LOGINCHAPTER TWO - GUSTO KITA
ATHENA'S POV Hindi ko inaasahang darating ang araw na ang simpleng paghanga ko ay mas lalalim at hihigit pa doon. Mula sa mga simpleng usapan namin, hanggang sa mga tingin na mabilis ko ring iniiwasan lalo na kapag nahuhuli niya akong nakatingin. Dahilan para lalo akong mahulog sa kanya. Tulad ngayong hapon. Matapos ang klase namin, nasa corridor kami nang hinawakan niya ako sa braso. “Athena, may sasabihin sana ako.” Napatingin ako sa kaniya. Binitawan niya ang braso ko. Sa loob-loob ko, nakaramdam ako ng kakaiba. Malakas ang tibok ng puso ko “Bakit?” Sandali siyang natahimik bago huminga nang malalim. “Gusto kita.” Diretso siya nakatingin sa akin. Parang huminto ang mundo ko. Totoo ba ang naririnig ko? Hindi ba ito isang panaginip? “Ano?” sabi ko, habang namumula ang aking mukha. “Sabi ko, gusto kita,” ulit niya. “Actually, matagal na.” Hindi ako agad nakasagot. Ang dami kong gabing ipinagdasal na sana, kahit minsan lang, makita niya ako bilang isang babaeng puwede niyang mahalin. At ngayon, naririnig ko mismo sa bibig niya ang mga salitang matagal ko nang gustong marinig. “Akhiro…” mahina kong sambit. Ngumiti siya at marahang hinawakan ang kamay ko. “Can I court you?” Hindi ko napigilang ngumiti. Nagkaroon ng pag-asa ang puso ko. “Oo, naman.” Sa mga sandaling iyon, naniwala akong may mga pangarap na talagang natutupad. Hindi nagtagal, naging magkasintahan kami. Mas naging maalaga siya sa akin. Hinahatid niya ako sa classroom, kinakamusta kapag hindi ako nakakapag-reply, at kung minsan ay hinihintay pa akong matapos sa swimming training ko. Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko ay wala akong kailangang patunayan. Hindi ko kailangang maging mas matalino kaysa kay Alexa. Hindi ko kailangang manalo sa lahat ng bagay. Dahil sa piling niya, sapat na ang pagiging ako. “Hey, girl! Ano 'tong nalalaman ko, ha? Totoo ba 'yun!” Napalingon ako kay Mavel, na halos tumalon sa tuwa habang nakangiting nakatingin sa akin. Para bang may malaking sikreto siyang nabisto. “Kaya siguro lagi ka na lang busy kapag niyayaya ka namin ni Wen, ha! Umamin ka na sa akin! Ikaw at si Akhiro na, 'di ba, Athena?” “Ha? Eh, ano ba? Saan mo naman nalaman?” tanong ko, kunwari'y walang alam. “Naku po! Nagmaang-maangan pa nga!” Napahalakhak siya. “Paano ko hindi malalaman? Ako pa ba? Ano, Athena Buenaventura, oo o hindi?” Napayuko ako habang pilit na pinipigilan ang ngiti ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maiitago ang saya sa mukha ko. Tila ba kusang nagliliwanag ang mga mata ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Akhiro. “Ah… eh, oo. Kami na,” mahina kong pag-amin. “Noong nakaraan pa. Sorry, Mavel. Hindi ko lang agad nasabi sa inyo. Ang bilis kasi ng mga pangyayari.” “OOOOHHHH! NICE, NICE!” Halos mapasigaw si Mavel. “Ikaw, girl! Hindi mo man lang sinabi sa akin na naka-jackpot ka na pala!” “Ano ka ba!” Natatawa kong tinapik ang braso niya. “Huwag kang maingay! Baka kung ano na naman ang isipin ng mga tao rito.” “Okay, okay! Pero mamaya, ikukuwento mo sa akin ang lahat, ha? As in, LAHAT! Walang itatago. Gusto kong malaman kung paano nagsimula, kung paano ka niligawan, kung paano naging kayo, at kung paano ka kinilig!” “Naku po, eto na naman siya!” Natatawa akong napailing. “Oo na, mamaya, ikukuwento ko sa iyo. Teka, nasaan si Wen?” “Hayaan mo na. Andiyan