Share

Chapter 6

Author: LostInWell
last update Last Updated: 2025-09-07 15:21:30

"Hhmmm... Ang sarap!"

Natutuwa ako habang pinapanood si William habang sarap na sarap sa niluto ko.

"Ahhh," dagdag pa niya bago tinapat sa bibig ko ang shrimp na nabalatan na. "Sarap, diba?"

"Uhmm ahmmm...." Sambit ko habang nginunguya ang sinubo niya.

Muli ko siyang tinitigan. Ang totoo niyan kanina pa ako hindi mapakali.

Should I tell him?

Kinakabahan ako. Mamayang alas tres magkikita kami ng mama niya. Never ko pa itong nakita, kaya naman medyo kinakabahan ako.

"Maganda ba ang suot ko?" Tanong ko sa kaniya pagkatapos kong lunokin ang sinubo niya.

Ilang beses siyang tumango. Pinasadan niya ako ng tingin bago ako tinitigan.

"Yes baby, ang ganda ng suot mo pero mas maganda ka...." Sabi niya bago muling kumain.

Hindi ko naiwasan na mapabuntong hininga. Hindi ko kasi alam kung nagsasabi siya ng totoo eh.

"Seryoso, William, maganda ba? Hindi ba sobrang ikli ng dress? Kailangan ko bang mag jacket dahil nakikita ang kili-kili at likod ko?"

Uminom siya ng tubig ng mapansin na na aligaga na ako. Lumapit siya sa'kin at pinaharap ako sa kaniya.

"Agatha maganda ka, sexy ka, makinis ang balat mo. Bakit ka ba confused sa suot mo? Bagay naman sayo, tiyaka gusto ko ang suot mo hindi mo na kailangan pa na mag jacket, hindi naman maitim ang kili-kili mo para itago ito." Seryosong sabi niya bago ngumiti sa'kin. "Maganda ka, okay? Maganda ang suot mo at bagay sayo. Kahit ano naman ang isuot mo, babagay sayo!" Dagdag pa niya.

Napangiti na lang ako. Gumaan ang loob ko sa sinabi niya. At least okay lang sa kaniya ang suot ko.

"Bakit mo ba inaalala ang kasuotan mo?"

Napalunok ako bago siya tinitigan. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na tumawag ang mama niya pero tiyaka na lang. Umiling ako sa kaniya. Sasabihin ko na lang na nagkita kami ng mama niya kapag maganda ang kinalabasan ng pagkikita namin.

"Wala naman, medyo nag-aalangan lang ako. Baka kasi bigla kong makasalubong ang parents mo tapos hindi pala ako magustohan dahil sa style ng pananamit ko." May kalahati na katotohanan na sabi ko.

Bumuntong hininga siya. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa likod ng palad ko.

"Mabait sila mama at papa, magugustohan ka nila. Maging totoo ka lang Agatha, hindi ka lang nila magugustohan mamahalin ka pa nila." Sabi niya.

Napaiwas ako ng tingin. Naramdaman ko ang mahinang pagtusok ng kung ano sa dibdib ko ng marinig ang magpakatotoo.

Totoo naman ako sa sarili ko. Totoo ang pinapakita ko. Totoo ang pagmamahal at kabaitan na pinapakita ko. Pero alam ko sa sarili ko, may parte sa pagkatao ko na nagsisinungaling. Una pa lang, nagsinungaling na ako sa kaniya.

Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko ng bigla niya akong yakapin.

"Kumain na tayo!" Saad niya pagkatapos namin magyakapan.

Tumango ako sa kaniya.

Isinantabi ko muna sa isipan ko ang mama ni William. Pinagsilbihan ko muna ang asawa ko. Pagkatapos namin kumain ay inayos ko na ang pinagkainan namin bago ko minasahe ang likod niya na siya naman gustong-gusto niya.

"Hhmmm, ibaba mo pa baby, Dahan-dahan lang ang pagdiin." Sabi niya habang patuloy ko na hinihilot ang likod niya.

