I was a sweet, young, and innocent girl. But, life really knows how to change people brutally.
Sanay na sanay na ang mga mata ko sa dilim. Habang nagsasayaw sa entablado na halos labas ang buong kaluluwa. Nakangiti at nang-aakit ang tingin sa mga lalaki na hayok sa laman. Nagsasayaw at inaakyat ang mataas na posteng bakal para lang makapag-uwi ng malaking kita."X!"Napatingin ako sa isang manager ng club. Nagr-retouch ako nang lumapit siya at nag-abot sa akin ng mga lilibuhin na pera."Para sa akin po? Sino po ang nagbigay?" Nagtataka na tanong ko. Salitan sa pera at sa manager ang tingin ko."Pinabibigay nang nasa itaas na VIP guest! Gusto kang i-table kaya mag-ayos ka na! Babalikan kita mamaya!""Hindi po ako puwede—""Pumayag ka na! Kailangan mo ng pera, hindi ba?""Uuwi po ako nang maaga—"Nakagat ko ang dila ko upang mahinto sa pagsagot nang mapuna ko ang nakaabang na pagsimangot niya."Puntahan mo kahit sandali! Mahigit singkuwenta na pero hindi naman halata sa mukha! Huwag kang mag-alala dahil table lang naman ito! Gusto ka lang daw makausap kaya mag-ayos ka na!"Malaki ang ngisi ng manager bago tumalikod. Malamang na big time ang guest niya kaya't nasa itaas. Napamasahe ako sa aking batok at nagmadali na sa pag-aayos. Pagkaraa'y binalikan nga ako ng manager at pinahatid ako sa itaas.Nakatitig ako sa saradong pinto. Nasa labas pa at nag-iisip. Ito ang pinakamalaking kuwarto sa buong club. Kung tatakasan ko'y ako lang din ang malalagot. Isa pa, tinanggap ko na ang pera.Bago pa tuluyang magbago ang isip, kumatok na ako ng tatlong beses bago marahan na binuksan ang pinto. Malabo na kulay dilaw na ilaw ang bumungad sa mga mata ko. Sa gitna ng malaking sofa ay nakaupo ang isang lalaki. Magandang lalaki at maayos ang tindig. Hindi masasabi ang edad kagaya nga ng sinabi nang manager. Nakakaintimida ang presensiya kahit hindi pa nagsasalita. Napalunok ako. Tipid at alanganin akong ngumiti bago nagawang lumapit at magpakilala."Good evening, Sir. I'm X," I stretched my arm.Titig na titig siya sa aking mukha habang nakangiting inaabot ang kamay ko. Hindi pa man nagtatagal ang hawak niya'y binawi ko na iyon. Matagal-tagal na rin akong nagt-trabaho sa club subalit hindi ako masanay-sanay sa ganito. Sayaw lang ang ginagawa ko at hindi nagpapa-table ngunit hindi maiiwasan lalo't madalas ay napipilit ako ng mga manager gaya ngayon."Sit down," anito kasabay ng pagturo niya sa upuan sa kanyang tabi.Ngiti at tango ang madalas na sagot ko habang nag-uusap kami. Magaan siyang kausap at hindi bastos kaya't kalauna'y nakomportable ako. Inabot kami ng dalawang oras bago siya nagpaalam. Nag-iwan siya ng malaking pera kaya laking tuwa ko at halos mahalikan ang manager na nagdala sa akin sa kanya."Ate Xena!"Galing trabaho at papauwi ako nang mamataan ang kapatid na tumatakbo at umiiyak papunta sa akin. Pagod at maliwanag na nang nakauwi ako pagkatapos ay ganito pa ang mabubungaran ko."Ano na naman ang nangyari, Along?" Naghahalo na ang galit at pagtataka sa tanong ko."Si Mama binubugbog na naman ni Tito!"Hindi pa tapos sa sinasabi niya'y nilagpasan ko na siya at napatakbo ako kaagad sa galit. Hindi lang naman ngayon nangyari ito ngunit parehong galit at sakit ang nararamdaman ko habang tinatahak ang daan patungong bahay at iniisip na sinasaktan na naman ng lalaki na iyon si mama at ang mga kapatid ko."Kung wala akong mapapala sa inyo, isa isa ko na lang kayong papatayin!""Ako lang ang saktan mo! Huwag ang mga bata!"Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa bahay, naririnig ko na ang sigawan at iyakan nila. Bago ako pumasok, dinampot ko ang matigas na tubo na nakita ko sa gilid ng bahay."Palagi na lang kayong mga walang pera! Mga wala kayong kuwentang lahat!""Ate!" Umiiyak sa ilalim ng lamesa si Mena na bunso kong kapatid.Siya ang unang nakakita sa akin, malamang na dahil kanina pa niya ako hinihintay dahil natatakot siya. Pitong taon pa lang siya'y ganito na ang nakalakihan niya. Napatiim-bagang ako dahilan ng mas tuminding galit nang mapunta ang mata ko sa sugatan niyang braso.Tiningnan ko ng masama ang kinakasama ni mama at mabilis na hinampas ito ng tubo habang nakatalikod. D*****g siya't napaluhod sa sakit subalit mabilis din akong binalingan at saka siya galit na lumapit."Lumayas ka rito!" Sigaw ko.Hinampas ko ulit siya, sa pagkakataon na iyon, nasalag niya ang tubo at naagaw sa akin. Tinulak niya ako palayo at ako na ngayon ang hinahampas niya ng tubo."Amel, tama na! Huwag ang mga bata!"Sigaw ni mama nang hampasin ulit ako ng hayop na lalaki na tumama sa aking braso. Kahit 'Tito' hindi ko masikmura na tawagin siya."Puro kayo pabigat!" Bulyaw niya. "Ikaw! Patingin ng bag mo!"Maagap akong umiling. "Wala akong pera! Wala itong laman!"Hindi siya naniwala. Pilit niyang kinukuha ang bag ko na hindi ko binitawan. Nandoon ang lahat ng kinita ko at oras na makita niya iyon, nasisigurado ko na wala siyang ititira para sa amin at i-pangbibisyo niyang lahat."Putang ina! Sinabing bitiwan, e!" Tinadyakan niya ako sa tiyan at sinampal.Sa huli, wala akong nagawa kung hindi ang pakawalan ang kapit na bag. Mabilis niya 'yong kinalkal. Hindi nagtagal, bumakas ang ningning sa mga mata niya."Ayos! Ang dami mong dalang pera, ah! May kuwenta pala 'yang pagiging p****k mo!"Kahit masakit ang braso, itinukod ko iyon para makatayo. Sinubukan kong agawin ang bag. Nahawakan ko ngunit hindi ko tuluyang nakuha dahil tinadyakan niya ako pabalik sa sahig."Hindi iyan para sa iyo! Akin na iyan! Ibalik mo! Ipambibili ko iyan ng gamot ni Rico!"Tinawanan niya ako sabay turo kung nasaan ang may sakit na kapatid ko."Sinong kapatid? Iyan? Ibibili mo pa ng gamot 'yang mongoloid na iyan? Hayaan mo nang mamatay sa sakit ng puso iyan para bumawas sa problema!"Nagtagis ang mga bagang ko sa sinabi niya. Halos maiyak ako sa galit habang ibinubulsa niya ang pera na nakuha sa bag ko. Sampung taong gulang si Rico at na-diagnose na mayroon sakit sa puso. Hindi ko siya maipagamot sa hospital dahil wala kaming sapat na pera. Gamot na lang ang mga binibili ko pagkatapos ay kinukuha niya pa! Hayop siya! Kung legal lang ang pumatay at mayroon ibang aasahan ang mga kapatid ko kung makukulong ako'y matagal ko na siyang pinatay!"Akin na sabi iyan! Ibalik mo!""Ano ang ibabalik ko? Wala na?" Tumawa siya sabay pakita sa kamay niya na walang laman. Wala na raw ang pera dahil nasa bulsa na niya.Namuo ang luha sa mata ko ngunit maagap kong pinabalik iyon para hindi ako makitang umiiyak ng mga kapatid ko. Tumayo ako at tinakbo ang kutsilyo. Mabilis akong humarap at itinapat ang dulo ng patalim sa kanya."Ibalik mo sa akin iyan!"Hinampas niya ang tubo sa kamay ko pero hindi ko binitiwan ang kutsilyo. Lumapit pa ako kahit alam kong mas malakas siya't paulit-ulit ang hampas niya ng tubo sa aking braso.Nadaplisan ko siya ngunit mabilis niya ring naagaw sa kamay ko ang kutsilyo. Inuntog niya ako sa dingding na pader, sinakal, at idinikit ang kutsilyo sa aking leeg. Masama ang tingin ko pero hindi ako makakilos dahil isang galaw niya lang ay magigilitan ako."Huwag mo akong susubukan, Xena! Sa