang suot niyang headphones. Mabilis namang umikot si Kenji papasok sa Dj’s booth para pansamantala siyang palitan.

“Thanks!” malakas ang boses na ani ni Riko kay Kenji na tumango lang at itinuon na ang atensiyon sa turntable.

Inayos naman ni Riko ang hoodie ng suot niyang pullover bago pasimpleng humalo sa mga taong patuloy na nakikisabay sa maharot na tugtog. Bahagya siyang yumuko at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa staff room.

Nang makapasok sa staff room ay kaagad na tinungo ni Riko ang locker niya. Binuksan niya iyon gamit ang hawak niyang susi. Mabilis niyang kinuha mula sa dala niyang maliit na backpack ang cellphone niya.

Kaagad niyang tiningnan kung may message siya mula kay Manang Linda. At nang makita niyang wala ay nakahinga nang maluwag si Riko. Bilin niya sa matanda na tawagan o kaya ay i-message kaagad siya nito kapag may nangyari. Kahit kasi halos isang taon na silang hiwalay ni Ian ay hindi pa rin siya panatag lalo pa nga at nagbanta ang lalaki na hindi raw ito titigil hangga’t hindi sila bumabalik ni Loreen dito.

Kaya para makasigurong hindi malalaman ni Ian kung saan sila nakatira ni Loreen ay hindi niya ipinaalam kahit na kanino sa pamilya niya kung saan sila lumipat. It’s a good thing na hindi kilala ng lalaki si Reeze kaya panatag ang loob niya. Nakilala niya kasi si Reeze nang minsang pumunta siya sa Baguio para sa isang seminar.

Ilang saglit pa muna siyang nanatili sa loob ng staff room para makapagpahinga. Hinilot din niya ang binti niyang nagsisimula nang kumirot dahil sa matagal na pagkakatayo. Pagkatapos maubos ang tinimpla niyang kape ay tumayo na si Riko. Dumiretso siya sa comfort room na para lamang sa staff ng Velvet Lounge para mag-retouch.

Nang masigurong maayos na uli ang itsura niya ay lumabas na rin siya ng comfort room. Ipinasok niya ang magkabilang kamay sa bulsang nasa harapan ng suot niyang pullover. Ilang hakbang na lang at mararating na niya ang Dj’s booth nang bigla siyang hilahin ni Reeze.

“Kanina pa kita hinahanap,” malakas ang boses na turan ni Reeze kay Riko na wala sa loob namang napasunod sa kaibigan.

“Hey, where are you taking me?” nagtatakang sita ni Riko sa kaibigan nang tila mahimasmasan.

Lumingon si Reeze at kumindat. “Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko.” sagot niya.

Kumunot ang noo ni Riko. Pumasok sa kanyang isipan ang lalaking nakita niyang kausap ni Reeze kanina. Siya ba ang tinutukoy nitong kaibigan?

Dahil sa kanyang naisip ay biglang kinabahan si Riko. Kinakabahan siyang hindi niya mawari.

“Kailangan ko nang bumalik sa–”

“Mabilis lang ‘to…” pagpipilit ni Reeze na patuloy na hinihila si Riko patungo sa isang pamilyar na dereksiyon.

“Reeze–”

Ngunit hindi na naituloy ni Riko ang kanyang sasabihin nang mapansin niyang naroon na sila sa harapan ng mga kaibigang sinasabi nito.

“Reign, meet my best friend, Rik.” ani ni Reeze sa magandang babaeng kasama ng masungit na lalaki. “And, Rik, this is Reign.”

“Hi!” malakas ang boses na ani ni Reign sabay abot ng isa nitong kamay kay Riko. “It’s so nice to meet you, Rik.” dugtong pa nitong nakaguhit sa mga labi ang masayang ngiti.

Napangiti na rin tuloy si Riko. Nakakahawa naman kasi ang kasiglahan ng babae. Maputi ang babae. Matangos ang ilong. Bilugan ang mga matang binagayan ng malalantik na pilikmata. Pouty din ang mga labi nitong napipinturahan ng kulay pulang lipstick. Maliit ang mukha at kulay pula ang mahabang buhok.

In short, para itong buhay na manika. Mapapa-sana all ka na lang talaga.

