Share

Tainted Hearts 16

"You'll get cold." Tinulak niya ako palayo sa dibdib niya. "Go inside and go back to sleep. Okay?"

Napalabi ako pero tumango rin ng marahan. Tahimik akong tumalikod. Napapaisip kung tama ba ang ginawa ko na pag-amin sa kanya. I confessed but he's unresponsive. Ganoon ba siya ka-shock para matahimik at hindi makasagot?

Naglalakad ako pabalik sa bahay. Tulala. Bagsak ang balikat ko at nasa baba ang tingin nang marinig ko siyang magbuntonghininga.

"Xena..."

Humarap ulit ako nang tinawag niya ang pangalan ko. Maliit na ngiti na lang ang naibigay ko. May problema ba? Bakit may takot sa mga mata niya pagkatapos kong aminin na mahal ko siya? Bakit parang hindi niya nagustuhan?

Malamlam ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Nanatili ako ilang hakbang ang layo sa kanya at hindi na lumapit. Salitan niyang tinitigan ang mga mata ko na tila ba mayroong binabasa roon.

Eventually, he sighed. He opened his mouth and closed it again as if he was hesitating to speak. He licked his lips and instead of saying something, he just lifted his arms, urging me to hug him. Nalusaw ang malungkot na ngiti ko at tinitigan ko lang ang mga braso niya.

He smiled. "Come here."

Kinagat ko ang labi ko. Nagdalawang isip ako pero sa huli'y tumakbo rin palapit sa kanya para yakapin siya.

"Don't be upset, alright?" Nanlalambing niyang bulong.

Humigpit ang yakap ko sa kanya at tumango.

"I'm not affectionate and it's not easy for me to say it. I will tell you those words at the right time. Could you wait?" He hugged me tight and kissed the top of my head.

Tumango ako at ngumiti. Hindi naman ako humihingi ng sagot. Gusto ko lang na malaman niya ang nararamdaman ko. Pero ngayong nanggaling sa kanya na sa tamang oras ay sasabihin niya iyon pabalik, para niya na rin akong sinagot na mahal niya rin ako.

Humiwalay ako sa yakap at tiningala siya. Mabilis bumaba ang labi niya para ilapat iyon sa labi ko. Mabagal at mababaw ang kanyang halik. Namumungay na ang mga mata ko nang putulin niya ang halik.

"Manipis ang suot mo. Magkakasakit ka kung hindi ka pa papasok sa loob," aniya.

Tumango ako. Isang mabilis na halik pa'y pinapasok na niya ako sa loob. Tinanaw ko siya sa bintana ng kuwarto ko. Kumaway siya at pumasok na sa loob ng sasakyan.

"Huu," a deep sigh escaped from my lips. Dumating ang sabado at linggo. Mga araw na tinuturuan niya akong magmaneho.

"Xena!"

Napapapikit ako sa sigaw niya sa tuwing muntikan na akong bumangga. Pabalang akong lumingon sa kanya.

"Huwag mo kasi akong sinisigawan! Hindi ako makapag-isip ng maayos!"

Umiling siya sabay tiningnan din ako ng masama. Magmula nang turuan niya ako'y hindi na nawala ang salubong ng kilay niya.

"Kung hindi kita tatawagin ng malakas hindi mo ihihinto ang sasakyan! Ako na nga ang nagtuturo sayo, ikaw pa ang galit?"

Sasagutin ko sana siya na 'ikaw ang nagpresinta kaya bakit ngayon nagrereklamo ka?'. Sa halip, natawa na lang ako kasi naiinis na talaga siya. Namumula ang buong leeg niya. Kumunot ang noo niya at lalo akong sinamaan ng tingin dahil sa pagtawa ko.

"Ano'ng nakakatawa?"

Tumawa ulit ako at pairap na sumagot. "Wala!"

