Share

Tainted Hearts 17

"Her name is Addisson, right?"

Madiin ang pagkakalapat ng mga labi niya. Namumuti na rin ang kamao niya dahil sa madiin na pagkakasara.

"Siya ba?"

Tumango siya kaya lalong bumuhos ang mga luha ko. Nanatili ako na naka-upo sa kama.

"Kayo pa rin hanggang ngayon? Siya ang girlfriend mo kaya kahit gusto mo ako hindi mo ako puwedeng maging girlfriend?"

"It's hard to explain, Xena. We're living in but she's not my girlfriend—"

"Pinagsabay mo kami?"

"No!" Umiling siya. "I want to stop what we have but I can't get a chance to talk to her! Hindi ko siya makita—"

"Magkasama kayo sa bahay!"

Umiling siya at umupo sa kama. Hinuli niya ang isang kamay ko. Nakatingin lang ako sa mga kamay namin at walang lakas na bawiin iyon.

"Matagal na kaming hindi nagkikita..."

Hinawi ko ang kamay niya at tiningnan siya ng matalim.

"Matagal? Nakita ko kayo sa parking lot!"

"That was the last. I told her to stop following me. I told her we should stop but she didn't listen. She wants me to go home. I want to talk to her again to clean whatever we have but I have no idea where she is right now."

Tinitigan ko siya habang tinitimbang kung paniniwalaan ko ba siya. Bahagya akong kumalma. O baka dahil mahal na mahal ko lang siya kaya kahit inamin niya na may naka-live in siya, umaasa pa rin ako. Na totoo ang sinabi niya na ako ang gusto niya.

"You want her to stop because you like me?"

Humugot siya ng malalim na paghinga. Tinitigan niya ako at saka tumango.

"Totoo? Hindi ka nagsisinungaling sa tuwing sinasabi mo na gusto mo ako?"

Tumango ulit siya. Natahimik kami ng ilang minuto hanggang sa tuluyan na akong kumalma.

"Ba't hindi pa rin tayo puwede gayong ako na ang gusto mo?"

Panay ang buntonghininga niya. Nakikipaghiwalay pala siya sa Addison na iyon nang makita ko sila sa parking lot? Kahit hindi na sila mag-usap ulit para sa akin wala na sila. It's fine for me as long as she's not his girlfriend. As long as he don't lie.

Malayo ang agwat ng edad namin at kung titingnan kami'y para ko na siyang nakatatandang kapatid. Malaki ang tangkad niya sa akin at matured nang kumilos. Hindi naman ako maliit pero bata ang mukha. Alam kong marami ang pagkakaiba namin. He's experienced and I'm not. He was with other women and he's my first. We're different but I know in my heart that I really love him so much.

When my father died, I gave up my studies and worked for my family. I'm busy thinking about good things for other people. I'm busy thinking about their future. Ngayon lang ako nag-isip ng para sa sarili ko. Siya lang ang gusto ko. Ngayon lang ako naghangad. I may be sound possessive but I want him only mine. I don't want to share him with other women. I want him to only look at me. I want to keep him. I want to hide him so other girls won't admire him.

"Gusto kitang maging boyfriend. Lahat ng ginagawa natin para na rin naman kitang boyfriend, hindi ba?"

Pumikit siya ng mariin. Bumuga siya ng hangin at pagkadilat ay tumango.

"Ako dapat ang nagtatanong sa 'yo nito."

"Then ask me!"

Natatawa siya habang napapailing. Hinila niya ako palapit sa kanya kaya napaluhod ako sa kama. Pumulupot ang mga braso niya sa manipis ko na bewang at ini-upo ako sa kandungan niya. Nakagat ko ang labi ko nang magpatak siya ng nangingiliting halik sa aking leeg.

"Hindi ibig sabihin na girlfriend na kita'y gagawin na natin iyon."

Nakaikot sa leeg niya ang mga braso ko. Ang mga daliri ko'y nilalaro na ang malambot niyang buhok.

"Pero ginagawa iyon ng mga magkarelasyon?" May pagkainosente kong tanong.

Natawa ulit siya at tumango. "Oo."

"Gawin din natin."

He groaned and bit my neck gently. I craned my neck to the side when I felt his teeth pulling my skin a bit and carefully. Para bang gusto niya akong kagatin ng mariin pero ayaw niyang magkaroon doon ng marka ng ngipin niya.

"We will but...not now..." He groaned again huskily.

"Why not?"

"If we did that now...I can't promise that I can pull it out..."