lang 'yon. Pero usapan natin, ha? Mamaya, wala kang takas!” Ngumiti na lang ako. Hindi ko alam kung bakit, pero sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko, napakapalad kong babae. May mga kaibigan akong handang makinig sa mga kuwento ko. May taong nagpapangiti sa akin kahit simpleng mensahe lang ang matanggap ko. At higit sa lahat, may isang taong maaari ko nang tawaging boyfriend. Akala ko, sa wakas, dumating na rin ang pagkakataon kong maging masaya. Hindi ko alam na balang araw, gugustuhin kong balikan ang mga sandaling iyon—ang mga panahong wala pa akong ibang iniisip kundi ang saya ng pagiging in love. BREAK TIME “Athena, tara na! Punta na tayo sa canteen!” aya ni Mavel. “Oo na, sige! Wait lang, may icha-chat lang ako.” Agad kong inilabas ang cellphone ko at binuksan ang conversation namin ni Akhiro. Napangiti ako nang makita ang huli niyang mensahe. Ilang segundo akong nag-isip bago ako nagsimulang mag-type. 'Me: Hello, Akhiro! Hindi muna ako makakasama sa iyo ngayon, ha? Kasama ko kasi sina Mavel at Wen. Sorry na. Promise, sa susunod, babawi ako, okay?' 'Me: I love you po. ' Ilang saglit kong tinitigan ang mga mensahe bago ko ipinadala ang mga iyon. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit sa simpleng pagsasabi ng I love you, para pa rin akong batang unang beses umibig. Napangiti ako sa sarili ko. Sana ganoon din siya kasaya kapag nakakatanggap ng mensahe mula sa akin. “Sige na, Athena! Baka maubusan tayo ng pagkain!” tawag ni Mavel. “Eto na nga!” Sabay kaming nagtungo sa canteen. Pagdating namin, nakita namin si Wen na nakaupo na sa isang mesa. May pagkain na sa harapan niya at abala siyang kumakain. “Hoy, girl!” bati ni Mavel. “Akala namin, iniwan mo na kami! Bakit andito ka na agad?” Napangiti si Wen habang inaayos ang mga pagkaing nakahanda sa mesa. “Ah, sorry na! Galing kasi ako sa CR. Nagutom na ako, kaya dumiretso na ako rito. Binilhan ko na rin kayo ng pagkain kasi break time naman na.” Itinuro niya ang mga pagkaing nakahanda para sa amin. “Here, it's my peace offering!” “Wow! May pa-peace offering!” natatawang sabi ni Mavel. “Ano 'to? May kasalanan ka ba?” “Wala nga!” “By the way…” Biglang ngumisi si Mavel habang nakatingin kay Wen. “That's the news!” Napahinto si Wen sa pagsubo. “Ha? Ako? Anong news?” Huminga nang malalim si Mavel bago itinuro ang daliri sa akin. “Ay, naku, Wen! Kung alam mo lang, itong best friend natin, pumapag-ibig na!” Namilog ang mga mata ni Wen. “Oh my gosh! Talaga? Kailan pa?” “Ilang buwan nang nagtatago!” sagot ni Mavel bago pa ako makapagsalita. Bumaling sa akin si Wen at napailing. “May tinatago ka pala sa amin, ha?” “Ano ba kayo!” Nahihiyang tinakpan ko ang mukha ko. “Oo na! Sasabihin ko na sa inyo. Pero puwede bang kumain muna tayo? Ikukuwento ko pagkatapos.” “Okayyy, girl!” sabay na sagot nila. Agad kaming nagsimulang kumain. Si Mavel, halos hindi mapakali sa pananabik. Si Wen naman, panay ang tanong, samantalang ako ay paulit-ulit na tumatawa sa mga pang-aasar nila. “Dahan-dahan lang, Mavel! Hindi naman tatakbo 'yang pagkain mo!” natatawa kong saway. “Ano ka ba! Pasaway ka talaga, Mavel!” dagdag ni Wen habang natatawa rin. “Oh, siya! Kumain na kayo nang makapagtsismisan na tayo!” natatawang sabi ni Mavel. Napailing na lang ako habang nakangiti. Ganito talaga kami kapag magkakasama. Kahit simpleng lunch lang, nagagawa nilang