Share

Tainted Hearts 03

Some dreams looks so surreal. But if it's already in front of you, you still won't believe it? Kulang na lang magpasampal ako sa kanya bilang patunay na hindi ako nananaginip.

"I bought you a house."

Nang inulit niya nang mas malinaw, napainom ako ng tubig at hindi makapaniwala. Nakabili na? Kailan? Kahapon ba? Pero...natigilan ako at tila binuhusan ng malamig na tubig. Magkano ba ang bahay? Hindi ko alam pero sigurado ako na mahal iyon.

"Ano po ang...kapalit?"

Kinabahan ako sa hihingin niya na kapalit dahil baka hindi ko maibigay at mapagsisihan ko dahil nawala ang oportunidad na makaalis kami sa bahay na tinitirhan namin ngayon.

"Nothing. Walang kapalit. I just want you and your family to move to the new house I bought right away."

Umiling ako at huminga ng malalim. Hindi pa rin makapaniwala.

"Pero...pero bakit po?"

Bumuntonghininga siya at maliit na ngumiti.

"Let's just say, I just wanted to help."

Tumango ako. Sino ako para tumanggi sa ganito kalaking tulong? Hindi para sa akin pero para sa pamilya ko. Ganito ba ang mayayaman? Nagbibigay ng bahay kung kailan nila gusto?

"Kung gano'n, kailan po kami puwedeng lumipat?"

Kinakabahan ako na nae-excite. Gustong-gusto ko nang makaalis kami sa bahay na iyon.

Nagkibit balikat siya at ngumiti ulit.

"I told you I already bought it. It's up to you whenever you want. If you want, you can move tomorrow after work."

Tumango ako. Nanlalabo na ang mga mata ko sa naka-ambang luha.

"Thank you..." bumagsak ang luha ko sa isang pisngi na mabilis kong pinunasan. Umiiyak ako ngunit nakangiti.

Hindi ko alam kung paanong pagpapasalamat ang gagawin. Naiyak na lang ako sa harapan niya. Umalis din siya kaagad at ibinilin sa manager ko na pauwiin ako ng mas maaga. Para siguro makapag-empake kami.

"Totoo ba iyan?" Hindi rin makapaniwala na tanong ni Mama nang i-kuwento ko ang nangyari.

"Opo, Mama! May susundo raw sa atin bukas!" Kinagat ko ang ibabang labi ko at duda ako kung makakatulog ba ako ngayon ng maayos.

Tinakpan ko ng aking mga kamay ang labi ko at naiiyak na naman. Mabuti at hindi pa bumalik ang Amel na iyon. Dahil siguro marami pa siyang pang-gastos sa bisyo niya sa laki ng pera na nakuha niya sa akin.

"Makakaalis na tayo na lugar na ito, Mama! Hindi na kayo masasaktan ulit ng lalaki na iyon!" It was bittersweet, pero mas nangingibabaw ang saya.

Tumango si mama, naiiyak na rin siya. Gabi pa lang nag-e-empake na kami. Hindi alam ng mga kapatid ko. Wala pa silang alam at gusto ko silang surpresahin pagkalipat namin sa bagong bahay. Na sa amin iyon at doon na kami titira. Hindi ako nakatulog kakaisip dahil doon hanggang sa mag-umaga at makasakay na kami sa sasakyan na pinadala ni Mr. Andromeda.

"Ate, ang ganda ng sasakyan! Ang lamig pa!"

"Ngayon lang ako nakasakay sa ganitong sasakyan, Ate!"

"Saan tayo pupunta?"

Napapangiti ako sa mga inosenteng pagtatanong ng mga kapatid ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Lilipat kami sa ibang bahay at hindi na masasaktan ang pamilya ko. Tumatalon sa saya ang puso ko sa kaisipan na iyon.

Tumigil ang sasakyan kung saan nakaabang si Mr. Andromeda. Nasa tapat siya ng magandang bahay na mayroon dalawang palapag. Mayroon din sariling gate na mataas. Mukhang mayroon na ring mga gamit sa loob dahil may mga aircon akong nakita. Ang ganda at ang linis. Tahimik din ang lugar. Walang tao sa labas.

"Mr. Andromeda, ito po si mama at ang mga kapatid ko," pakilala ko sa aking pamilya pagkatigil sa harapan niya.

Ngumiti siya at tumango. Magaan at may awang inisa-isa niya ng tingin ang pamilya ko. Sa huli, bumalik sa akin ang mata niya.

"Alam ko na nagtataka ka kung bakit ko kayo ibinili ng bahay..."

