LOGINCHAPTER THREE- ANG MASAKIT NA KATOTOHANAN
ATHENA'S POV May mga sandaling hindi mo alam na iyon na pala ang huling pagkakataong magiging masaya ka nang walang inaalala. Huling pagkakataon mong maniniwala sa mga pangakong hindi mo alam na kasinungalingan lang pala ang lahat. At huling pagkakataong tatawagin mong pag-ibig ang isang bagay na maaaring hindi naman pala naging totoo. Noong araw na iyon, hinahanap ko si Akhiro. May dala akong maliit na lalagyan ng cookies na ako mismo ang gumawa noong nakaraang gabi. Ilang oras ko iyong pinaglaanan. Ilang beses akong nagkamali sa unang batch, pero hindi ako sumuko. Gusto kong maibigay sa kaniya ang pinakamagandang cookies na kaya kong gawin. Gusto kong mapasaya siya. Gusto kong makita ang ngiti niya habang kinakain ang mga iyon. Habang naglalakad papunta sa faculty room, hindi ko mapigilang ngumiti. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ang dala ko. Baka asarin niya ako. Baka sabihin niyang masarap. O baka simpleng ngumiti lang siya at magpasalamat. Para sa iba, maliit na bagay lang iyon. Pero para sa isang babaeng umiibig, sapat na ang ganoong sandali para sumaya ang buong araw. Pagdating ko sa faculty room, napansin kong bahagyang nakabukas ang p***o. Bago pa ako tuluyang makapasok, may narinig akong pamilyar na boses. Boses ng babaeng buong buhay kong nakasama. Ang kakambal kong si Alexa. “Hindi mo naman talaga mahal si Athena, hindi ba?” Natigilan ako. Mahigpit kong hinawakan ang lalagyan ng cookies habang pilit kong inuunawa ang narinig ko. Hindi. Baka mali lang ang pagkakarinig ko. Baka iba ang pinag-uusapan nila. “Alam mo naman kung bakit ko siya niligawan, di ba?” Boses iyon ni Akhiro. Ang Akhiro na minahal ko. Ang Akhiro na pinaniwalaan kong minahal din ako. Unti-unting nanlamig ang mga daliri ko. “Dahil sa akin?” tanong ni Alexa. Sandaling natahimik si Akhiro bago sumagot. “Dahil iniwan mo ako. Gusto kong ipakita sa iyo na kaya kong mag-move on, na kaya kong humanap ng iba.” Napahawak ako sa bibig ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko, pero pinilit kong huwag umiyak. 'Pakiusap, Akhiro. Sabihin mong hindi totoo ang naririnig ko. Sabihin mong may iba ka lang na dahilan. Pero nagpatuloy siya. “Hindi ko akalaing magiging ganito katagal. At hindi ko akalaing magiging ganoon kadali para sa kaniya na maniwala sa akin.” Ganoon kadali? Ganoon ba kadali para sa kaniya na lokohin ako? Ngumiti siya sa akin, hinawakan ang mga kamay ko, at sinabi ang mga salitang pinanghawakan ko sa bawat gabing natatakot akong mawala siya. Ang lahat ba ng iyon ay bahagi lang ng plano niya? Napatingin ako sa lalagyan ng cookies. Kanina lang, halos hindi ako makapaghintay na ibigay iyon sa kaniya. Ngayon, pakiramdam ko, ako mismo ang naging pinakamalaking biro sa sarili kong kuwento. “Eh, mahal mo ba siya ngayon?” tanong ni Alexa. Napatigil ako sa paghinga. Hinihintay ko ang magiging sagot niya. Kahit iyon na lang ang gusto kong marinig. Kahit ano pa ang totoo niyang dahilan, umaasa akong baka magbago ang lahat. Baka sa paglipas ng panahon, matutuhan niya rin akong mahalin. Naghintay ako. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Pero walang sagot. Walang salitang oo. Walang pag-amin na mahal niya ako. Walang kahit anong makapagliligtas sa natitira kong pag-asa. Ang katahimikan niya ang naging sagot na ayaw kong marinig. Dahan-dahan akong umatras palayo sa p***o. Bawat hakbang ay mabigat, na para bang hindi ko na kayang dalhin ang sarili kong katawan. Pagkalayo ko sa faculty room, tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mahigpit kong niyakap ang lalagyan ng cookies sa dibdib ko. Bakit? Bakit ako? Ano bang nagawa ko para maranasan ang ganitong sakit? Minahal ko siya nang buong-buo. Hindi ko siya pinaglaruan. Hindi ko siya ginamit para pagselosin ang ibang tao. Minahal ko siya dahil siya si Akhiro. Dahil sa bawat ngiti niya, naniniwala akong may isang taong pipili sa akin nang hindi ko kailangang makipagkompetensiya sa kahit kanino. Pero nagkamali ako. Habang iniisip kong ako ang babaeng pinili niya, iba pala ang babaeng gusto niya. Habang iniisip kong bumubuo kami ng magandang kuwento, ginagamit niya pala ako para makapaghiganti sa taong hindi niya kayang kalimutan. At ang pinakamasakit, hindi ko alam kung alin ang mas mahirap tanggapin, na baka hindi niya talaga ako minahal kailanman, o baka sa bawat sandaling masaya akong kasama siya, ibang babae pala ang nasa isip niya. Napatingin muli ako sa cookies. May ilang pirasong nadurog sa loob ng lalagyan dahil sa higpit ng pagkakahawak ko rito. Napatawa ako nang mahina sa gitna ng pag-iyak. Ang sakit pala. Ang gumawa ng isang bagay nang buong pagmamahal, tapos malalaman mong wala pala itong kahulugan sa taong pagbibigyan mo. Pinunasan ko ang mga luha ko, pero patuloy pa rin ang pag-agos ng mga iyon. Ayokong umiyak. Ayokong makita ng kahit sino ang kahinaan ko. Lalo na ni Alexa. Lalo na ni Akhiro. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba silang harapin. Hindi ko alam kung kaya ko bang tanungin si Akhiro kung minahal niya ba ako kahit isang beses. Kaya pinili kong lumayo. Sa unang pagkakataon, hindi ko hinanap ang taong gusto kong makasama. Hindi ko hinabol ang sagot na gusto kong marinig. Dahil may mga katotohanang kahit gaano mo kagustuhang baguhin, kailangan mo pa ring harapin. At may mga pag-ibig na kahit ibigay mo ang lahat, hindi pa rin sapat para piliin ka. Habang naglalakad ako sa pasilyo, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na magiging maayos din ang lahat. Lilipas din ang sakit. Balang araw, maaalala ko rin ang araw na ito nang hindi umiiyak. Pero sa kaibuturan ng puso ko, alam kong may nagbago na. Hindi na ako ang dating 'Athena' nang pumasok sa paaralan noong umagang iyon. Ang 'Athena' na iyon ay naniniwala na sapat ang pagmamahal para maging totoo ang isang relasyon. Naniniwala ka ba na kapag may nagsabing mahal ka niya, maaari kang maniwala nang hindi natatakot? Ang 'Athena' na nagdala ng cookies para sa lalaking mahal niya. Pero ang 'Athena' na naglalakad palayo ngayon ay may dalang pusong hindi na niya alam kung paano bubuuin muli. Napahinto ako sa isang sulok ng pasilyo. Doon ko tuluyang inilabas ang sakit na kanina ko pa ikinukubli. Tahimik akong umiyak habang yakap-yakap ang mga cookies na hindi ko na maibibigay sa kaniya. Sa unang pagkakataon mula nang dumating si Akhiro sa buhay ko, hiniling kong sana ay hindi ko na lang siya nakilala. Kung hindi ko siya nakilala, hindi ko sana malalaman kung gaano kasakit ang mahalin ang isang taong hindi naman pala para sa iyo. Hindi ko sana kailangang pagdudahan kung alin sa mga yakap, pangako, at matatamis niyang salita ang totoo. Pero huli na ang lahat. Mahal ko na siya. At kahit siya ang dumurog sa puso