Share

The Art of Deception
The Art of Deception
Author: Ava Marika

CHAPTER 1: BETRAYAL

Hanggang tainga ang ngiti ni Silver habang paulit-ulit na ini-imagine ang eksena mamaya sa proposal niya. Hawak niya ngayon ang binili niyang singsing. Plano niyang magpropose sa kaniyang long time boyfriend, even though hindi nila ito isinasapubliko dahil pareho silang artista. Sinuot niya sa kaniyang daliri ang kapareho ng singsing ng binili niya naman para sa kaniya. I-te-text niya sana ito para sabihin na pupunta siya ng condo nito ngunit agad niyang binulsa ang phone niya nang maisip na surprisahin na lang ito.

Pumasok na siya sa elevator patungo sa floor kung saan naroon ang unit ng kaniyang nobyo.

"Will you marry me?" Napangiti siya dahil sa kilig nang makita ang sariling repleksyon sa elevator. 

Agad niya namang inayos ang tindig nang biglang bumukas ang elevator. Niluwa nito ang isang lalaking nakasuot ng business attire. May hawak itong cellphone nakatapat sa tainga nito.

"What? She turned down the proposal?!" sigaw ng lalaki sa kabilang linya.

Parang pamilyar kay Silver ang boses na iyon. Nakilala niya ang lalaki nang makita ang buong mukha nito sa reflection sa elevetor. 

This man is Hadeon Marco Vittori. He's a billionaire. Sikat siya hindi lang sa galing nito sa paghandle ng company pati na rin ang physical features nito.

"Then saan naman ako maghahanap ng fiancee ngayon? I already told my parents that I am going to introduce them my fiancee!"

Wow? Hinahanap lang pala ang finacee para sa kaniya? Mga billionaire's nga naman. 

Napatingin agad si Silver sa singsing na suot niya. Mamaya ay tiyak na magkakaroon na rin siya ng lalaking tatawagin niyang fiance.

082420

Dahan-dahang binuksan ni Silver ang pinto ng condo nito at saka sumilip. Minsan ay sinasalubong na agad siya nito kapag pupunta siya dahil naririnig naman ang pag-press sa passcode. Malamang na natutulog ito. 

Agad niyang nilabas ang singsing na binili niya kanina at saka nag-practice kung paano siya magpo-propose.

Lumuhod siya, "Will you be my husband?” Tumayo naman agad siya sabay iling. "Pangit! Mas maganda siguro kung ibang sentence na lang ang sasabihin ko."

Lumuhod muli siya, "Puwede bang asawahin na kita, ngayon na?" Tumayo siya ulit habang natatawa sa sinabi.

"Uhmm..."

Napatalon siya sa gulat nang marinig ang mahinang pag-ungol sa kaniyang likuran. Mukhang nagising na si Jovan kaya naman binalik niya sa velvet box ang singsing at itinago ito sa bag. Ngumiti rin siya nang pagkalaki-laki bago harapin si Jovan.

Tila binuhusan siya ng malamig sa kaniyang kinatatayuan sa kaniyang nakita. Si Jovan ay may kahalikang babae. Buhat-buhat pa nito ang babae habang wala itong mga saplot kun'di ang mga underwear lang. 

Napatakip na lang siya sa kaniyang bibig nang mag-sink in sa kaniya ang lahat. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa mga ito dahil dapat ngayon ay sinusugod niya na ang dalawa pero parang natuyo ang lalamunan niya't napako lang siya sa lugar kung saan niya pinapanood ang dalawa.

"L-Love?" gulat na wika ni Jovan ng makita si Silver. Agad nitong binitawan ang babaeng buhat-buhat nito kanila.

Halatang nagulat ang dalawa nang makita siya ngunit siya ang mas higit na nagulat nang makita kung sino ang babae na kaninang kahalikan ni Jovan. It's Allison Beltran. Jovan's ex at isang aktres na alam ni jovan na kinaiinisan niya nang lubos dahil sa pag-agaw nito sa kaniyang mga endorsement. Hindi niya naman inaakala na pati ang boyfriend niya ay aagawin din nito.

