Share

THE RANCHER'S OBSESSION
THE RANCHER'S OBSESSION
Author: Bryll McTerr

VELVET LOUNGE

SERYOSO ANG anyo na pinagmasdan ni Riko ang hawak na regalo na nakabalot ng kulay silver na gift wrapper. Noong nakaraang buwan pa niya napaghandaan ang bagay na gusto niyang ibigay kay Ian. It's their anniversary—6th year anniversary to be exact.

Bago tuluyang bumaba sa kanyang second hand na kotse ay sandali munang sinulyapan ni Riko ang sarili sa maliit na salaming nakapatong sa ibabaw ng dashboard. Isang simpleng ngiti ang pilit na sumilay mula sa magkabilang sulok ng kanyang mga labi.

Manipis na lipstick at blush-on lang ang ipinahid niya sa kanyang mga labi at mukha. Hinayaan din niyang nakabagsak ang alon-along buhok na bumagay naman sa simple niyang ayos. Nang makontento sa kanyang itsura ay tuluyan na niyang binuksan ang pinto ng kotse sa kanyang tabi at bumaba.

Sukbit sa kaliwang balikat ang maliit na shoulder bag ay tuluyan nang humakbang si Riko patungo sa nakasaradong gate ng townhouse na inuupuhan nila ni Ian. Wala ang sasakyan ng lalaki sa garahe kaya tiyak niyang nasa trabaho pa ito. Alas-singko pa lang ng hapon at kadalasang lumabas sa opisina ang lalaki niya ng pasado alas-sais.

Yes, Ian and her have been living together for years now. Hindi naging madali para kay Riko pero kinakaya niya. Ginagawa niya ang part niya para lang manatili silang buo, hindi para sa sarili niya kundi para sa anak nilang si Loreen. Kung hanggang saan at kailan niya kakayanin, iyon ang hindi niya alam.

Sa totoo lang ay kasal na lang ang kulang sa kanila ni Ian pero hindi kasama sa priority ni Riko ang pagpapakasal kaya nang alukin siya ng lalaki ng kasal noong ipagbuntis niya ang anak nilang si Loreen ay tumanggi siya, isang bagay na labis na dinamdam ng lalaki.

Bahagyang yumuko si Riko para kunin ang susi mula sa sukbit niyang maliit na bag. Ipapasok na sana niya iyon sa keyhole nang mapansin niyang hindi nakalapat nang maayos ang pinto. Kumunot ang noo ni Riko at nagtatakang dahan-dahang itinulak ang nakasaradong pintuan.

Kinakabahang bahagyang sumilip siya sa loob. Wala ang kasama nila sa bahay na si Manang Linda kapag ganitong oras dahil dinadala ng matandang babae si Loreen sa park na nasa loob lang din ng subdivision. Nag-aalala siyang baka may nakapasok na magnanakaw sa loob ng town house ngunit nang makitang maayos naman ang lahat sa loob ay kaagad siyang nakahinga nang maluwag.

Tuluyan ni Riko itinulak pabukas ang pinto habang nakakunot pa rin ang noo. Hindi ugali ni Manang Linda na iwanang bukas ang pinto ng townhouse. She would always make sure that she locked the windows and doors whenever she's out, kagaya ng madalas niyang bilin dito.

Nagtataka man dahil bago iyon kay Riko ay ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Pagsasabihan na lamang niya si Manang Linda mamaya. Tatlong taon na sa kanila ang edad singkuwenta mahigit na ginang at ito ang unang beses na nangyari iyon.

Muli niyang isinara ang pinto bago humakbang palapit sa mahabang sofa. Ipinatong niya roon ang dalang paper bag na may lamang regalo pati ang kanyang shoulder bag. Napailing pa siya nang masulyapan ang dalawang baso na nakapatong sa ibabaw ng salaming center table. May laman ang isa samantalang wala naman ang isa.

