Share

REVISED - CHAPTER 5

"Promise, tayo lang ang mag best friend hanggang sa last day of Earth."

"Sure ka? Baka makahanap ka ng ibang kaibigan."

"Hindi kaya."

"Sus, ikaw pa, alam ko namang sa ating dalawa, ikaw ang pala-kaibigan. Malabong wala kang mahanap na bagong kaibigan."

Bumuntong hininga si Shantall nang sabihin ko iyon at umupo sa tabi ko. Malungkot ang mukha ko dahil sa alam kong malabong magkatotoo ang sinabi nya na k abaqqqbhindi sya magkakaroon ng ibang kaibigan. Siguro, ako ay oo, w* q? Yyy pa a kpaqlnga lang na element , . B b n n am a m m hhhhhbbb . mv mr n ny . . m m m vmkami ay maragmi na ang lumalapit sa kanya, paano pa kaya kung nasa high school na kami.

"Magkakaroon ako ng ibang kaibigan pero ikaw ang nag-iisang the best. Okay?"

Huminga ako ng malalim at tumango, "Oo na, sige na nga."

Tumawa ito at itinaas ang pulusuhan nya kung saan naka-suot ang bracelet na ginawa naming dalawa last year. May pattern ba ang beads non ayon sa paborito naming kulay, at syempre ay ang letter ng mga pangalan namin.

Shantall & Kyline

Nauso kasi ang mga bracelet na sarili mong gawa mo. Kailangan lang ng Nylon thread at beads, tapos ay makakagawa ka na ng sarili mong bracelet ayon sa gusto mong design. Sumabay kami sa uso at gumawa ng friendship bracelet namin.

"Diba, itong bracelet na ito ay ang friendship bracelet natin? Ito ang simbolo ng pagkakaibigan nating dalawa."

I smiled and nodded, itinaas ko rin ang sa akin at mas lalong ngumiti nang makita ang pagkakapareho ng mga ito, kulay nga lang ang naiiba dahil magkaiba kami ng paboritong kulay.

"Sa high school, itatago na natin ito kasi baka masira, sayang naman."

Tumango ako dahil iyon naman talaga ang usapan. Itatago na namin ang mga bracelet na ito pagdating sa high school dahil baka masira ito at bilang remembrance na rin. May usapan pa nga na ibabalik lamang namin ito sa isa't-isa kapag ayaw na naming kaibigan ang isa't-isa.

"Hinding-hindi ko gagawin yon."

"Ang alin?"

Napakurap ako, "Ha?"

"Sabi mo, hinding-hindi mo gagawin yon. Ang alin?"

"Oh,"

I wasn't aware that I said it out loud, ngayon naman ay narinig pala nya. I smiled and told her that it was about our agreement; ibabalik lamang namin ang bracelet kapag ayaw na naming maging kaibigan ang isa't-isa.

"Ah, iyon pala." sabi nito.

Tumango ako, "Iyon nga."

"Ako rin! Hinding-hindi ko gagawin yon kasi ikaw lang talaga ang best friend ko. Tagal na nating magkaibigan eh, hindi na tayo maghihiwalay. Promise!"

They said promises are meant to be broken at pinaniniwalaan ko ang kasabihan na yon maliban na lamang sa pangako ni Shantall. Ngunit sa nangyari kanina, mas lalo lamang napatunayan ng mundo sa akin na totoo nga ang kasabihang iyon.

Bumuntong hininga ako at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Ilang oras na simula nang mangyari ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Shantall at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ibinalik nya sa akin ang bracelet, na hindi nya tinupad ang pangako nya na hinding-hindi nya gagawin ito.

"Hays,"

Muli akong bumuntong hininga at inabot ang cellphone ko na nasa bedside table. Binuksan ko ang F******k app, hindi na kailangan pang buksan ang Messenger dahil may chat head naman ng nag-pop sa gilid ng screen ko.

