THIS TIME

THIS TIME

last updateLast Updated : 2021-09-29
By:  Jolante424Completed
Language: English
goodnovel16goodnovel
10
54 ratings. 54 reviews
67Chapters
22.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

It only took one Summer Night, two years ago, for her life to completely be turned upside down. She had to make a decision then, alone and now 2 years later, she still lives with the feeling of something missing in her life. When she crosses paths with Reece Cullen, the man who left her out in the cold, all because to him, that night was nothing more than a mistake, she vows to never fall weak in front of him and give an insight of how affected she was, when he compared her to the others and demanded, that he get rid of the ' mistake.' One thing she can't do, is fall. No, never again.

View More

Chapter 1

Chapter 1.

Kinapa ko ang paa nang makaramdam ng pamimigat doon. At napasinghap nang malaman na may malaking bakal na nakakabit doon. Kinapa-kapa ko pa ang nakakabit na iyon nagbabakasakali na baka maari kong makalag sa mga paa ko pero hindi ko alam kung papaano iyon. 

"M-May t-tao po ba diyan?"nanghihina ang boses ko kasabay ng panginginig. Hindi ako nakakakita kaya hindi ko alam kung anong lugar ito at nasaan ako ngayon. 

Malamig ang lugar. Maging ang sahig na kinauupuan ko—malamig din. Nakakabingi na katahimikan ang bumabalot sa lugar. 

"N-Nasaan ako?" Umalingawngaw ang boses ko.

Naghintay ako ng ilang saglit ngunit tila binuhusan ng isang baldeg yelo nang makaramdam ng mainit na hininga malapit sa mukha ko. 

"Ssshhhh..." At mabilis na naitapat ang hintuturo sa mga labi ko.

Napasinghap ako nang biglang hawakan ng mala bakal niyang mga kamay ang braso ko. Napangiwi ako sa sakit dahil pakiramdam ko babaon ang kamay niya doon.

"N-Nasasaktan ako,"nanginginig kong turan. Dala na rin ng takot.

"I said I want to be with you."

Napanganga ako. "P-Po?"

Napaigik ako nang maramdaman na mas hinigpitan niya ang hawak sa braso ko. Bakit ganito siya kalakas? O baka dahil mahina lang talaga ako?

Pero nakikilala ko na ang may-ari ng boses. Ang lalaking ito...

"Say it you want to be with me too."

Mas hinigpitan niya pa para mapangiwi ako sa sakit. 

"Say it..." aniya sa baritunong boses. Ang hininga niya na amoy mint green. Nararamdaman ko na napakalapit niya sa mukha ko. At nakakakilabot ang uri ng boses niya. Tila may kalakip na kapahamakan doon iyon.

"A-Ano ba ang kailangan mo? H-Hindi po kita maintindihan—"

Napayuko ako sa sakit nang diinan niya na naman. Dyosko! Ano ba itong nangyayari? Ano ba ang kasalanan ko at ginagawa niya ito?

"I just want your simple 'yes'."

"Pakiusap..." Napaiyak ako.

"Please say it."

Nang mapansin na hindi ako nagsalita dahil sa kalituhan ay biglang hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang pisngi ko at pinisil. 

"Just say it,"aniya ngunit may diin sa boses.

Alanganin akong tumango. Wala pa ako sa sarili ngayon pero dahil iyon ang gusto niya ay kailangan ko sumunod. At nasasaktan na rin ako kaya wala akong magawa kundi ang pumayag.

"I want to hear it, from your mouth."binulong niya iyon sa tainga ko. Kumalat ang kilabot mula sa likod ko tungo sa batok dahil sa ginawa niya. 

"O-Opo." Nakagat ko ang ibabang labi ko. 

Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan. Maging ang labi ko ay nararamdaman kong nanginginig din. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko. 

Hindi ko alam kung anong nagawa ko at ginawa niya ito sa'kin. Hindi naman ako nagkulang sa pagsisilbi sa pamilya niya, lalo na sa kaniya. Kahit kailan sa kabila ng kapintasan ko ay ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko. Sinisikap kong huwag maging pabigat sa mga kasama ko sa mansyon na ito. Wala akong naalalang may nagawan akong atraso sa kanila lalo na sa kaniya. 

