LOGINIlang segundo siyang nanatiling nakatingin sa pintuang kakalabas lang ni Kieran. Hindi niya alam kung bakit biglang naging napakabigat ng kaniyang dibdib.Dapat ay makaramdam siya ng ginhawa. Dapat ay matuwa siya dahil hindi siya nito pinilit. Iyon naman ang gusto niya, hindi ba? Ang magkaroon ng pagkakataong umatras nang hindi siya kailangang magpaliwanag.Pero bakit parang siya pa ang nasasaktan?“Kieran…” Mahina niyang sambit, pero wala nang makakasagot sa kaniya.Napayuko siya at mariing pinisil ang kumot sa kaniyang mga kamay. Ramdam pa rin niya ang init ng katawan nito, ang mga halik nito, ang mababang tinig nitong paulit-ulit na humihingi ng kasagutan.At higit sa lahat, hindi mawala sa isip niya ang huling sinabi nito.... "Sleep now, Niks..." walang panunumbat, walang sama ng loob at walang pamimilit. Iyon ang mas masakit.“Bakit ba kasi hindi ko masabi?” bulong niya sa sarili. Pumikit siya. Kung tutuusin, napakasimple lang ng tanong ni Kieran... "Gusto mo ba?"Isang "oo" lang
"A-Ano ba, Kieran..." naiilang at utal niyang sabi.Nakaipikit ang mga mata habang subukang tinutulak ang matipunong dibdib nito palayo. Subalit sadyang mas malakas si Kieran kumpara sa kanya, kaya pilit man ang kanyang pagtulak ay tila balewala lang iyon at walang natamong silbi.Muli siya nitong siniil ng isang matinding halik, isang halik na kay lalim at tila unti-unting nanghihigop sa huling natitira niyang lakas. Kasabay niyon, ang isang kamay nito ay marahang sumasakop na sa kanyang dibdib, marahan at maingat iyong minamasahe na nagdulot ng panlalamig ng kanyang mga tuhod at matinding kuryente sa kanyang buong katawan."Ano, Nikita... answer me," pabulong pero may diing pautos na usal nito sa gitna ng kanilang paghinga.Pero nahihiya siyang sumagot. Masyadong mataas ang kanyang pride para aminin sa lalaki na unti-unti na ring natutunaw ang kanyang dipensa at nagugustuhan na rin ang ginagawa nito sa kanya.Ilang buwan na rin ba ang nakalipas simula noong nagtalik sila. At hindi l
Makalipas ang ilang segundo ay naiangat na ni Kieran ang maleta nito."Got it.""Good! Ngayon, umalis ka na!" mabilis niyang sagot.Napataas ng kilay si Kieran. "Bakit parang galit ka?""Hindi ako galit!""Talaga? Eh bakit namumula ka?"Agad niyang tinakpan ang magkabilang pisngi."H-Hindi ako namumula!"Tumawa si Kieran at bahagyang yumuko upang mapantayan ang kanyang mukha."Sure ka?"Napaatras siya ng isang hakbang. "Oo! At saka magsuot ka nga ng maayos! Hindi ka ba nilalamig?"Napatingin si Kieran sa sarili nitong katawan bago muling ngumiti. "Nahihiya ka ba?""Walang dahilan para mahiya ako!""Talaga? Kung ganoon, bakit hindi mo ako matingnan nang diretso?"Agad siyang natahimik. Sa sobrang pagkataranta ay hindi niya namalayang ilang segundo na pala niyang iniiwasan ang tingin nito. Napangisi si Kieran nang makita ang kanyang reaksyon."Sige na nga. Hindi na kita aasarin."Humawak ito sa hawakan ng maleta at nagsimulang tumalikod, pero bago ito tuluyang makaalis ay muli itong lum
Napakagat siya ng labi. Gusto niyang buksan ang pinto para batukan ang lalaki, pero pinigilan niya ang sarili. Makalipas ang ilang segundo ay biglang natahimik ang kabilang panig. Nagtaka siya... umalis na ba ito?Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at idinikit ang tainga rito, wala siyang marinig. Nag-aalinlangan siyang hinawakan ang doorknob bago marahang binuksan ang pinto pero pagkabukas na pagkabukas niya ay agad siyang napaatras.Nakatayo pa rin doon si Kieran, nakasandal sa dingding habang nakahalukipkip at nakangiti."Got you.""You idiot!" sigaw niya sabay hampas sa dibdib nito.Napatawa si Kieran habang hinuhuli ang kanyang dalawang kamay. "Ang bilis mo namang maniwala.""Bakit nandito ka pa?"Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Kieran. Marahan nitong tiningnan ang kabuuan ng kanyang mukha bago dahan-dahang nagsalita."Gusto ko lang makita kung nagustuhan mo talaga ang inayos ko sa kuwarto mo."Natahimik siya. Muli niyang nilingon ang silid. Ang bawat detalye... mula sa kama
