“SAAN na sila nagpunta, mga ugok?!” sigaw ni Gary sa mga kasamahan.“Basta nalang nawala sa paningin namin boss eh,” maktol ng isa pa.“Hala! Hanapin ninyo iyon at huwag na huwag ninyong hahayaang makatakas! Lahat ng pinto pasukan ninyo! Move!” sigaw niya sa mga kasamahan at mistulang isang maestro habang iwinawagayway pa niya ang kanyang kamay.Sinunod naman ng kanyang mga kasamahan ang kanyang utos. Lahat nga ng pinto ay pinasukan nila upang masiguradong nandoon nga si Ashtear nagtatago.“ASHTEAR, makinig kang mabuti. Kayang-kaya mo ito, okay? Ang kailangan mo lang gawin ay ang humiga diyan sa higaan ng mga patay sa morgue at magkumot ka. Hubarin mo na rin ang sapatos mo para magmistula kang patay. I know, any moment pupunta rin sila sa morgue’ng ito,”Napamulagat ang mga mata ni Ashtear dahil sa sinabi ni Julian. “Julian! Naloloka ka na ba?! Takot ako sa mga patay kaya huwag mo akong mautos-utusang tumabi sa kanila!” sigaw din ni Ashtear.“Ash, wala na tayong ibang choice. Magpapaa
GANAP agad na nakatulog si Gary pagkatapos siyang hampasin ng malaking pamalo ni Ashtear. Lalagyan na sana ni Julian ng posas si Gary ngunit biglang may nagpaputok kung kaya’t dali-dali naman na hinawakan ni Julian ang kamay ni Ashtear at nagmamadali silang lumabas sa maliit na pintong iyon kanina upang makabalik sila sa pinanggalingan nila.Sa bawat paghakbang ng mga paa nila ay sinisiguro nilang wala silang makasalubong na mga tauhan ni Gary. Nang maya-maya pa’y bigla niyang hinila si Ashtear sa likuran niya dahil nakita niyang may isang tauhan ni Gary na nag-aabang sa kanila. Mabilis niyang ikinasa ang kanyang baril at pinaputukan ang lalaki ngunit mabilis itong nakaiwas at gumanti rin ng putok sa kanya. Sunod-sunod na putok ang pinakawalan nito kaya’t minabuti na lamang nil ani Julian na magtago sa palikong bahagi ng pasilyo.“Julian! Nagdurugo na ang sugat mo!” nag-aalalang sabi ni Ashtear nang makita ang pulang likido na tumutulo sa bandang braso ni Julian.“Huwag kang mag-alala
“CHIEF, maghunos-dili ka muna. Kalmahin mo muna ang sarili mo dahil hindi natin alam kung ano pa ang puwedeng sabihin at gawin ng mga lalaking iyon. Pero sa tingin ko nagsasabi naman sila ng totoo,” wika sa kanya ni Brent habang pinapakalma siya nito.“Ang sarap apakan ng paa niyang may sugat nang mamalipit siya sa sakit. Kung sinong mayabang makapagsalita eh,” gigil pa rin si Zierelle habang sinasabi iyon at nasuntok pa niya ang pader.“Chief naman, hindi kasalanan nung pader! Ikaw pa tuloy itong nasaktan!”“Pero Brent, naisip ko, what if dalhin namin ni Detective Lee Kay General ang mga ebidensyang nakalap natin? Will it can make a difference?” out of the blue ay naitanong niya sa kasama.“What if gawin natin?” Napatango naman sa kanya si Brent bilang tugon.“MABUTI at narito ka Montefalcon. Hindi na ako mag-aaksaya ng panahon na ipatawag ka o ipasundo ka pa para pumunta sa opisina ko,” agad na wika sa kanya ng General. Hindi pa man siya rito nakakasaludo ngunit tuloy-tuloy na aga
“ZYPH?”papungas-pungas na bumangon si Zierelle nang makita niya ang kanyang kapatid na naghahanda ng pagkain niya.“Kuya, gising ka na pala. Halika sabayan mo na ako sa pagkain ng agahan. Ipinagluto ka na rin ni Ate ng panpawala ng hang-over,” ngumiti ito sa kanya.Nagtaka siya kung bakit naroon ngayon sa apartment niya ang kanyang kapatid ngunit mas nagtaka siya kung sino ang tinutukoy nitong ate.“S-sino ang tinutukoy mong ate?” agad na siyang napabangon dahil naging interesado siya sinabi ng kanyang kapatid.“Si Ate Gabrielle, Kuya! Hindi mo ba alam? Siya ang nagluto ng lahat g nakahain ngayon,” parang wala lang na sabi ng kanyang kapatid sabay subo. “Sarap,” wika pa nito na halatang nasisiyahan sa pagkain.“Zyph, nasaan na siya?” inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kanyang apartment at umaasa siyang makita niya pa roon ang babaeng patuloy na hinahanap ng kanyang puso.“Siyempre, umuwi na siya Kuya. Hindi mo rin alam?” takang tanong ng kanyang kapatid. Sabagay, ang al
“ANONG ginagawa mo rito?!” agad na asik sa kanya ni Gabrielle nang bigla siya nitong pagbuksan ng pinto.“Gab! This is not you!” kahit na hindi siya pinapapasok ni Gabrielle ay pumasok pa rin siya sa bahay nito dahil nais niyang malaman kung ano ang mga sinabi nito kay Gwyn.“Ano bang problema mo!?” “Gab, ikaw! Ikaw ang problema ko!? Ano bang pinagkakaganyan mo!? Dinamay ko pa ang kapatid ko para lang mapaghigantihan mo ako?!” “Anong sinasabi mo?” halos magsalubong na ang dalawang kilay ni Gabrielle dahil sa mga naririnig na sinasabi ni Zierelle. “Sana kapag kaguluhan ng pamilya huwag kang makialam! Naglayas ang kapatid ko dahil sayo!”“Bakit ako ang sinisisi mo? Ang kapatid mo ang may gustong malaman ang lahat! It’s her own risk. Tapos kapag ngayong alam na niya hindi niya kayang i-handle ano yun?!” “Gab! Hindi na kita kilala!” “Hindi na rin kita kilala! Kahit kailan hindi ko ginustong manakit ng damdamin ng ibang tao, kaya huwag na huwag mo akong susumbatan!” umiiyak na sabi ni
PABALIK-BALIK si Gabrielle sa kanilang mini living room. Hindi kasi mawala sa isipan niya ang nagawa nilang sagutan ni Zierelle. Noon lang niya ito nakitang nagalit nang ganoon kasobra. Hindi niya naman ito masisisi dahil nawawala nga ang kapatid nito. At sa tingin niya’y may partisipasyon siya kung bakit nangyari ang ganoon. Siguro kung hindi niya sinabi rito ang lahat ng nalalaman niya baka hindi ito nagalit sa kuya at sa nanay nito. Kaya lang may karapatan din naman ang babae na malaman ang totoo.Labis siyang nag-aalala kung saan na napunta si Zephyrine. Ipinagdarasal niya nalang na sana’y walang nangyaring masama rito. Naisip niyang tawagan si Julian.Nakailang ring din ang cellphone bago ito sagutin ni Julian. “Hello Gabrielle?” agad na bungad nito ngunit hindi niya halos maunawaan ang sinasabi nito dahil tila nasa maingay na lugar ang mga ito.“Julian, hindi kita marinig,” reklamo niya sa lalaki.“Sandali lang Gab, lalabas ako,” sagot nito hanggang sa maya-maya pa’y naramdaman
GABI na pero lakad pa rin nang lakad si Zypherine sa kahabaan ng kalsada bitbit ang kanyang maleta. Ni hindi nga niya alam kung saan siya pupunta nang gabing iyon. Wala rin siyang dalang pera dahil hindi naman siya makahingi sa kuya niya dahil galit nga siya rito. Saka wala namang taong naglalayas na nagpapaalam diba?Naisip niya ang Nanay niya alam niya naman kasing walang pakialam iyon kahit na ano man ang mangyari sa kanya ngayon dahil wala naman iyon sa katinuan kahit ano pang pagpapapansin ang gawin niya ay sigurado siyang hindi naman ito mag-aalala.Ini-off nga niya ang kanyang cellphone dahil kanina pa tawag nang tawag sa kanya ang kuya niya dahil alam niyang nag-aalala na iyon sa kanya. Pero sa panahon ngayon wala siyang pakialam mag-alala man ito o ano sa kanya.Maya-maya pa’y may lumapit na babae sa kanya na tila kasing edad lamang niya. Ngumiti ito sa kanya ngunit mahahalata ang kalungkutan sa mga mata nito dahil hindi abot hanggang sa mata ang ngiti nito. Labis siyang nagt
GULAT silang lahat pagkatapos na makita ang ganoong ipinakitang ugali ni Colonel Rolando kung saan tinutukan nito ng baril si Major Rosales habang hindi pa rin ito nagsasalita. Hindi agad sila nakapagsalita lahat dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Makikita ang takot sa mukha ni Major Rosales dahil sa galit na ipinakita ni Colonel Rolando.“Madami na talagang sindikato ngayon ang nambibiktima ng mga kapwa nila tao. They are making other life miserable. At iyon ang hindi ko hahayaan. Ikaw Rosales, alam kong hindi ka nagsasalita at hindi mo manlang ipagkakanlulo ang iyong boss kasi alam mong ililigtas ka niya,” this time, nakangiti na si Major Rosales habang sinasabi iyon pagkatapos ay tinanggal na nito ang pagkakatutok ng baril kay Major at dumiretso na ito ng tayo. “At dahil hindi mo ipinagkanlulo ang boss mo, ililigtas ka niya,” wika ni Colonel Rolando sabay ngumiti ng nakaloloko. Ngunit bago pa makapag-react ang lahat ay mabilis nang kinalabit ni Colonel ang hawak nitong bari