Share

Kabanata 2

Kabanata 2

Mabilis lumipas ang mga araw at linggo sa buhay ko simula ng ipagkanulo ako ng sarili kong tiyahin sa isang strip club kapalit ng malaking pera.

At ang naiisip kong impyernong buhay na pagdadaanan ko sa pagiging bayarang babae ay taliwas sa natatamasa at nararanasan ko ngayon.

"Tangina pre, ang ganda talaga ni Miss Kylie 'no? Tignan mo, nandyan na siya, shit."

"Oo nga pre, kaya hindi talaga nakakapag-taka na ang bilis niyang nakilala kahit baguhan pa lang siya, sobrang galing niya pa sumayaw. Napanood mo na ba siya?!"

"Oo pre, siya nga ang dahilan kung bakit ako nandito. Hindi naman ako palatambay sa mga ganito. Satingin mo, may jowa na kaya 'yan si Miss Kylie?"

"Tss, pre, ang dami ko nang narinig na nagtanong niyan. Huwag ka na umasa. Interesido rin sa kanya si..."

Hindi ko na narinig ang dulo ng pinag-uusapan ng dalawang lalaking nadaanan ko ng tuluyan kong malampasan ang puwesto nila. Marami pa rin naman akong narinig na iba pang bulungan ng mga tao tungkol sa akin sa daan ko papuntang station ko . Pinagkibit balikat ko na nga lang ang mga iyon dahil ang karamihan sa mga iyon… normal ko na lang naririnig. Katulad ng puro papuri at pagtatanong kung... may jowa ba ako.

Huminga ako ng malalim sa isip isip at umiling.

Sa mahigit isang buwan ko nang pananatili dito sa strip club, nasanay na lang ako kusa sa mga ganoong klaseng bulungan at pag-uusap sa akin ng mga tao. Kusang nawala rin ang pagiging maselan ko makarinig ng mga ganoon komplementaryo sa iba ng tanggapin ko sa sarili kong parte talaga iyon ng trabaho ko bilang isang strip dancer.

Marami na ring nagbago sa akin simula no'n. Sa pananamit, pananaw, at pag-uugali. Siguro dala rin ng mga nakakasama kong mga tao sa pang araw-araw. Pero lahat naman ng mga bago sa akin ngayon, positibo naman.

Wala na rin akong balita kay Tita Susan simula ng ibenta niya ako. Hindi niya ako binista o miski tine-text man lang. Talagang parang bagong panganak na aso niya na talaga akong binigay. Datapwat, hindi ko na kinimkim at inisip pa iyon dahil mahirap ang may sama ng loob sa isang tao. Bahala na ang Diyos kay Tita Susan.

Basta ang huling balita ko na lang sa kanya kay Mami Zie, ginastos niya daw ang perang nakuha sa pagbenta sa akin sa sugalan at natalo niya iyon. Hindi niya ipinambayad ng utang katulad ng rason niya sa akin.

"Kylie, ayos ka na ba?" tanong ni Mami Zie ng makarating na ako ng tuluyan sa station ko kung saan siya naka-abang sa akin. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nahiya ako sa ginawa niya at napa-iwas ng tingin, "O-Opo... Mami Zie."

Bumuntong hininga siya ng malakas bago tumungo, "Oh, siya, the floors is yours."

Tinunguan ko na lang ang Mami bilang pagsang-ayon. Tinanggal ko ang robang suot suot ko at saka naglakad paakyat ng stage.

Ang suot ko lang ngayong gabi ay long leather black boots pa rin. Ngunit sa pang-itaas, red racer cycling short at red sports bra lang.

Naalala ko tuloy noong unang beses ko tong sinuot. Grabe ang pagmamakaawa ko no'n kay Mami Zie na huwag sa akin 'tong ipasuot dahil ayaw ko talaga magsuot ng ganito. Hindi ako komportable. Ok pa ako sa crop-top at denim short shorts kesa ang magsuot ng mga ganitong uri ng damit sa harap ng maraming tao. Pero ang sabi ni Mami Zie...

