MasukIPINASYA ni Ren na dumaan muna sa The Marcello, ang bar na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan niya. Gusto kasi muna niyang magpalamig ng ulo dahil sa nangyari kanina at mag-unwind na rin. Sasamantalahin na niya ang pagkakataon hangga't wala pa siyang bagong assignment.Pero nang maisip niyang muli si Alejandro Montenegro ay lalong nadagdagan ang galit niya nang mga oras na iyon. ‘I'll send you to jail again, asshole!’"One brandy on the rocks, please," ani Ren sa bartender. Agad naman itong tumalima saka inabot ang baso na may lamang brandy. Kaagad naman niya itong tinungga. Napangiwi pa siya nang malasahan ang pait niyon na gumuhit sa kanyang lalamunan.Habang mag-isang umiinom si Ren nang mga oras na iyon ay inilibot niya ang paningin sa loob ng bar para sana ay hanapin si Roi, ang may-ari ng bar na kaibigan niya. Pero hindi niya makita ang lalaki. Siguro ay may inaasikaso itong VIPs nang mga oras na iyon.Nakakailang baso na rin siya ng brandy nang mga sandaling iyon at ramdam niy
"KUPS, alam mo na ba ang balita?" pakli ni Kael kay Ren nang magkita sila sa café ng OSS. Lunch nila iyon at eksakto namang nakasabay niya ang matalik na kaibigan. Madalang lang din silang magkita ng lalaki lately dahil sa pagkakaalam niya, busy ang ungas sa misyon nito.Naudlot ang sana'y pagsubo ni Ren at matamang tumingin sa kaibigan. "About what?" clueless niyang tanong."Nakapagpiyansa si Alejandro Montenegro," ani Kael na ikinagulat niya."Fuck! What? Pa'nong nakapagpiyansa, e non-bailable ang kaso ng hayop na 'yon?" nanggigigil na turan ni Ren sa kaibigan.Si Alejandro Montenegro na tinutukoy ni Kael ay ang may-ari ng El Casa Montenegro na kabubuwag pa lang niya no'ng isang buwan. Naipakulong niya ang lalaki at sinampahan ng patong-patong at mabibigat na kaso."Ang sabi, na-grant ng korte ang application para makapagpiyansa ang hayop." Napailing pa ang kaibigan nang sabihin iyon.Nagtiim ang bagang ni Ren dahil sa nalaman. Matapos niyang ibuwis ang buhay para mahuli ang demonyo
‘Siguro estudyante siya rito. At saka mukha naman siyang mabait,’ isip-isip ni Kiara habang nakatunghay dito. "A-ano kasi... hinahanap ko iyong banyo," nahihiya niyang sagot dito."'Yon lang ba? 'Lika, samahan na kita," prisinta naman nito habang nakangiti nang malapad."H-hindi ba nakakahiya? Baka nakakaistorbo ako sa iyo," alanganin namang turan ni Kiara.Umiling ito saka ngumiti sa kanya, dahilan upang lumitaw ang biloy nito sa magkabilang pisngi. "Nope, it's okay. Let's go, baka abutin ka pa d'yan," biro pa nito saka mahinang tumawa. Pakiramdam naman ni Kiara ay uminit ang kanyang pisngi dahil sa biro ng lalaki. "S-salamat.""You're welcome," magiliw pang wika ng estrangherong lalaki, pagkatapos ay iminuwestra sa kanya ang daan. Agad naman siyang kumilos at nauna nang maglakad.‘Bakit hindi ko ba napansin ito kanina?’ tanong niya sa isipan nang marating ang banyo na dinaanan lamang niya kanina. "Maraming salamat," aniya sa lalaki. Tulad kanina ay ngumiti lamang ito pagkatapos ay
"GRACIAS, abogado, y usted hizo un camino para que yo obtuviera la fianza," (Thank you, attorney, and you made a way for me to get bail,) ani Alejandro sa kanyang private lawyer na si Attorney Hernandez, saka nakipagkamay."No, Señor. Es mi deber como su abogado," (No, Sir. It is my duty as your lawyer,) tumatango-tangong saad naman nito kay Alejandro. "Cuál es su próximo plan, Señor Montenegro?" (What is your next plan, Mr. Montenegro?) tanong pa nito kay Alejandro habang itinutulak siya gamit ang wheelchair papalabas ng city jail kung saan siya ikinulong.Tumiim-bagang si Alejandro nang maisip ang mga taong may dahilan kung bakit siya nakulong. Gayon din ang sanhi kung bakit namatay ang kanyang daddy. Ikinuyom niya ang kamao saka galit na tumingin sa lawyer niya."They will pay for what they did, Attorney! Igaganti ko si Daddy!" mariin niyang wika habang mariing nakakuyom ang mga kamao.Tumango-tango naman si Attorney Hernandez sa kanya. "Le entiendo, Señor Montenegro," (I understan
