Share

Kabanata 1

Kabanata 1

Nagsimulang tumugtog ang nakakaliyong musika. Hindi na ako ulit tumingin pa sa puwestong iyon. At mas nag-pokus na lang sa pag-sayaw.

Noong una, hindi makasunod ang katawan ko sa beat ng music. Kinakabahan ako na nahihiya sa dami ng taong nanonood sa akin. Pero kalaunan, nang naisip ko na wala akong kikitain sa unang gabi ko kung tatayo lang ako na parang stick na puwedeng matumba ano mang oras sa harap ng maraming tao, kinuha ko ang lahat ng lakas ng loob ko sa katawan para iindak ang katawan ko sa tunog ng musika.

"Whoo!! Ang sexy! More! More!"

"More!! More!"

Nag-umpisa nang sumigaw ang mga kalalakihang nanonood sa akin ng magsimula na rin akong sumayaw.

Hindi ako nagpa-distract sa sigaw nila, datapwat, mas lalo akong nag-pokus sa ginagawa ko. Buti na lang, kahit papaano, marunong akong sumayaw dahil noong high school— dance troop ako. At hindi rin naman mahirap sundan ang beat ng nakakaliyong musika kung alam mo kung paano igagalaw ang parte ng katawan mo sa tamang beat.

"Ang ganda mo Miss!! More!!"

"Dance more!!"

"More!! More!! More!!" 

Sigawan ulit ng madla sabay hagis ng pera sa stage na sinasayawan ko. Nagulat ako, literal. Dahil hindi ko lubos akalain na ang isang kagaya kong baguhan sa larangan ng ganitong trabaho ay makakatanggap agad ng tip sa unang gabi ko. Hindi ko nga lang iyon pinahalata at mas lalong ginawang mapusok ang bawat galaw ko sa stage. Dahil sa isip ko, kung ngayon pa lang, makakarami na ako, baka... mabawasan ko agad ng malaki ang utang ko kay Mami Zie. At mas mabilis akong maka-alis sa lugar na ito ng maaga sa inaasahan ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa isiping iyon. Hindi ko itatangging nagkakaroon ako ng ligaya ng naisip iyon. Kaya dapat, mas galingan ko pa talaga, para mas makakuha ng malaking tip sa mga mayayamang tao na ito na nanonood sa akin.

"More!!"

"Show more miss! Ang sexy at ang ganda mo! Whoo!"

"Whoo!"

Hagis ulit ng ilang kalalakihan ng tip sa akin. Kaya naman ng mag-iba ang music sa mas lalong nakakatukso na kanta, ginawa ko ring agresibo ang bawat galaw ko. Ginamit ko ang pole na naka-tirik sa gitna ng stage na sinasayawan ko para isagawa ang plano ko.

Malamyos akong naglakad papunta ro'n at nanunukso ko iyong kinapitan habang nakatutok ang tingin sa madla. Sunod kong ginawa, hinawak ko ang isa kong kamay sa hita ko at unti-unti akong lumuhod sa sahig.

Mas lalong nagwala ang madla sa ginawa ko.

"Shit!! Miss, akin ka na lang!"

"Fuck, ang sarap mo Miss! More!"

"Anong number mo Miss!"

Nang makaluhod na ako sa sahig, giniling ko ang bewang ko sa mabagal na paraan habang nakahawak pa rin sa pole at nakatitig pa rin sa mga manonood. Umulan ulit ng mga tip sa akin sa ginawa ko, kaya naman ang kaninang malinis na stage na pinagsasayawan ko, malapit na ngayon mapuno ng iba't-ibang halaga ng perang papel.

May tuwang lumukob sa puso ko sa nangyayari dahil higit pa sa inaasahan ko ang mga nangyayari ngayon. Hindi ko tuloy nagawang hindi mapangisi habang patuloy pa rin sa pag-giling.

"Ang ganda mo talaga Miss!"

"Oo nga, akin ka na lang! I'll treat you right!"