“Hello,” tipid na turan ni Riko sa babati na kaagad namang bumungisngis.

“Ang tipid mo namang magsalita. Para kang itong kasama ko.” komento ni Reign bago nito ibinaling ang pansin sa katabing lalaki. “Rik, meet my best friend, Alvaro. Roh, si Rik.” pakilala nito sa dalawa.

Alanganin man ay inabot pa rin ni Riko ang kanang kamay sa lalaki ngunit nabigla siya nang sa halip na tanggapin ang pakikipag-kamay niya ay tinapunan lang siya nito ng blangkong tingin.

Sandaling umawang ang mga labi ni Riko. Naningkit ang mga mata niya kasabay ng unti-unting pagkalukot ng kanyang ilong. Ibinaling niya kay Reign ang paningin at bagot na nagpaalam sa babae.

“Babalik na ako sa booth ko. Enjoy your night, Reign…” aniya sa babae bago tumalikod. Ni hindi niya tinapunan ng tingin si Alvaro na patamad namang dinampot ang baso nito na may lamang alak.

“Rik!” tawag ni Reeze ngunit sa halip sa sagutin ang kaibigan ay itinaas lamang niya ang kanang kamay at binigyan ito ng dirty finger sign. Hindi rin siya nag-abalang lingunin ang kaibigan.

Nang tuluyang makalapit sa booth ay kaagad siyang sinalubong ni Kenji.

“What happened?’ tanong ng lalaki kay Riko.

Nakita nito ang nangyari dahil habang pansamantalang pinalitan si Riko ay hindi naman nito hinihiwalayan nnnng tingin ang girlfriend na si Reeze.

Hindi mapinta ang mukha na dinampot ni Riko ang headphone niya at isinuot iyon sa kanyang tainga.

“That asshole…” usal niya.

DALAWANG LINGGO na rin ang nakakalipas simula nang makabalik si Alvaro sa San Bartolome. Nakapanganak naman nang maayos ang kanyang kabayo pero masama ang loob niya. Naisahan kasi siya ni Reign. At oo, naiinis siya. Nauwi sa wala ang pagpayag niyang samahan ito sa Velvet Lounge.

Paano naman kasi, binigyan lang naman siya ng malditang babae ng pa-expire nang gift certificate ng Nerds’. Flight na niya kinabukasan kaya ibinilin niya sa babae na i-email na lang nito sa kanya ang gift certificate.

Balak niya sanang sa bayan ng Santa Barbara i-redeem ang nakuha pero laking pagkadismaya niya nang makitang isang araw na lang ay mag-e-expire na iyon. Nagkataong nang araw ding iyon manganganak ang kabayo niya kaya hindi siya makaalis. Mas malaki ang mawawala sa kanya kapag hindi niya mababanyan nang maayos ang alaga niya.

Masama man ang loob ay walang nagawa si Alvaro kundi hayaan na lamang na hindi niya mapakinabangan ang nakuhang gift certificate. Kaya naman niyang bumili pero sayang din ‘yon. Mahalaga ang bawat salaping kinikita niya kaya tuwang-tuwa sana siya dahil magkakaroon siya ng libreng kape at cake mula sa Nerds’.

Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang biglang tumunog ang cellphone niya. Dinukott niya iyon mula sa suot na pantalon at nang makita ang pangalang nakasulat sa screen ay kaagad na umusim ang mukha niya.

“Oh, bakit?” masungit na bungad niya.

“Roh!” tili ni Reign mula sa kabilang linya.

Mabilis na inilayo ni Alvaro ang hawak na cellphone sa kanyang tainga. Pakiramdam niya ay nabingi siya dahil sa matinis na boses ng babae.

“What?!” maasim ang mukha na untag pagkatapos i-on ang speaker ng cellphone. Nilapag niya iyon sa kanyang working table at humalukipkip na tila ba kaharap lang niya ang babae.

“Samahan mo ulit ako sa Velvet Lounge–”

Hindi na niya pinatapos si Reign sa iba pa nitong sasabihin.

“Ayaw ko!” matigas ang tinig na aniya. Muling pumasok sa kanyang isipan ang gift certificate na hindi niya napakinabangan.

Humagikhik si Reign sa kabilang linya.