For the nineth time, I sighed, heavier this time as I couldn't find Shantall's account. Hindi ko na rin sya ma-message sa Messenger dahil message unavailable na ang chatbox namin, this only means one thing; she blocked me. Sinubukan ko ring buksan ang ibang social media account ko pero lahat ng iyon ay blinock nya, maging ang role player account ko ay blocked rin.

And it looks like that even in her contacts, my phone number was blocked dahil kaagad na voice mail server ang sumasagot sa akin. Inis na inilapag ko ang cellphone sa gilid ng kama. Hindi ko talaga gusto itong nangyayari sa amin.

Hindi ako makakapayag na nagkakaganito kaming dalawa dahil lang kina Lyka, kina Lyka na wala namang kabuluhan at walang maidudulot na mabuti sa kanya. Ewan ko ba kung ano ang nakain nya at pinakikinggan nya ang mga taong yon, alam naman nya kung anong klase sila. She's not that dumb and not that blind.

Pero kung sa bagay ay may sinasabi rin naman sila na kapag ang masama ang sumulsol, hindi imposible na maapektuhan at maniwala ang isang nilalang. Iyon naman kasi talaga ang gawain ng masama, ang manira at paniwalain sa mali ang isang tao.

Nanatili ako sa pwesto ko ng ilang minuto pa bago tumayo at kinuha muli ang cellphone ko. Kumuha ako ng jacket sa closet ko at isinuot yon saka lumabas ng kwarto at bumaba sa sala, naabutan ko si mama na nanonood ng teleserye.

"Ma," tawag ko sa kanya.

Dapat sana ay sulyap lang ang ibibigay nya sa akin dahil yon naman ang madalas nyang gawin pero kumunot ang noo nya nang makita ang suot kong jacket.

"Aalis ka?" tanong nya.

I nodded, "Punta lang ako kina Shantall, may gagawin kasi kaming assignment."

Hindi naman ako nahirapan na kuhanin ang pagpayag nya dahil kilala naman na nya si Shantall, since elementary days naman ay magkaibigan na kami at madalas din akong magpunta sa kanila. Minsan nga ay nags-sleep over pa ako don. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko dahil mukhang mawawala na lang sa isang iglap ang mga yon.

Pero ang totoo ay hindi naman talaga ako pupunta sa kanila. Sinabi ko lang iyon dahil alam kong papayagan ako agad ni mama. Alam kong mali ang magsinungaling lalo pa at hindi ko naman ugali yon. As much as possible ay gusto kong maging honest kina mama dahil ayokong mawala ang closeness ko sa kanila at ang pagiging open ko sa kanila sa mga bagay-bagay.

Nagpasalamat ako kay mama at dali-daling lumabas. Agad na yumakap sa akin ang malamig na simoy ng hangin buhat ng gabi, kahit naka-jacket at leggings ako ay ramdam na ramdam ko ang lamig. Wala ng gaanong tao at sasakyan dahil palalim naman na ang gabi, huminga ako ng malalim at dumiretso sa park kung saan kami madalas tumambay noon ni Shantall.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay bigla na lamang may nagtakip sa mata ko mula sa likuran. Instantly, my reflexes kicked in at agad na ginamit ang alam ko sa martial arts. Agad kong nalaman na lalaki ang nasa likuran ko nang marinig ko ang tunog na pinakawalan nito nang gamitin ko ang nalalaman ko sa self defense at mas lalo akong naging alerto at mabangis sa mga galaw na pinakawalan ko.

The person behind me grunted when I twisted his arm and put it behind his back as I hastily turned and switched our position, and kicked the back of his knee, making him kneel. Agad kong tinanong kung sino ito at mabilis syang pinakawalan nang sabihin nya ang pangalan nya.

"Ako 'to, si Joshua."

"Oh, shit!"

Kaagad ko syang inalalayan na makatayo at agad akong binalot ng guilt nang makita ang gasgas sa tuhod nya dahil naka-jersey shorts lang sya. I looked at him and apologized.