"Hindi puwede! Iyan ang isusuot mo dahil 'yan naman talaga ang dress code niyong mga pole dancer. Walang masama sa pagsusuot ng ganiyan, ang masama ay yung n*******d, kaya tigilan mo 'ko Kylie!" tandang tanda ko pa ang katagang niyang iyon pati na rin ang pilyo niyang ngisi sa akin. Kaya naman, kapag naalala ko iyon, napapabuntong hininga na lang ako at napapa-iling.

Nakatulong rin sa akin kahit papaano ang pagsusuot ng ganitong kaladlad na mga damit, dahil simula ng magsuot ako ng ganito, mas maraming tip ang natatanggap ko kada gabi. Kaya sinikmura ko na lang ang mga tingin ng mga lalaking nanonood sa akin at kalaunan, nasanay na lang rin. 

Umakyat na ako ng tuluyan sa stage. At katulad ng mga nakaraan, nasa hagdanan pa lang ako paakyat, nagsisigawan na ang mga tao sa akin. 

"Go Miss Kylie! Whoo! Ang ganda at ang sexy mo talaga!"

"Miss Kylie tingin naman dito!"

"Papansin naman kami Miss Kylie!"

"Miss Kylie, galingan mo! Mahal na ata kita!!"

Sa malakas na sigaw na iyon ng hindi ko kilalang lalaki, natawa ang madla. Maging ako. Dahil literal na umalulong ang sigaw niyang iyon sa buong bar sa sobrang lakas.

Napangiti ako at napa-iling sa isip isip ko. Grabe naman ang taong 'yon, mahal niya agad ako? Alam niya ba ang sinasabi niya?

Nang tuluyan na akong makita ng mga manonood, mas lalong lumakas ang sigawan nila. Ngumiti ulit ako sa kanila. Na dati ay hindi ko nagagawa dahil unkomportable pa ako, pero ngayon dahil sanay na, nngagawa ko na siya ng walang kahirap hirap at hiya-hiya.

"Miss Kylie!! Miss Kylie!! Miss Kylie!!"

Sabay sabay nilang bigkas sa pangalan ko. Pumwesto na ako sa tabi ng pole at hinintay ang musikang tumugtog habang nakangiti sa madla na tumatalon talon pa na para bang concert itong pinuntahan nila.

At nang tuluyan ng tumugtog ang pamilyar na nakakaliyong kanta. Nagsimula na rin akong humakbang paharap at sumayaw.

"Whooo!! Miss Kylie!"

Sigawan na naman ng mga manonood at nagsisimula pa lang man din, umulan na agad ng tip sa stage ko. Mas lalo kong ginagalingan ang pagsasayaw.

Pumunta ako sa gitna ng stage. Mabagal kong pinalapat ang kamay ko sa tiyan ko at habang ginigiling ang balakang ay unti-unti kong tinataas ang kamay ko papunta sa dibdib ko habang unti unting bumababa ang katawan.

Mas lalong nagwala ang madla sa ginawa ko at mas lalong umulan ng pera. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Wala akong inisip ng mga puntong iyon kung hindi ang kumita ng maraming pera hanggat kaya ko para mabawasan ko ng malaki ang utang ko kay Mami Zie at mas mabilis akong makaalis sa trabahong ito.

At ng nasa kalagitnaan na ako ng pagsasayaw ko, namataan ko na naman ang pamilyar na anyo ng lalaking naka-upo na naman mag-isa sa sentro at nasa akin na naman ang purong itim na tingin. Seryoso akong pinapanood ng lalaki habang ang nakakalunod niya sa dilim na mga mata ay lumiliyab sa pagnanasa.

Iniwas ko agad ang tingin ko sa puwesto niya sa takot na magkatitigan na naman kami.

Nang mag-simula ako dito sa strip club, araw-araw ko siyang nakikita sa parehong puwesto kung nasaan siya ngayon. Nanonood sa akin gamit ang purong itim niyang mga mata. Wala siyang palya miske isang gabi. Lagi at araw araw talaga siyang nandito. Naka-upo lang sa puwesto niya at pinapanood ang bawat galaw ko sa maliit na stage kung nasaan ako.