Humigpit ang mga braso niyang yakap ako na parang gusto akong pisain.

"Then don't..." I moaned as his kisses on my neck intoxicated me.

"Are you sure?" He laughed. "Paano ang mga pangarap mo? Mabubuntis kita, Xena."

Natigilan ako at ngayon lang natanto ang naisagot ko. Ngayon ko lang na-realize kung ano ang ibig sabihin niya.

"Is it okay for you to delay your dreams for a year or two if I got you pregnant?" He asked.

He pushed me a bit, his eyes quickly found mine.

"I badly want to do that thing with you. I'm a man and I have feelings for you. Hindi madaling magpigil. But, I'm trying..."

Nakagat ko ang labi ko dahil tinamaan na nang hiya sa paraan ng pagsagot niya. Ako ang babae sa aming dalawa pero ako pa ang mas agresibo at mas sabik na gawin iyon.

"Maybe...we can use protection?"

Napapikit ako at nagsumiksik sa dibdib niya nang makita ang pagngisi niya.

"I like your idea but like I said, not now."

"Kailan?"

Natawa ulit siya. Naramdaman ko siya kanina pagkaupo ko sa mga hita niya. Buhay iyon at matigas. Ngayon, unti-unti na iyon na kumakalma.

"Kapag hindi ko na kayang magpigil?" Tugon niya. "Bumaba na tayo bago pa dumating ang mama mo. I don't want her to think that we're doing it inside your room."

Tumango ako. Pinagpalit niya ako ng damit at nagpaalam na mauuna na siyang bumaba. Pagkarating ko sa sala'y sakto ring kararating lang ni mama. Nang mag-gabi, nagpaalam na si Lennox na uuwi na. Hinatid ko siya palabas.

"Tayo na?"

Nakangisi na kinagat niya ang labi niya bago tumango. Binabasa niya ng laway ang labi niya habang tinitingnan ang labi ko. Ibinaba niya ang mukha para mahalikan ako kasabay ay ang pag-awang din ng labi ko bilang paghahanda sa paparating niyang halik. Hindi pa nagdidikit ang labi namin, tumayo na siya ng tuwid. Kumunot ang noo ko't naisara ang bibig.

"Good night po. Mauna na po ako."

"Sige, hijo. Mag-ingat ka," boses ni mama.

"Salamat po." Ngumiti si Lennox.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses ni mama. Nasa likuran ko siya't naglabas ng basura. Tinanguan niya si Lennox at saka tumalikod para ayusin ang tali ng mga basura.

Hinila ko ang kamay ni Lennox pagkaharap ko sa kanya para abutin ang labi niya't ituloy ang halik na nabitin. Natatawa siyang umiwas. Lumayo siya pagkatanggal niya sa kamay ko at nagmamadaling tumakbo papunta sa kanyang sasakyan.

Nakasimangot ako na humarap kay mama na nakatalikod na para pumasok sa loob ng bahay. Pagkapasok ko sa gate, natanaw ko ang paggalaw nang kung ano o kung sino sa likod ng poste na katapat ng bahay namin. Hindi ko sigurado kung may nagtatago ba roon o namalikmata lang ako. Itinutok ko roon ang mga mata ko ng matagal.

"Xena!"

Napatalon ako't napahawak sa dibdib. Si mama iyon na isinigaw ang pangalan ko.

"Pumasok ka na at uulan pa yata!"

"Opo!" Sagot ko. Tinitigan ko pa ulit iyon sandali. Nang makita na walang gumalaw ay pumasok na ako sa loob.

Nagkakagulo sa sumunod na linggo pagkapasok ko. Lahat mayroong hawak na bulaklak at mga tsokolate. Ang iba'y mayroong dalang mga lobo at teddy bear na malaki. Normal na araw lang ito sa akin dati nang nag-aaral ako. Pagkatapat ko sa locker ko, may ilang mga sulat doon. May mga bulaklak pa na nakadikit sa pinto. Natawa ako at napailing kasi ganito rin noon sa dating eskuwelahan ko. Tinatanggap ko pero hindi ko masyadong iniisip.