susunod na gawin mo ito, papatayin ko ang lahat ng mga kapatid mo sa harapan mo! Naiintindihan mo ba?"Hindi ako nagsalita. Matalim lang ang tingin ko sa kanya. Tumawa siya at tiningnan ulit ang pera ko na naroon na ngayon sa kanyang bulsa."Pasalamat ka at malaki ang nauwi mo na pera! Dahil kung hindi, bubugbugin ko kayo hanggang sa mawalan kayong lahat ng malay!"Marahas niyang hinila ang buhok ko at itinulak kung nasaan ang mga kapatid ko at si Mama. Mabilis yumakap ang maliliit ko na kapatid papunta sa akin. Lahat sila'y nag-iiyakan. Gusto nang pumatak ng luha ko dahil sa galit pero hindi ko ginawa dahil ako na lang ang kinukuhanan nila ng lakas. Kung iiyak ako, panghihinaan sila."Ilang araw lang ito! Babalik ako kapag naubos!"Dumura pa siya sa harapan namin bago siya tumalikod palabas. Masaya ang mukha niya dahil nakakuha ng malaking pera sa bag ko."Ate!" Si Rico. Umiiyak din siya. Kahit mayroon kapansana'y naiintindihan niya ang mga nangyayari.Ngumiti ako at nilapitan siya."Huwag kang mag-alala. May naitago pang kaonti si ate. Bibili tayo bukas ng gamot mo."Niyakap ko ang mga kapatid ko. Pigil ko ang sarili ko sa pag-iyak kahit sobrang awang-awa na ako sa kalagayan nila."Xena," mahina ang boses ni mama na umiiyak din sa tabi. Dismayado akong umiling sa kanya."Mama, ang daming lalaki bakit kagaya pa niya ang ipinalit mo kay papa?"Umiyak ulit siya. Wala na kaming magawa. Kahit paalisin namin siya'y bumabalik pa rin lalo na kung kailangan niya ng pera para sa mga bisyo niya.Pinatahan ko ang mga kapatid. Pumasok ako sa loob ng kuwarto para lang makita ang lagayan ko ng pera na sira at wala na ring laman. Pati ang maliit na naitabi ko, nakuha niya.Napaupo ako at sumandal sa pader. Takip ang mga bibig at tahimik na umiyak. Masakit ang katawan ko at wala pang tulog subalit kailangan kong pumasok mamaya upang makakuha kahit konting pangkain at pambili ng gamot ni Rico.Kailangan ko rin ng pera para mapatingnan ang sakit sa baga ni Mama. Walang tumatanggap sa kanya sa trabaho dahil sa sakit niya. Kahit ang paglalaba'y hindi niya natatagalan dahil mabilis mapagod at baka lalong lumala ang sakit."Ano nang gagawin ko, Pa?" Kagat ang ibabang labi na humagulgol ako.Wala nang ibang puwedeng gumawa ng paraan kung hindi ako. Kahit ilang luha pa ang iiyak ko hindi iyon magiging ginto para maipambili ng pangangailangan ng pamilya ko."Papa..."Pumikit ako at nagpatuloy sa tahimik na pag-iyak. Kung nasaan ka man ngayon sana'y makita mo ako at bigyan mo ng maraming lakas para sa kanila. Para sa kanila at hindi para sa sarili ko.Nakatulog ako ng ilang oras. Ngunit gumising din kaagad para tumulong kay mama na mag-asikaso sa mga kapatid ko. Sinilip ko ang kakaunti na lamang na laman ng kaldero. Hindi pa naman ako nagugutom kaya't para na lang ito sa mga kapatid ko."Ate, mayroon kang sugat sa labi mo."Napangiti ako nang haplusin ni Rico ang napansin niyang sugat ko habang pinaghahanda ko sila ng pagkain."Maliit lang iyan! Kayang kaya ni ate iyan!"Inabot ko ang pagkain sa kanya. Pabiro ko siyang tinusok ng hintuturong daliri sa tagiliran na ikinatawa niya. Nagsisimula na silang kumain nang pumasok si Mama."Tatanggap ako ng labada Xena—"Hindi pa man siya natatapos, umiling na ako. Tumatanggi ako habang sinasalinan ko ng pagkain ang pinggan niya."Hindi na, Ma. Kaya ko na. Baka kumita ulit ako mamaya. Ibibili ko kaagad ng maraming pagkain at gamot bago umuwi."Nagbuntonghininga si mama at walang nagawa. Lumabas ako at nag-igib ng tubig para makaligo na't maagang makapasok sa trabaho."Napaka-walanghiyang tao