Walang pagmamadaling lumapit si Riko sa center table para kunin ang dalawang baso. Ugali na ni Ian na gumamit ng hindi lang isang baso kundi higit pa kapag tinatamad itong kunin ang unang baso na ginamit nito. Ngunit dahan-dahang gumuhit ang gatla sa noo niya nang mapansin ang kulay pulang pintura sa labi ng basong mayroon pang laman. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib at mabilis na dinampot ang baso. Tinitigan niyang mabuti ang pulang pintura para makasiguro.

"Oh, God, Ian..."mahinang usal ni Riko. "Not here, you idiot!" kuyom ang isang palad na bulong ni Riko kasabay ng panliliit ng singkit na mga mata.

Inilapag ni Riko ang hawak na baso sa ibabaw ng center table at wala sa loob na napatingala sa ikalawang palapag ng town house. Ayaw man niyang isipin pero hindi siya tanga. This isn't the first time that Ian betrayed her pero dahil pangarap niya talagang magkaroon ng buong pamilya ay paulit-ulit din niya itong pinapatawad at tinatanggap. Isang bagay na labis na ikinagagalit ng pamilya niya lalo na ng kanyang Lola.

Bumigat ang paghinga ni Riko. Napaupo siya sa sofa at wala sa loob na nasapo ang mukha. Hindi niya alam kung makakaya pa niyang tanggapin si Ian kapag nagkatotoo ang hinala niya. Ilang sandali pa muna siyang nanatiling nakaupo hanggang sa tuluyan na siyang nakaipon ng sapat na lakas ng loob.

Tumayo siya at nagpasyang harapin na ang kung anumang madadatnan niya sa kuwarto nila Ian. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa hagdan. Pigil na pigil ang kanyang paghinga nang i-apak niya ang kanyang paa sa unang baitang. Habang umaakyat ay mas lalo namang tumitindi ang tensiyong nararamdaman niya. She felt like she's about to pass out any moment soon. If ever, ito ang pinakamalalang ginawa ni Ian sa kanya. Sa mismong tirahan nila. Ni hindi nito naisip si Loreen.

Nang tuluyang makarating sa ikalawang palapag ay sandaling tumigil si Riko. Tinitigan niya ang nakasaradong pinto ng silid nila Ian at wala sa loob na napalunok ng laway. Huminga siya nang malalim bago tuluyang inihakbang ang mga paa palapit sa nakasaradong pinto ng kuwarto.

Tumayo siya sa tapat ng pinto at hindi na niya napigilan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Kahit hindi niya nakikita ang nangyayari sa loob ng kuwarto ay hindi rin naman siya ipinanganak kahapon para hindi mahulaan. Patunay ang mahihinang ungol na naririnig niya mula sa kung sino mang babae na kasama ni Ian sa loob.

Kumuyom ang mga palad ni Riko. Bumuga siya ng hangin bago tuluyang hinawakan ang seradura. Pinihit niya iyon at dahan-dahang itinulak ang pinto. Bagamat handa na sa maaaring makita ay hindi pa rin niya napigilan na hindi mabigla.

"Oh, God!" hindi makapaniwalang bulalas niya nang makita ang dalawang tila mga ahas na naglilingkisan sa ibabaw ng kama.

Ang kamang hinihigaan din niya tuwing gabi!

Napatigil naman sa ginagawa ang dalawa. Sabay pang napalingon kay Riko ang mga ito at parehong nanlaki ang mga mata. Their body froze as they both see her in tears.

"Rik..." usal ng babaeng hubo't-hubad na nasa ibabaw ni Ian. Nanlalaki ang mga mata nito. Marahil ay hindi nito inaasahang darating si Riko.

"Love..." taranta namang usal ni Ian at mabilis na itinulak paalis sa ibabaw nito ang kasamang babae.