Kinuha ko ang mga bulaklak at ipinasok ang mga sulat sa loob ng bag. Pagkarating sa silid aralan, mayroon ding ilang tsokolate at bulaklak sa lamesa ko. Masiyado yatang maraming pambili ang mga estudyante rito. Nilapitan ko ang mga iyon habang nakakunot ang noo. Ilan lang ang maliliit na bulaklak pero ang lubos na nakaagaw ng attention ko ay ang malaking stuffed toy, mamahalin na tsokolate, at napakalaking pulumpon ng rosas. Hinawakan ko iyon habang iniisip kung 'kanino nanggaling ito?'. Unang pumasok sa isip ko ay si Lennox. Napagtanto ko nga lang na magkasama kami kanina. Nauna lang ako dahil dinaanan niya 'yung isang sasakyan niya na naibangga ko. Kung bibigyan niya ako ng ganito, dapat kanina o sa sasakyan.

"I think that's worth more than ten thousand!"

"Right!"

Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko kaya inabot ko na ang card na nasa loob ng bulaklak para masagot ang katanungan ko. Hindi ko na binasa ang nakasulat dahil dumiretso ang mata ko sa pangalan na nakasulat.

Kian Evans?

Natigilan pa ako at napa-isip kung sino iyon. Nagtayuan ang mga kaklase ko, kasabay no'n ay tuluyan kong naalala kung sino iyon. Napabaling ako sa harapan para lang makita si Lennox na salubong ang kilay habang nakatingin sa mga bagay na nasa ibabaw ng lamesa ko, partikular sa hawak kong malaking pulumpon ng bulaklak.

"That's a lot. I can see that you have many suitors, Ms. Peña Vega," sarkastiko iyon.

Inilapag niya ang dala niyang mga gamit sa kanyang lamesa. Pagkatapos ay masungit niyang hinubad ang suot niyang salamin.

"We saw who gave the biggest bouquet, Sir!"

After taking off his glasses, Lennox's eyes went to my classmates.

"Who?" He asked even if he sound uninterested.

"Si Kian Evans, Sir!" Kinikilig na tili nang babae na sumagot.

"Oh?" He arched his eyebrows before he slowly drifted his dark eyes on me.

"Hinahanap ka niya kanina, Xena! Babalik daw siya mamaya! Naku! Baka aalukin ka na ng kasal! Mayaman iyon at guwapo pa! Malaking isda iyon kaya mag-oo ka na agad!" Sabay tawanan sila.

Hindi ko na pinatulan ang panunukso nila. Umupo ako't itinabi sa gilid ang mga nakalagay sa lamesa. Seryoso na nagtuturo si Lennox. Sa tuwing nagagawi ang mata sa akin, dumidilim ang tingin. May ilan din siyang estudyante ngayon na napagalitan. Kaya nang matapos ang klase'y tila sila mga nakahinga lahat.

"Bad mood si Sir!"

"Siguro nabasted!"

Karamihan mga lalaki ang nagtawanan at pinag-uusapan ang maasim na mood ni Lennox.

Tumayo ako at inabot ang malaking bulaklak. Nabitin sa ere ang kamay ko para kunin ang stuffed toy nang makatanggap ng tawag. Mabilis kong sinagot iyon nang makitang si Lennox ang caller.

"Nasaan ka? Uuwi ka na?"

"I'm at the parking lot. Come here. Bring those things to my car."

Tiningnan ko ang maraming bulaklak, tsokolate, at malaking stuffed toys. Nakita niya kanina at siguro'y naisip na mahihirapan akong ilipat-lipat ito ng kuwarto gayong iba-iba ang room ng bawat subject ko.

"Okay."

Nahirapan akong dalhin lahat pero nakaya ko naman. Halos hindi ko makita ang dinadaanan. Pagkarating ko sa parking lot, tumagilid pa ako para hanapin kung saan naka-park ang sasakyan niya.

Napangiti ako at nagpatuloy sa paglalakad nang matanaw siya. Madilim ang tingin niya at hinayaan lang ako na mahirapan sa pagbubuhat. Binuksan niya ang pintuan sa backseat pagkalapit ko.

"Ilagay mo rito lahat," utos niya.

Ginawa ko naman. Huminga pa ako ng malalim pagkabitaw ko sa mga iyon. Pinagpawisan ako kahit hindi naman ganoon kalayo ang nilakad. Nangalay din ang braso ko dahil sa dami ng dala. Nang mai-ayos lahat, sinarado niya ang pintuan ng sasakyan at hinarap ako.

"Babalik na ako sa klase. Dadalhin mo ba iyan sa bahay?" Nakangiti ko na tanong.

Si Mena, magugustuhan ang stuffed toys na malaki. Kay Along naman at Rico ang tsokolate. Napangiti ako nang ma-imahe na matutuwa ang mga bata.

"No. This is trash. Itatapon ko," sagot niya sabay mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status