LOGIN"Wow ang ganda, ito magiging bahay natin?" Maihahalintulad sa mga bituin sa langit ang kinang at paglaki ng mga mata ko ng tuloyan na kaming nakarating sa bahay na regalo ng magulang ni William.
Hindi ko pa sila nakikita pero mahal ko na agad sila. Sisiguraduhin ko na magiging mabuti akong asawa sa anak nila. "Ang laki." Dagdag komento ko pa bago pinagmasdan ang maigi ang magiging tahanan namin ni William. "Not really!" Bored na sambit niya bago hinawakan ang kamay ko. "Let's go inside, ang hamog na dito sa labas." Sabi niya bago ako hinatak papasok sa loob. Tama nga naman siya, hindi ito kasing laki ng penthouse niya pero masasabi ko na malaki ang bahay para sa dalawang tao. May isang Master bedroom, dalawang bedroom, at dalawang guest room sa second floor. Sa ground floor naman ay may malawak na living room, dining room, kusina at sa ilalim ng hagdan nakalagay ang office room. May mini garden at Gazebo lang naman sa gilid ng bahay at sa likod naman ng bahay ay malawak na swimming pool at may outdoor swing chair pa na dalawa. Kasya lang naman ang tatlong sasakyan sa garahe. Oo nga, hindi na ito malaki para sa kaniya. Kumain na kami kanina sa labas kaya pagka-uwi ay nagpahinga na agad kami. Pagod kami sa pamamasyal, lalo na si William dahil galing pa siya sa trabaho kaya naman agad siyang nakatulog pagkalapad pa lang ng likod niya sa malambot na kama. Naging mabagal naman ang naging paghinga ko, akala ko kasi may kababalaghan na naman na mangyayari. Naalala ko kasi ang sinabi kanina ni Jay, na may mangyayari sa'min ngayon. Mabuti na lang pagod siya. Kinaumagahan, mas inagahan ko talaga ang gising ko. Gusto kong panindigan ang pagiging asawa kay William. Pumunta agad ako sa kusina upang ipagluto siya. Nagluto ako ng tocino, hotdog, at itlog para sa agahan. Sakto naman na luto na ang kanin. Nilagay ko na ito sa dining, pagkatapos ay inayos ko na ang mga plato. Sakto naman ng patapos na ako ng makita ko siya na papasok ng dining room. "Good morning!" Masayang bati ko. Hinatak ko agad siya papunta sa dulo at doon siya pinaupo. Lalagyan ko na sana ng kanin ang plato niya ng hatakin niya ako paupo sa hita niya. "Good morning baby!" Garalgar ang boses na sambit niya, bago ako halikan sa labi. "Ang ganda simulan ang araw kapag ngiti mo ang unang bubungad sa'kin." Panlalambing niya bago ako muling hinalikan. Nanggigigil ko naman na hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Ang asawa ko, umagang-umaga binobola na naman ako. Kumain na nga tayo!" Sabi ko bago tumayo. Pero agad din akong napabalik sa hita niya ng muli niya akong hatakin, this time pinulupot na niya ang kamay niya sa tiyan ko. "Let's eat on one plate, please?" Malambing na sabi niya. Mas lumawak ang ngiti ko dahil nagpacute pa siya sa'kin. Pa'no ko naman matatanggihan ang tigasin na lalaki na pinapapungay pa ang mata ngayon sa harap ko? Tumango ako sa kaniya. Nilagyan ko na ng kanin at ulam ang plato namin. Ako ang naghawak ng kutsara, sinuboan ko siya. Para talaga kaming nagmamahalan. Kahit ang totoo ay wala naman ni katiting na pagmamahal na nararamdaman namin. Ginagampanan ko lang ang trabaho ko hanggang sa tuloyan na niyang makuha ang gusto niya, at ako naman para tuloyan kong matupad ang hangarin ko. Hindi nagkataon ang lahat. Wala sa plano na magiging asawa ko siya, pero plano ko na talaga na mapalapit sa kaniya. Kaya ako pumunta sa kompanya niya dahil umaasa ako na ito ang magiging dahilan upang mapalapit kami sa isa't isa. Nasa panig ko naman ang tadhana, dahil hindi lang ako napalapit sa kaniya, naging asawa ko pa siya. Pagkatapos namin kumain, sabay kaming umakyat ng kwarto. Naligo na siya, ako naman ay hinanda ko ang susuotin niya, pagkatapos ay ako rin ang nag-ayos ng necktie niya. "Gusto mo ba na baonan kita ng ulam?