Umiling-iling si Riko. Itinaas niya ang dalawang kamay para pigilan ang lalaki sa akmang paglapit sa kanya. Ni hindi nito nagawang takpan ang hubad na katawan.

"This is too much..."

“C’MON, ROH,” pilit na kumbinsi ni Reign kay Alvaro na kanina pa kunsimido dahil sa walang tigil na pangungulit ng babae sa kanya. “have a life, dude!” dugtong pa nito.

Umikot ang mga mata ni Alvaro. Ibinaba niya ang hawak na tasa ng kape. Kasalukuyan silang nasa coffee shop na pag-aari ni Reign. Paboritong tambayan niya ang Nerds’ lalo na kapag exhausted siya sa trabaho.

“No…” tigas sa kaiiling na tanggi ni Alvaro habang panay angg pag-iling. “Ayoko. Saka, maaga pa ang flight ko bukas pabalik sa San Bartolome. Manganganak ‘yong isa kong stallion. Kailangang nandoon ako.” turan niya bago tumusok ng blueberry cheese cake na nasa kanyang harapan.

Kaagad na umasim ang mukha ni Reign. “Puro ka payaman. Mayaman ka na. Have a break. Saka bukas pa naman ang flight mo. Hindi naman tayo magtatagal. Pakita lang tayo kay Lance saglit. Support sa bagong bukas niyang club. C’mon…” patuloy ni Reign. Inagaw din niya mula sa kamay ni Alvaro ang hawak nitong tinidor. “Bigyan kitang gift certificate ng Nerds’ basta sama ka lang.” aniya pa.

Kumunot ang noo ni Alvaro. Sandali siyang nag-isip. Sayang din ‘yong gift certificate na ibibigay sa kanya ni Reign. Saka mabilis lang naman daw sila. Malaki rin ang matitipid niya sa makukuha niyang gift certificate. Ang mahal pa naman ng mga kape at sweets sa coffee shop ng babae.

Bago pa man magbago ang kanyang isip ay tumango na si Alvaro.

“Sige. Anong oras ba ‘yon?” tanong niya kay Reign na kaagad namang lumiwanag ang mukha. Sumilay din ang masayang ngiti sa mga labi nito na tila ba nakarinig ito ng isang napakagandang balita.

“Ngayon na, magsasara lang ako.” sagot ni Reign na ikinatanga ni Alvaro.

What?! Ngayon na? Pinagloloko ba siya nito?

“Seryoso ka ba?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Lumabi si Reign. “ Oo nga.” Tugon ni Reign bago tinawag ang isang crew ng Nerds’. “Magsara kayo nang maaga ngayon, ha. Aalis kami ni Roh.” aniya sa babaeng kaagad namang tumango.

“Yes po, Ma’am Reign,” sagot nito.

Muling ibinaling ni Reign ang kanyang atensiyon kay Alvaro na tila masama ang loob na inuubos ang natitirang blueberry cheese cake.

“Let’s go, Roh. Mahaba pa ang biyahe natin. Sa Cavite pa ang club ni Lance.” aniya sa lalaking napatigil sa akmang paghigop ng kape.

“Cavite?” hindi makapaniwalang ulit niya sa sinabi ni Reign.

“Oo, sa Cavite pa kaya tara na.”

Napabuntong-hininga na lamang si Alvaro. “Hindi ka ba muna magbibihis?” untag niya.

Umiling si Reign. “Hindi na. Okay na ako at ayos na rin iyang suot mo.” Sagot niya.

Naka simpleng pantalong maong at navy blue na polo shirt si Alvaro samantalang si Reign naman ay naka-itim na bestida na medyo hapit sa katawan nito.

“Sigurado ka ba?” alanganing tanong ni Alvaro.

