ANMELDENAliceBalik trabaho na ako, at simula nang umalis sina Lance at Jeraldine ay hindi ko na muling nakita ang lalaki. Kahit gustuhin ko mang sabihin na okay lang, hindi ko rin maitago ang inis ko. Tahimik lang akong nagtrabaho pero sa loob-loob ko, nagpuputok na ang butse ko.Wala naman akong karapatan magreklamo. Alam ko ’yon. Pero hindi rin maitatanggi na may kirot.Buti na lang, nang mag-lunch break na ako, saka ko lang nacheck ang cellphone ko. Doon ko nakita ang chat ni Shirley—isang mahaba at sobrang energetic na birthday greeting na agad nagpaangat ng mood ko kahit kaunti.Hindi ko napansin kaninang umaga dahil feeling overwhelmed ako at sobrang excited sa pagpa
AliceHigit kailanman, ngayon ako mas naengganyo na mag-aral. Hindi na ito basta compliance para makapasa—personal na. Mas tutok ako sa mga major subjects ko. Mas maingat sa bawat lecture, bawat case study, bawat halimbawa ng prof. Gusto kong maging mas equipped lalo na at madalas na akong nasa Marketing Department. Ayokong dumating ang araw na may maipukol sa akin—kahit simpleng tanong—na hindi ko kayang sagutin.Ayokong mapahiya. Ayokong matawag na intern lang na sinuwerte.Marami akong natututunan sa field, at ramdam ko kung gaano kaimportante ang bawat oras na ginugugol ko roon. Kaya kahit pagod, kahit minsan gusto ko na lang umuwi at humiga—pinipilit kong manatili. Dahil alam kong bihira ang ganitong pagkaka
Lance“What the hell, Lance!”Galit na sigaw ng aking ama ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lang sa bahay. Sinasabi ko na nga ba—bad idea ang umuwi rito. Mas gugustuhin ko pang matulog sa opisina kaysa harapin ang sermon na matagal na niyang iniipon matapos ang nangyari sa blind date.Iniwan ko lang basta si Jeraldine sa restaurant. Walang paalam, walang explanation. At oo—alam kong hindi iyon gentleman behavior. Pero kung tutuusin, hindi rin naman ako kailanman nagkunwaring gentleman, lalo na kung malinaw sa akin na wala akong interes sa isang tao.“I am no longer a kid, Dad…”
LanceLaFrench Cuisine Restaurant. Soft lighting. Muted jazz sa background. Perfect setting para sa isang date na dapat sana ay impressive.Kung may pakialam lang ako.Nakaupo ako sa harap ni Jeraldine Dudley, naka-cream silk dress, buhok na mukhang pinaghandaan nang husto, at ngiting parang sanay na sanay sa ganitong klaseng gabi. May aura siya ng isang babaeng alam na maganda siya—at umaasa na sapat na ‘yon.“So,” panimula niya habang hinihiwa ang steak, “your dad told me you’re the CEO of MobTech. Must be nice… having everything handed to you.”There it is.
LanceHindi ito dapat ganito.Mula pa lang sa simula, malinaw ang kontrata—walang feelings, walang attachment. Isang taon. Sex lang. Physical release. Walang halong emosyon, walang komplikasyon.Pero habang nakatayo ako sa gilid ng glass wall ng marketing floor, pinagmamasdan si Alice na nakikipag-usap sa team—nakatawa, relaxed, pero alerto—alam kong may mali na.She’s glowing.Hindi yung pilit na confidence na madalas kong makita sa mga tao dito. Hindi rin yung plastik na charm na ginagamit para umangat sa corporate ladder. Kay Alice, tahimik lang pero totoo. May saysay ang bawat sinasabi niya. May bigat kahit hindi niya ipinipilit.Nakatingin siya kay Stella habang may ipinapaliwanag—may hawak na tablet, bahagyang nakakunot ang noo, pero malinaw ang direksyon. Tumango si Stella. Nakinig ang team.At doon ko naramdaman ‘yon.Isang hindi pamilyar na higpit sa dibdib ko.Damn it.Isa-isa kong napapansin ang mga bagay na hindi ko dapat binibigyang pansin. Kung paano siya makinig bago ma
Alice“Okay,” marahang sabi ni Miss Stella matapos ang ilang segundong katahimikan. Hindi siya agad ngumiti, pero diretso ang likod niya—yung klase ng authority na hindi kailangan ng boses para maramdaman. “We’ll take Alice’s proposal as the base framework.”May bahagyang pag-angat ng kilay ng ilan.Tumayo siya nang bahagya at tumingin sa buong team.“I want this refined by tomorrow morning. And Alice—” tumigil siya, saka muling tumingin sa akin, “—you’ll be part of the core discussions moving forward.”Parang may kumalabog sa dibdib ko.Hindi iyon malakas na papuri. Hindi rin dramatic. Pero malinaw. Decision. At sa MobTech, alam kong hindi basta-basta nagbibigay ng gano’n si Stella. Napalingon ako kay Brandon—at doon ko nakita ang hindi ko inasahan. Hindi na siya nakahalukipkip. Hindi na rin siya nakasandal. Bahagya siyang tumango, parang pilit pero totoo. Nang magtagpo ang mga mata namin, wala na ang dating skepticism—napalitan iyon ng isang tahimik na sige, subukan natin.“Good poi