"Ang kakapal ng mukha niyo!" 

Sa wakas ay nailabas ni Silver ang naipong lakas ng loob upang makapagsalita. Dali-daling lumapit sa kaniya si Jovan dahil alam nito ang kaya niyang gawin. Hindi lang talaga siya nakagalaw kanina dahil sa gulat.

"L-Let me explain, L-love..." Nanginginig ang kamay ni Jovan nang hawakan niya ang magkabilang balikat ni Silver. Agad naman na hinawi ni Silver ang kamay niya at binigyan siya nito ng isang malakas na sampal.

"Explain? Marunong akong makaintindi ng kung ano ang nakita ko, Jovan!" galit na sigaw niya. Nanlalabo na ang paningin niya dahil sa luhang nagbabanyang umagos mula sa kaniyang mga mata. "Napakawalang hiya mo!" Sa ikalawang pagkakataon ay sinampal niya muli si Jovan sa kabilang pisngi nito.

Muling bumaling ang tingin ni Silver kay Allison ngunit wala na ito sa kinatatayuan nito kanina. Malalaki ang hakbang niya nang tunguhin ang kwarto ni Jovan. Nakita niyang nagbibihis ito kaya naman hinablot niya ang buhok nito at tinulak sa kama ni Jovan.

"Walang hiya kang babae ka! Napakalandi mo!" Sigurado niya na sa bawat ang hila niya sa buhok nito ay buo ang pwersa niya. "Lahat na lang ng sa akin sinusulot mong malandi ka!"

"Arcelli! Tama na iyan!" dinig niyang sigaw ni Jovan nang makapasok ito sa kwarto.

"Isa ka pa! H'wag kang mag-alala, hindi pa ako tapos sa iyo!" sigaw niya rito habang hila-hila pa rin ang buhok ni Allison.

"Ano ba! B-Bitiwan mo nga ako! Baliw ka na!" hirit ni Allison. Sinubukan niyang itulak si Silver na nakadagan sa kaniya ngunit hindi niya inakala na malakas ito kaya naman lumingon siya kay Jovan. "Huwag ka ngang tumulala lang dyan--Ah! Pigilan mo itong baliw na ito!"

Naramdaman naman ni Silver ang paghila sa kaniya ni Jovan kaya mas hinigpitan niya ang pagkakasabunot kay Allison kaya naman mas lalong napahiyaw sa sakit si Allison.

"Huwag mo siya hilahin!" naiiyak na saad ni Allison. "Hawak-hawak niya pa rin buhok ko kaya nasasama ako!"

Sasampalin din dapat ni Silver si Allison pero nabihag na ni Jovan ang dalawang kamay niya at nahinto ito sa ere. Galit niyang tiningnan si Jovan na base sa mukha nito ay galit din. "Sinabing tama na!" sigaw pa nito.

"Galit ka? Nagagalit ka sa akin?" malamig na tanong ni Silver. "Sino nagbigay sa iyo ng karapatan magalit?"

Hindi nakakuha ng sagot si Silver kay Jovan bagkus ay binuhat pa siya nito. Gulo-gulo ang isip niya at hindi niya namalayan na nasa labas na pala siya. Muli niyang nilagay ang passcode sa pinto nito pero hindi niya ito mabuksan, marahil ay nasa likod pa rin ng pinto si Jovan.

"Buksan mo 'to, manloloko! Ang bababoy niyong dalawa!" sigaw niya habang kinakalampag ang pinto. 

Maraming tao ang nakakakita sa kaniya pero hindi niya ito pinansin. Halos isang oras niyang ginagawa iyon hanggang sa mapagod siya. Naisipan niyang tawagan ang numero ni Jovan pero naka-off ang phone nito.

"Napakawalang hiya nila," bulong niya habang nasa elevator. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak kahit na tila wala ng mailabas na luha ang mata niya.