Napansin ko na napapapikit pa siya dahil sa sarap.

"Oh, yes baby! Itaas mo.... Diyan, diyan ahhh ang sarap!"

Napapangiti na lang ako habang naririnig ang ungol niya. Iba yata ang pumapasok sa isip ko. Bakit ba kasi siya umuungol? Para naman siyang jinajakol diyan, kainis.

Ilang saglit lang ng makarinig kami ng tatlong malalakas na katok.

"Boss, importante lang. Busy ka ba?" Sigaw ni Jay mula sa labas.

Sabay na kumunot ang noo namin ni William. Bakit ba sumisigaw ang lalaking 'yon, hindi pa pumasok.

Umalis na ako sa likod ni William, tapos naman na kami. Habang nag bobotones ng kasuotan si William, pinagbuksan ko na ng pinto si Jay.

"Hai, Jay. Bakit kailangan sumigaw?" Nagtatakang tanong ko bago siya pinapasok.

"Ahhh, wala naman baka kasi kung bigla akong pumasok. May makita ako na hindi dapat makita." Naiiling na sagot niya.

Kapansin-pansin ang pandidiri at pabghuhusga sa mukha niya ng tignan niya kami ni William.

Napailing na lang ako bago kinuha ang bag ko. Kailangan ko ng pumunta sa restaurant na sinabi ni ma'am Wilma. Baka malate pa ako, nakakahiya.

"Ang dumi ng utak mo. Minamasahe ko lang naman siya." Depensa ko dahil nabasa ko agad ang nasa isip niya. "Next time nga William, ipa renovate mo itong opisina mo, lagyan mo ng soundproof para hindi tayo naririnig sa loob." Sabi ko pa kay William bago lumabas ng opisina niya at iwan sila doon na dalawa.

Habang papunta sa restaurant na sinabi niya ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Woohhh! Pwede pa kayang umatras?

Kinakabahan ako!

Pagdating ko sa restaurant na sinabi niya ay sinabi ko lang sa waiter ang pangalan ni Ma'am Wilma at dinala na ako sa table namin.

Mas lalo akong kinabahan. May fifteen minutes pa naman bago mag alas tres pero hindi ko akalain na mas mauuna pa pala siya sa'kin. Nakakahiya!

"Mrs. Mercado?" Magalang tanong ko.

Tumango siya at tinignan ang upuan kung saan ako uupo. Naintindihan ko naman ang ibig niyang ipahiwatig kaya naman mabilis akong umupo.

"Pasensya na po, nalate ako." Sabi ko na lang.

"No, it's okay! Napaaga lang talaga ang dating ko." Sagot niya.

Mas lalo akong kinakabahan dahil ang seryoso ng mukha niya. Hindi ko pa siya nakita na ngumiti o kumislap man lang ang mga mata ng makita ako.

Mas nakakatakot pa ang presensya niya kaysa kay William. Bigla tuloy akong nanginig, hindi ko alam kung dahil malamig sa loob o dahil sa kaharap ko ngayon.

"Hhmmm, tumawag po--"

"Later hija, later...." Pagputol niya sa sasabihin ko.

Napalunok na lang ako bago tumango.

Ilang minuto rin na tahimik ang buong lamesa. Napahigpit na ang pagkakahawak ko sa palad ko sa ilalim ng lamesa dahil sa kaba.

Bakit ba kasi ako pinatawag? Kinakabahan tuloy ako. Hindi pa ako makatingin sa kaniya ng diretso sa mata dahil nakatitig siya sa'kin.

Parang kinikilatis ang kalooban ko. Jinajudge na yata niya ang buong pagkatao ko. Kailangan ko na bang magsalita?

Ilang saglit lang ng dumating na ang inorder niya para sa amin. Rear beefsteak. Ang sarap at bango sana pero hindi ko ma appreciate dahil sa kaba.

"Ayaw ko ng mag paligoy-ligoy pa hija." Sabi niya bago sumeryoso lalo ang mukha niya. "Isang bilyon, layuan mo ang anak ko!"