Noong una, hindi ko binigyan 'yon ng kahalagahan at pansin dahil sa isip ko, baka gusto niya lang talaga sa mga ganitong lugar dahil baka dito siya nakakapag-unwind. At normal lang naman na mapanood niya akong sumasayaw sa puwesto niya dahil doon sa puwesto nila, kita ang mga station ng mga pole dancers dahil VIP area iyon.

Pero ng tumagal at araw-araw ko na talaga siyang napapansin na sa akin lang siya nanonood. At kung minsan pa, nakikipagtitigan pa sa akin, doon na ako kinabahan at nabahala sa kanya.

Huminga ako ng malalim sa isip isip ko at ipinagsawalang bahala na lang ang lalaki katulad ng mga dati kong ginagawa. Nag-pokus na lang ako sa pagsasayaw at pilit hindi pinansin kung paano ako tunawin ng mga mata niyang parang sa akin kumukuha ng buhay dahil hindi man lang iyon maalis aalis sa akin.

At hanggang sa natapos ang gabing iyon, hindi ko na ulit siya binalingan pa ng tingin.

Nagpakawala ako ng buntong hininga ng nasa backstage na ako ng maalala ko na naman ang binata. Dati pa rin siya bumabagabag sa isip ko, bakit ba siya laging nakatingin sa akin? Ano bang kailangan niya? 

Ang mga tingin niya, hindi normal sa mga nakikita kong tingin ng mga lalaking nanonood sa akin. May laman ang tingin niya. Parang may sinasabi. Ramdam at alam ko. Kaya kapag tinitignan mo siya, para kang nalulunod sa lalim ng mga sinasabi ng mga mata niya sa 'yo. Kilala ko na rin ang pangalan ng binatang iyon. 

Zairo Emmanuel Del Ferrio. Isang kilalang bachelor sa bansa. Prominente at respetado sa larangan ng negosyo. Sa murang edad na twenty-six, CEO na siya ng kompanya nila. At higit sa lahat, kilala rin daw siya bilang isang tuso at mapaglaro sa mga babae. Hindi daw siya kailanman nag-seryoso sa kahit sinong babae na nakalandian niya, casual sex lang ang habol ng binata sa mga nakakalantaryo nito, kaya ang sabi sabi, marami rami na ang nadurog ang puso sa kanya.

Paano ko nalaman? Kay Mami Zie. Siya ang nag-kuwento sa akin ng mga impormasyon na iyon ng mapansin rin nito ang pagka-interest ng binata sa akin. Na sa una pa lang naman, hindi ko na gusto manguha.

"Kylie, good work again," bungad ni Mami Zie sa akin bago ako nginitian.

Sinuklian ko siya ng ngiti, "thank you po," bago uminom ng tubig na hawak.

"Oh, pinabibigay na naman ni..." sinadya niyang hindi bangitin ang pangalan ng ihalahad niya sa akin ang isang brown envelop na makapal.

Pinunasan ko muna ang basa kong labi bago pagkunutan ng noo ang nasa kamay ni Mami Zie. Tinaasan ko siya ng tingin, "Mami, ibalik mo po 'yan, hindi ko tatanggapin 'yan," matapang ko pang anas.

Umarko pataas ang isang kilay ni Mami Zie sa akin at napangisi siya ng malawak, "Bakit ba ayaw mo lagi tanggapin ang tip sa 'yo ng lalaking 'yon? Kulang ba?" kuryuso niyang tanong. Sinadya niya na namang hindi binanggit  ang pangalan ng lalaking pinag uusapan namin na araw-araw na lang nagpapaabot kay Mami Zie ng pera na tip niya daw sa akin.

Bumuntong hininga ako ng malakas, "Mami Zie, hindi ako tumatanggap ng pera sa kung sino kapag tapos na ako mag-perform."

"T-Talaga?! Sa kung 'sino' lang?" napapantastikuhan niyang diin sa huling sinabi. Umirap na ako sa ere. Hindi na sumagot dahil inaasar na lang ako ni Mami Zie. 

Tumawa siya, "Hoy, Kylie! Natuto ka na ng irap-irap ha! Parang dati lang, iyakin ka ah?!" 

"Mami Zie! Ano ba?!" nahihiya kony asik. Natawa ulit siya at umiling.