Magsasalita sana ulit siya, nabitin lang ang sasabihin niya dahil pinaandar ko na muli ang sasakyan. Marahan ang paandar ko at maayos naman kung hindi lang ako nakakita ng pusa na tumakbo sa daan. Nataranta ako. Sa halip na ang preno ang maapakan ay ang silinyador ang naapakan ko. Inikot ko paliko ang manibela para iwasan ang pusa. Kaya lang, dahil sa taranta sa pagmumura ni Lennox sa tabi ko'y hindi ko mai-angat ang paa na nanigas na't nakaapak sa silinyador.

"Shit!" Mura ni Lennox nang tumama kami sa puno.

Hindi naman kalakasan, kaya lang may nasira pa rin sa harapan ng sasakyan niya. Natahimik kaming pareho. Kagat ko ng mariin ang ibabang labi ko dahil sa nagawa habang ang katabi ko ay mabilis ang paghinga. Sabay kaming lumingon sa isa't isa na ganoon pa rin ang itsura. Napangiwi ako nang mabasa ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Are you okay? Are you not hurt?"

Umiling ako at kinagat ng mariin ang labi. Akala ko magagalit siya. Kahapon pa kasi kami ganito at ang masasabi ko ay hindi yata para sa akin ang pagmamaneho.

"Nasira ko yata? Huwag mo na lang kaya akong turuan?" Kinagat ko ang kuko sa hinlalaking daliri ko at nagpapaawa na nakatingin sa kanya.

Natawa siya sa itsura ko. Hinila niya ang kamay ko paalis sa bibig ko. Pagkahubad ng seatbelt, lumabas siya at in-inspeksyon ang nasira sa harapan ng sasakyan.

"Ipapaayos ko na lang ulit mamaya," sabi niya pagkabukas sa pintuan ng driver seat sa gilid ko. "Move to the front seat. I'll take over this seat now. I'll drive you home."

Pinalipat niya ako sa kabila upang siya na ang pumalit para magmaneho.

"Okay," mahinang sagot ko.

"Mas malaki ang nasira mo ngayon. Next week na natin ito magagamit."

Nakalabi ako habang inaatras niya ang sasakyan. Iniisip ko pa rin ang nasira ko sa harapan ng sasakyan niya at kung magkano ang aabutin ng pagpapagawa no'n. Sa kagustuhan niya na matuto ako, napapagastos pa tuloy siya. Kahapon kasi nasira ko rin. Pinaayos niya kaagad kaya nagamit ulit namin ngayon. Pagkatapos, naibangga ko na naman.

"Why is my baby pouting?" Nakangising tudyo niya. Lalo akong napalabi.

Tumawa siya at hinuli ang kamay ko.

"It's alright. Don't think about the car. I bought it for you to practice so you can destroy it whenever you want."

Nakalabi akong umirap pero nangingiti. Natawa ulit siya.

Sa mga nagdaan na araw, lalo kaming naging maingat sa eskuwelahan. Nirerespeto niya naman ang kagustuhan ko dahil bago ko pa siya makilala'y ito na ang mga bagay na pangarap ko, ang makapagtapos at maiangat sa buhay ang pamilya. Hindi siya nagrereklamo at tinutulungan niya pa ako sa pag-aaral.

"Like this is enough. You shouldn't complicate your answer..."

Nasa loob kami ng kuwarto ko. Nakaupo siya habang nakadapa ako at mayroon yakap-yakap na unan. Malapit na ang huling pagsusulit at kapag ako ang naging pinakamataas roon ay nangako siyang isasama niya ako sa isang isla para magbakasyon.

Ang totoo, hindi ako nag-aalala sa grades ko. Gusto ko lang siyang makasama kaya pumayag ako na turuan niya ako kahit alam ko na naman ang mga itinuturo niya. Noon, laman ako ng mga library. Nag-a-advance learning ako kaya familiar na sa akin ang ilang mga lesson na idiniscuss ng mga guro.

"Aren't you listening?"

Napangiti ako. Ang ganda niyang tingnan kahit seryoso at nagsusungit. Nakadapa ako sa higaan at nakapangalumbaba. Nakatingala ako sa kanya habang nakayuko naman siya sa akin dahil nakaupo siya.

He heave a sigh. "You are not listening. Let's just go down to the living room if you don't want to study."