Some dreams looks so surreal. But if it's already in front of you, you still won't believe it? Kulang na lang magpasampal ako sa kanya bilang patunay na hindi ako nananaginip."I bought you a house."Nang inulit niya nang mas malinaw, napainom ako ng tubig at hindi makapaniwala. Nakabili na? Kailan? Kahapon ba? Pero...natigilan ako at tila binuhusan ng malamig na tubig. Magkano ba ang bahay? Hindi ko alam pero sigurado ako na mahal iyon. "Ano po ang...kapalit?"Kinabahan ako sa hihingin niya na kapalit dahil baka hindi ko maibigay at mapagsisihan ko dahil nawala ang oportunidad na makaalis kami sa bahay na tinitirhan namin ngayon."Nothing. Walang kapalit. I just want you and your family to move to the new house I bought right away."Umiling ako at huminga ng malalim. Hindi pa rin makapaniwala."Pero...pero bakit po?"Bumuntonghininga siya at maliit na ngumiti."Let's just say, I just wanted to help."Tumango ako. Sino ako para tumanggi sa ganito kalaking tulong? Hindi para sa akin pe
My strange heart started pounding weirdly.He is impossibly good looking, distressingly perfect. I think he's the most beautiful man I have ever seen.Tumagilid siya sa buong klase para harapin ako."Which class are you in?" He seriously asked, unsmiling.Binitiwan ko ang pintuan ng kuwarto at sinarado iyon bago ako ngumiti at sumagot. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa itsura ng kaharap na lalaki."Dito po, Sir. Pasensya na po kung na-late ako," nakangiti na paumanhin ko."The next time you'll be late I will not let you in." He warned firmly."Yes, Sir! Thank you, Sir!"Umawang ang labi ko nang magdilim ang tingin niya. Humarap siya sa buong klase kaya't kumilos na rin ako para makakuha ng upuan.Ngumiti ako sa katabi ko na babae pero hindi niya ibinalik iyon. Nag-iwas ako at huminga ng malalim. Mahihirapan yata akong makakuha ng kaibigan sa paaralan na ito.Tuwid akong nakaupo at pinagmamasdan ang guwapong nilalang sa harapan. Ang mga babae na nandito ay halata rin na mga kinikilig dahi
Since I was a child I dreamed of becoming a flight attendant. So when I got a chance to study, I took tourism at the school near home. Ngayon, hindi ko akalain na makakapag-aral ako sa ganitong klase na paaralan.The school policy is good and not strict. My academic history that recorded from my old school will not go waste. That means, even if I stopped before I could graduate from my former school, I could graduate with Latin honors from the school I transferred to.Hindi pa ako nakakasakay sa eroplano. Subalit sa tuwing nakikita ko ang mga sasakyan na nasa himpapawid, parang gusto kong lumipad at abutin sila. I dreamed to fly around the world and explore new places. Pangarap ko na dalhin ang pamilya ko sa ibang bansa at maranasan nila ang mga bagay na gusto kong iparanas para sa kanila."Le puedo ayudar en algo?"Nakangiti ako habang hawak ang isang libro para sa lengguwahe na inaaral ko. Nagbabasa habang patungo sa unang klase. Kumukumpas pa ang kamay ko at inaakto ang tamang galaw
