LOGINIsang gabing malungkot na nauwi sa mapupusok na damdamin. Hindi niya inasahan na magbubunga ang gabing akala niya ay makakatulong sa kanya para makaalis sa problemang dinadala. Siya si Irish Marquez, nabuntis siya ng lalaking nakasama niya sa isang gabing pagsasaya, at hindi niya inakala na ang lalaking iyon ay ang pinaka mayaman sa buong bansa, si Guiller Melchor Mendez.
View MoreChapter SixteenTahimik ang paligid, tila walang gustong magsalita dahil sa pagkabigla ng kanilang narinig mula sa nars. At nang mapansin ng nars ang naging reaksyon nilang apat ay agad na itong nagpaalam para umalis, sinabi lang ulit ang instruction nito na pwede na silang makalabas sa hospital. Kahit lumabas na sila sa hospital, hindi pa rin kumibo si Irish sa kanilang tatlo, bitbit niya lang ang kanyang anak kahit na nahihirapan siyang maglakad at kahit na gusto nilang tatlo na tulungan siya ay tila nawalan siya ng pakialam, dahil hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nalaman niya; kahit si Sally ay hindi rin alam kung paano kausapin si Irish, naisip niya kanina na baka galit si Irish sa kanya. Pagtingin sa isa’t isa ang naging komunikasyon nina Sally at Jessica na para bang sa pamamagitan ng mga mata nila ay nagkakaintindihan sila tungkol kay Irish. Nasa loob na sila ng kotse at kahit na si Jarson ay hindi rin alam kung paano magsalita dahil sa katahimikan, pinagdasal niya na l
Chapter Fifteen Grabe ang pag-alala ng mga kaibigan ni Irish sa kanya na sila Sally, Jessica at Jarson dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising, anim na oras na simula nang ilipat siya sa kanyang kwarto pagkatapos manganak. Marami na rin napag-usapan ang magpipinsan at nagawa labas pasok sa loob ng kwarto, kasama na sa pag-uusap nila ang tungkol kay Guiller at Irish. Ngunit nagawa lang nilang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon nang lumabas si Guiller at umalis sa ospital dahil sa biglaang emergency sa kumpanya nito. “Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa mo ang bagay na iyon, Sal,” komento ni Jessica sa kanyang pinsan nang malaman niya ang ginawa ni Sally. Umiwas nang tingin si Sally at saglit na bumaling kay Irish na wala pa rin malay at bumalik ulit kay Jessica. “Huwag mong babanggitin kay Irish ang napag-usapan natin, magagalit siya sa akin at ayaw kong mangyari iyon,” mahina niyang sabi.Aangal pa sana si Jessica nang may biglang kumatok sa pintuan kaya sab
Chapter FourteenHindi makagalaw si Guiller sa kinatatayuan niya habang nakatingin pa rin nang seryoso kay Jarson, walang emosyon ang mga mata nito ngunit kita ng mga taong kasama niya na hindi ito natutuwa. Umigting din ang kanyang panga at dahan-dahang ikinuyom ang mga kamao na tila ba handa ng suntokin ang lalaking kaharap niya ngayon. “Ano bang sinasabi mo, Jar?” bulong ni Jessica sa kanyang kapatid at pinilit na hilahin palayo kay Guiller nang makita ang hitsura ng lalaking handa nang magalit. Ngunit hindi pinansin ni Jarson ang kanyang kapatid, nakipag-talasan din siya ng tingin kay Guiller. “Narinig naman siguro ng lalaking ito ang sinabi ko. Hindi naman siguro siya kaano-ano ni Irish, hindi ba?”Pumikit nang mariin si Sally dahil sa sinabi ng pinsan, tila ba natatakot siya sa posibleng mangyari kay Jarson kaya agad niya itong nilapitan at hinila palayo. Nagtataka naman si Jarson sa ginawa ni Sally. “Ano bang problema mo? Anong pumasok sa kokote mo na sabihin ang mga salitan
Chapter ThirteenNine Months After…Kabuwanan na ni Irish at lahat ng mga kasama niya ay excited, ganoon din naman siya ngunit kinakabahan siya sa posibleng mangyari na tila ba ngayon niya lang naramdaman ang takot. “Kanina ka pa tahimik, okay ka lang ba?” tanong ni Sally sa kanya. Ngayong linggo ay nagsimulang mag labor si Irish sa tulong ng tatlong kaibigan. Tumingin siya kay Sally. “Naisip ko lang kung paano ko buhuhayin ang batang ito paglabas niya, at paano ko sasabihin sa kanya ang totoo tungkol sa tatay niya,” mahabang sabi ni Sally. Hinawakan naman ni Sally ang kamay niya at inayos ang hibla ng buhok. “Huwag kang mag-alala, palagi kong sinasabi sa’yo na nandito lang naman ako para tulongan ka.” Ngumiti si Sally sa kanya at tumingin lang din siya kay Sally nang biglang may sumagi sa isip niya. Mga nakaraang buwan, hindi na pumasok si Sally sa trabaho pero lagi itong lumalabas ng bahay at pagka-uwi niya may dala na itong maraming gamit, tulad ng grocery at iba pang pwedeng
“Anong nangyari?” Iyan agad ang bungad na tanong ni Sally nang makalabas siya sa opisina ni Guiller. Mas mabilis pa sa alas-kuwatro na kumalat ang balita sa buong building na hinila siya ng bagong Presidente ng kumpanya patungo sa opisina nila, siya rin ang ginawang dahilan kung bakit hindi natapos
"Handa ka na ba?" tanong ni Sally kay Irish nang makarating sila sa kumpanya kung saan siya nagtatrabaho.Bumuntong hininga si Irish at tumango sa kanyang kaibigan. Kinakabahan siya hindi dahil hindi siya makakapasok sa kumpanya, alam niya kung paano makapasok ngunit ang iniisip niya ay baka may ma
Kinabihan nang makauwi si Sally mula sa kanyang trabaho, nadatnan niya si Irish sa kusina na nagluluto, agad din namang bumaling si Irish nang maramdaman niya ang presensya ni Sally. "Hey...nandyan ka na pala." Nakangiting sabi ni Irish sa kaibigan at sinarado niya na ang kalan dahil sakto ay tapo
Nagising si Irish na sumasakit ang ulo niya at hindi alam ang nangyari, pero ramdam niyang nasa malambot na kama siya. Dahan-dahan siyang bumangon habang hawak-hawak ang kanyang ulo, hindi niya pa nabubuksan ng buo ang dalawa niyang mata pero nang may marinig siyang nagbukas ng shower sa banyo, aga












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews