LOGINPasado alas sais na nang gabi subalit nasa opisina pa rin si Hazel. Hinihintay ng dalaga ang pagbabalik ni Caleb . Malinaw ang instruction ng boss sa kanya, hihintayin niya ang pagbabalik nito roon.Kaya naman habang naghihintay, patuloy na inabala ng dalaga ang sarili sa mga pending pa niyang trabaho na para sana sa susunod na araw. Maya-maya pa, tumunog ang cellphone ni Hazel.Nang tignan niya, naka-flash sa screen ang pangalan ni Caitlyn.“Hello, Cait,” ani Hazel nang sagutin ang tawag.“Girl, hindi ka pa ba uuwi? Birthday ni Karmi ngayon, nag-ayang kumain sa labas,” balita ng kaibigan sa kabilang linya.Sandaling tumikwas ang nguso ni Hazel, marahang nagbuga ng hininga. “OT ako ngayon e. Marami pa akong tinatapos tapos hinihintay ko rin si Sir Caleb na bumalik dito sa office.”“Gano’n ba? Sayang naman. Minsan lang mag-aya si Karmi. Pero kung uuwi ka na within thirthy minutes, sunod ka na lang sa amin ha?. Sa mall lang naman kami kakain. Tawagan mo na lang ako mamaya kung makakahab
Kanina pa nakaupo sa loob ng sasakyan sina Caleb at Hazel subalit hindi magawang paandarin ng binata ang sasakyan. Kung si Hazel ang tatanungin, tila malaki ang naging epekto ng muling pagkikita nina Caleb at ni Alliyah kasama na ang pamilya ng babae.Matapos kasi ang mabilis na kumustahan ng mga ito kanina, halos hindi na rin nakakain ng tanghalian ang boss. Ni hindi nito naubos ang in-order nitong pagkain. Tila ito nawalan ng gana gayong kanina nang dumating sila sa kainan, excited pa ito at nasa good mood.Alam ng dalaga, ramdam niya, dahil kay Alliyah kaya biglang nagkagano’n si Caleb. Kaya lang, nag-aalangan siyang magtanong. Alam niyang wala siyang karapatang magtanong nang kahit na ano kay Caleb. Wala siya sa posisyon. Kaya naman mas pinili na lang ni Hazel ang manahimik… habang kasama ng boss.Tinapunan ng tingin ni Hazel si Caleb na noon ay nasa driver’s seat, nakatinign sa direksyon ng university kung saan pumasok sina Alliyah at ang mag-ama nito. Bumigat ang dibdib ng dalag
“’Yan lang ang lunch mo?” ani Caleb kay Hazel, bumaba ang tingin sa hawak ng dalaga na isang stick ng banana cue at plastic bottle ng softdrinks.Kumurap si Hazel, biglang nataranta. Hindi naman kasi siya ang madalas kausap ni Caleb tuwing nasa opisina sila. Kay Ms. Viola ito madalas mag-utos at ipinapasa lang sa kanya ng matandang sekretarya ang utos ng binata. Higit lalo, hindi pa sila ulit nagkakausap ni Caleb sa labas ng trabaho mula nang pabalikin siya nito. Ngayon pa lang.“A-ano kasi e… m-may ano e…”“I’m hungry. Wanna go lunch with me?” biglang alok ng binata.Lunch? Silang dalawa lang?Sandaling nagpalinga-linga si Hazel sa kanilang paligid. Nag-aalala ang dalaga na baka may makakita sa kanilang dalawa ng boss habang inaaya siya nito ng lunch. Hindi niya binibigyang malisya ang pag-aaya nito para kumain ng pananghalian. Kaya lang, natatakot siya na baka may makarinig na kung sino mula sa opisina nila ng sinasabi ni Caleb, maging tampulan din ito ng chismis… gaya niya.“It’s j
“Hazel? Gabi na a. Bakit nandito ka pa sa labas?” pukaw ni Sis. Clara sa dalaga na noon ay nakaupo sa hagdan na papasok sa bahay-ampunan.Matapos mapatulog ang anak ay doon dumiretso ang dalaga. Gusto niyang muling mapag-isa. Mag-isip at kung maari, humiling sa mga bituin ng magandang kapalaran sa kanyang pagbabalik-trabaho sa Maynila.Nilingon ni Hazel si Sis. Clara, ngumiti sa madreng tumayong nanay niya sa nakalipas na tatlong taon. “Nagpapahangin lang po ako,” nakangiting sagot ng dalaga, muling ibinalik ang tingin sa langit na noon ay puno ng bituin.Maya-maya pa, naramdaman ng dalaga ang pag-upo ni Sis. Clara sa kanyang tabi.“Kilala kita, hija. Alam kong nag-aalala ka na naman sa pagabalik mo sa trabaho. Mahirap magtrabaho nang malayo sa pamilya. At nauunawaan ko ‘yon,” anang madre, marahang tinapik ang balikat ni Hazel.Pilit na ngumiti ang dalaga. Honestly, halo-halo ang nararamdaman niya sa pagbabalik-trabaho niyang ‘yon. Hindi nawawala ang pag-aalala niya para sa anak dahil
Napakurap si Hazel, pilit na ikinalma ang sarili. Kasama ni Manang Vivi ang driver ng mga Sandejas na pumunta sa bahay-ampunan kanina upang sunduin siya ayon na rin sa hiling ni Madam Liza. Naging laman daw ng usap-usapan sa palengke ang nangyari sa matandang babae kaninang umaga. Kaya naman nang bumalik sa palengke ang driver ng matanda at ipinagtanong-tanong siya, si Manang Vivi ang nagprisintang sumama sa driver sa ampunan upang sunduin siya.Ayaw niya sana dahil ayaw niyang iwan si Riley kahit sandali lang. Kaya lang pinilit siya ng mga kasama sa ampunan.Habang nasa daan sila patungo bahay ng matandang babae, iba-ibang eksena na ang naglalaro sa isip niya. Dahil gaya rin ng chance encounter nila ng ina ni Caleb na si Samantha, pakiramdam ni Hazel ay tila pinaglalauran siya ng tadhana. Iwas siya nang iwas sa pamilya ni Caleb dahil sa takot niyang mabuko ng mga ito ang kanyang lihim. Subalit tila kahit anong gawin niya, pilit pinagsasanga ng tadhana ang landas niya at ng mag-anak n
Mabigat ang dibdib ni Caleb habang patungo ang binata sa Tagaytay upang puntahan ang abuela na itinawag sa kanya ng ina na biglang nawala kaninang umaga. He’s not worried about his Grandma though dahil nasa maayos naman na itong kalagayan. He was thinking more about Hazel—about how he let his anger get the better of him and…Her son is sick. Iyon ang rason kung bakit umalis ito sa trabaho nang biglaan dahil may family emergency ito. And he… he just fired her without knowing the real reason first.Napabuntong-hininga ang binata. Madalas siyang pagsabihan ng kanyang mga magulang na maging makatao, na maging mabuting boss sa kanyang mga empleyado. His parents instilled in him that though excellence should always be their brand of service at work, empathy and kindness must always come first because not all people are on the same boat. Some are fighting battles no one knows about. Some are clinging on their last ray of hope just to get through the day.Subalit nakalimutan niya ang lahat ng
Masayang pinagmamasdan ni Samantha sina Gael at Charlie habang naliligo ang mga ito sa dagat. She was by the shore sitting on the sand under a big umbrella. It’s just 9 in the morning subalit masakit na sa balat ang init ng araw. And while a tan skin still looks good on her, sh
“Mommy, can I take Mama Duck and her babies with us? They are squishy. They can fit in my baby bag,” ani Charlie kay Samantha. Her daughter was holding her toys on her hands, looking at her with doe eyes, waiting for her response.She smiled softly and reached for h
It’s just a few minutes past 10 in the morning but he’s already pouring himself a glass of brandy. He was never one to admit fear or worry, subalit sa mga nangyayari ngayon, hindi maikakaila sa kanya ang makaramandan ng kaunting panic patungkol sa mga plano niya.He sat on the b
Malakas sa tainga ni Samantha ang pagtiktak ng orasan sa bedside table. But she’s not bothered by it anymore. She has been listening to it for more than an hour now while she stares blanky at the ceiling.She glanced at the window and saw that it’s still dark outsid