He don't want the idea staying with me in my room. Wala si Mama at bumisita sa ilang mga kaibigan niya na naiwan namin sa dating tinitirhan. Ang dalawang pinakabata kong kapatid ay tulog na. Si Along, naglalaro ng bagong games sa sala.

"Dito na lang tayo. Maingay ang kapatid ko sa ibaba."

Nakatingin siya sa mukha ko. Nagbuntonghininga siya nang mapasulyap sa kaonting dibdib ko na nakalabas. Pinasadahan niya ng dila ang ibabang labi niya at nagbaba ng tingin sa libro na itinuturo niya sa akin. Sinarado niya ang libro at tila balak nang bumabang mag-isa. Pero, pinigilan ko ang kamay niya bago pa makatayo mula sa pagkakaupo sa kama.

"Where are you going? Let's just stay here—"

"Staying here with you isn't a good idea," he said seriously and took his arm back.

Napalabi ako't napaupo ng maayos. Nakasimangot ako nang hinarap niya ako pagkabukas niya sa pinto.

"Let's go—"

"Dito na lang tayo," putol ko sa anyaya niya.

He sighed impatiently. "Xena..." he warned me while opening the door widely, asking me to go outside.

Umiling ako at kinagat ang ibabang labi. Instead of following him, I closed my eyes and lifted up the dress I was wearing. Nanlaki ang mata niya. He swallowed hard and angrily closed the door back.

"What the fuck are you doing?" He asked, he's now mad.

I bit my lower lip harder while I was looking at him. Inabot ko sa likod ang lock ng suot ko na bra at mabilis iyon na tinanggal. Hindi ko pa tuluyan na nahuhubad ay nakalapit na siya para pigilan ang mga kamay ko. Natanggal ko na ang hook pero nakatakip pa rin ang tela sa dibdib ko. Tinitigan ko siya sa mga mata.

"I want you, Lennox. Please?" I'm pleading with my weak voice.

I'm really in love with him. I felt like we're not close enough. Nakukulangan ako. I want to feel him in any way. Not just a kiss. Not just a second base. I want him all the way.

"You don't know what you're saying, Xena!"

Inalis niya ang kamay ko at muling ikinabit ang hook ng suot ko na bra.

"Alam ko ang ginagawa ko! How about you? Aren't you my boyfriend?"

Tiningnan niya ako sa aking mga mata pagkabalik niya ng dress sa katawan ko.

"Do you want to? Do you want us to be official?"

Tumango ako. Hinaplos niya ang buhok ko at naging malamlam ang mga mata niya.

"Do you want me to be your boyfriend even you don't know me?"

"We are kissing and you are touching me. Isn't that what lovers do? And most importantly, you like me. You don't kiss and touch a girl you don't like, do you?"

Umawang ang mga labi niya at nag-iwas ng tingin. Sa tingin ko gusto na niyang tapusin ang usapan na ito at lumabas.

"Why are you avoiding my gaze? You don't want us to be official? May gusto kang iba?"

Mabilis siyang umiling. "Wala," paos na sagot niya.

"Ang sabi mo gusto mo ako? Bakit hindi puwede? Gusto mo ako pero ayaw mo akong maging girlfriend, ganoon ba?"

Pinagdikit niya ng madiin ang mga labi niya at kumuyom ang dalawang kamay. Hindi ko alam kung bakit ba parang nahihirapan siyang sagutin ang mga tanong ko. Tila ba ayaw niya ng komprontasyon.

Dumaan ang ilang sandali na pareho kaming tahimik. Nakatitig ako sa kanya habang siya'y nasa mga kamay ko ang tingin. Ni hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Totoo ba na may ka-live in ka?"

Namutla siya at gulat ang mga mata nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Namutla rin ako at nagulat. Hindi siya sumagot pero parang may nabasa na akong sagot sa mukha niya.

"Totoo?" Nabasag ang boses ko.

"X-xena..." napalunok siya't napahakbang palapit sa gilid ng kama.

Naging malabo siya sa paningin ko nang makumpirma ang lahat sa naging reaksiyon niya. Kung ganoon may ibang babae nga siya? Wait, hindi. Ako ang ibang babae niya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status