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos ang necktie niya. Hindi naman nawala ang titig niya sa akin, tumango siya. "Yes, please! Gusto kong mag-ulam ng butter shrimp at sana ikaw ang maging desser-- aw...." Reklamo niya ng mapahigpit ang pagkakalagay ko sa necktie niya, mabilis ko naman ito na pinaluwag. "Kahit kailan ka talaga," inis na sabi ko. Tinawanan lang niya ako bago hinalikan sa labi. "Sige, ihahatid ko sa opisina mo, ro'n na rin ako kakain." Hinatid ko siya hanggang sa garahe. Pinagbuksan ko siya ng gate bago kumaway sa kaniya hanggang sa tuloyan ko ng hindi matanaw ang kotse niya. Nang makaalis siya ay mas ramdam ko ang laki ng bahay, sobrang tahimik. Bigla tuloy akong nalungkot dahil ilang oras ko siyang hindi makikita. Tiyaka, bigla rin akong nakaramdam ng takot. Gaya ng sabi ko sinadya ko talaga na magtrabaho sa kompanya niya, hindi dahil kailangan ko ng trabaho kundi dahil gusto ko na mapalapit sa kaniya. Halos isang taon na rin magmula ng makita ko si William sa J and J bar. Agad na nakuha niya ang attention ko. Naglalasing siya noon sa counter bar, sinubukan kong lumapit pero hinarangan ako ni Jordan ng araw na 'yon. Magmula noon hindi na siya maalis sa isip ko hanggang sa nalaman ko nga na dito siya nagtatrabaho at mabilis akong nag apply ng janitress ng mag hire sila sa posisyon na 'yon. Kaso bigla akong tinawag ni Jay at dinala sa opisina ni William, doon na din niya sinabi ang pakay niya. Kailangan na ng parents niya magkaroon ng apo at magiging manugang, nag-iisa lang na anak si William kaya naman inipit na nila ito. Tatanggalin siya sa pagiging C.E.O. ng kompanya kapag hindi pa siya mag-asawa. Ako ang nakita niya, ako ang inalok niya. Limang milyon para sa kontrata ng pagpapakasal at iba pa ang kontrata sa pagbibigay ko ng anak sa kaniya. Nagustohan ko na agad si William ng una ko siyang makita, at balak ko talaga na landiin siya upang mapunta siya sa'kin. Pinadali lang niya ang trabaho ko, kaya naman hindi na ako tumanggi sa gusto niya. Pinakasalan ko siya kahit na wala siyang nararamdaman sa'kin. Ngayon tuloyan na akong nakapasok sa buhay niya, sisiguraduhin ko na pati sa puso niya makakapasok ako. Sinimulan ko na ang paglilinis ng bahay, no'n una nahihirapan pa ako pero alam ko naman na sa una lang mahirap kaya naman nagtiis ako. Nagluto na rin ako ng ulam na sinabi ni William bago umalis ng bahay. Nasa taxi na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko ng makita ang hindi naka rehistro na number. Nag-aalangan man ngunit sinagot ko ito. "Hello?" Magalang na sambit ko. "Hai, Agatha! I am Wilma Mercado, mother of William. Can we meet?" Mahinhin at malambing na boses ng babae sa kabilang linya. Panandalian huminto ang paligid ko dahil sa gulat at kaba ng marinig na sabihin niyang siya ang ina ng lalaking halos isang taon ko ng kinababaliwan. Tumikhim muna ako saglit upang mabawasan ang kaba na nararamdaman ko bago sumagot. "Sure po ma'am!" Lord, kayo na po ang bahala sa'kin.Tahimik ang gabi. Malamig ang simoy ng hangin. Kagaya ng pakikitungo ni William kahit nalaman na niya ang totoo.Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan ko pa ba ilalagay ang sarili ko. Masyado ba na sarado ang isip niya o wala lang talaga siyang pakialam sa akin?Pagdating sa bahay doon ko lang napansin na nandun pa rin ang mga kaibigan niya. Ang iba na nakapansin sa pagdating namin ay napahinto at napatitig sa akin.Agad na dumiretso si William sa mga kaibigan niya. Ni hindi man lang niya tinanong kung kumusta ako. Napailing na lang ako habang pinapanood ang bulto niya na unti unting nawawala sa paningin ko.Napagpasyahan ko na kumuha ng wine bago bumalik sa kwarto namin. I didn't lock the door. Binuksan ko ang veranda at mula doon ay nilapag ko ang bote ng wine at baso.Lumanghab ako ng sariwang hangin. Mula dito ay nakikita ang kasiyahan nila mula sa swimming pool. At mula dito ay rinig ang masayang tugtog na pinapasounds ng dj. Bumalik ako sa kwarto at pumasok sa walk-in closet
Inakala ko na kaya niya ako inahon ay dahil nakita niya akong naka lubog sa tubig at pilit kinikitil ang buhay. Ngunit hindi pala."Habang nandito ka na nagbubuhay prinsesa habang naliligo. May pumunta na pulis dito at sinusubukan siyang arestuhin dahil sa kagagawan mo?""She deserve it!" Walang ganang sabi ko bago malakas na tinanggal ang kamay niya sa magkabila kong braso. Kilala na agad ang tinutukoy. "Bakit nandito ka at wala sa presinto kasama niya? Wala ka bang lakas ng loob malaman ang totoo?"Umalis ako sa bathtub. Hinayaan ko ang tubig sa katawan ko na tumulo bago pumunta sa shower upang magbanlaw ng katawan.I stood under the warm shower, running my fingers through my hair, feeling the tangles come out as the water cascaded down. Ignoring William in my back."Pwede ba humarap ka sa akin..." Inis na sabi niya bago ako sapilitan na pinaharap sa kaniya.Inis akong tumingin sa kawalan. Hindi iniinda ang mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko."Sumama ka sa akin at bawiin mo a