"Pero ano nga, sigurado ka bang tatanggihan mo ulit 'to? Ang laking pera nito, mababawasan nito ng malaki ang utang mo," pagbabalik niya sa usapan. Na ikinatahimik ko, dahil bigla kong naisip na tanggapin na lang ang perang binigay ng lalaking iyon dahil sa sinabi ni Mami Zei.

Umiling lang ako ng matauhan, "Opo Mami. Pasabi na lang po na hindi ako tumatanggap ng personal tip."

Tinunguan ako ni Mami Zie, "Sige, makakarating."

"Salamat po."

Ang tinutukoy ni Mami Zie na lalaki kanina ay walang iba kung hindi si Zairo Emmanuel Del Ferrio. Na naman.

Siya ang lalaking nagpapaabot kay Mami Zie ng pera at pinapabigay sa akin. Iyon rin ang isa sa dahilan kung bakit mas lalo lang akong nabahala sa totoong intensyon niya sa akin. Dahil hindi na talaga normal ang nararamdaman ko tungo sa kinikilos ng lalaking iyon.

Matitiis ko pa kung titingnan niya lang ako o papanoorin habang sumasayaw ako dahil masasabi ko pang normal iyon dahil strip dancer ako at siya ay customer ng club na ito. Pero ang pag-aabot ng personal tip sa akin? Hindi na. Hindi na iyon normal. At hindi rin ako naniniwala sa sinasabing rason ni Mami Zie na kaya ako gusto bigyan ng tip ng binata ay dahil magaling ako sumayaw. Pakiramdam ko kasi, alibay lang iyon ng lalaki.

 

Masama ang kutob ko sa kinikilos niya. Alam ko, na masama ang maghinala ng masama sa kapwa pero kasi ang mga katulad niyang lalaki... mahirap hindi paghinalahaan lalo na dahil sa reputasyon niya sa mga babae...

Pakiramdam ko, kapag tinanggap ko ang perang inabot niya, magkakaroon kami ng ugnayan sa isa't-isa. At iyon ang pinaka iniiwasan ko.

Nqpabuntong hininga ako at napa-iling sa daan tungo kong kuwarto ko sa mga iniisip.

Kailangan ko talagang iwasan ang lalaking iyon. Mapanganib siya. Kumpirmado ko na. Sa mga galaw niya pa lang, kailangan kong idistansya ang sarili ko sa kanya. Unting tiis na lang rin naman dahil dalawang linggo na lang naman ang panantili ko dito sa strip club at tapos na. Mababayaran ko na nang buo ang utang ko kay Mami Zie at pagkatapos, makakaalis na ako dito.  Salamat sa malakas at tuloy tuloy na kita ko.

Tama. Iyon nga ang plano. Kailangan ko siyang iwasan sa dalawang linggo kong natitira. Kailangan hindi ko mas lalong makuha ang interest niya...

Nang gabing iyon, may nabuo akong pangako sa sarili ko bago ako matulog. Kinabukasan naman, kabaligtaran, dahil  masamang balita ang bumungad sa akin pagkarating na pagkarating ko sa office ni Mami Zie ng ipatawag niya ako.

"Nabugbog?!" gulantang kong reaksyon ng ibalita sa akin ni Mami Zie na nabugbog daw sa labas ng club kagabi iyong lalaking malakas na sumusuporta sa akin gabi.

Nagpakawala ng malakas na buntong hininga si Mami Zie at napahilot ng sintindo, "Oo Kylie, nabugbog yung lalaking 'yon. At hanggang ngayon, hindi pa rin daw nagkakaroon ng malay sa hospital."

Nilukob ako ng matinding pag-aalala para doon sa lalaki, kawawa, "B-Bakit daw po siya nabugbog Mami Zie? Nakipag-ayaw ba? Nag-amok? Tinambangan?"

"Bigla na lang siyang binugbog," matagal na sagot ni Mami Zie sa akin. Mas lalo akong kinabahan.

"H-Huh?! Sino po?!"

hindi niya muna ako sinagot. Tinaasan niya muna ako ng tingin bago seryosong binuka ang bibig.

 "Si Zairo Emmanuel Del Ferrio, Kylie. Siya ang bumugbog doon sa lalaki."

Itutuloy...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status