"Gago ka pre! I-book mo na si Miss mamaya! Baka maunahan ka pa!"

"Fuck, of course!"

Natapos ang chorus ng kanta, kaya muli akong tumayo sa pagkakaluhod ko at sumayaw ulit ng mabagal. At habang ginagawa ko iyon, hindi ko napigilan ang mga mata ko bumalik sa sentro ng bar kung saan ko nakadaupang tingin ang lalaking may madilim na ekspresyon ang mukha kanina.

Nagulat pa ako ng bahagya, nang paglapat na paglapat pa lang ng mata ko sa malayong puwesto na iyon, siya na agad ang nakatinginan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla akong kabahan dahil ngayon, literal na nakatutok na talaga sa akin ang buong atensyon ng hindi ko kilalang binata. 

Seryoso niya akong pinapanood habang nakayuko ng bahagya at nakadantay ang dalawang siko sa mga hita habang may hawak siyang inumin na nakakalasing sa isang kamay. Wala na rin ang kaninang babaeng kahalikan niya. At literal na sa puwesto ko talaga siya nakatingin na para bang isa siyang liyon na nag-aabang lang ng magandang pagkakataon para atakihin ang target niya.

Nawala ako bigla sa sarili dahil sa pagkaka-intimidate sa kung paano makatingin ang lalaki sa buong pagkatao ko. Buti na lang, walang nakahalata sa mga nanonood na bigla akong nabalisa dahil maingay pa rin silang nagsisigawan sa bawat galaw ko.

Huminga ako ng malalim sa isip isip para makabalik sa konsentrasyon. Tinanggal ko rin ang tingin sa lalaki at sa ibang puwesto na lang tumingin dahil para akong napapaso sa sa kanya. Hindi rin ako gaano komportable sa malagkit niyang tingin... may iba sa mga tingin niya na kinakatakutan ng sistema ko. Hindi ko lang matukoy kung ano iyon pero, meron talaga.

Kanina ko pa iyon nararamdaman sa unang banggaan pa lang ng mga mata naming dalawa. Meron sa kaloob-loob-an ko ang sumisigaw sa akin na umiwas sa lalaking iyon sa kahit anong paraan dahil may kutob akong mapanganib siya.

Tinanggal ko na lang sa isipin ang lalaki at mas nag-pokus na lang sa pagsasayaw. Hindi ko na rin sinubukang balingan ng tingin ulit ang sentrong puwesto ng club kung saan ang lalaking bumabagabag sa akin naka-puwesto.

Nagpatay malisya na lang ako at inisip na hindi nanonood sa akin ang lalaki kahit na, mahirap iyon gawin dahil sa buong pagsasayaw ko ng gabing iyon, ramdam na ramdam ko ang purong itim niyang mga matang nakasunod lagi sa bawat galaw ko.

Buti na lang rin, pagkatapos pa ng ilang patugtog ng music, natapos na rin ako ng gabing iyon.

"Whoo!! Ang galing mo Miss!"

"Ikaw na lagi ang papanoorin ko! I love you Miss!"

"Gago ka pre! Anong I love you ka d'yan! Nakakahiya ka!"

"haha! Ang ganda at ang sexy pre, e! Anong magagawa ko?"

Napangiti ako ng kaunti ng marinig ko ang mga sigawan na iyon ng pababa ako ng stage. Tumingin ako sa gawi ng pinanggalingan ng sigawan, at mas lalo akong napangiti ng makita kung gaano nagulat ang grupo ng mga lalaki ng makitang nasa kanila na ang atensyon ko.

Sinuntok ng katabing lalaki ang kaibigan niya, "Gagi ka pre! Nakakahiya ka! Narinig tayo ni Miss!"

"Shit, ang ganda niya pala lalo kapag nakangiti, may gusto na rin ata ako sa kanya."

"Hoy pre, gago! Ako ang nauna sa pila! Pumila kayo sa likuran ko, ako ang unang didiskarte kay Miss!"

