Alam niyo po ba na sabog ako ng gawin ko itong BS na ito? Tapos hindi ako sanay kasi diko forte ang bed scene? Sobrang cringe ko po sa sarili ko at nag freak out na apo ako? Opo tama po kayo hindi ako sanay sa ganito hahahah sorry po kung hindi maganda ang bed scene ko pag pasensya na po ninyo..
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO Hinawakan ko ito dahil pakiramdam ko malapit na itong bumagsak. “Kumalma ka nga muna kung pwede?” Pakiusap ko dito. Lumingon ito sa akin at tinapunan ako ng masamang tingin. “Uuwi ako!” Diin nito at muling tumalikod sakin.. Ngunit.. Bigla itong nawalan ng balanse at agad kong sinalo ang katawan ng asawa ko. Kasabay nito ang pagkawala ng malay nito. “Mamaya magigising ka din naman..” bulong ko at binuhat ko ito pinakuha ko sa guard ang nahulog nitong bag. Yung gamot hinaluan ko ng pampatulog ito ngunit mabilis lang ang epekto nito in 30 minutes magigising muli ito. “Ano nangyari Val?” Tanong ni Daddy. “Nawalan po ng malay mukhang mataas ang lagnat niya— mom, dad mauna na po ako, at idadaan ko po siya sa hospital..” pagsisinungaling ko sa huling sinabi ko. “Hala sige na mag iingat kayo huwag mo muna siyang iiwan.” Bilin ni Mommy kaya ngumiti ako at sinakay ko ang asawa ko sa sasakyan ko at pinahiga ko ito sa tabi ko. Ako naman ang sunod na pumas
LILURA ÁSVALDR ODESSA -MAXIMILLIANO MATAPOS ANG NANGYARI NAGING maingay ang tungkol dito sa buong bansa naging malaking threat din ito sa bansa. Kaya inutos ni Boss Flame kung ano man ang mangyari huwag kami mangingialam upang hindi lalo magkagulo. Tama na ang ginawa namin para mabalaan ang mga magiging kalaban nila sa hinaharap na muling gumawa ng hindi maganda. Sinunod ito namin lahat dahil ito na rin ang bilin ni Boss Flame samin, wala kaming plano na suwayin ito. Ngayon nasa harapan ako ng bahay ng mga Maximilliano ngunit nagtataka ako na ibang bahay ata ito. Pero hindi ko na lang ito pinansin, “Ako si Lilura Maximilliano inimbitahan ako ng pamilya sa dinner..” wika ko sa guard. “Kayo po pala, pasok kami na po bahala sa sasakyan ninyo.” Naka ngiti nitong wika kaya tumango ako at pumasok na ako hanggang sa loob Hindi ba ito ang dating mansion? Yun ang tanong ko, pero ang hagdan pareho sa furniture iba na rin. “Ikaw ba ‘yan Lura?” Nagulat ako ng may mag salita at n
THIRD PERSON POV “Huwag na muna Lura..” wika ni Flame seryoso ang mga mata nito habang naka tingin sa mga lalaki na ang papalit na. “Pero boss, baka umalis na sila..” sagot ni Ásvaldr kita sa mata nito na kinakabahan na ito at tila natataranta na dahil baka maka takas ang target nila. Ngunit nanatiling tahimik si Flame at ganun din si Zeven dahil alam ni Zeven na hindi lang ang mga ito ang darating. “Lance.. naka handa na ba ang drone?” Tanong ni Flame sa kanyang kanang kamay. “Yes boss!” Sagot ng binatang nagkukubli sa lumang gusali habang nakaupo sa nagsisilbing balkonahe. “Boss—” hindi nito natapos nang dumating ang iba pang sasakyan. Nang bumaba ang mga nakasakay, dito na sinenyasan ni Flame si Onze at Alice na ihacked ang buong tv Network ng bansa. “Lance, gawin mo na, Ásvaldr hintayin mo ang Go signal ko..” utos ni Flame at umupo ito ng maayos. “Opo boss..” magkasabay na sagot ni Lance at Ásval. Umupo naman muna ang binatang si Zeven hahang pinapanood ang mga t