Kinuha niya ang phone niya mula sa bag niya nang bigla itong mag-vibrate. Bumagsak ang balikat niya nang makitang ang manager niya ang nag-text. Hindi siya makapaniwala na ganoon na lang siya tatratuhin ni Jovan. Binuksan niya ang message. Hinahanap na siya nito dahil sa susunod na isang oras ay shooting na nila ng project niya ngayon na palabas. T-in-ext niya rito kung saan siya naroon. Kinuha niya naman sa bag niya ang shades niya para matakpan ang namumugto niyang mata.

Ilang minuto lang ay nasundo na si Silver ng kaniyang manager. Inabot niya rito ang bag niya. 

"Sa hair salon tayo," wika niya sa kaniyang manager.

"Bakit? May hairstylist naman mamaya sa set?" natatakang tanong ng kaniyang manager.

"Basta, sa hair salon muna tayo bago pumunta sa set."

Malamang ay kilala si Silver ng iilang nakakita sa condo ni Jovan. Kailangan niya ng idadahilan.

***

Napatingin kay Silver ang mga staff nang makarating sila sa lugar ng pagsu-shootingan. Nagbubulung-bulungan ang mga ito na para bang siya ang pinag-uusapan. Hindi niya na lang pinansin ito dahil iniisip niya pa rin ang tungkol sa nangyari kanina. Naalala niyang kasama pala sa mga supporting staff si Allison sa project. Bukod pa roon ay leading man niya pa si Jovan. Malamang na hindi siya maka-arte nang maayos at baka nga kung ano pa ang magawa niya sa mga ito.

Magpapalit na sana siya ng suot pero laking gulat niya ng may mga reporters na nagsulputan sa harap niya.

"Ms. Silver, ikaw ba ang babae sa video?"

Napakunot ang noo niya sa tanong ng isang reporter. Video? Ano ba ang sinasabi ng mga ito.

"Ms. Arcelli Silvers, totoo bang may boyfriend ka na at nalaman mong niloloko ka niya?"

"Ano ang masasabi mo sa video na kumakalat ngayon na sinasabing nagwawala ka raw sa harap ng isang condo unit dahil sa panloloko sa iyo ng boyfriend mo?"

Bigla niyang naalala ang eksena kanina noong sinaraduhan siya ng pinto kanina ni Jovan. May nagvideo pala sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa mga ito. Naiisip niyang sabihin na boyfriend niya si Jovan at inahas ito ni Allison ngunit bigla na lamang sumulpot sa harap niya ang manager.

"Hindi siya ang nasa kumakalat na video ngayon kaya tigilan niyo na siya," wika ng manager niya.

Sunod-sunod pa ang naging tanong ng mga reporter ngunit napako ang tingin niya sa kadarating lang. Si Allison at Jovan ay magkahawak ang kamay. Para siyang hinati nang pinung pino sa sakit dahil nakangiti pa ang dalawa na parang walang nangyari kanina. 

Kalahati sa reporters na nakapalibot sa kaniya ay lumipat sa mga ito.

"Ano ang ibig sabihin ng pag-holding hands niyo at sabay na pagpunta sa set, Ms. Allison Beltran? Kayo ba ay nagkabalikan na?"

Napayukom ang kamao ni Silver nang makita kung paano ipulupot ni Allison ang braso nito sa baywang ni Jovan. Si Jovan naman ay inakbayan si Allison na akala mo'y nagmamahalan silang dalawa.

"Yes, we're in a relationship," wika ni Allison. Napadako ang tingin nito kay Silver. "We've been together for four years, hindi naman talaga kami naghiwalay."

Gustong matawa ni Silver sa narinig. Paano nagagawa ng dalawang ito na sabihin iyon matapos silang mahuling nagloloko? Paano rin kaya natapalan ni Allison ang mukha nitong kinalmot niya kanina? Halatang umiksi ang buhok ni Allison dahil sa malamang na hindi na ito nagpantay matapos niyang hilahin ito.

Magsasalita sana siya ngunit biglang may humawak sa kamay niya. Isa sa mga reporters. 