maging masaya ang araw ko. Sa kanila, hindi ko kailangang magpanggap o itago ang nararamdaman ko. At sa maliit na mesang iyon, sa gitna ng tawanan at pang-aasar, pansamantala kong nakalimutan ang lahat ng problema sa mundo. Pakiramdam ko, wala nang katapusan ang saya. Hindi ko alam na darating ang araw na gugustuhin kong bumalik sa sandaling iyon. Sa araw na iyon, ang pinakamalaking problema ko lang ay kung paano ko ikukuwento sa mga kaibigan ko ang tungkol sa lalaking mahal ko. Hindi ko pa alam na may mga bagay palang na nangyayari sa likod ko. Mga bagay na hindi ko kailanman pinaghinalaan dahil masyado akong naging abala sa pagiging masaya. At hindi nagtagal, may isang katotohanang dudurog sa akin. Isang katotohanang magpapabago sa lahat. At pagkatapos noon, hindi ko na alam kung paano muling tatawa nang hindi naaalala ang sakit.CHAPTER SEVEN – MAPIPIGILAN BA NI AKHIRO ANG SARILI?ATHENA'S POV“Okay, Miss Independent,” natatawang sabi ni Camil. “Sige na nga. Kain na tayo bago lumamig ang pagkain.”Ngunit kahit nakabalik na kami sa pagkain, hindi pa rin mapakali ang isip ko.Sinubukan kong huwag siyang tingnan. Pinilit kong makisali sa usapan at tumawa sa mga biro ni Camil.Pero may mga pagkakataong kusang lumilihis ang mga mata ko sa kinaroroonan niya.At sa isa sa mga sandaling iyon, nagkamali ako.Dahan-dahan akong napalingon.Nakatitig din siya sa akin.Hindi ko matukoy kung gaano na siya katagal nakatingin, ngunit nang magtama ang aming mga mata, para akong nawalan ng kakayahang huminga.Walang ngiti sa kaniyang mukha.Wala ring pagtataka.Sa halip, may kung anong lungkot sa mga mata niyang hindi ko na gustong unawain.Para siyang may gustong sabihin.Para siyang matagal nang may hinahanap, at sa wakas ay natagpuan niya iyon sa harap niya.Ako.Agad akong nagbawi ng tingin.Huwag, Athena.Huwag mong bigya
CHAPTER SIX – ANG PAGTATAGPOATHENA'S POVDumating din ang araw na matagal kong pinaghandaan—ang unang araw ko bilang intern sa isang ospital sa Global City.Ilang taon kong pinangarap na makarating sa puntong ito. Ilang gabing puyat, pagod, at sakripisyo ang pinagdaanan ko bago ko tuluyang mahawakan ang pagkakataong matagal kong ipinagdasal. Dapat ay puno ako ng pananabik sa araw na iyon, ngunit hindi ko maikakaila na may halong kaba ang nararamdaman ko. Bawat pintig ng puso ko ay halos gustong kumawala sa dibdib ko.Bagong lugar. Bagong mga mukha. Bagong responsibilidad.At higit sa lahat, isang panibagong yugto ng buhay na kailangan kong harapin nang mag-isa.Hindi ko alam kung anong mga pagsubok ang naghihintay sa akin sa loob ng ospital. Ang alam ko lamang, kailangan kong maging matatag. Hindi na ako ang dating Athena na madaling masaktan at hinahayaang idikta ng nakaraan ang bawat desisyon ko.Matagal ko nang ipina
CHAPTER 5- ANG MULING PAGKIKITAATHENA'S POVPaglapag ng eroplano sa airport, makalipas ang ilang taon, sa wakas ay nakauwi rin ako sa Pilipinas upang makasama ang pamilya ko sa pagdiriwang ng aking pagtatapos.Hindi naging madali ang lahat. Maraming gabing kulang ako sa tulog, maraming araw na gusto ko nang sumuko, at maraming pagkakataong kinailangan kong labanan ang sarili kong pagod at panghihina.Pero heto ako ngayon.Nakatayo sa harap ng salamin, nakasuot ng simpleng damit habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksiyon.Athena Buenaventura.Ang dating babaeng madaling umiyak dahil sa pag-ibig ay unti-unti nang nagiging isang babaeng marunong tumayo sa sarili niyang mga paa.Akala ko, sa pagbabalik ko, ang pamilya ko lamang ang kailangan kong harapin.Hindi ko inaasahang makikita ko rin ang lalaking matagal ko nang pilit na kinakalimutan.Si, Akhiro Fuentes.Ang lalaking minsan kong minahal nang higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Ang lalaking ilang beses kong ipinaglaban k