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Ano na naman ginagawa mo dito Elora?” Naka kunot ang noo ko habang nasa harapan ko ang babaeng ito. Maaga pa para makipag deal sa isang ito. “Dahil sa babae mo muntik na ako makulong..” wika nito. Natawa naman ako at umiling. “Tingin mo maawa ako sayo? Kahit kailan hindi, padalos-dalos ka kasing kumilos..” sagot ko dito at iniwan ko na ito ngunit nag salita ito. “Paano mo nagagawang pag takpan o kunsintihin ang babae na ‘yun sa mga ginagawa niya?” Tanong nito sakin. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko ito. “Dahil sanay na ako sa asawa ko. Alam ko na ligtas siya kahit ano pa gawin niya, mas kaya niya sarili kesa kaya ko ang sarili ko.” Naka ngisi kong sagot dito at umalis na ako. Tama naman ako hindi ko kailangan mag alala sa asawa ko, ganito na siya noon pa. Dahil kung noon ay magugulat ako na uuwi ito sa akin na puro pasa at sugat. Pero ngayon na alam ko na ang ginagawa nito sa araw araw? Sa tingin ko hindi na kailangan magulat. Ang kai
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “What? Inaaya mo ako for dinner date?” Tanong ko sa asawa ko. “Why?” Tanong ko dito. Nagulat ako ng pumunta ito sa opisina ko para kausapin ako na gusto ako nito ayain na kumain sa labas. “Ahmm.. gusto ko lang mag pasalamat..” wika nito. Lalo naman ako nag taka. “Wala naman akong ginawa ha? Bakit ka mag papa—-” hindi ko na tuloy ang sasabihin ko. “Ayaw mo ba o gusto mo? Dami mong tanong eh!” Gigil na naman ito. Tumayo na ako hindi ko alam kung tatawa ako magagalit sa mukha ng asawa ko. “Teka kasi out of nowhere bigla ka nag aaya tapos aawayin mo ako pag nag tatanong ako. Malamang magtatanong talaga ako..” mabilis kong paliwanag dito. “Basta! Ayoko sabihin! Masyadong kang chismoso!” Inis na naman nitong sagot sakin. Natawa naman na akong ng tuluyan sa sinagot nito, umiling ako. “Gusto mo lang ako makasama, pwede ka naman umuwi satin. Huwag mo na ako idaan sa ganito..” pag bibiro kong wika dito. Mabilis akong nilingon nito kaya naisipan ko na k
LILURA ÁSVALDR ODESSA - MAXIMILLIANO “Hulihin niyo siya..” utos ni Elora sa mga pulis na kasama nito. “Talaga? Gusto mo talaga ito pahabain?” Tanong ko kay Elora. Tiningnan ko isa isa ang mga pulis na dala nito. “Umalis na kayo ikakapahamak ng mga tsapa ninyo ang ginagawa ninyo..” wika ko at tinalikuran ko na ang mga ito. Nandito ako sa site kung saan pinuntahan ko muna saglit ngunit talagang sinusundan nila ako. “Hindi ako papayag na hindi ka mag bayad sa ginawa mo sa daddy ko!” Galit na wika nito at hinila ang buhok ko. Hindi ko na kaya pigilan ang sarili ko ng tabigin ko ang braso ko at susuntukin ko na ito. Biglang may nag salita sa likod ng mga pulis. “Ako ang may pakana ng lahat..” napa lingon kaming lahat at doon ko nakita si Boss Zeven. Makatingin ng diretso si Boss Zeven sakin malamig at blangko. “Hindi ako naniniwala na ikaw ang may gawa ‘yung lalaki na ‘yun inutos ko sa kanya na si Lilura ang tapus——” hindi na nito natuloy ang sasabihin ni Elora ng mapag tanto