Nakatulog ako ng ilang oras. Ngunit gumising din kaagad para tumulong kay mama na mag-asikaso sa mga kapatid ko. Sinilip ko ang kakaunti na lamang na laman ng kaldero. Hindi pa naman ako nagugutom kaya't para na lang ito sa mga kapatid ko.
"Ate, mayroon kang sugat sa labi mo."Napangiti ako nang haplusin ni Rico ang napansin niyang sugat ko habang pinaghahanda ko sila ng pagkain."Maliit lang iyan! Kayang kaya ni ate iyan!"Inabot ko ang pagkain sa kanya. Pabiro ko siyang tinusok ng hintuturong daliri sa tagiliran na ikinatawa niya. Nagsisimula na silang kumain nang pumasok si Mama."Tatanggap ako ng labada Xena—"Hindi pa man siya natatapos, umiling na ako. Tumatanggi ako habang sinasalinan ko ng pagkain ang pinggan niya."Hindi na, Ma. Kaya ko na. Baka kumita ulit ako mamaya. Ibibili ko kaagad ng maraming pagkain at gamot bago umuwi."Nagbuntonghininga si mama at walang nagawa. Lumabas ako at nag-igib ng tubig para makaligo na't maagang makapasok sa trabaho."Napaka-walanghiyang tao talaga niyang tito ninyo!""Hindi po namin tito iyon," nakasimangot na sagot ko sa winika ng kapitbahay.Natawa si Aling Minda na madalas inuutangan namin ng pagkain. Naririnig nila ang nangyayari pero hindi naman sila makapagsumbong sa mga pulis dahil natatakot din na kung makikialam sila'y baka pagbalingan sila nang hayop na lalaking iyon."Papasok ka na ba?""Opo.""Ay! Puro pasa ka! Paano ka papasok niyan?""Ayos lang po. Kayang takpan ng make up.""Sige! Sige! Baka makasalubong mo na naman si Amel! Mag-iingat ka!"Tumango ako at umalis na. Maraming mga nakatambay sa labas. Mga babae na nagchi-chismisan at mga kalalakihan na nag-i-inuman. Maliit ang mga eskinita rito papasok. Magkakasunod ang mga kanal na nangangamoy at hindi sementado ang daan. Kabi-kabila rin ang basura't mga dumi ng hayop.Kahit magulo rito at pabalik-balik ang dating kinakasama ni mama'y hindi kami makaalis dahil wala kaming ipambabayad kung mangungupahan kami sa ibang lugar. Nag-aaral ang mga kapatid ko. Mayroong sakit sa puso ang special child na kapatid. Hindi ko na kakayaning mag-isa kung madadagdagan pa ang gastusin."Ano'ng nangyari sa 'yo?" Salubong sa akin nang kahapong manager."Wala po."Umiling ito at kahit sinabi kong wala'y may hula na siya sa nangyari."Binugbog na naman kayo? Takpan mo nang make-up iyan dahil dadating ulit 'yong guest kahapon."Tumango ako at nagsimula nang mag-ayos. Sumayaw ako ng isang kanta. Pagkatapos ay ipinatawag na akong muli nang manager para paakyatin sa kaparehong kuwarto na tinungo ko kagabi.Sinubukan kong takpan ang sugat at pasa na nasa aking katawan pero lumalabas pa rin iyon kahit gaano kakapal ang ipatong ko na make up."Good evening, Mr. Andromeda," bati kong nakangiti.Nagpakilala siya kagabi at ayon sa kanya'y itong pangalan ang itawag ko sa kanya. Ngumiti ulit ako pagkaupo. Maganda talaga ang katawan niya. Kahit pormal ang suot ay halata ang pagkamaskulado. Oo, guwapo siya. Naa-admire ako hindi sa paraang naa-attract. Magaan lang ang loob ko sa kanya.Pagkaupo ko, sa lamesa natutok ang mata ko. Dahil wala pang kain, natakam ako sa pagkain na nakahain sa lamesa. Hindi ako kumain buong araw dahil para na lang iyon sa mga kapatid ko at kay mama. Tiniis ko ang gutom ko at nag-tubig lang kanina bago umalis kaya't hindi tuloy maiwasan na makaramdam ako ng gutom habang nakatitig sa masasarap na pagkain sa hapag. Ang balak ko'y dito na kumain para makalibre't makatipid.Nag-iisip ako nang sabay kaming biglang makarinig ng pagkulo. Pinamulahan ako ng mukha nang matantong tiyan ko ang tumunog. Sa ginawa kong pag-gutom sa sarili, tiyan ko na ang nagreklamo."Are you hungry?" Natatawa niyang tanong.Ngumiti lang ako at saka nahihiyang tumango. Natawa muli siya sabay turo sa mga pagkain. Pagkasabi niyang kumain ako, hindi na ako nagpakipot. Dire-diretso ang dampot at subo ko. Hindi ako tumigil sa pag-nguya