“Sorry na kasi,” anito pa ngunit bakas sa boses ang pinipigil na tawa. “bibigyan kita ng bagong gift certificate. Dawala at next month pa ang expiration. Pambawi ko sa’yo–”

“The answer is still no!”

“Sige na kasi, Roh…” dinig ni Alvaro na ani ni Reign sa kabilang linya.

Kung hindi siya nagkakamali ay nakanguso pa ito ngayon habang sinusubuka na naman siyang i-scam.

“Siraulo ka ba? Paano kita masasamahan, eh, nandito ako sa San Bartolome–”

“Libre ko ang pamasahe mo balikan plus two gift certificate at may hardbound ng new released book ni Andrew Reynolds.”

Napaunat sa kanyang kinauupuan si Alvaro nang marinig ang sinabi ni Reign. Sandali siyang napaisip. Mukhang hindi na siya talo sa offer nito. Saka ‘yong Waves and Tales na bagong release ni Andrew Reynolds, hindi niya mapapalagpas ‘yon.

“Seryoso?” naninigurong tanong niya kay Reign.

“Oo nga. Check mo pa, nai-email ko na sa’yo ‘yong gift certificate mo. “Yong book naman ni Andrew Reynolds, makukuha mo kaagad pagdating mo rito sa Manila.”

Mabilis na pinindot ni Alvaro ang intercom at nang sumagot ang secretary niya ay tinanong niya ito.

“May email ba ako from Reign?”

“Yes, Sir. Kararating lang po.”

Napa-angat ang kilay ni Alvaro. Sumandal siya sa kanyang swivel chair at napangisi.

“Okay…” aniya.

“Cool!” tuwang sabi ni Reign mula sa kabilang linya. “Check mo na din ang e-mail mo, na-send ko na ang ticket mo. Balikan ‘yan. Get ready na dahil ala-una ang flight mo. Babye!”

Bago pa man makasagot si Alvaro ay nawala na sa kabilang linya si Reign. Napatanga na lamang siya at walang nagawang tumayo para magbihis.

Minsan talaga ay napapaisip na siya kung paano niyang napagta-tiyagaan si Reign.

FRIDAY NIGHT at breaktime ni Riko. Nagpalit sila ng schedule ng isa pang Dj ng Velvet Lounge. May sakit daw kasi ang asawa nito kaya nakipagpalit sa kanya.

Kasalukuyang kausap ni Riko si Reign. Kasama uli nito si Alvaro na himala yatang hindi masungit ngayon. Hindi ito nagsasalita pero maayos naman ang itsura nito. Nagtataka tuloy si Riko. Ano kaya ang nakain ng lalaki?

‘Nakalunok siguro ng gold bar.’ bulong ng isipan ni Riko.

“How long have you been here?” interesadong tanong ni Reign kay Riko.

Ilang minuto bago ang break niya ay lumapit ang babae sa Dj’s booth kanina. Gusto raw siya nitong makausap at hindi na niya nagawang tumanggi dahil hinintay pa siya ng babae.

“Almost two months.” sagot niya sa babaee habang nilalaro ng hinturo ang isang parte ng labi ng hawak niyang baso na may lamang ladies drink.

“Really?” ani ni Reign bago binalingan si Alvaro. “Roh, punta lang ako ladies room. Ikaw na muna ang bahala kay Rik.” aniya sa lalaking kaagad na kumunot ang noo.

“What?!”

“Huwag mong sindakin.” bilin pa ni Reign bago ito tuluyang tumayo.

Ilang sandali pa ay sina Riko at Alvaro na lamang ang naiwan. Pareho silang tahimik at nagpapakiramdaman. Nang hindi makatiis ay ibinaba ni Riko ang hawak na baso.

“I—”

“No…” putol ni Alvaro sa sasabihin ni Riko. “Stay!” may diin sa tinig na aniya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Riko. Hindi niya nagustuhan ang tila pautos na pagkakasabi ng lalaki ngunit hindi na lamang kumibo.

Muli niyang dinampot ang basong hawak niya kanina at inisang lagok ang laman niyon.

Hindi na uli nagsalita si Alvaro kaya tahimik lang din si Riko. Gusto niyang iwanan ang lalaki pero tila ayaw namang makisama ng mga paa niya.