"Haha!"

Napa-iling na lang ako sa kakulitan ng grupong iyon. Pati ang mga kalapit nila, natawa rin. Nakakatawa naman kasi talaga. At sa punto ring iyon, na-realize ko na kahit hindi ako komportable na mga salitang binitiwan nila: maganda, sexy, maputi, o ano pa... siguro kailangan ko na rin sanayin ang sarili ko makarinig ng mga ganoon dahil simula ngayon, sa lugar na ito muna iikot ang maliit kong mundo.

"Good job, Kylie. Maganda ang performance mo, unang gabi mo pa lang," bungad ni Mami Zie ng tuluyan na akong nasa backstage ng club.

Tinanggap ko muna ang inaalok niyang roba sa akin bago sumagot ng nahihiya, "S-Salamat po..."

Ngumiti siya sa akin ng tipid, "Kung magpapatuloy ang malakas na ganitong kita mo, baka mabayaran mo agad ako at maka-alis ka agad dito."

Sa sinabing iyon ni Mami Zie. Hindi ko napigilan ang pagliwanag ng pagod kong mukha, "T-Talaga po?!"

Natawa siya at napa-irap sa ere, "Talagang ayaw mo dito, huh? Bakit? Dahil hindi marangal na trabaho ito?"

Napatungo at hindi ako nakasagot na sa tanong na iyon ni Mami Zie. Hindi dahil takot ako sa kanya o ano, halata naman sa tono niyang pabiro lang ang tanong niyang iyon sa akin, datapwat, hindi ko lang iniisip sa sarili na ang ganitong trabaho ay hindi marangal.

Trabaho pa rin ito. At alam ko, wala ako sa posisyon para manghusga kung ano ang mabuti at masamang trabaho dahil sa panahon ngayon, lahat, pinapasok na ang uri ng mga trabaho para mabuhay at magpatuloy lang. At wala ako sa posisyon para husgahan ang sino man sa kanila sa pinili nilang trabaho katulad ng ganito dahil may rason sila na hindi ko alam kung bakit nila pinili ang ganitong buhay.

A-Ang akin lang, wala akong tapang sa sikmurain ang ganito trabaho. Wala akong lakas ng loob at tatag katulad ng mga babaeng nandito.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Mami Zie ng maging awkward at naging tahimik kami sa isa't-isa dahil sa birong pinakawalan niya, "Anyway, wala naman akong paki-alam kung ayaw mo manatili sa trabahong 'to. Ang akin lang, kung gusto mo talaga umalis dito, pagsumikapan mo munang mabayaran ako."

Tumungo agad ako. Dahil iyon naman talaga ang balak kong gawin una pa lang. 

Dinala ako ni Mami Zie sa office niya at doon, nag-usap ulit kami ng tungkol sa magiging set-up ko rito sa club.

"Ang mangyayari, dito ka muna titira sa loob ng Club. 'Wag ka mag-aalala may nakalaan na kuwarto para sa 'yo rito, ihahatid kita mamaya doon pagkatapos natin pag-usapan ang mga importanteng bagay."

Tumungo ako at maiging nakinig sa kanya.

"At tungkol sa suweldo mo, kadalasan, walang hati ang Club sa mga binibigay na tip sa 'yo ng mga customers, dahil tip nga nila sa 'yo iyon, pero dahil ikaw ang magbabayad ng perang binigay ko sa Tita mo, ang mangyayari, Seventy-thirty ang hatian. Seventy sa akin, thirty sa 'yo, payag ka ba do'n?"

"Opo," sagot ko agad. Dahil hindi ko naman kailangan ng malaking pera. Sarili ko lang naman ang pag-gagastusan ko at hindi rin naman ako pihikan sa pagkain. Kaya ko nga mag-ulam ng delatang sardinas ng buwan ang tagal. Kaya ayos lang talaga.