Chapter 4 – Ang Huling MensaheATHENA’S POVIlang araw akong hindi pumapasok.Hindi ko kayang makita si Akhiro.Hindi ko kayang umupo sa tabi niya na para bang walang nangyari.Hindi ko kayang marinig ang boses niya at magpanggap na hindi ko alam ang katotohanan.Kaya may desisyong pumasok sa isip ko upang tuluyan akong makawala sa sakit na nararamdaman ko.Pakiramdam ko, ayokong mabuhay. Ang daming tanong sa utak ko na naghahalo-halo.Puro tanong.Bakit ako?Bakit niya ginawa iyon sa akin?Bakit mas pinili niyang gamitin ako para sa kapatid ko?Bakit si Alexa pa? Bakit?Sabay ang pag-agos ng luhang hindi ko mapigilan dahil sa sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon, kaya minabuti kong gawin ang desisyong pumasok sa isip ko.Nang magdesisyon akong lumipat ng paaralan, pumayag sina Mama at Papa. Hindi ko sinabi sa kanila ang buong dahilan. Sinabi ko lamang na gusto kong magsimula sa ibang lugar.At bago ako umalis, nagpadala ako kay Akhiro ng huling mensahe.'Akhiro, pasensya n
CHAPTER THREE- ANG MASAKIT NA KATOTOHANANATHENA'S POVMay mga sandaling hindi mo alam na iyon na pala ang huling pagkakataong magiging masaya ka nang walang inaalala.Huling pagkakataon mong maniniwala sa mga pangakong hindi mo alam na kasinungalingan lang pala ang lahat. At huling pagkakataong tatawagin mong pag-ibig ang isang bagay na maaaring hindi naman pala naging totoo.Noong araw na iyon, hinahanap ko si Akhiro. May dala akong maliit na lalagyan ng cookies na ako mismo ang gumawa noong nakaraang gabi.Ilang oras ko iyong pinaglaanan. Ilang beses akong nagkamali sa unang batch, pero hindi ako sumuko. Gusto kong maibigay sa kaniya ang pinakamagandang cookies na kaya kong gawin.Gusto kong mapasaya siya. Gusto kong makita ang ngiti niya habang kinakain ang mga iyon.Habang naglalakad papunta sa faculty room, hindi ko mapigilang ngumiti. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ang dala ko.Baka asarin niya ako. Baka sabihin niyang masarap. O baka simplen
CHAPTER TWO - GUSTO KITA ATHENA'S POV Hindi ko inaasahang darating ang araw na ang simpleng paghanga ko ay mas lalalim at hihigit pa doon. Mula sa mga simpleng usapan namin, hanggang sa mga tingin na mabilis ko ring iniiwasan lalo na kapag nahuhuli niya akong nakatingin. Dahilan para lalo akong mahulog sa kanya. Tulad ngayong hapon. Matapos ang klase namin, nasa corridor kami nang hinawakan niya ako sa braso. “Athena, may sasabihin sana ako.” Napatingin ako sa kaniya. Binitawan niya ang braso ko. Sa loob-loob ko, nakaramdam ako ng kakaiba. Malakas ang tibok ng puso ko “Bakit?” Sandali siyang natahimik bago huminga nang malalim. “Gusto kita.” Diretso siya nakatingin sa akin. Parang huminto ang mundo ko. Totoo ba ang naririnig ko? Hindi ba ito isang panaginip? “Ano?” sabi ko, habang namumula ang aking mukha. “Sabi ko, gusto kita,” ulit niya. “Actually, matagal na.” Hindi ako agad nakasagot. Ang dami kong gabing ipinagdasal na sana, kahit minsan lang, maki