Napakamot naman si Alvaro sa gilid ng kilay niya. Sinulyapann niya ang suot na relong-pambisig. One-fifteen pa lang. Ang alam niya ay thirty minutes ang break ni Riko.

“Mind if we go outside?” aniya sa babaeng kaagad na nangunot ang noo.

“Excuse me?” untag ni Riko.

Ano raw? Tama ba ang dinig niya?

Mahinang tumikhim si Alvaro bago muling nagsalita.

“Masyadong maingay dito. Masakit sa ulo.”

Umangat ang kilay ni Riko ngunit hindi na nagkomento. Tumayo siya pagkatapos damputin ang isang boteng beer. Humakbang siya patungo sa backdoor ng Velvet Lounge. Nakasunod sa kanya si Alvaro na paminsan-minsan siyang hinahawakan sa braso kapag nababangga siya ng mga sumasayaw.

Nang makalabas ng Velvet Lounge ay tahimik na umupo si Riko sa hagdanang bakal na limang baitang din ang taas. Nakatayo naman si Alvaro sa ikalawang baitang at nakasandal sa railings na bakal. Abala ito sa hawak na cellphone kaya hindi na pinansin ni Riko.

Tahimik niyang tinungga ang hawak na bote ng beer habang nakatanaw sa malayo.

“I’m sorry, nag-text lang ako kay Reign. Baka hanapin tayo.” ani ni Alvaro kay Riko.

Nagkibit ng balikat si Riko. “No problem.” tipid niyang sagot bago muling dinala sa bibig ang hawak na bote.

Ngunit bago pa man iyon lumapat sa mga labi ni Riko ay mabilis na inagaw ni Alvaro ang bote.

“Hey!” medyo iritableng ani ni Riko bago tumayo at nilapitan si Alvaro. Pilit niyang kinukuha sa lalaki ang botte.

“Stop…” ani ni Alvaro.

“Akin na ‘yan!” sikmat ni Riko.

“Marami ka nang nainom.”

“So? Ano naman ang pakialam mo?!”

Pumalatak si Alvaro. Hindi niya akalain na bukod kay Reign ay makakatagpo pa siya ng babaeng matigas din ang ulo. At hindi niya alam kung saan nanggagaling ang kagustuhan niyang mapalapit dito.

“Kung gusto mong maglasing, sasamahan kita but not now.”

“Just give me the fucking beer!” gigil nang singhal ni Riko kay Alvaro.

Pero dahil mas matangkad si Alvaro kay Riko ay hindi niya makuha mula rito ang bote ng beer. At sa pagpipilit niyang abutin iyon ay hindi niya ng huli na nakahawak na siya sa dibdib ng lalaki at nakapulupot naman ang isang kamay ng una sa beywang ng babae. Nag-aalala kasi si Alvaro na baka mawalan ng panimbang si Riko lalo na’t marami na itong nainom.

Nasa ganoong posisyon sila nadatnan ni Reign.

“Ops!” nanunuksong ani ng bagong dating.

Napatigil naman sa pag-aagawan ng bote ang dalawa at saka pa lang din nila napansin ang kakaiba nilang posisyon.

“Fine!” inis na sabi ni Riko kay Alvaro bago padabog na tinalikuran ang lalaki. “Babalik na ako sa loob.” aniya kay Reign na ngiting-ngiti namang tumango.

Nang tuluyang makapasok sa loob ng Velvet Lounge si Riko ay nanunuksong nginisihan ni Reign si Alvaro na napabuntong-hininga na lang.

“What was that, huh?” tanong pa ni Reign. Ni hindi nito itinago ang panunukso sa tinig.

Umikot ang mga mata ni Alvaro. “Ewan ko sa’yo…” aniya sa kaibigan na bumungisngis lang bilang tugon.

WALA SA LOOB NA NAPAHILAMOS sa kanyang mukha si Alvaro. Muli niyang tiningnan ang pangalang nakasulat sa malaking signage na nasa kanyang harapan.

Velvet Lounge…

“Shit!” mahinang usal niya bago umalis mula sa pagkakasandal sa kanyang sasakyan. “What the hell am I even doing here?” dugtong pa niya bago tumalikod.

Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Basta natagpuan na lamang niya ang sarili na sakay ng kotse at bumibiyahe palabas ng Manila. Unaware of where he’s going to, nagpatuloy lamang siya sa pag-drive. Lumipas ang isang oras mahigit at naroon na siya sa parking lot ng isang pamilyar na lugar.

Ang club ni Lance kung saan nagta-trabaho si Riko bilang isang Dj.

“This is crazy…” bulong niya bago binuksan ang kanyang sasakyan.

Pasakay na sana siya nang bigla niyang marinig ang isang pamilyar na tinig.

“Alvaro?” tila naninigurong tawag ni Riko sa nakatalikod na lalaki. "It's reaaly you!"

Nagpalinga-linga pa siyya para tingnan kung nasa paligid si Reign. At nang makitang wala kahit na kapirasong anino ng babaeng palagi nitong kasama ay tuluyan nang nangunot ang noo niya.

“Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Riko.

Napatigil naman sa akmang pagpasok sa loob ng dala niyang kotse si Alvaro. Lumingon siya sa gawing pinanggagalingan para lang matigilan. Napatitig siya sa babaeng nakatayo, ilang metro ang layo mula sa kanya.

‘Pretty…’ komento ng isang bahagi ng isipan ni Alvaro.

“Hey…” tawag-pansin ni Riko sa lalaking nakatitig lang sa kanya.

Tumikhim ng mahina si Alvaro. Napakamot din siya sa kanyang batok bago pilit na ngumiti.

“Ah,” naghahagilap ng sasabihin na usal niya.

Ano nga ba ang idadahilan niya? Ayaw naman niyang sabihin na basta na lang siyang nag-drive na hindi alam kung saan pupunta tapos namalayan na lamang niyang nadoon na siya sa harap ng Velvet Lounge.

“Ah?” panggagaya ni Riko habang naghihintay ng iba pang sasabihin ni Alvaro.

Muling napakamot sa batok niya si Alvaro bago muling nagsalita.

“Ah, napadaan lang.” hindi nag-iisip na sabi bago lihim na napangiwi.

‘Shit, man…that was so lame!’ anang isipan niya.

Umangat naman ang kilay ni Riko bago tumango-tango.

“Oh, I see…” ani na lamang niya.

Ayaw niyang isipin na sinadya siya ni Alvaro doon dahil alam niyang imposible iyon. At kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi ang kagaya niya ang tipo nitong babae.

Tiningnan ni Alvaro ang suot niyang relong-pambisig. Pasado alas-kuwatro na ng umaga. Alas-singko ng umaga ang out ni Riko. Nabanggit iyon ni Reign sa kanya nang minsang mapag-usapan nila ang babae. Kung bakit napunta kay Riko ang usapan nila ay hindi na niya tanda.

“Malapit na ang out mo,” simula ni Alvaro. Pinagkiskis pa niya ang mga palad na tila ba sa pamamagitan niyon ay mababasawan ang kabang nararamdaman niya.

Kabang hindi niya alam kung saan nanggagaling.

Muling umangat ang kilay ni Riko. Tumango siya bilang pagsang-ayon. Hindi na siya nagtanong kung bakit nito alam ‘yon.

“Uh-huh,” tugon niya habang nakatayo sa harapan ng sasakyan ni Alvaro. Nakapangalumbaba naman ang lalaki sa bubong ng kotse nito.

“Ah, mind if I invite you for a cup of coffee?”

Sandaling napatitig si Riko kay Alvaro. Maliwanag sa kinaroroonan nila dahil sa nakabukas na ilaw sa posteng nasa hindi kalayuan.

“Well?” untag ni Alvaro kay Riko nang wala siyang makuhang sagot mula rito. Nadoble naman ang kabang nararamdaman niya dahil doon.

“Yeah, sure…” sagot ni Riko pagkaraan ng ilang saglit.

Kaagad na lumiwanag ang mukha ni Alvaro.

“Really?” paniniguro niya.

“Oo naman.”

“Good…good!” hindi maitago ang tuwa sa tinig na aniya kay Riko. “So, I’ll wait for you here?” turan niya.

Nagkibit ng balikat si Riko.

“Sige…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status