"Is that an engagement ring, Ms. Silvers? Are you engaged?"

Napatingin siya sa singsing sa daliri na ibibigay niya sana kay Jovan kanina. Sari-sari sa isip niya ang mga gusto niyang isagot at ipahayag sa mga reporter pero hindi niya alam kung paano sisimulan. Walang kaalam-alam ang media sa kung anong mayroon sila ni Jovan unlike sa relasyon nina Jovan at Allison dati. Kung sasabihin man niya ang tungkol sa kanila ay malaman na siya ang lalabas na babae ni Jovan.

Napadako ang tingin niya sa isang billboard. Naroon ang mukha ni Hadeon Vittori na nakita niya kanina lang. Nanlaki bigla ang mata niya at hinanap ang reporter na kakatanong lang sa kaniya kanina.

"Ano ulit ang tanong mo?" tanong niya rito.

"Ikaw ba ang babaeng umiiyak sa kumakalat na video at ikaw ba ay engage na?" sagot nito sa kaniya.

Tinanggal niya ang shades na suot niya. Nagulat ang lahat maging ang manager niya nang makita ang mugto niyang mata.

"Yes, umiyak ako kanina pero hindi ako ang babaeng tinutukoy niyo na nasa video, mugto ang mata ko ngayon dahil--," tinaas niya ang kamay kung saan naroon ang singsing na binili niya kanina. "Yes, tama ka. I am engaged na, kanina lang."

Lumingon siyang muli kina Jovan at Allison. Kita sa mukha ng mga ito ang pagkagulat. 

"Sino naman ang fiance mo, Ms. Silver? Is he a celebrity or non-celebrity?" sunod pang tanong nito.

"He's a businessman pero mala-celebrity na rin dahil sa mga media na nagkakainteres din sa kaniya," sagot niya sa mga ito.

Kita niyang saglit na napaisip ang mga reporter. 

"Si Mr. Hadeon Vittori ba ang tinutukoy mo?" tanong ng isang reporter.

Lumawak ang pagkakangiti niya. "Yes, it's Hadeon Vittori. The founder of Forestella Holdings."

*****

“Totoo ba ang sinabi mo kanina sa mga reporters, Ms. Silvers?" tanong ng manager ni Silver sa kaniya. “Tinatawagan din ako ni CEO Lim para malaman kung totoo raw ba ang mga sinasabi mo dahil sunud-sunod ang tawag sa agency.”

“Hindi,” maikling sagot niya. 

“Ha?!”

Hindi niya na inulit muli ang sinabi niya. Hindi na natuloy ang shooting kanina dahil biglang pagsama ng panahon. Sa tingin niya ay dinadamayan siya nito dahil sa nangyari sa kaniya kanina. Nang huminto na ang kotse sa tapat ng agency ay muli niyang in-start ang engine ng kotse matapos bumaba ng manager niya. 

Binaba niya ang bintana ng kotse, "May pupuntahan lang ako, babalik ako mamaya,” wika niya rito dahil halata sa mukha nito ang pagkagulat.

Pinaharurot niya ang kotse hanggang sa makarating siya ng Forestella. Gusto niyang kausapin si Hadeon Vittori dahil alam niyang alam na nito ang sinabi niya kanina sa mga reporters. Nang makarating siya roon ay kitang-kita niya ang mga nagkukumpulang mga reporters sa labas ng building. Hindi niya alam kung paano makakapasok nang hindi napapansin ng mga ito. 

Napangiwi siya nang makita ang mga damit sa passengers seat. Puwede niya itong gamitin pangdisguise. Ang ilan sa mga ito ay susuotin niya sana sa shooting kanina. Wala na siyang ibang pamimilian kaya naman nagpalit siya ng damit sa loob ng kotse. Nagsuot din siya ng facemask, wig at cap para lalong maitago ang mukha niya.

Bumaba na siya sa kotse naglakad sa gilid kung saan hindi siya mapapansin ng mga reporters. Nakapasok siya sa loob ng building. Mabuti na lamang ay hindi siya namukhaan ng mga ito.