Ipinagpatuloy nila ang pagkain, pero hindi na siya masyadong nagsasalita. Tahimik lang siyang sumusubo habang paminsan-minsang sumusulyap kay Kieran. Ganoon rin naman ang lalaki, hindi rin gaanong nagsasalita pero panay naman ang pagbabalat nito ng hipon at isa-isang inilalagay ang mga iyon sa kanyang pinggan. Halos mapuno na ng pagkain ang plato niya."I'm full." mahina niyang sabi makalipas ang ilang minuto.Ano ba sa pakiramdam nito, isa siyang kargador kung kumain? Halos lahat ng ulam ay inilagay na nito sa kanyang pinggan."Are you sure?" nagtatakang tanong ni Kieran habang nakatingin sa kanya."Yeah...""Ganoon ba? Sige." Tumango si Kieran bago lumingon kay Manang Esme. "Manang, pakidala naman dito ang pinabili ko."Nagtaka siya at agad na napatingin sa matanda na naglakad papunta sa refrigerator. Pagbalik nito ay may dala na itong isang puting kahon.Biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Pamilyar na pamilyar siya sa kahong iyon. Sigurado siyang cake ang laman niyon."Cheesecake
Natigilan siya sa narinig. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla siyang niyakap ni Kieran mula sa likuran. Mahigpit nitong ipinalupot ang mga bisig sa kanyang baywang at marahang ipinatong ang baba sa kanyang balikat."Ay, ang sweet n'yo naman!" kinikilig na sabi ni Manang Esme. "Mabuti pala at pumunta ka rito sa America para sundan ang mag-ina mo, Sir Kieran."Mas lalong humigpit ang yakap ni Kieran. "Mabuti nga po at pumunta ako dahil mukhang wala talagang balak si Nikita na sabihin sa akin ang kalagayan niya." Bahagyang may tampo ang boses nito.Agad na kumunot ang noo niya at siniko ang lalaki. "Shut up!""Totoo naman, ah." Natatawang sagot ni Kieran. "Ilang araw tayong magkasama sa hotel, pero wala kang sinasabi. Kung hind pa kita nabuko ay uuwi nalang ako ng Pilipinas ng walang alam at itago sa akin habang-buhay."“OA ka!” Depensa niya pero parang ganun na nga. Napabuntong-hininga na lang siya at umiwas ng tingin. Guilty naman kasi siya."Haaay, naku kayong mga bata kayo." Nak
FLASHBACK FIVE YEARS AGO (Fourth Year High School):“Kiss! Kiss! Kiss!”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nikita Valencia nang kunin ang kanyang piring sa mata. Nasa loob siya ng kissing booth, at ang kanyang kaharap ay walang iba kundi si Kieran Del Toro!Si Kieran ay ang kanyang long-time c
Bakit naman kasi napaglaruan siya ng tadhana? Ang nag-iisang lalaking crush niya simula ng high school ay anak pa ng girlfriend ng kanyang ama!... and worst, magiging step-brother niya!Matagal na siyang inaawitan ng kanyang daddy na umuwi para siya naman ang tumulong sa negosyo, pero ayaw niya. Fl
NIKITA MAGDRIGAL POV: "Keiran..." Halos pabulong na anas niya habang ang hininga ay naghahabol sa bawat dampi ng labi ng lalaki. "Yes, wifey? Masarap ba, hmmm?" malat na tanong ni Keiran. Ang boses nito ay parang humahaplos sa kanyang pandinig, mapanukso at puno ng pag-uudyok. "Baka... baka may
Napatingin siya sa lalaki. Hindi niya alam na marami palang nakakakilala sa kanya... lalo na si Kieran, tinawag siya nito sa kanyang pangalan kanina.Pagdating nila sa wedding booth ay ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang doon din si Kieran at tila may hinihintay.“Bro, here’s your bride.”“H