hanggang sa makuntento ako at mabusog. Pagkatapos kong kumain, nilingon ko siya. Kunot ang kanyang noo at madiin ang titig sa akin, sa katawan ko."Are those bruises?"Humablot siya ng tissue na nasa lamesa. Walang paalam na hinawakan niya ang braso ko at pinunasan ang make up na ipinantakip ko roon. Mabilis naalis iyon dahilan para lumitaw ang nangingitim ko na pasa. Napaangat siya ng mukha sa akin."What happened?"Hinila ko ang kamay ko at nahihiya na umiling. Wala akong balak na magkuwento lalo pa't kagabi ko lang siya nakilala. Kahit nagbigay siya ng malaking pera ay hindi iyon sapat na dahilan para i-kuwento ang pribadong buhay ko sa kanya."Who did this to you? Who hurt you?" Napansin niya ang pag-aalangan ko. Lumamlam ang mata niya. "Don't worry, it's okay. I won't judge and just listen. Tell me, what happened?"Natahimik ako pero nang ipilit niya pa ulit at paulit-ulit ang parehong tanong, napilitan akong i-detalye sa kanya ang nangyari. Kalmado siya na nakikinig nang una. Pero habang nagk-kuwento ako'y nababanaag ko ang unti-unting paglabas ng galit sa mga mata niya.Kahit narinig ang kuwento ko'y hindi siya nagkomento. Nag-usap pa kami ng ilang sandali at pina-order ako ng mga pagkain para dalhin sa pamilya ko. Tuwang-tuwa ako dahil sobrang bait niya pero wala siyang hinihingi na kapalit.Pagka-uwi ko, tuwang tuwa ang mga kapatid ko. Pati si Mama, nakangiti rin. Ang pera na ibinigay niya ay ipinatago niya ang iba sa manager na kakilala niya para raw makuha ko ng pa-unti unti at kung sakali na bumalik ang dati na kinakasama ni Mama ay wala itong makukuha. Sinabihan niya rin ako na huwag munang pumasok kahit isang araw lang para makapagpahinga."Ate, ang dami kong gamot!""Ate, ang daming pagkain! Ang sarap pa!"Tuwang tuwa at tumatalon ang mga kapatid ko dahil sa saya. Pinagmasdan namin sila ni Mama habang magana silang kumakain. Simpleng pagkain lang ang kaya ng budget ko kaya't ngayon lang sila nakakain nito."Ang sabi mo'y galing iyan sa guest mo?""Opo, Mama. May nakatago rin akong pera sa club para kung sakali na kailanganin natin."Natahimik si Mama at pinagmasdan ako ng mabuti."Binigyan ka ng pagkain at pera? Ano ang kapalit nito, Anak?"Natawa ako at umupo sa lumang upuan na kahoy namin sa sala. May pagtataka kasi sa boses niya at titig na titig sa akin."Walang kapalit iyan, Mama!"Sinundan niya ako at naupo sa tabi ko."Sigurado ka ba, Anak? Wala ka bang tinatago sa akin? Pinayagan kita sa ganyan na trabaho dahil ang sabi mo'y pagsasayaw lang ang gagawin mo."Binuhay ko ang tv at nakasimangot na hinarap si Mama. Akala ba niya'y binigay ko ang katawan ko kapalit niyan?"Wala nga po, Ma. Kahit hipo lang po sa katawan ko'y wala. Siguro isa lang siya sa mga mababait na mayaman?"Nakahinga siya ng maluwag at tiningnan ulit ang mga kapatid ko. Hindi nila kailangan mag-agawan ngayon dahil sobra-sobra ang pagkain."Mabuti naman kung ganoon."Kinuha ko sa bulsa ang ilan sa mga pera at inabot ko sa kanya."Para sayo, Ma," sabi ko.Umiling kaagad siya."Ano iyan? Itago mo na lang. Baka makuha pa sa akin ni Amel iyan kapag nagpunta ulit dito iyon.""Magpacheck-up ka bukas, Ma. Bumili ka rin ng gamot mo at ng mga gusto mong kainin."Umiling siya at itinulak ang pera. Malungkot ngunit masaya ang mga mata niya."Itago mo na lang iyan, Xena. Huwag mo na akong idagdag sa iisipin mo.""Pwede po ba iyon? Sige na, Ma. Para sa akin din ito. Para mapanatag po ako."Ilang pilitan pa'y napapayag ko rin siya. Magpapacheck-up siya bukas. Kami ng mga kapatid ko naman ay gagala malapit sa parke."Baka maubos ang pera mo?""Babalik naman daw siya bukas. Kaya ayos lang na bilhin ko ang gusto ng mga bata kahit ngayon lang."Kinaumagahan, nagpunta kami sa parke habang nagpapa-konsulta sa Doctor si Mama. Dito rin siya pupunta pagkatapos.Malaki ang ngiti ko habang nakatanaw sa mga kapatid. Tuwang tuwa sila habang pumipili ng