Araw-araw nararamdaman ko ang pagod ng katawan ko sa kakabanat ng buto. Gagawin ko naman ang lahat ng gusto nila. Kahit pa saluhin ko lahat ng gawain sa bahay na ito. Kahit ako ang pag-initan ng mga kasamahan ko. Ayos lang. Huwag lang ito. Kahit 'wag lang ito...

"Good to hear,"paanas niyang sabi.

Hindi ko kayang magsalita ulit pagkatapos ng pananakit niya. Natatakot akong baka gawin niya ulit iyon pag nagsalita ako.

"I'm sorry."

Ilang saglit ay naramdaman ko ang kamay niya na pinahid ang luha sa pisngi ko. Bahagyang napaurong ang ulo ko at napasinghap dahil sa ginawa niya.

"Let me take this." Hinawakan niya ang bakal sa paa ko. Mukhang aalisin niya na ang bakal na iyon. Kaya lang may napansin ako sa ibabang binti ko habang tinatanggal niya iyon. Tila kumakapal iyon, nanlalamig, parang namamanhid.

Nang tuluyan niya na iyong naalis ay balak kong tumayo at tatakbo kahit saan man ako dalhin ng mga paa ko. Mangangapa ako sa paligid hanggang sa makalabas ako at makalayo. Pero hindi ko iyon nagawa. Dahil hindi ako halos makatayo, walang lakas ang mga binti ko na hindi ko maintindihan kung bakit.

"I cut something inside your legs. I know, sooner or later tatakas ka."

Kinapa ko ang tuhod ko dahil doon ko naramdaman na may kirot. Naramdaman ko ang naka-cast kong mga tuhod. Anong pinutol niya? Ugat ba? Ugat ba sa binti ko ang pinutol niya kaya may binda ito ngayon at wala na akong nararamdaman dito? 

"Don't worry, maibabalik ko 'yan. Maging mabait ka lang, Yn."

"Paano mo nagagawa ito?"halos hindi ko na marinig ang boses ko sa panghihina. 

Bulag na ako tapos hindi pa makalakad? Parang napanghihinaan ako ng loob sa mga nalaman ngayon. Bakit nangyayari sa akin ito?

"Just behave and do you whatever I want. Dahil pwede ko rin kunin ang dila mo anytime so you can be totally a mute and blind."

Napasinghap ako nang buhatin niya ako sa mga bisig niya. Masuyo niyang iginiya ang braso ko upang isampay sa balikat niya.

"Mula sa araw na ito, dito ka lang... sa tabi ko."

Humihikbi pa rin ako habang nasa braso niya.

Nanghihina sa mga nalaman hindi ko halos masabi ang nasa isip. 

"I want you. Just for myself, exclusively for myself. I have to close the door, nobody can see you. I don't want someone staring at my property."

Ibinaba niya ako sa malambot na higaan. Pero mas gusto kong sumiksik sa sulok kaysa doon. Nanginginig pa ang mga daliri, ramdam na ramdam ko.

Inaari niya ako, anong utak mayroon siya? Kaya ba siya nakakulong sa silid na ito? Dahil ba doon? Kaya ba hindi namimili ng mga pinapapasok na katulong ang pamilyang Rojo?

Ito ba ang totoong pagkatao ng anak nila? Pero bakit ako ang napili niyang ikulong at ariin? Napakarami niya nang naging tagapagsilbi pero ako lang... ako lang ang nakaranas ng ganito. Ano na ang susunod na mangyayari sa akin? Kinakabahan na ako ngayon. Nasa kamay ako ng taong baliw na ito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Ratings

10
98%(53)
9
0%(0)
8
2%(1)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
54 ratings · 54 reviews
Write a review

reviewsMore

Gigi
Gigi
i definitely enjoyed reading this book. sweet love story..
2025-07-08 15:41:23
0
0
Nqobile
Nqobile
Loved this story!!! Well written. Great read.
2023-07-12 09:29:39
0
0
RUKIA K
RUKIA K
Love the story so far! I stopped spending on another story to read this one instead. This is now my priority story!
2022-01-24 06:17:08
2
0
Clubman
Clubman
loved the story, well written! well done author ......
2021-11-17 06:08:06
2
0
Stephanie Mercer
Stephanie Mercer
How many chapters are left?
2021-09-20 11:21:50
1
2
67 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status