NGUNIT HINDI napanatag ang kalooban ni Kiara sa tinuran nito. Kitang-kita kasi niyang nahihirapan ang amo bunga ng tinamong sugat nito sa braso. "Sigurado ba kayo, Sir? Nag-aalala ako sa inyo, e."Si Ren naman ay hindi malaman kung bakit, pero sa tuwing nararamdaman niyang nag-aalala ang babae, parang hinaplos ang kanyang puso. At ang ipinagtataka pa niya, si Kiara lang ang tanging babae na may kakayahang makapagparamdam nito sa kanya ng ganoon. Kapag ito kasi ang nagsasalita, ramdam niya ang sincerity nito. Pero lihim ding napailing si Ren dahil doon. ‘'Di dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano. Natural lang na mag-alala ang isang tao!’"It's nothing, Kiara. Daplis lang 'to, okay? At saka galing na 'ko sa ospital."Bumuntong-hininga ang babae habang nakatingin sa kanya. Hindi pa rin maalis-alis ang pag-aalala nito sa mukha. "Eh, Sir, napakadelikado naman pala ng trabaho mo. Bakit iyan pa ang napili mong pasukin?" nakasimangot na tanong pa ni Kiara sa kanya. "Marami namang trabaho riya
"SIR, ito na po ang info about sa member ng Budol-budol Gang na ipinahahanap niyo."Inabot ni Ren ang itim na folder na ibinigay ni Maggie, ang researcher sa OSS, saka pinasadahan iyon ng basa."Nakalagay po sa info na 'yan kung saan makikita si Rosalia Marquez a.k.a Sylvia Dimayuga, maging ang mga address ng mga kasamahan niya. Ayon din po sa surveillance team, ang Star Creator Agency ang ginagamit ng gang na 'yan para makapanloko. Malamang po ay nariyan ang iba pang member ng gang na wala sa watch list. At ayon rin sa mga awtoridad, mailap ang mga 'yan. Sa tingin nila ay may malaking tao ang nasa likod ng grupong 'yan," tuloy-tuloy na paliwanag pa nito sa kanya."Okay. Thanks, Maggie. Ako na ang bahala rito," ani Ren saka tumango rito."You're welcome, Sir Ren." Tumalikod na ang babae pagkatapos niyon.Nang makalabas na ito, ipinasya ni Ren na magpunta sa opisina ni Mr. Vargas. Kailangan muna kasi niya ng permiso ukol sa operasyon na balak niyang isagawa sa gabing ding iyon. Besides
Tuluyan naman siyang binato ng kaibigan ng ballpen na sinapol siya sa ulo. "Aray naman? Mahal 'yang ballpen ko. Parker 'yan!" reklamo pa niyang kakamot-kamot sa ulong tinamaan, bagaman nakangisi. "Puro ka kasi kalokohan," anitong umiling-iling pa. "Hindi bale nang walang sex life, ayaw kong ma
NAPANGISI si Ren Akihara nang marinig ang halinghing ni Chloe, kaya naman mas lalo niyang ginalingan ang pagsisip sa pagkababae nito. Nakahawak pa siya sa magkabilang hita ng babae habang walang tigil sa pagpapaulan ng laway sa korona ng dalaga. "Damn! You're makin' me crazy, baby... Ugh! Damn it
ALAS-OTSO nang umaga nang makauwi si Ren galing OSS. Pag-doorbell niya sa pinto ng sariling condo ay bumungad sa kanya si Kiarah na pawis na pawis. Bahagya ring humapit ang manipis na t-shirt nito sa katawan, dahilan para muling bumakat ang nipples nito.Damn, Kiarah! Please lang, he said in his mi
"Prepare your team, Agent Akihara. We're about to enter the club!" NANG marinig iyon ni Ren ay palihim niyang sinulyapan ang iba pang kasamahan at patagong tumango sa mga ito, na ang ibig sabihin ay maghanda. Nasa loob sila ng club mga kasamahan ng gabing iyon at nagpapanggap bilang customers. Pa