mga laruan sa tiyangge. Si Along na mas matanda sa kanila ay pagkain na lang ang pinabili.Mamayang gabi papasok ako dahil isang araw lang ang kinuha ko na pahinga. Sobra-sobra ang ibinigay niya. Kailangan kong makapagpasalamat at mai-kuwento sa kanya kung gaanong natuwa ang pamilya ko dahil sa mga ibinigay niya."X!" Nakarinig ako ng tawag.Tumango ako at umakyat na sa VIP room sa itaas. Nakangiti kaagad siya pagkapasok ko. Naaalala ko si Papa sa kanya. Kaagad niya akong pinaupo sa tabi niya na para bang mayroon kaming importante na pag-uusapan."I will not stay here for long. I just want to talk to you for a minute."Medyo na-curious ako dahil nagliliwanag ang mata niya. Tumango ako at mabilis nagtanong kung tungkol saan ang pag-uusapan namin."I have a business meeting after this so I will get straight to the point," tumitig siya sa akin bago nagpatuloy. "I want to move you and your family to a safer and better house."Nakatitig lang ako at hindi ko siya naintindihan sa una. Pinagana ko pa muna ng maayos ang utak ko bago ko siya naintindihan. Umawang ang labi ko at nagtataka siyang tiningnan."Move? Safer house? Ano po? Ililipat mo po kami ng bahay?"Hindi sigurado ang tanong ko. Naguguluhan pa. Nakumpirma ko lang na tama ang pagkakaintindi ko nang tumango siya. Napalunok ako at biglaan ang pagkabog ng dibdib."Paano po? Kayo po ba ang magbabayad sa renta ng bahay?"Umiling siya at ngumiti."I will not move you to an apartment. I will buy you a house with your name on the title.""Po? Hindi po renta? Bili po? Sa akin? Ako ang may-ari?"Parang tumigil ang paghinga ko nang tumango siya ulit at ngumiti. Panandaliang namanhid ang ulo ko na para bang ang lahat ng dugo ko ay umakyat doon.Did those women deserve what Lennox did to them? My answer, I don't know. I just know that those women didn't know their worth. I also saw one of those women in person and from what I saw in her action, she has no respect for herself. I don't want to judge them because I'm not wearing their shoes, but the action they chose has no excuse.I was angry and disgusted with Lennox because of the videos he made but he patiently accepted all my hurtful words. He never cheated on me with another woman. He never insulted me in front of other people. He was there whenever I needed him. There's no question, he deserves a second chance.He lied but he learned. Kahit pa kasalungat sa gusto niya ang paglayo ay ginawa niya dahil ayaw niya akong pilitin at ayaw niyang maging makasarili. Hinayaan niya na maging mapayapa ako sa paglayo niya kahit ang naging kapalit ay pagkawasak niyaIt took me years to finally realised that I judged him like the way they judged me after they watched my video. I did the
Gusto kong maiyak sa harapan ng mga kaibigan ko ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Ipinasok ko sa bulsa ang mga nanginginig na kamay at yumuko para hindi mahalata ng mga kasama ko sa elevator na namumula ang mga mata ko.Did she really mean it? Did she really loves Creed? Kung hindi niya mahal bakit namin sila naabutan sa ganoong ayos? Parehong n*******d. Katatapos lang ba nila? Hindi na ba sila umabot sa kuwarto kaya't sa sala na nila ginawa?"Lennox! Saan ka?" Tawag ni Al nang makita ang pagtalikod ko para sumakay sa sariling sasakyan."Mauna na ako," mahina na sagot ko.Tumingala ako at ibinalik sa loob ng mga mata ang luha na muntik nang bumagsak sa loob ng elevator. Pigil na pigil ako dahil nakakabawas sa pagkalalaki ko ang pag-iyak. Subalit pagkapasok ko sa loob ng sasakyan, hindi ko naman din iyon napigilan.Ang sakit. 'Tang ina."Hoy, bakit mauuna ka? Sabay sabay na tayo!" Katok ni Al sa bintana ng sasakyan ko na hindi ko pinansin at nauna nang umalis bago pa niya makita ang