Nagtawag agad ng Doctor si Jaia ng maipasok niya ako sa aking kwarto. Halata sa mukha niya na marami siyang gusto na tanongin sa akin ngunit pinipigilan lang niya ang sarili.Muli akong pinasok sa operasyon dahil nasira ang nilagay nila sa likod ko. Pagkatapos ay naging kain at tulog na naman ang naging eksena ko sa hospital."Doon ka na lang muna sa condo ko kung ayaw mo pa na umuwi sa bahay niyo...." Sabi ni Jaia.She asked about the guy in the next room so I don't have an alibi for her so I need to tell her the truth that he is my husband and the girl is his ex-girlfriend."Uuwi ako sa bahay namin ni William...""Hell no!" Inis na sabi niya. "Nakita mo naman ang ginawa niya sayo? He hurt you because of his ex and he don't even believe in you Agatha....""Please Jaia, I still want to confront him, I want to talk to him. Malay mo maniwala siya kapag na paliwanag ko--""No, he won't fucking believe you.... Kung talagang pinapahalagahan ka niya hindi ka niya sasaktan dahil lang sa mali
Dinala niya ako sa kabilang kwarto. Doon ay nakita ko si Jessica na kagaya ko ay nakasuot ng hospital gown. May gauze pad din ang isang braso niya pero bukod doon ay malakas siya at nakakapaglakad ng maayos.Naabutan namin siyang nagpapabalik balik ng lakad sa tabi ng kaniyang kama. Nang bumukas ang pinto ay gulat siyang napatingin sa amin.Bigla akong tinulak ni William papunta sa harap ni Jessica."Mag sorry ka sa kaniya ngayon din sa ginawa mong pangingidnap sa kaniya..." Inis na sabi ni William.Nakita ko na biglang natakot si Jessica ng makita niya ako. Tumakbo agad siya sa tabi ni William at pilit na siniksik ang sarili sa katawan ng asawa ko."William anong ginagawa ng babaeng iyan dito? Baka saktan na naman niya ako..." Nangingilid ang luha na sabi niya.Nakita ko kung paano lumambot ang mukha ni William ng tignan niya si Jessica. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso at pinunasan ang pisngi niya ng tuluyan ng umiyak si Jessica.Napaiwas ako ng tingin. Sumibol ang galit sa p
"Mabuti na lang dahil naitakbo agad siya dito sa hospital at mild lang ang napala niya. Kung hindi ay maari niya itong ikamatay kung nagkataon.""Doc, paano po iyong sa ulo niya at sa buto ng kaibigan ko?"Nagtaka ako ng marinig ang boses ni Jaia. Nagha-hallucinate ba ako. Imposible, ano bang nangyari?"kailangan ng operasyon para sa likod ng pasyente dahil may nakitang crack sa spinal cord niya pati niya rin ang braso niya. Sa ulo naman ng pasyente, magpasalamat tayo dahil nagdugo lamang ito at hindi nag crack ang bungo niya...""Gagaling naman ang kaibigan ko diba doc?""Oo naman, basta subaybayan lamang natin ang lagay niya at alagaan siya ng mabuti.... Maging matatag ka miss, alam ko na malakas ang pasyente, hindi basta siya sumuko sa kabila ng mga natamo niya...""Maraming salamat po doc!"Nakaramdam ako ng pananakit ng dibdib ng marinig ang pag hagulgol ni Jaia. Hindi ako nagha hallucinate lang. Nandito talaga ang kaibigan ko.Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Ang puti na
Halos isang oras din ang ginawa na pang kuryente sa katawan ang ginawa sa akin ni Jessica."Huy buhay ka pa ba." Malakas niya akong tinadyakan.Nahihirapan ko na binuksan ang mga mata ko. Dahil nawalan ng lakas ay halos mawalan ako ng malay at nanatili na nakapikit ang mata ko kanina.Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung dahil sa lamig o dahil sa pagka kuryente sa akin ni Jessica.Napansin ko na nasa bodega kami. Napapalibutan kami ng naglalakihang lata na mas doble pa sa laki ng tao ang laki. Amoy gas ang paligid."Utang na loob tumigil ka na...." Mahina na sabi ko.Tumawa siya ng nakakaloko. Umupo siya sa tapat ko at mahigpit na hinawakan ang magkabilang pisngi ko."Sa ating dalawa, ikaw ang dapat na tumigil Agatha. Meron na ako sa buhay ni William bago ka pa dumating. Hindi ako makapaniwala na mas kaya niyang isuko ang pinagsamahan namin kaysa sa inyo na bago pa lang." Mapait na sabi niya. "Umuwi ako ng malaman ko na may nag reyna reynahan sa kumpanya niya. Kilala m