Ang mahalaga lang sa akin ngayon, makabayad agad kay Mami Zie, maka-alis dito ng mas maaga, at makahanap ng mas ok na trabaho at mag-ipon para ma-ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko.

May mga sinabi pa sa akin si Mami Zie tungkol sa mga pasikot sikot na regulasyon at batas sa club na dapat alam ko bago kami tuluyang matapos sa pag-uusap. Binigay niya rin sa akin ng gabing iyon ang una kong kita.

"T-Trenta mil M-Mami Zie??" gulat kong wika ng iaabot niya sa akin ang makapal na brown envelop na naglalaman ng kinita ko 'daw' ngayong gabi.

Mabilis siyang tumungo at ngumisi sa akin, "Oo Kylie, iyan ang unang sahod mo sa unang gabi mo rito. Kaltas na rin d'yan ang pursyento ko. Puwede pa 'yang tumaas o bumaba, naka-depende sa makukuha mong tip bawat gabi."

Iyon ang nirason sa akin ni Mami Zie sa malaking halagang natanggap ko na puwede ko na mapagkasya sa mga susunod pang mga buwan.

Hinatid niya na rin ako pagkatapos niya maabot sa akin ang parte ko sa tinutukoy niyang magiging kuwarto ko. Nagpa-alam na rin kami sa isa't-isa kalaunan at tuluyang naghiwalay.

Pagpasok ko sa magiging kuwarto ko, sinuyod ko ng tingin ang buong paligid. Malaki siya. Mas malaki kesa sa dati kong kuwarto sa bahay ni Tita. May sarili na rin siyang CR at maliit na kusina na para sa isang tao lang. Kumpleto na rin lahat ng gamit maging tv, ref, at kama. 

Naligo ako para makapagpahinga na mamaya dahil bukas, tuloy na naman ang buhay. At habang sinasalubong ko ang mainit na tubig ng shower na bumabagsak sa mukha ko, hindi ko napigilan ang sarili balik tanawin ang mga nangyari ngayong araw sa akin.

Sa pagkalubog ng Tiyahin ko sa utang, sa pag-benta niya sa akin sa strip club, sa pagiging pole dancer ko— lahat. Binalik tanaw ko. At inisip na lahat ng iyon, baka may rason talaga kung bakit nangyari dahil wala namang aksidenta lang sa buhay.

Siguro ngayon, hindi ko pa alam. Pero siguro, kapag nalagpasan ko na ang puntong ito ng buhay ko, malalaman ko rin kung ano iyon. Basta sa ngayon, kailangan ko lang magpakatatag.

Tama si Tita Susan. Simula ngayon, kargo ko na ang sarili ko. Kaya kailangan ko pang mas pagsumikapan para maitaguyod ang sarili. Hindi dito sa madilim na lugar na ito iikot ang buong buhay ko. Hinding hindi. Naniniwala ako doon.

Aalis ako dito. Babayaran ko muna ang utang ko kay Mami Zie at papatunayan ko yon sa sarili ko.

Tama... tama...

Binuksan ko ang mga namumungay kong mga mata at pinatay ang shower. Sinuklay ko pati ang basa kong buhok paibaba at tumitig sa kisame para i-imagine ang imahe ng isang ako na may trabahong maayos, nakatira sa mumurihang apartment, at pinagsasabay ang pag-aaral.

Napangiti ako sa sarili ko ng maisip ko iyon. Pero nawala rin ng bigla ko na lang maalala ang binata kanina na nasa sentro at hindi umaalis ang titig sa akin.

At aaminin ko, guwapo ang binata. As in guwapo talaga. Sa malinis na gupit pa lang ng buhok at sa maypagka banyagang postura ng mukha, gagapang na agad ang mga babae sa paanan niya.

Pero... kahit ganoon, meron pa rin talaga sa kanya ang nagpapakaba sa akin sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko alam, pero ngayon ko lang napansin na ang kaninang mga tingin niya sa akin... para bang... may gusto siyang angkinin...

Ano kaya iyon?

Itutuloy...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status