Hindi ako nagsalita dahil sa paraan ng pagkausap niya sa akin, ramdam kong may karugtong pa iyon.

"Your father..."

Tumigil siya sa pagsasalita. Umawang naman ang labi ko at nagkatinginan kami ni Mama nang banggitin niya ang ama ko. Ibinalik ko ang tingin sa kanya at naghintay sa sasabihin niya. Hindi pa niya nadudugtungan, may napagtatanto na ako sa isipan ko.

"I am one of your father's friend—"

"Kaibigan n'yo ho si Papa?" Putol ko dahil nagulat ako sa sinabi niya. Ngumiti siya at tumango.

"Not a close friend but I think we're friends because he trusted me. Before he died, we had a small business. We're a business partner. He said that his share is for her eldest daughter. I didn't know any of his family. Nang mamatay siya, mayroon siyang naiwan na pera sa akin. Puwede kong hindi ibigay sa inyo dahil wala kayong alam sa naiwan niya na pera ngunit hindi iyon kakayanin ng konsensya ko..."

Tinuro niya ang bahay at ang sasakyan.

"I bought these from his money..." Ngumiti siya sa akin. "And I put the other money in your bank account."

Umiling ako. "Wala po akong bangko..."

Tumango siya. "I know, but I made you one."

Tiningnan ko si Mama na umiiyak na. Limang taon nang patay si Papa. Biglaan iyon at hindi namin napaghandaan. Pumayag na makisama si mama kay Amel dahil akala niya'y makakatulong iyon sa pagpapalaki sa amin. Na makakatulong iyon sa mga pangangailangan namin. Pero baliktad ang nangyari.

Ngayong ay nasa harapan kami ng magara na sasakyan at maayos na bahay dahil kay Papa. Tuluyan na akong naiyak nang maisip kung gaano niya kami kamahal. Hindi siya nagsasalita pero gusto niya kaming mabigyan ng maayos na buhay.

"Sorry for the delay. I just found out that you are his family. Matagal bago kita nahanap. Sinigurado ko rin muna na ikaw ang anak niya."

Nakangiti siya at inabot sa akin ang susi ng sasakyan at ng bahay.

"I also want to extend my help. I saw your hard work so I wanna suggest you to go back to school. I can pay for your tuition and allowance. It's on me. You don't have to worry about anything."

"Sobra sobra na po yata—"

"It's alright. It's just a small help. I'm happy to meet you and your family."

Tumango ako. Nagpaalam na rin kaagad siya. Nanginginig ang kamay ko na binuksan ang pinto ng bahay. Nasa loob ng gate ang sasakyan at nakaparada. Hindi sobrang laki ng bahay pero para sa amin sobrang laki na nito. Taas at baba ay malinis. Malawak din at mayroon labahan sa likuran. Bato ang lahat pati ang hagdan. Mayroon tatlong kuwarto at ang lahat ay mayroon mga sariling teresa.

"Ate, dito ba tayo titira? Bahay natin ito? Hindi na tayo mapupuntahan ni Amel?"

"Oo, Mena. Dito na tayo titira at hindi na niya tayo mapupuntahan."

Napangiti ako nang pumalahaw siya ng iyak at yumakap sa akin. Tuwang-tuwa ang mga kapatid ko pati si mama na hindi pa rin natitigil sa pagpupunas ng luha. Ako, hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala. Hulog si Mr. Andromeda ng langit sa pamilya ko na akala ko'y wala nang pag-asa na makaalis sa lugar na iniwan namin.

Mag-aaral daw ako?

Lumawak lalo ang ngiti ko. Natigil ako sa pag-aaral nang magkasakit si Mama at ang kapatid ko. Isang taon na lang sana kaya lang hindi ko kinayang tustusan ng sabay ang pag-aaral ko at ang gamot ni Rico. Sa club ako napunta dahil nahirapan akong maghanap ng trabaho at nandoon ang mabilisan na pera. Mabilis din akong natanggap na hindi na kinailangan ng matagal na applyan at interview.

"I asked my assistant to bring you your school supply," ika ni Mr. Andromeda nang tumawag.

Hindi na ako tumanggi at agad na tinanggap ang mga ibinibigay niya. Mga mamahalin ang gamit pati ang bag. Kinabukasan, masaya akong nagtungo sa school na binanggit ni Mr. Andromeda. Isang tingin lang sa school, masasabi kaagad na mamahalin ang tuition. Ginala ko ang tingin sa malawak na lugar. I can't believe I am one of many students in this luxurious school now! Kahit sa panaginip hindi ko ito naisip!