ko, hindi ko kayang burahin sa isang iglap ang lahat ng naramdaman ko. Dahil ang puso, kahit paulit-ulit mong sabihang tumigil na, ay hindi agad sumusunod. Minsan, patuloy itong nagmamahal kahit alam na nitong panahon na para bumitaw. At ako, si Athena Buenaventura, ay naiwan sa pagitan ng dalawang bagay na parehong masakit: ang manatili sa pag-ibig na maaaring hindi kailanman naging akin, o ang talikuran ang lalaking minahal ko kahit pakiramdam ko ay may bahagi ng sarili kong mawawala. Habang mahigpit kong hawak ang mga cookies na ginawa ko para sa kaniya, isang tanong ang paulit-ulit na bumabagabag sa akin. Kung hindi mo naman pala ako minahal, Akhiro, bakit mo ako hinayaang paniwalaan ang lahat? Bakit mo ako hinayaang mangarap? At bakit, sa lahat ng taong maaari mong saktan, ako pa ang ginawa mong kasangkapan para sa pag-ibig na hindi mo kayang kalimutan?CHAPTER SEVEN – MAPIPIGILAN BA NI AKHIRO ANG SARILI?ATHENA'S POV“Okay, Miss Independent,” natatawang sabi ni Camil. “Sige na nga. Kain na tayo bago lumamig ang pagkain.”Ngunit kahit nakabalik na kami sa pagkain, hindi pa rin mapakali ang isip ko.Sinubukan kong huwag siyang tingnan. Pinilit kong makisali sa usapan at tumawa sa mga biro ni Camil.Pero may mga pagkakataong kusang lumilihis ang mga mata ko sa kinaroroonan niya.At sa isa sa mga sandaling iyon, nagkamali ako.Dahan-dahan akong napalingon.Nakatitig din siya sa akin.Hindi ko matukoy kung gaano na siya katagal nakatingin, ngunit nang magtama ang aming mga mata, para akong nawalan ng kakayahang huminga.Walang ngiti sa kaniyang mukha.Wala ring pagtataka.Sa halip, may kung anong lungkot sa mga mata niyang hindi ko na gustong unawain.Para siyang may gustong sabihin.Para siyang matagal nang may hinahanap, at sa wakas ay natagpuan niya iyon sa harap niya.Ako.Agad akong nagbawi ng tingin.Huwag, Athena.Huwag mong bigya
CHAPTER SIX – ANG PAGTATAGPOATHENA'S POVDumating din ang araw na matagal kong pinaghandaan—ang unang araw ko bilang intern sa isang ospital sa Global City.Ilang taon kong pinangarap na makarating sa puntong ito. Ilang gabing puyat, pagod, at sakripisyo ang pinagdaanan ko bago ko tuluyang mahawakan ang pagkakataong matagal kong ipinagdasal. Dapat ay puno ako ng pananabik sa araw na iyon, ngunit hindi ko maikakaila na may halong kaba ang nararamdaman ko. Bawat pintig ng puso ko ay halos gustong kumawala sa dibdib ko.Bagong lugar. Bagong mga mukha. Bagong responsibilidad.At higit sa lahat, isang panibagong yugto ng buhay na kailangan kong harapin nang mag-isa.Hindi ko alam kung anong mga pagsubok ang naghihintay sa akin sa loob ng ospital. Ang alam ko lamang, kailangan kong maging matatag. Hindi na ako ang dating Athena na madaling masaktan at hinahayaang idikta ng nakaraan ang bawat desisyon ko.Matagal ko nang ipina
CHAPTER 5- ANG MULING PAGKIKITAATHENA'S POVPaglapag ng eroplano sa airport, makalipas ang ilang taon, sa wakas ay nakauwi rin ako sa Pilipinas upang makasama ang pamilya ko sa pagdiriwang ng aking pagtatapos.Hindi naging madali ang lahat. Maraming gabing kulang ako sa tulog, maraming araw na gusto ko nang sumuko, at maraming pagkakataong kinailangan kong labanan ang sarili kong pagod at panghihina.Pero heto ako ngayon.Nakatayo sa harap ng salamin, nakasuot ng simpleng damit habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksiyon.Athena Buenaventura.Ang dating babaeng madaling umiyak dahil sa pag-ibig ay unti-unti nang nagiging isang babaeng marunong tumayo sa sarili niyang mga paa.Akala ko, sa pagbabalik ko, ang pamilya ko lamang ang kailangan kong harapin.Hindi ko inaasahang makikita ko rin ang lalaking matagal ko nang pilit na kinakalimutan.Si, Akhiro Fuentes.Ang lalaking minsan kong minahal nang higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Ang lalaking ilang beses kong ipinaglaban k