"We have a record of your academic performance from your old school. You got one in all your subjects this semester. You are the possible holder of the highest honour if you could maintain your good records until graduation."Muntik na akong mapaangat mula sa pagkakaupo. Nasa harapan ako ni Mrs. Umali, senior school head ng unibersidad. Akala ko'y nagkaroon ng problema kaya ako biglang pinatawag."Totoo po?"Nakangiting tumango ang kausap ko. Napatakip ako ng bibig at malaki ang pagkakangiti."I will not give you my words if it's not. Congratulations in advance, Ms. Peña Vega. This is a big step of your journey, so I'm expecting only good news from you.""Thank you, Ma'am."Hindi mawala ang saya ko pagkalabas sa opisina niya. Kailangan ko lang ma-maintain ang grades ko o mas mapataas pa kung kakayanin. Pinaglalaruan ng kaliwang kamay ko ang ibabang labi ko habang tulalang naglalakad. Napapangiti kasi ako ng malawak at pinipigilan ko iyon."Something's good happened?"Naibaba ko ang kam
Every time I think about graduation, I get excited. I have many plans after graduation. I don't know what awaits me in the future but I can feel that what's there is better than my life before."Substitute again? Sir Lennox didn't teach all week. Is he sick? Buong isang linggo na hindi pumasok si Sir Lennox pagkatapos ng nangyari sa restaurant. Maayos naman kami bago ako umuwi nang araw na iyon kaya't sa palagay ko'y hindi maaapektuhan nang naging sagutan namin ang grades ko."Are all your classes over?""Going home?""Goodbye, Xena!"Panay ngiti ko sa mga nakakasalubong. Sa buong linggo na iyon na wala siya, maraming magandang nangyari. Mas komportable rin akong kumilos dahil walang nakamasid o nakatitig sa akin. Nadagdagan din ang ibang mga kilala ko. Maging ang mga mayayaman na estudyante'y nauuna nang mag-approach sa akin. Marahil ay dahil kumalat ang usapang kinausap ako ni Mrs. Umali sa parehong araw kung saan kinausap din ang iba pang estudyante na posibleng magkaroon ng mataas
After he left, I want to run as fast as I can. Kaya lang ay hindi ako makatayo. Nanlalambot ang tuhod ko. Naibagsak ko na lang ang aking mukha sa lamesa. Kailangan kong umiwas kahit hanggang sa matapos lang ang graduation. Delikado ang mga parating na buwan na ito sa akin. Hindi ako maaaring makalimot.Nagpalipas ako ng ilang minuto. Nang oras na para sa susunod na klase'y wala akong pagpipilian kung hindi ang tumayo. Kinuha ko ang gamit na nasa tabi ko at mabilis ang paghinga na pumasok sa susunod na klase.Mas tahimik ang mga sumunod na klase. Pagkauwi ko'y pagod na pagod ako at pabagsak na napahiga sa kama. Pumikit ako ng mariin at naalala ang nangyari sa library. Kinagat ko ang labi ko at napahawak doon. Hindi ko makalimutan kung paano niya dinilaan sa harapan ko ang labi niya. Nag-init ang magkabilang pisngi ko at nagpagulong-gulong sa kama para maalis iyon sa isipan ko."Xena, nasa loob ka ba?"Natigil ako sa paggulong nang kinatok ako ni Mama."Opo, Mama!""Kumain ka na!""Susun
Kinabukasan, kabado ako nang buksan ko ang pinto ng classroom sa subject niya. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Ngunit pagkabukas ko, wala siya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nakahinga ba ako ng maluwag dahil wala siya o mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil inaasahan kong makita siya pero wala siya.Sa sumunod na tatlong araw, ganoon din. Hindi siya nagpakita pagkatapos niya akong halikan. Nag-iwan lang siya ng mga gagawin at pag-aaralan. Pinagsisihan niya ba iyon? Nabigla lang ba siya no'n at natakot din siyang baka may makahuli sa amin at mawalan siya ng trabaho?Nang umabot ng dalawang linggo na wala siya'y naalis ko rin naman siya sa sistema ko. Lalo na't naging abala sa mga requirements na kailangan sa mga subjects. Kung hindi na siya papasok at hindi ko siya makikita, sa palagay ko'y makakalimutan ko rin na minsan akong na-attract sa kanya."Sa amin ka na lang, Xena! Mas bagay kang maging model namin!""Naka-sign na yata siya sa ibang group!""Aww! Sayang