Kung sakali kasi ay ito ang unang beses na makakapasok siya sa isang club kaya wala siyang idea sa dress code ng lugar. Buong buhay niya ay nakatuon lamang ang buong atensiyon niya sa pagtupad ng kanyang mga pangarap. Sa awa ng Panginoon ay natupad naman niya ang lahat. Wala siyang pinagsisihan kahit pa ang sabi ng iba ay sayang daw ang lahat ng mga paghihirap niya kung hindi niya susubukang mag-enjoy.

“Oo nga. Tara na kasi.” ani ni Reign bago hinubad ang suot na puting blazer. Humakbang na rin ang babae palabas ng Nerds’ kaya napasunod na lamang si Alvaro rito.

“Okay…” aniya.

SATURDAY NIGHT na naman at kagaya ng inaasahan ay jam packed ulit ang Velvet Lounge, isang bagong bukas na night club sa bahaging iyon ng Emilio Aguinaldo Highway.

Ikiniling ni Riko ang kanyang ulo habang marahang iginagalaw ang balakang. Sumasabay siya sa kantang pinapatugtog niya. Itinaas din niya ang isang kamay na may na disposable na basong pula habang ang isang kamay ay abala sa pagkalikot sakaharap niyang turntable. Salikod naman niya ay may malaking LED screen kung saan nakasulat ang kanyang pangalan.

DJ RIK…

Punong-puno ang malawak na dance floor gayundin ang mga nakapalibot na kulay pulang lounges. Abala rin ang mga bartender sa pagsibli ng inumin sa mga taong nakatayo sa harapan ng bar.

“C’mon, the night has just started!” malakas na turan ni Kenji na nakatayo sa labas ng booth ni Riko. “Isayaw ang lahat ng frustrations, sakit, galit, disappointments. Kung man ang pinagdadaanan n’yo ngayon, dance it, people! End it tonight with a bang…and of course with our beautiful Dj Rik!”

And smoothly, mula sa maharot na tugtog ay bigla iyong napalitan ng breakup song pero nagawa iyon ni Riko na kaindak-indak sa tulong ng pagmix ng isa pang kanta na may mabilis na beat.

Isang lalaking suki na ng Velvet Lounge ang lumapit sa DJ’s booth. May hawak itong isang boteng beer at inabot iyon kay Riko.

“Aw, thanks…” may ngiti sa mga labi na turan ni Riko pagtapos senyasan si Kenji na kunin muna nito ang bote dahil busy pa siya sa pag-control at pag-mix ng kanta.

Mabilis naman iyong kinuha ni Kenji at ipinatong sa tabi ng turntable.

“Don’t get drunk.” bilin nni Kenji kay Riko pagkalapag niya ng bote.

Isang simpleng tango lang ang naging tugon ni Riko bago niya muling itinuon ang kanyang atensyon sa pag-mix ng mga kanta. Nang muli siyang mag-angat ng paningin ay dumako ang mga mata niya sa isang bahagi ng club.

Kumunot ang noo ni Riko kasabay ng pag-angat ng kanyang kilay.

‘Antipatiko…’ anang isang parte ng kanyang isipan.

Sa isang pang-apatang lounge ay nakaupo ang isang lalaki at isang babae. Natatamaan ng malamlam na liwanag mula sa kulay pulang ilaw ang mukha ng lalaki. Bakas sa anyo nito ang hindi maitagong pagkairita habang ang kasama naman nitong babae ay abala sa hawak na cellphone.

‘Baka may lover’s quarrel…’ bulong naman ng tsismosang bahagi ng pagkatao niya.

At tila naman inandya ng pagkakataon dahil biglang napatingin sa gawi ng DJ’s booth ang lalaki. Hindi alam ni Riko kung saan nanggaling ang kabang bigla na lamang pumuno sa dibdib niya. Wala sa loob na naibaba niya ang hoodie ng suot niyang itim na pullover.

“Shit…” pilit na kinakalma ang sarili na usal ni Riko nang hindi sinasadyang nasagi niya ang controller ng turntable kaya biglang napalitan ang tugtog.