Dahil sa gulat ay nalaglag ang panga ko at nanlalaki ang mata ko na napatitig sa kaniya.

"P-Po?" Nangangatal na tanong ko. Baka naman nabingi lang ako? "Ano po ulit 'yon?" Dagdag ko pa, ramdam ko na ang panginginig ng boses ko dahil sa biglaan pagkainis.

"Ayaw mo ng isang Bilyon? Sige, gagawin kong kinseng bilyon hija, layuan mo si William."

Tuloyan ng bumagsak ang balikat ko sa sinabi ni Ma'am Wilma.

I get it now, hindi niya ako gusto para sa anak niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Art of Pretending    Chapter 10

    "Oh my god! Stop it William!" Mahinang sabi ko habang pinipigilan siyang tanggalin ang panty ko mula sa likod.Nagulat ako ng bigla niya akong isandal sa pader pagkapasok namin sa opisina niya. Nakaharap ako sa pader habang nasa likod ko siya sinusubukan ibaba ang panty ko.Napasinghap ako ng gamit lang ang isang kamay ay hinawakan niya ang dalawa kong kamay at ilagay ito sa taas ng ulohan ko. Napabuga ako ng hangin ng walang kahirap hirap niyang tanggalin ang panty ko."Ikaw ang may kasalanan pero bakit ako ang paparusahan mo?" Inis na tanong ko.Nilagay niya sa kaliwang balikat ko ang lahat ng buhok at walang kahirap hirap niyang tinanggal ang botones ng jacket ko at tanggalin ito. Tumambad sa harap niya ang suot kong spaghetti top, at ang makinis na balat ko sa likod na nakikita. Muli niyang binalik sa pwesto ang mga kamay ko."Tumigil ka William, baka may pumasok dito o baka marinig tayo sa labas." Reklamo ko bago nagpumiglas.Sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak niy

  • The Art of Pretending    Chapter 9

    "What is your plan? What if he finds out your real identity?" Jaia asked me.Napatigil ako sa paghigop ng kape. Tumingin ako sa labas kung saan makikita ang mga dumadaan sa sidewalk. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin."I don't know." Halos pabulong na tanong ko. "I just want to enjoy the moments I'm with him." Tumingin ako sa kaniya bago ngumiti. "Tiyaka ko na poproblemahin 'yan, kapag nandyan na.""Just call me if you need me, okay?"Tumango ako sa kaniya. Nang makuha ko na ang take out na pagkain ay nagpaalam na din kami sa isa't isa. Hinintay ko muna siyang makaalis bago naglakad papunta sa kompanya ni William.Habang naglalakad ako sa loob ay ramdam ko ang paninitig sa'kin ng mga empleyado. Sobrang init ng mga mata nila na siyang dahilan ng pagkailang ko."Siya na 'yon bagong babae ni Sir William?""In fairness, maganda pero galing daw sa hirap?""Ang sabi ni Katana, nag apply lang daw 'yan bilang janitress pero nilandi niya daw si Sir.""Iba talaga ang naibibigay ng ganda."Mg

  • The Art of Pretending    Chapter 8

    Kanina pa ako pabalik balik sa kwarto namin ni William. Pagkatapos namin kumain ay naligo agad siya, ang sabi niya mamaya niya sasabihin ang gusto niyang sabihin.Naiinis ako dahil pinapatagal pa niya. Pwede naman na niyang sabihin kanina habang kumakain kami, bakit kailangan ngayon pa? Kinakabahan tuloy ako.Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Paano kung sabihin niyang tigilan na namin itong set up na ito? O di kaya, what if bumalik na si Jessica galing Paris at magsasama na sila?Ang sabi sa'kin ng mama niya, matagal ng hinihintay ni William ang first love niya. Pero tuwing magkasama naman kami ni William parang wala siyang hinihintay, parang in love naman siya sa'kin.Or am I being delusional because I love him?Humiga na ako sa kama. Ang tagal naman niyang maligo, sa sobrang paghihintay ko, nakatulogan ko na lang siya.Umaga na ng magising ako at wala na siya sa tabi ko. Nakakainis, napagod kasi ako sa pamamasyal namin ni Tita Wilma.Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa t

