Share

CHAPTER 26

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-06-22 17:58:19

"TELL ME your reason, kups, kung bakit mo kinupkop si Kiara Mendoza?"

Kunot-noong pinukol ng tingin ni Ren Akihara ang kaibigan.

"Kanino mo ba kasi nalaman 'yan?" inis pa niyang tanong.

Ngumisi nang nakakaloko si Damon Reyes sa kaniya saka inikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito.

"Ayon sa report, labing-anim na babae ang nagtatrabaho sa The Hidden Paradise, pero labinlima lang ang na-rescue. Ang babaeng nagngangalang Kiara Mendoza ay nawawala. Na ayon pa sa report, isang Japanese busine
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 27

    Napatango-tango si Ren pagkatapos pasadahan ng tingin ang bagong gawa niyang identity na gagamitin niya sa bagong misyon. Gumawa rin siya ng pekeng account sa ilang social media sites upang suportahan ang fake identity niya. Sa bago niyang identity, siya si Raymond Valdez, twenty-three years old, at isang freelance model at singer. Siyempre pa, kalakip ng pangalang iyon ang mga identification card at driver's license upang maging kapani-paniwala. Nag-unat muna ng mga braso si Ren dahil pakiramdam niya ay nangalay siya sa matagal na pagtitipa sa laptop. Isinandal rin niya ang likod sa kinauupuang office chair. Matapos niyon ay binalingan niya ang wall clock na nasa harapan lamang niya. 4:30 PM. Napangiti siya nang makita ang oras. Thirty minutes na lang kasi at matatapos na ang trabaho niya. Hindi kasi niya malaman kung bakit pakiramdam niya ay napagod siya nang husto nang araw na iyon na kung tutuusin ay wala naman siyang ginawa maghapon kundi umupo lang at humarap sa laptop

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 26

    "TELL ME your reason, kups, kung bakit mo kinupkop si Kiara Mendoza?"Kunot-noong pinukol ng tingin ni Ren Akihara ang kaibigan."Kanino mo ba kasi nalaman 'yan?" inis pa niyang tanong.Ngumisi nang nakakaloko si Damon Reyes sa kaniya saka inikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito."Ayon sa report, labing-anim na babae ang nagtatrabaho sa The Hidden Paradise, pero labinlima lang ang na-rescue. Ang babaeng nagngangalang Kiara Mendoza ay nawawala. Na ayon pa sa report, isang Japanese businessman daw ang naka-bid sa babae... which is ikaw."Mukhang wala na 'kong ligtas, ah?Bumuntong-hininga si Ren saka sumandal sa kinauupuan. Pinagkrus pa niya ang mga braso sa dibdib habang matamang nakatingin sa kaibigan."Tinulungan ko siya noong gabing 'yon dahil siya ang bina-bid ng mga hayop na naroon. I saw the fear in her eyes, bro, at hindi ko kayang manood lang habang may inosenteng nangangailangan ng tulong ko.""I got your point, bro, pero alam mo ang batas. Hindi mo dapat siya kinupkop

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 25

    "Mayroon akong stage 4 cancer, Kiarah. Huli na nang ma-diagnose dahil hindi nagpakita ng anumang sintomas ang sakit ko. At may... may anim na buwan na lamang ako para... para mabuhay."Natigilan si Kiarah sa mga narinig.Ilang sandali rin siyang nakatingin lamang kay Alvin at hindi nagsasalita.Hindi kasi niya maiproseso sa isip ang sinabi ng matalik niyang kaibigan."H-Hindi! Hindi ako naniniwala sa'yo, Alvin! Huwag mo akong biruin!" maya-maya ay galit niyang sigaw rito habang panay ang pag-iling.Isa-isa na ring naglaglagan ang mga luha niya habang nakatunghay sa malungkot na mukha ng kaibigan.Ramdam rin ni Kiarah ang pagkirot ng dibdib na tila ba tinutusok ng libo-libong karayom—walang kasinsakit."Kung sana'y panaginip lang ang lahat, Kiarah. Matagal ko nang ninais na magising sa bangungot na ito..."NANG araw na malaman ni Kiarah ang tungkol sa kalagayan ng kaibigan, buong magdamag siyang umiiyak na labis namang ipinagtaka ng kanyang Nanay.Subalit sinabi na lamang niya na masay