"Naku, sorry, nabigla lang ako. I'm sorry,"

Saka ko lang na-realize na sobrang lapit lang din pala ng mukha naming dalawa at magkadikit na ang mga katawan namin. Mabilis ngunit maingat akong lumayo sa kanya saka nailang. Maging sya ay halatang nailang din at nautal pa nang sabiging ayos lang sya at alam nyang hindi ko sinasadyang gawin sa kanya yon.

"Eh, ikaw naman kasi eh. Takpan mo ba naman ang mata ko bigla mula sa likuran lalo na at gabi."

He chuckled, "Sorry din. Hindi ko naman alam na ganoon ang magiging reaction mo at hindi ko alam na marunong ka pala ng self defense. Ang sakit non, ah."

Inistretch nya pa ang braso nya na pinilipit ko at inilagay sa likod nya nang sapilitan ko syang paluhurin. Napakamot ako sa gilid ng batok ko at nahihiyang tumingin sa kanya at humingi muli ng tawad na ikinailing nya.

"Hindi na, ayos lang yon. Kasalanan ko rin naman talaga kasi. Nakita kasi kita na palabas ng bahay ninyo kaya naman sinundan kita,"

Kumunot ang noo ko, "Nakita mo ako na palabas ng bahay namin? Bakit, saan ka ba galing?"

"Ahm..." nag-isip pa ito ng sasabihin nya kaya alam ko agad na gumagawa lang sya ng palusot para pagtakpan ang totoong dahilan nya. "Nag... lalakad-lakad ako kasi naiiinip ako sa bahay eh. Nagwa-warm up ako para gumawa ng assignments."

Natawa ako dahil masyadong halata ang palusot nya. Maglalakad-lakad na nga lang pero bakit dito pa banda sa amin gayong sa bandang dulo pa ng barangay ang bahay nila gaya ng sinabi nya kanina. Hinayaan ko na lamang ang pagpapalusot nya at sinabi na papunta ako sa park.

"Bakit? Anong gagawin mo don? Gabi na, ah."

I shrugged. "Gusto kong magpahangin at nagbabakasakaling ma-presko ang isip eh. Doon din kasi kami madalas tumambay noon ni Shantall."

There's no point of hiding it to him, alam naman nya ang nangyari at nakita nya ang ginawa ni Shantall kanina. Hindi ko na namalayan na naglalakad na pala kami ng sabay papunta sa park habang ikinukwento ko sa kanya ang lahat. Kung paano kaming nagsimula ni Shantall, ang ilang taon naming pinagsamahan, hanggang sa nangyayari ngayon sa amin. Nang matapos ako sa pagkukuwento ay naka-upo na kami sa mga batong bench ng park habang kumakain ng fish ball.

"Well, mukhang naiimpluwensyahan na agad sya nina Lyka. Tingnan mo, ilang linggo pa lang naman nyang nakakasama ang mga yon pero ganyan na agad," komento nya.

I sighed, "Iyon na nga eh. Kaya nga gusto kong mailayo na sya agad sa kanila bago pa sya mas lumala."

"But how are you going to do that? Hindi ba at magkagalit na nga kayo ngayon."

"Joshua, sya lang galit sa akin, pero hindi ako galit sa kanya. Nasaktan ako sa mga sinabi nya, oo, pero hindi ako galit sa kanya."

Tumango sya at bahagyang tumangay na para bang nag-iisip habang ngumunguya. Nakaka-ilang piraso pa lang sya at puno pa ang cup nya habang ang sa akin ay halos mangalahati na gayong tig-twenty pesos ang binili namin.

"Mahirap nga yan," sabi na lang nya.

Sumang-ayon ako dahil mahirap naman talaga. Hindi ko nga alam nito kung papano ko sya ulit kakausapin dahil halata naman na iniiwasan nya ako. Gusto ko sanang pumunta sa kanila pero ayokong malaman ni tita at lola CariƱa na hindi kami maayos dahil sa nangyari. Pero kailangan ko rin itong maayos kaagad bago pa sya tuluyang mapasama at maimpluwensyahan nila Lyka. Bahala na kung papaano, basta gagawan ko ng paraan.