That was uncalled. Kahit saglit lang na nagtama ang paningin nila ay kaagad na tumataktak sa isipan ni Riko ang makapal na kilay at matangos na ilong ng lalaki.

Inayos na lamang niya ang pag-mix ng kanta nang tuluyang makabawi. Dinampot din niya ang bote ng beer at deritso iyong dinala sa kanyang bibig. Dahil siguro sa biglaang pagkalito ay nakalahati ni Riko ang laman ng bote.

“Hey, slow down…” ani ni Kenji nang mapansin nito ang boteng hawak ni Riko na kalahati na lamang ang laman.

“I’m fine,” sagot niya sa boyfriend ng kaibigan niyang si Reeze.

Si Kenji ang nagpasok sa kanya sa Velvet Lounge. Kakilala nito ang may-ari ng club at nang sabihin niyang interesado siya sa trabaho nito ay kaagad siya nitong sinubukan. Kilalang Dj kasi si Kenji at marami itong kilalang may-ari ng malalaki at sikat na clubs. At nang makita nga nito na marunong siyang mag-mix ng kanta ay kaagad siya nitong inirekomenda sa may-ari ng kabubukas pa lamang na Velvet Lounge.

At sa kabutihang palad ay natanggap naman siya. Sa katunayan ay mahigit isang buwan na rin siyang Dj ng Velvet Lounge. And so far, so good.

Itinuon na ni Riko ang buong atensyon sa kanyang ginagawa. Iniwasan na rin niyang mapatingin sa kinaroroonan ng lalaking mukhang ipinaglihi yata sa dragon. Itsura pa lang ay kasing lamig na ng yelo.

‘Dragon na bumubuga ng yelo, ganon?’ singit uli ng atribidang bahagi ng isip ni Riko.

Dalawang oras mahigit na rin siguro ang lumipas nang matanaw ni Riko ang bestfriend niyang si Reeze. Kaagad itong kumaway sa kanya habang nagmamadaling humahakbang palapit. Sinalubong naman ito ni Kenji na nakatayo sa labas ngh Dj’s booth at ginawaran ng magaang halik sa mga labi.

“Hey…” bati ni Reeze kay Riko na itinaas ang hawak na shot glass. Galing din iyon sa isang costumer ng Velvet Lounge.

“Hey yourself,” aniya sa kaibigan bago inisang tungga ang laman ng shot glass. Napangiwi pa siya nang malasahan ang mapait na lasa ng alak. “Woah!” usal ni Riko nang gumuhit sa kanyang lalamunan ang init na dulot ng likido.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin si Reeze sa kanilang dalawa ni Kenji. May nakita raw kasi itong kakilala at nang sundan niya nang tingin ang sinasabi nito ay kaagad na natigilan si Riko.

‘Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, kakilala pala ni Reeze ang lalaki.’

‘Ano naman ngayon kung magkakilala sila? Big deal,girl’ singit uli ng isang parte ng isip ni Riko na sa totoo lang ay kanina pa niya napapansing panay ang kontra sa kanya.

Hanggang alas-singko ng madaling-araw na bukas ang Velvet Lounge, saka pa lang din matatapos ang trabaho ni Riko bilang Dj. Mayroon naman siyang kalahating oras na break kaya okay lang din.

“Five minutes!” usal ni Kenji kay Riko sabay taas ng kamay at sumenyas ng break time.

Tumango si Riko kasabay ng pagtungga ng natitirang beer mula sa ikalawang boteng beer na hawak niya.

Sa totoo lang nahihilo na si Riko. Marami-rami na rin ang naiinom niya at para sa kagaya niya na ilang taon na ring tumigil sa pag-inom ay nanibago ang katawan niya. Mula kasi nang ipagbuntis niya si Loreen ay tumigil na siya sa pag-inom ng alak. Ngayon lang ulit–simula noong pumasook siya sa Velvet Lounge bilang Dj.

Well, parte ng trabaho…

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status