Nagpa-ikot ikot muna ako habang hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi. Kumikinang ang mga mata ko sa mga nakikita na estudyante sa loob. Lahat sila mayroon mga dala na mamahalin na gadgets at kita sa ayos na mamahalin ang mga damit.

Pagkauwi, masaya ko na ikinuwento sa pamilya ko ang lahat ng nakita. Gaya ko'y tila nagniningning din ang mga mata ng mga kapatid ko kaya't nangako ako na isasama ko sila isang araw sa paaralan ko para makita nila.

"Xena, gising ka na ba?" Mahinang sigaw ni mama kasabay ng pagkatok.

"Opo!"

Sinusuklay ko ang itim na mahabang buhok habang sumasabay sa kanta na pinapatugtog ng kapatid. Maganda ang ngiti ko ngayon dahil unang araw ng pasok sa eskuwelahan.

"Aalis na ako, Ma!"

Lumabas ako pagkatapos magpaalam kay mama at sa mga kapatid. Humuhuni ako ng isang paboritong kanta pagkadaan ko sa sasakyan na nasa garahe. Nakalabi ko itong tiningnan. Kailangan kong matutong magmaneho para hindi masayang ang sasakyan na ito at nakaparada lang.

Sinuot ko ang lumang sumbrero ni Along para hindi ako mainitan habang naglalakad papunta sa hintayan ng jeep na dadaan sa paaralan. Sumakay at bumaba ako ng jeep na masaya dahil sa kaisipan na mag-aaral ako sa malaki at sikat na paaralan. Hindi ko alam. Pagkatapos naming lumipat, para akong nagkaroon ng pangalawang buhay. Second life. Second chance. Mag-aaral ako nang mabuti at hindi ito sasayangin.

Huminga ako ng malalim at nakangiti na lumapit sa guard. Kinuha nito ang I.D ko at tinitigan ako bago pinapasok. Pangalawang punta ko na sa school na ito pero first time pa rin sa pakiramdam. Hindi ko rin kasi gaanong nalibot nang unang punta ko para mag-enroll.

"He's our school new professor," narinig kong bulungan ng mga sosyal na estudyante.

Their english and pronunciation is intimidating. Hindi na ako nagulat dahil bago ako mag-enroll, alam ko naman na karamihan ay mayayaman ang mga nag-aaral dito.

Napapatingin nga lang ako dahil naghagikgikan sila. Ngumiti ako nang napatingin sa akin ang isa. Napawi ang ngiti ko nang taasan ako nito ng kilay. Kinagat ko ang labi ko dahil sa pagkapahiya at dumiretso na sa pag-akyat sa building para mahanap ang kuwarto ko.

"My god! Did you see him? I almost faint!"

"Not just I saw him, I smell him too when I bump into him at the entrance! I was shocked because he's too hot to be a professor!"

"His students are so lucky! I think I suddenly want to shift course!"

Nasa huling baitang na ako ng hagdan sa palapag nang kuwarto ko nang makasalubong ang panibagong mga babae. May pinag-uusapan sila at sa palagay ko'y kaparehong guro na pinag-uusapan kanina sa ibaba ng mga babaeng estudyante.

Nasa iisang lugar ang mga mata nila. Nang sundan ko ang tinitingnan nila'y malapad na likod lang ng matangkad na lalaki ang naabutan ko. Kaliliko lang nito isa sa mga hallway at hindi ko nakita ang mukha.

Nang malampasan ako ng mga babae, nagpatuloy ako at huminto sa tapat ng unang klase na nasa schedule ko. Huminga muna ako ng malalim bago marahan na kumatok. Tinitigan ko ang pinto at naisip na ako siguro ang magbubukas nito. Nagbuga ulit ako ng hangin at kagat ang ibabang labi na binuksan ang pinto.

Kinabahan ako pagkasilip ko dahil nakatingin sa akin ang lahat ng mga estudyante na nasa loob. Napalunok ako. Nangapal ang magkabilang pisngi ko pagkabukas ko ng malaki sa pintuan. Inalis ko ang mga mata sa mga kaklase na nakatutok ang nanunuring mga mata sa akin. Pagkalipat ko ng mga mata sa harapan, muntik na akong hindi makagalaw.

A hunk drop-dead gorgeous man is strictly staring at me. I chewed my bottom lip and awkwardly smiled at him. He didn't budge. He's emotionless. He just stood there, sternly looking at me. He is in front of the class and I assumed that...he is our professor.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Shariffa Alarcon Mendoza
nakak touch Ang gandA Ng storY...
goodnovel comment avatar
cmalmontea
Gusto ko rin ng house!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status