  • The Art of Pretending    Chapter 7

    "Ayaw mo ng isang Bilyon? Sige, gagawin kong kinseng bilyon hija, layuan mo si William."Biglang sinuntok ng malakas ang dibdib ko sa binitawan na salita ni Mrs. Mercado na siyang dahilan ng pagtulala ko at paninikip ng dibdib ko."M-Ma'am, hindi ko po kailangan ng pera niyo." Kahit na kinakabahan ay naging mahinahon pa rin ako.Kailangan ko lang ipaintindi sa kaniya na, hindi nasusukat ng gaano kalaki na pera ang nararamdaman ko para sa anak niya. Yes, we're married because of contract, but my feelings to William is real."Really? Alam ko na kinasal lang kayo ng anak ko dahil sa kagustuhan namin. Pagpapanggap lang ang lahat ng ito, bakit hindi ka pa umamin hija? I'll give you a chance to be a billionaire....""Nagkakamali po kayo...." Napa buntong hininga ako, this time tinignan ko na siya diretso sa mata niya. "Nagmamahalan po kami ni William, wala pong pagpapanggap na nagaganap dito. Lahat po ng ginagawa namin ay totoo." Pagpapaliwanag ko.Hindi ako magpapatalo sa kaniya. Kung kina

  • The Art of Pretending    Chapter 6

    "Hhmmm... Ang sarap!"Natutuwa ako habang pinapanood si William habang sarap na sarap sa niluto ko."Ahhh," dagdag pa niya bago tinapat sa bibig ko ang shrimp na nabalatan na. "Sarap, diba?""Uhmm ahmmm...." Sambit ko habang nginunguya ang sinubo niya.Muli ko siyang tinitigan. Ang totoo niyan kanina pa ako hindi mapakali.Should I tell him?Kinakabahan ako. Mamayang alas tres magkikita kami ng mama niya. Never ko pa itong nakita, kaya naman medyo kinakabahan ako."Maganda ba ang suot ko?" Tanong ko sa kaniya pagkatapos kong lunokin ang sinubo niya.Ilang beses siyang tumango. Pinasadan niya ako ng tingin bago ako tinitigan."Yes baby, ang ganda ng suot mo pero mas maganda ka...." Sabi niya bago muling kumain.Hindi ko naiwasan na mapabuntong hininga. Hindi ko kasi alam kung nagsasabi siya ng totoo eh."Seryoso, William, maganda ba? Hindi ba sobrang ikli ng dress? Kailangan ko bang mag jacket dahil nakikita ang kili-kili at likod ko?"Uminom siya ng tubig ng mapansin na na aligaga na

  • The Art of Pretending    Chapter 5

    "Wow ang ganda, ito magiging bahay natin?" Maihahalintulad sa mga bituin sa langit ang kinang at paglaki ng mga mata ko ng tuloyan na kaming nakarating sa bahay na regalo ng magulang ni William.Hindi ko pa sila nakikita pero mahal ko na agad sila. Sisiguraduhin ko na magiging mabuti akong asawa sa anak nila."Ang laki." Dagdag komento ko pa bago pinagmasdan ang maigi ang magiging tahanan namin ni William."Not really!" Bored na sambit niya bago hinawakan ang kamay ko. "Let's go inside, ang hamog na dito sa labas." Sabi niya bago ako hinatak papasok sa loob.Tama nga naman siya, hindi ito kasing laki ng penthouse niya pero masasabi ko na malaki ang bahay para sa dalawang tao. May isang Master bedroom, dalawang bedroom, at dalawang guest room sa second floor. Sa ground floor naman ay may malawak na living room, dining room, kusina at sa ilalim ng hagdan nakalagay ang office room.May mini garden at Gazebo lang naman sa gilid ng bahay at sa likod naman ng bahay ay malawak na swimming po

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status