Agad siyang nagtungo sa front dest para tanungin kung saan ang office ni Hadeon.

“Nagpa-schedule po ba kayo ng appointment?” tanong ng receptionist sa kaniya.

Hindi niya ito agad nasagot dahil hindi niya alam ang sasabihin. Kung sasabihin niya kasing hindi e malamang na hindi siya hahayaang makaharap ito.

“M-Ms. Arcelli Silvers?” 

Hindi niya alam kung paano siya namukhaan ng receptionist pero tumango na lang siya rito.

“Ako na po ang maghahatid sa inyo sa office ni Chairman,” wika sa kaniya ito, batid sa boses nito ang pagkagalak.

“Paano mo pala nalaman na ako ito?” tanong ni Silver sa receptionist dahil nakilala siya nito kahit na naka-disguise siya.

“I am your fan, Ms. Silver, kaya alam ko,” sagot nito.

Nakarating sila sa tapat ng isang malaking salamin na pinto. Hindi ito transparent kaya hindi niya kita ang nasa loob. 

Kumatok ang receptionist dito bago buksan ang pinto. “You have a visitor po, Chairman.”

Kahit nasa labas ay dinig niya ang malamig na boses nito “I don't accept any visitors right now.”

“But—” 

Kinalabit niya na ang receptionist. “Ako na.”

Tumango ang receptionist at umalis na. Huminga nang malalim si Silver at tinanggal ang disguise bago pumasok sa loob.

“How many times do I have to tell—” Napahinto sa pagsasalita si Hadeon ng makita nito si Silver. Napakunot ang noo nito ngunit bigla itong tumayo at lumapit kay Silver.

“G-Good afternoon, Chairman Vittori?” bungad na bati ni Silver kay Hadeon.

Hindi nagsalita si Hadeon. Laking gulat ni Silver nang sa isang iglap lang ay nararamdaman niya na ang malamig na pader sa kaniyang likuran at ang braso ni Hadeon ay nakadiin sa kaniyang leeg.

“It's you,” malamig na sabi ni Hadeon habang masama ang tingin nito sa kaniya. “How dare you tell the reporters that you are my f*cking fiancee?”

Alam ni Silver na itatanong iyon ni Hadeon kaya naman nag-isip na siya ng isasagot kanina pa. “B-Because you're looking for one.”

“So it's you also, the girl on the elevator," tumatangong wika ni Hadeon bago lumayo kay Silver. “Yes, I am looking for one but not someone like you.”

Umarko ang isa niyang kilay dahil sa narinig. “What do you mean by that?”

Tiningnan ni Silver kung paano umupo si Hadeon sa swiver chair. “It's not just any agreement na sasabihin mo lang sa lahat na fiance mo ako, it has many rules, numerous restrictions...”

Alam ni Silver lahat ng iyon. Malamang na mayroon talagang mga pag-uusapan na rules tungkol doon.

“I know.”

“...and I have several demands. ”

“I am aware of that, Chairman”

Pansin ni Silver ang pagsuri ni Hadoen sa kaniya mula ulo hanggang paa. Ilang saglit pa ay nakipagtitigan ito sa kaniya.

“Chairman, narito na ang contract na papipirmahan ko kay Ms. Silvers,” wika ng lalaking kakapasok lang. “Kaya lang noong tinanong ko 'yong manager niya e hindi raw alam kung nasaan siya—” Napahinto ito nang makita si Silver. “Good afternoon, Ms. Silvers.”

“Contract na pipirmahan?” tanong ni Silver. Naglakad siya papalapit sa table nito. Kumunot ang noo niya nang makita ang picture niya sa isang document doon at naroon din ang details niya. “So, kahit hindi na pala ako pumunta rito, e mukhang magkakaroon pa rin pala tayo ng kasunduan.” Nginisian niya pa ito.

Binigyan naman siya ni Hadeon nang nakamamatay na tingin. “Just read and sign those papers then leave, Silvers.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status