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 24

    "TALAGA, mahal ko? Papayag kang bumalik ako sa Maynila upang magtrabaho?" nasisiyahang tanong ni Kiarah sa asawa.Masuyong ngumiti ang kanyang mister saka hinaplos siya sa buhok."'Yan ang nais mo, hindi ba? Alam kong hindi ka papayag sa nais kong dito na lamang manatili at ako na ang bubuhay sa pamilya mo. May sarili kang paninindigan simula noong mga musmos pa tayo."Hindi mapigilang mapayakap ni Kiarah sa asawa saka sumandig sa balikat nito na lagi niyang ginagawa simula pa noon."Maraming salamat, mahal ko. Talagang napakabuti mo," nakangiting saad niya rito.Subalit maya-maya rin ay nabura ang mga ngiti niyang iyon nang maalala ang kalagayan ng asawa."May problema ba, mahal ko?" nag-aalalang tanong pa ni Alvin sa kaniya saka pilit pa siyang iniharap upang magpanagpo ang kanilang mga mata.Sinalubong ni Kiarah ang masuyong tingin ni Alvin subalit agad din siyang nagbaba ng tingin nang makaramdam ng konsensya dahil sa desisyon niyang lumuwas muli sa Maynila."Pero paano ka, mahal

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 23

    MAHIGIT isang linggo na nang pinayagan ni Ren Akihara na umuwi sa probinsiya si Kiarah. Pero ang ipinagtataka niya, hindi pa rin ito bumabalik. Ni tawag at text ay wala siyang natatanggap mula sa babae. Babalik pa kaya siya? Kung hindi na, sana man lang magsabi siya, isip-isip ni Ren habang nakatingin sa numero ni Kiarah na naka-save sa kanyang cellphone. Nagdadalawang-isip kasi siya kung tatawagan niya ito o hindi. Sa katunayan, hindi malaman ni Ren kung bakit may kung anong bahagi ng pagkatao niya ang hindi mapalagay dahil hindi niya kasama ang babae. Pero sa palagay niya, dahil iyon sa halos isang buwan nilang magkasama ay nasanay na siya sa presensya nito. Sigurado rin siyang hindi iyon dahil sa perang naitulong niya rito. Maliit lang naman kasi ang halaga noon. Sa katunayan, totoo ang sinabi ni Melody na ayaw niyang may kasama sa condo unit. Ayaw kasi niya ng may istorbo kapag may importante siyang ginagawa, o kaya naman ay may sagabal kapag nag-uuwi siya ng m

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 22

    "MALIGAYANG bati sa inyo, Alvin at Kiarah. Noon pa ma'y talagang gustong-gusto na kita, Alvin para sa aking anak. Alam ko kasing mabuti kang tao. Nawa'y magsama kayo nang maligaya at puno ng pagmamahalan sa isa't isa." "Maraming salamat po, Nay Rebecca," nakangiting saad ni Alvin sa biyenan saka niya binalingan ang asawa. "Iingatan ko po ang inyong anak," dagdag pa niya saka masuyong ngumiti rito. Gumanti rin naman sa kaniya ng ngiti si Kiarah—isang napakagandang ngiti—saka kumawit sa kaniyang braso nang may paglalambing. "O, tayo na't naghihintay na ang mga bisita sa pagdating ninyong mag-asawa. Masayang-masaya sila dahil kayo raw ang nagkatuluyan," anang Nanay Rebecca saka hinatak sa kamay ang anak. "Nay, mauna na po kayo. May pag-uusapan lang po kami ni Alvin. Pakisabi na lang po sa mga bisita na susunod na kami," saad ni Kiarah sa ina. Tumango naman ito saka lumabas sa kanilang silid. Naroon sila sa kanilang bahay dahil doon nila napagdesisyunan ni Alvin na isagawa ang pagti

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 5

    NAHINTO si Ren sa paglalagay ng plato at kubyertos nang bumungad sa kaniya si Kiarah. Nagpupunas pa ito ng basang buhok habang bakas sa mukha ang pagkailang. Suot na nito ang oversized t-shirt niya kaya nagmistulang duster iyon para sa babae. Slim kasi ang katawan ng dalaga ngunit matangkad naman i

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 4

    "SHIT! What the fuck?!" mariing mura ni Ren sabay habol dito. "Hey! Come back here! Hey!" sigaw niya subalit huli na. Mabilis na itong nawala sa kanyang paningin. "Fuck! Goddammit!" malakas niyang mura saka mabilis na sumakay sa kotse at dali-daling minaniobra paalis sa parking lot.Nakaramdam siya

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 3

    "M-MAMITA, hindi ko po kaya ang magsuot ng ganito," wika ni Kiarah Mendoza sa matandang babae na kanilang floor manager.Pilit niyang hinahatak ang laylayan ng hapit na kulay pulang bistida na maikli ang tabas. Hindi rin siya komportable sa mababang uka sa bandang dibdib nito. Halos lumitaw na kasi

  • Temptation Under One Roof   CHAPTER 2

    Tuluyan naman siyang binato ng kaibigan ng ballpen na sinapol siya sa ulo. "Aray naman? Mahal 'yang ballpen ko. Parker 'yan!" reklamo pa niyang kakamot-kamot sa ulong tinamaan, bagaman nakangisi. "Puro ka kasi kalokohan," anitong umiling-iling pa. "Hindi bale nang walang sex life, ayaw kong ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status