Chapter 4 – Ang Huling MensaheATHENA’S POVIlang araw akong hindi pumapasok.Hindi ko kayang makita si Akhiro.Hindi ko kayang umupo sa tabi niya na para bang walang nangyari.Hindi ko kayang marinig ang boses niya at magpanggap na hindi ko alam ang katotohanan.Kaya may desisyong pumasok sa isip ko upang tuluyan akong makawala sa sakit na nararamdaman ko.Pakiramdam ko, ayokong mabuhay. Ang daming tanong sa utak ko na naghahalo-halo.Puro tanong.Bakit ako?Bakit niya ginawa iyon sa akin?Bakit mas pinili niyang gamitin ako para sa kapatid ko?Bakit si Alexa pa? Bakit?Sabay ang pag-agos ng luhang hindi ko mapigilan dahil sa sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon, kaya minabuti kong gawin ang desisyong pumasok sa isip ko.Nang magdesisyon akong lumipat ng paaralan, pumayag sina Mama at Papa. Hindi ko sinabi sa kanila ang buong dahilan. Sinabi ko lamang na gusto kong magsimula sa ibang lugar.At bago ako umalis, nagpadala ako kay Akhiro ng huling mensahe.'Akhiro, pasensya n
CHAPTER THREE- ANG MASAKIT NA KATOTOHANANATHENA'S POVMay mga sandaling hindi mo alam na iyon na pala ang huling pagkakataong magiging masaya ka nang walang inaalala.Huling pagkakataon mong maniniwala sa mga pangakong hindi mo alam na kasinungalingan lang pala ang lahat. At huling pagkakataong tatawagin mong pag-ibig ang isang bagay na maaaring hindi naman pala naging totoo.Noong araw na iyon, hinahanap ko si Akhiro. May dala akong maliit na lalagyan ng cookies na ako mismo ang gumawa noong nakaraang gabi.Ilang oras ko iyong pinaglaanan. Ilang beses akong nagkamali sa unang batch, pero hindi ako sumuko. Gusto kong maibigay sa kaniya ang pinakamagandang cookies na kaya kong gawin.Gusto kong mapasaya siya. Gusto kong makita ang ngiti niya habang kinakain ang mga iyon.Habang naglalakad papunta sa faculty room, hindi ko mapigilang ngumiti. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ang dala ko.Baka asarin niya ako. Baka sabihin niyang masarap. O baka simplen
CHAPTER TWO - GUSTO KITA ATHENA'S POV Hindi ko inaasahang darating ang araw na ang simpleng paghanga ko ay mas lalalim at hihigit pa doon. Mula sa mga simpleng usapan namin, hanggang sa mga tingin na mabilis ko ring iniiwasan lalo na kapag nahuhuli niya akong nakatingin. Dahilan para lalo akong mahulog sa kanya. Tulad ngayong hapon. Matapos ang klase namin, nasa corridor kami nang hinawakan niya ako sa braso. “Athena, may sasabihin sana ako.” Napatingin ako sa kaniya. Binitawan niya ang braso ko. Sa loob-loob ko, nakaramdam ako ng kakaiba. Malakas ang tibok ng puso ko “Bakit?” Sandali siyang natahimik bago huminga nang malalim. “Gusto kita.” Diretso siya nakatingin sa akin. Parang huminto ang mundo ko. Totoo ba ang naririnig ko? Hindi ba ito isang panaginip? “Ano?” sabi ko, habang namumula ang aking mukha. “Sabi ko, gusto kita,” ulit niya. “Actually, matagal na.” Hindi ako agad nakasagot. Ang dami kong gabing ipinagdasal na sana, kahit minsan lang, maki