I can't look at her while she's crying, especially when I know that I'm the reason why she's shedding tears right now. She's right. I destroyed her. And I deserved all the disgust I've seen in her eyes. Lahat ng mga ginawa ko bago ko siya makilala ay pinagsisisihan ko na. Kung mas naging mabuti lang sana akong tao, hindi sana siya nandidiri ng ganito. If only I could have seen it coming, I could have done something differently. But, It's too late to regret now. I already fucked up everything.Only with her I felt different emotions. It was only with her that I experienced being happy, desperate, afraid, sad, and only with her did I cry. The only woman who gave me those emotions now wants me to get lost. She's done with me now. She's done with a liar and cold hearted man like me.Iyon ang huling hiling niya. Iyon ang pakiusap niya. Ano'ng karapatan ko para hindi ko iyon ibigay sa kanya? Ayokong maging makasarili gaya nang sinabi niya kaya hahayaan ko siya dahil alam ko na hindi ko na ma
I needed a bucket of self-control when I first saw her closely. She loves biting her lips like she's always seducing me or inviting me for a kiss. I don't know if it's her tactic or just her mannerism.Nakangisi akong mag-isa at natawa sa sarili nang maalala ko ang mga tingin niya. The way she looked and gawked at me. She's obviously attracted to me. I bit my lower lip as I stifled my smirk. Damn it. She likes me. Pumikit ako at nakaramdam ng saya.Dahan-dahan, nawala ang ngiti ko. Mabilis akong napadilat at naibaba ang hawak na alak. Shit. Umiling ako at tinawanan ang mga naiisip ko. Bakit tuwang tuwa ako? Right. I felt good because of my planned work. That's it. Yeah. That's it."Are you sure you don't want to teach another class and subject?""Yeah. I'm sure.""Isang klase lang ang tinuturuan mo…."Kinakausap ako ng head teacher ngunit wala akong ganang makipag-usap sa kanya dahil may pinapanood ang mga mata ko. Inaabangan ko siya ng tanaw habang papasok sa school. Natitigilan lang
"Lennox!"Napangisi ako nang makita si Bob at Al na nanlaki ang mga mata. Nasa likod namin ang mga nakaaway ko noong nakaraang araw."Tumakbo na tayo!" Naduduwag na suhestiyon ni Bob.Natawa kami ni Creed sa kanya. Umiling ako at hinarap ang mga tumawag sa akin. Isang kilalang gangster ang mga ito sa kabilang eskuwelahan. Naglalakad kami sa eskinita ng mga kaibigan ko. Kadadaan lang namin sa bahay ni Roiland kaya apat na lang kami na nasa masikip at madilim na lugar na ito."Why? Do you want to say hello to my fist again?"Napahawak si Creed sa tiyan niya at tumawa ng malakas dahil sa sinabi ko. Wala pang isang linggo nang makaaway namin ang mga ito. Mas marami siyang kasama ngayon. Nakaraan kasi'y lima lang sila. Ngayon, walo na pero puro mga patpatin naman ang mga kasama kaya't lahat sila'y mayroon mga dala na mga panghampas na tubo at mga kahoy."Ang yabang mo! Pinagbigyan lang kita nang nakaraan!" Galit na sigaw nito."Pinagbigyan?" Natawa ako. "Kaya pala puro pasa iyang mukha mo h
My choices might not good to others but I want to help myself to be the best version of me. I've been in the painful chapters then I turned the page and the healing process was much longer and it's not been easy. Iniwan ko ang taong mahal ko dahil natakot akong mabasag sa milyon milyong piraso ngunit kahit ano ang pinili ko ay nabasag pa rin ako.I hit the rock bottom and watched myself tear apart into million pieces. I go slowly and take my time to put it back, trying to collect myself. At nang hindi ko mapulot lahat ay iniwan ko ang ibang parte ko, and that part was Lennox.I thought that was the painful part, but it wasn't. The most painful part is to stepping out of the box and put myself first before others. Ang hirap magdesisyon para sa sarili ko lalo't nasanay ako na unahin ang iba.I only have one life and I want to allow myself to be happy right now. I will decide today for myself. And I don't have to feel sorry for choosing myself. Kahit sino ang masaktan ko at kahit sino ang