Dahil sa pag-uusap namin tungkol sa aming dalawa ni Shantall ay hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa booth na na-assign sa aming dalawa para sa intrams. Oras na rin kasi nang matapos kami sa topic namin tungkol sa aming dalawa ni Shantall. Kagaya kanina ay nagpresinta din sya na ihatid ako sa bahay at hindi ako talaga ako tinigilan kahit pa sabihin kong ayos lang dahil kaya ko na. Biniro ko pa nga sya na sa ginawa ko pa lang sa kanya kanina, dapat ay alam na nyang hindi ako basta-basta maano, pero hindi pa rin sya pumayag na umuwi akong mag-isa.

"No, ihahatid kita."

Sa huli ay wala na rin akong nagawa kung hindi ang pumayag. Habang nasa daan ay nagpasalamat ako sa kanya sa pakikinig nya sa akin gayong wala akong ibang malapitan dahil si Shantall lang naman talaga ang kaibigan ko.

Hindi naman kasi ako pala-kaibigan talaga at mas gusto kong nag-iisa, hirap din akong makipag-usap sa ibang tao na hindi ko kilala kaya kahit may mag-attempt na makipag-kaibigan ay hindi rin umuubra. Kaya nga ganoon na lamang ang sinabi sa akin ni Shantall sa canteen eh. Mabuti na nga lang at hindi ganoon ang kinalabasan ng pag-uusap naming dalawa ni Joshua. Perhaps it was because nagsimula kami tungkol sa isang school project.

Because we were too engaged in our conversation, hindi namin na namalayan na malapit na kami sa bahay. Kung hindi ko pa naisipang luminga at tingnan kung nasaan na kami ay hindi ko mamamalayan na nakalampas na kami sa bahay. Dahil doon ay kinailangan naming maglakad pabalik ng ilang metro na syang ikinatawa namin.

"Thank you ulit sa time. Hindi ko inaasahan na may makakausap at mapaglalabasan ako ng sama ng loob ngayon. May libreng fishball pa," sabi ko habang natatawa.

He too, chuckled, "Wala yon. Mabuti nga at may masabihan ka para mabawasan yung bigat kahit papaano. Ahm, sya nga pala, kung gusto mo, bukas, pwede tayong magsabay pumasok since..."

Kahit sinadya nyang putulin ang pangungusap nya ay agad ko naman itong nakuha. Sigurado na nga na wala akong kasabay na papasok bukas dahil hindi kami maayos ni Shantall.

"Sige ba," pagpayag ko na ikinalawak ng ngiti nya.

Humiyaw ito, "Oh, yes! Sabi mo yan, ah. Pumayag ka na at wala ng bawian."

"Oo nga," natawa ako dahil sa inasta nya. Parang batang maliit na nabigyan ng kendi at tuwang-tuwa. "Sige na, umuwi ka na. Oras na, mag-iingat ka."

Tumango ito at sumaludo pa na syang mas ikinatawa ko.

"Aye, aye, captain!"

Pinanood ko muna sya na makapaglakad ng ilang metro ang layo mula sa bahay bago tuluyang pumasok. Nang lumingon ako muli sa kanya bago tuluyang pumasok ay sya ring paglingon nya at kumaway pa saka nakapamulsang bumalik sa paglalakad.

I shook my head and locked our house's gate with a smile. Hindi ko aakalaing witty pala ang isang iyon. Somehow, despite what happened between me and Shantall ay gumaan naman ang loob ko kahit papaano. Nakatulog ako ng kahit papano ay nabawasan na ang sama ng loob at bigat sa dibdib at medyo maaliwalas na rin ang isip.

Ngunit hindi ko alam na nang gabing iyon ay nakita pala kami ni Shantall at binigyan ng ibang ibig sabihin ang nakita nya na sya pang mas nagpalala sa lamat na nagsisimula ng sumira sa pagkakaibigan naming dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status